"GOOD evening po. Ano pong kailangan niyo?" bungad na tanong ni Myla sa babaeng nasa pintuan."Andiyan ba ang Mommy mo?" Agad nabosesan ni Vesper ang taong kausap ni Myla sa pinto. Lumingon siya at nakumpirma kung sino iyon.Umalis muna si Vesper sa pagkakaupo sa sahig upang harapin ang kaibigan. "Oh, Nelma. Napadaan ka. Halika, pasok ka muna."Kanyang inimbita si Nelma sa loob para makapag-usap sila nang maayos. Dito, naabutan ni Nelma ang gown na halos mapagkamalan niyang basahan dahil sa hitsura nito."Hala ka! Bakit ganito ang nangyari sa gown mo?" gulat na gulat na sambit ni Nelma hawak ang gown.Binaling niya pansamantala ang atensyon kay Myla. "Anak, pasok ka muna sa kwarto. May pag-uusapan lang kami ng Ate Nelma mo.""Okay po," sagot ni Myla sa kanyang ina. "Nice to meet you po pala, Ate." Myla bowed her head as a sign of respect. Nahihiyang ngumiti si Nelma bilang pagtugon.Nang sila na lang ang maiwan sa salas ay muling itinuloy ni Vesper ang kanilang pinag-uusapan."Tungkol
PAKIRAMDAM ni Vesper ay hinahabol siya ng sampung kabayo sa lakas ng kabog ng dibdib niya gawa ng mga matang nakapukol sa kanya. All this time, she thought that people would laugh at her but what happened is the opposite of what she expected.They were looking at her with admiration for being so attractive. Who would have thought that a mom like her would look gorgeously younger than everyone else? And what's even more surprising? Hindi lang ang mga kaklase, schoolmates at teacher niya na nasa venue ang napanganga sa kanyang ganda."Mavi..." Vesper mumbled his name when she caught him staring at her. Animo'y tumigil saglit ang oras nang magkatitigan sila.Manghang-mangha siya sa kakisigan ng lalaki. Bagay na bagay ang suot nitong leather shoes, itim na slacks at dark coat na pinailaliman ng puting polo. Also, there are diamonds attached around his collar like a tie that sparkles from its facets. He looks so expensive like a precious gemstone that she can't afford, unfortunately.Bago
MAVI was trying to enjoy those three minutes of waltz with Reign but he couldn't get Vesper out of his head. Mas masaya sana kung si Vesper ang babaeng isinasayaw niya ngayon. Although, Reign was his friend and he once fell in love with her, but damn, iba pa rin talaga kapag si Vesper ang kasama niya—the mother of his child and the woman he would die to be with for the rest of his life."Masaya ako na kasama kita ngayong gabi, Mavi," nakangiting sambit ni Reign.Mavi forced a smile and lied to her, "Me as well.""I'm so lucky na ikaw ang naging partner ko. You're a good dancer," Reign complimented him."Well, thank you," nasabi na lang niya.As much as Mavi wanted to disagree with her but he can't. Reign wouldn't have been his partner if she didn't block his way through Vesper. Uh. When this party will be over? Boy, he's so sick of pretending to be happy all the time but deep inside, he's just being forced to get along with Reign.He wanted to leave right here and then.Huminto ang kan
"MYLA," tawag-pabalik ni Vesper sa bata."Sorry po, Mommy. Binuksan ko po 'yong bag niyo na nakatago sa ilalim ng kama. Noong masilip ko po sa door 'yong ginawa ni Mister Mavi, naalala ko po si Cinderella kaya hinanap ko po sa bag 'yong shoe.""You're a very smart kid, Myla," nakangiting papuri naman ni Mavi.The little girl smiled back. "Thank you po, Mister Mavi." Tumakbo ang bata palapit sa kanila at binigay kay Mavi ang sapatos. "Ito na po 'yong shoe, isuot niyo na kay Mommy!""As you wish, little princess," anito habang nakalagay ang isang kamay nito sa kanyang dibdib na parang isang butler na umaayon sa utos ng kanyang amo, sunod niyang kinuha ang sapatos mula sa kamay ni Myla at isinuot iyon sa paa ni Vesper."I have another wish po, Mister Mavi. Puwede niyo po ba isayaw si Mommy? Ang sabi niya po kasi kanina, nawalan daw ang kuryente sa party kaya hindi natuloy 'yong dance. Please?" pakiusap ng bata na halos pigilan na ni Vesper."Myla, huwag na. Nakakahiya kay Mister Mavi mo—"
"OKAY ka lang ba? Anong problema?" tanong ni Vesper kay Mavi.No words came out of his mouth. Hindi niya alam kung anong dapat niyang gawin. He couldn't just pick up the call while Vesper is in front of him.Hindi rin naman niya puwedeng patayan ng telepono 'yong caller. Bawat tawag na natatanggap niya mula sa taong 'yon ay mahalaga. It could bring him some good news or bad ones.Mavi failed to answer the call after twenty seconds of ringing. Nakahinga siya nang maluwang nang hindi na tumawag pang muli ang caller na iyon."You didn't answer the call," she informed. "Isa ba 'yan sa mga nanggugulo sa 'yo?""N-No," he replied. "I-It's Frank, my manager. Kinukulit lang ako n'on na gumawa ng isang bagay na ayoko namang gawin regarding sa music catalogue ko. Ayoko munang isipin ang tungkol do'n. Nas-stress lang ako.""Gano'n ba." Mavi nodded. He knew it wasn't his manager but someone very important to him. He got no choice but to lie for it at pagtakpan ang katauhan ng taong iyon.'Now's not
DALAWANG araw nang nagmumukmok sa condo si Reign matapos ang acquaintance party. Kagigising niya lang at tahimik na nakasandal sa headboard ng kama. Hanggang ngayon, masama pa rin ang loob niya dahil sa nanagyari. Hindi niya matanggap na naisahan siya ni Mavi. The night after the party, napag-alaman ni Reign na hindi pala pumunta sa clinic ang lalaki gaya ng paalam nito sa kanya. Ayon sa ilang mga nakakita, kasama raw nito ang dalawang bodyguards at dumiretso sa parking lot na parang walang iniindang sakit.Kumuyom ang palad niya nang maisip niya 'yon. He pretended to be sick so he had a better reason to excuse himself! How dare he toy with a Reign Alexis Ibarra? Gano'n na lang ba siya itapon nito na parang hindi ito nabaliw sa kanya noon? Ngayong siya na ang lumalapit kay Mavi ay saka naman siya nitong pilit isinusuka!Ayaw niya mang aminin pero pumalpak siya sa plano niyang imbitahin si Mavi sa condo. Iyon na sana ang pagkakataon niya para angkinin ang lalaki pero dahil naisahan siy
"WHAT do you want from me, Kuya Bradford?" Imbis na sumagot ay nakakalokong tawa ang nakuha niya mula sa nakatatandang kapatid. Lalong nag-init ang ulo ni Reign dahil dito. "Bullshit! Kung wala kang matinong sasabihin, ibababa ko na 'to! Wala kang kwentang kausap!" bulyaw niya rito."Ganyan ka ba talaga? Minsan mo na nga lang ako kausapin, maninigaw ka pa," nanunudyong wika nito sa kanya."How did you get my number?" Reign asked."I don't need to explain why I have your damn number," Bradford replied coldly.Umikot ang mga mata ni Reign at lalong sumimangot. Uh, kahit anong pagpapalit niya ng sim card ay hindi pa rin siya tinatantanan ni Bradford at nalalaman pa rin nito ang kanyang numero.Hangga't maaari, umiiwas siya kay Bradford. Paulit-ulit lang siyang sesermunan nito tungkol sa ginawa niyang pagkumbinsi sa kanilang ama na i-hire si Mavi bilang instructor ng ICE, knowing na malaki ang atraso ni Mavi sa binata dahil sa mga utang nito na hindi pa rin nababayaran hanggang ngayon. Not
LUNCH BREAK nang imbitahin si Vesper sa opisina ni Mavi para samahan itong kumain. Hindi na siya umangal pa tutal ay wala naman siyang kasamang mag-lunch.Absent si Nelma at bukas pa raw ito makakapasok. Kaysa naman magpaka-loner sa canteen ay tinanggap na lang niya ang alok ng lalaki. Iyon nga lang, naging maingat siya sa pagpunta sa office nito upang walang ibang makapansin ng pagpasok niya roon.Pinagsaluhan nila ang pininyahang manok, kanin at tig-isang baso ng lemonade juice. Kapwa nabusog sila sa in-order na pagkain ni Mavi para sa kanila. Nakuha pa nilang magkuwentuhan pagkatapos kumain."Grabe. Ang tagal ko ring hindi nakakain ng ganyang dish," banggit ni Vesper habang nakasandal sa upuan kaharap si Mavi na nakaupo naman sa swivel chair.Muli itong nagsalita. "Naalala ko dati kapag pumupunta ako sa boarding house mo pagsapit ng hapon, nagpapatulong ka pa sa 'king maghiwa ng ingredients pero ang ending, lagi akong nasusugatan ng kitchen knife. Pati paghihiwa ng sibuyas, pahirapa
ONE YEAR LATER(VILLAHERMOSA REST HOUSE IN PALAWAN)NAPUNO ng tawanan ang living room habang masayang naku-kuwentuhan ang magkakaibigang sina Vesper, Jasmen at Nelma. Dumating sila kagabi sa Palawan mula Maynila upang bisitahin si Vesper, na matagal din nilang hindi nakita.Sinamantala na ni Vesper ang pagkakataong iyon para bigyan sila ng exclusive tour sa kanyang tahanan. Sa nakalipas na isang taon, malaki ang pinagbago ng resthouse ni Michael sa Palawan. Ang noo'y malawak na lupain lamang ay dinarayo na ng mga turista dahil sa iba't ibang amusement rides at attraction na mayroon ang lugar na ito, at tinawang nila itong Wonderfair.Binuksan nila ito sa publiko noong nakaraang buwan lamang pero dagsaan na ang bumibisita rito. Katuwang niya si Michael sa pagpatakbo ng Wonderfair habang si Nathan at ang dalawang bodyguards na sina Robert at Luther ay binigyan nila ng magandang posisyon sa kumpanya."Ate Vesper, maraming salamat sa binigay niyong second chance kay Kuya Nathan, ha. Malaki
LIMANG araw matapos pumutok ang balita sa pagpanaw ni Mavi Villahermosa, nagtipon-tipon ang mga tao sa Starview Memorial Park upang idaos ang memorial service para kay Mavi bago ito ihatid sa kanyang huling hantungan. The service starts at 1:00 PM. Even though Vesper couldn't come because of her gunshot wound, she was able to catch up via video call from Michael's cellphone. She was left alone in her private room but Michael assured that she will be safe while he's not around. He hired extra security to protect her privacy just like what he always did to Mavi before.She has a vision of his silver casket from the video footage as the tribute song played. Parang pinipira-piraso ang puso niya dahil isa 'yon sa mga kanta ni Mavi na kasalukuyang inaawit ng kapwa singer nito. Mas sumidhi ang kanyang emosyon nang marinig niya mula sa video call ang paghikbi ng kanyang anak na nakaupo sa tabi ni Michael."Mamimiss ko po siya kahit saglit ko lang po siya nakitang buhay," malungkot na pahayag
PARANG isang pelikula ang nangyaring pamamaslang kay Dominic sa harap mismo ni Vesper. Masama man ang loob niya sa kanyang ama, naniniwala siyang maraming paraan upang mapagbayaran ni Dominic ang naging kasalanan nito sa kanya at hindi sa paraang ito.Malakas na hagulgol ang pinakawalan ni Vesper habang nanlalaki ang mga matang nakatingin sa malamig na bangkay ni Dominic na ngayon ay naliligo sa sarili nitong dugo. Who on earth could have done this?Well, katabi niya si Michael na kahit may tama ng bala sa kaliwang binti ay nakayanan pa ring manutok ng baril kay Dominic kanina. Ngunit sigurado siyang hindi si Michael ang bumaril dahil malayo ang distansya ng tunog mula sa kanyang posisyon. Idagdag pa ang bala na nanggaling sa likurang ulo ni Dominic na siya namang tumagos sa noo ng matanda. Talagang napaka-imposible.If Michael didn't do it, then there is only one person who could have pulled it off.Huli na nang mapansin niya ang isang lalaki na nakapwesto—ilang hakbang ang layo mula
NATARANTA si Vesper sa nakakabinging tunog na nagmumula sa labas ng bahay at sa lakas n'on ay tila nagpapahayag ito ng kanilang nalalapit na katapusan."Michael, anong nangyayari?!" natatakot na tanong ni Vesper hawak ang magkabilang tainga."Boss, we're screwed up! Natunton tayo ng mga kalaban!" anunsyo ni Robert kay Michael."Well, shit," he cursed out.From his standpoint, Michael quickly took his weapons from the cabinet. "Anong plano mong gawin?" tanong ni Vesper."Ano pa ba? Eh 'di, tatapusin namin sila," Mike answered fearlessly."What? How?"Michael didn't buy time to respond to her questions. He loaded his two pistols with enough bullets and keep some of them as a spare just in case he ran out of shots. Ikinasa niya ang dalawang baril at walang takot na humakbang palabas."Vee, go upstairs. Bantayan mo si Myla," bilin pa nito sa kanya. "Robert, let's take the front. Luther, stay at the backdoor. Siguraduhin mong walang makakapasok na kalaban," utos naman ni Michael sa dalawang
More than eight years ago...MICHAEL woke up in his bed after he underwent another cycle of his chemotherapy this morning. Mas maayos ang pakiramdam niya ngayon kumpara kanina pagkagaling nila ng ospital. 'Yon nga lang, nabanggit ng ina niyang si Miranda na luluwas ito ng Pampanga para pumunta sa burol ng kanilang kamag-anak na namatay, pero ang kagandahan nito ay tinawagan siya ni Mavi kanina para ipaalam sa kanya na bibista ito sa bahay para bantayan siya. Binilin pa nitong huwag sabihin sa kanilang ina ang balak niyang pagbisita dahil surpresa raw iyon.Hay. Miss na miss na niya ang kapatid niyang iyon. Dahil sa Maynila ito nag-aaral ay minsan na lang sila magkita, gayumpmanan, madalas naman silang nag-uusap sa telepono. Ang madalas nilang pag-usapan? Stressful projects and exams at syempre, ang girlfriend nitong si Vesper.They used to talk about her very often. Nagmistula siyang diary ni Mavi dahil lahat ng ginagawa nila ni Vesper ay nababanggit niya kay Michael kaya para na rin n
PINILIT ni Vesper na lapitan si Mavi kahit pa ibig-ibig nang bumigay ng mga tuhod niya. This is not the 'Mavi' she was expecting to see. Gusto niyang humagulgol dahil sa kaawa-awang kalagayan nito.Hindi siya sanay na makita ang taong mahal niya na nahihirapan ng ganito. Panay tusok ng karayom ang magkabilang kamay, at butas ang leeg dahil sa tubong nakakonekta sa ventilator na siyang tumutulong sa kanyang paghinga.Bago pa mawalan ng lakas ang kanyang mga paa, mariing kumapit si Vesper sa side rail ng kama. She took his hand as tears began blocking her vision."Hindi ko inakalang sa ganitong klase ng sitwasyon tayo magkikita, Mavi. Walong taon akong nagtiis nang wala ka. Sa awa ng Diyos, nakabangon ako at napalaki ko nang maayos ang anak natin," she said in pain.Pinalapit niya ang kanyang anak kay Mavi at ipinakilala ito sa pasyente. "This is Myla, siya ang bunga ng pagmamahal natin noon. Siya ang dahilan kung bakit naging matatag ako. Ang dami niyang namana sa 'yo. Kamukhang-kamukha
NATAGPUAN ni Vesper ang sarili na naliligo sa sarili niyang luha dahil sa mga pasabog na binulgar ni Michael sa kanya. Nanggigigil na piniga niya ang hawak na telepono at itinapon sa sahig. "So kung hindi ko pa hinalungkat ang cellphone mo at nahanap ang mga litratong 'yan, hindi ko pa malalaman ang totoong nangyari kay Mavi? Patuloy mo pa rin kaming lolokohin ni Myla, gano'n ba?" she screamed in frustration and disappointment."No, Vee. It's not what it is. Hindi ako umamin sa 'yo dahil umaaasa pa rin ako na isang araw, magigising ang kakambal ko. As soon as he wakes up, he will be able to continue what I've started," Michael replied, denying her accusations."Pero hindi mo maaalis ang katotohanan na niloko mo kami ng anak ko! 'Di mo ba alam kung gaano kasakit sa 'min 'yon? Paano ko ipapaliwanag kay Myla na 'yong totoong daddy niya ay naghihingalo sa ospital at ang lalaking inakala niyang daddy niya ay uncle niya pala! Have you ever thought about that, Michael? Sobrang masasaktan si
MISTULANG matigas na yelo ang lalaking kaharap ni Vesper at hindi makakibo nang isampal niya sa pagmumukha nito ang mga ebidensyang nakalap niya sa cellphone nito. Maski siya'y muntik na ring ma-estatwa kanina. Sino ba namang hindi kikilabutan gayong may posibilidad na ang lalaking katabi niya kanina sa kama ay hindi si Mavi?"Uulitin ko ang tanong ko. Ikaw ba si Mavi?" mariin niyang tanong. Nang wala siyang makuhang sagot ay naitulak niya nang bahagya ang lalaki. "Ano? Bakit hindi ka makasagot? Magsalita ka!""I'm sorry, Vesper—" Naging maagap ang reaksyon ni Vesper dahil sa mga salitang 'yon at isang malakas na sampal ang iginawad niya sa kaliwang pisngi ng lalaki."So inaamin mong hindi ikaw? Kung gano'n, sino ka?!" pasigaw na tanong ni Vesper.Dahan-dahang nag-angat ng tingin ang lalaki at nagpakilala. "I'm Mavi's twin brother and body double. My name is Michael Villahermosa."Nagulantang ang sistema ni Vesper sa narinig niyang rebelasyon. Sinong mag-aakala na ang lalaking plano ni
ONE WEEK LATER...KATATAPOS lang mananghalian ni Vesper at ngayon ay kasalukuyan siyang nakahiga sa kama habang nagbabasa ng libro na hiniram niya kay Mavi. Magmula noong tumira siya rito ay nakahiligan niya ang pagbabasa. It's not like she can go outside and enjoy her time exploring all the tourist spots in Palawan. Hangga't mainit pa ang mga mata sa kanila ng kalaban, wala silang choice kundi magtago at magtiis.Mag-isa lang siya sa loob ng kwarto ni Mavi. Dito na siya natutulog simula no'ng gabi na may nangyari sa kanila. That night was so memorable for her. Ngayon lang niya naranasan ang kakaibang sensasyon na dala ni Mavi, bagay na hindi niya inaasahang ibibigay nito. 'Di siya magsasawang tikman ang katawan nito at handa niyang ibigay ang sarili kay Mavi kahit saan, kahit kailan.Habang nasisiyahan sa binabasang libro, naramdaman niya ang pag-vibrate ng cellphone malapit sa kanyang hita. Nang i-angat niya ang comforter ay saka niya nalamang telepono pala ni Mavi iyon. Nasa banyo p