LUNCH BREAK nang imbitahin si Vesper sa opisina ni Mavi para samahan itong kumain. Hindi na siya umangal pa tutal ay wala naman siyang kasamang mag-lunch.Absent si Nelma at bukas pa raw ito makakapasok. Kaysa naman magpaka-loner sa canteen ay tinanggap na lang niya ang alok ng lalaki. Iyon nga lang, naging maingat siya sa pagpunta sa office nito upang walang ibang makapansin ng pagpasok niya roon.Pinagsaluhan nila ang pininyahang manok, kanin at tig-isang baso ng lemonade juice. Kapwa nabusog sila sa in-order na pagkain ni Mavi para sa kanila. Nakuha pa nilang magkuwentuhan pagkatapos kumain."Grabe. Ang tagal ko ring hindi nakakain ng ganyang dish," banggit ni Vesper habang nakasandal sa upuan kaharap si Mavi na nakaupo naman sa swivel chair.Muli itong nagsalita. "Naalala ko dati kapag pumupunta ako sa boarding house mo pagsapit ng hapon, nagpapatulong ka pa sa 'king maghiwa ng ingredients pero ang ending, lagi akong nasusugatan ng kitchen knife. Pati paghihiwa ng sibuyas, pahirapa
BIYERNES ng hapon ay nagtungo si Vesper sa paaralan ni Myla para sunduin ang kanyang anak. Quarter to four na siya nakarating doon sakay ang jeep. Marami na siyang naabutang tao sa labas, particularly mga magulang at guardians na inaabangan ang pagbubukas ng gate.Matiyagang naghintay si Vesper ng labinlimang minuto bago tuluyang binuksan ang gate. Nagmistulang langgam ang mga estudyante sa dami ng mga ito. Vesper waited outside, thinking Myla would be coming out but she didn't. Numipis na ang bilang ng mga estudyante pero walang Myla na lumabas.Naisip niyang baka nakikipaglaro pa 'yon sa mga kaklase nito kaya pumasok na siya sa loob ng eskwelahan at dumiretso sa silid-aralan ni Myla na nasa unang palapag lang din ng gusali.Sumilip siya sa bintana ng classroom at doon niya natagpuan si Myla kasama ang tatlo niyang mga kaklase. Umiiyak ito habang pinagtatawanan siya ng mga bata."Hahaha! Kawawang Myla walang daddy!" kantiyaw ng dalawa sa kanila."Ang sabi ng mama ko, liar daw ang momm
DUMAAN ang isang linggo at ngayon ay huling araw ng examination week. It was a warm Saturday afternoon. Mavi was quietly sitting on the teacher's desk while keeping an eye on his students who are taking exams. The room is covered in silence the entire time and all he can hear is the flipping sound of the test paper.Lingid sa kaalaman ng mga estudyante, hindi lang sila ang binabantayan ng kanilang guro. Panaka-nakang pinagmamasdan ni Mavi ang isang napakagandang babae na nakaupo malapit sa bintana.'Di gaya ng mga kaklase nitong nangangamote na sa pagsagot, tila relax na relax lang ito and she hasn't feel any pressure writing on her paper. Kung maaalala niya, matapos ang unang graded recitation kung saan bigong nakasagot si Vesper sa kanyang tanong, nakabawi ito sa quizzes at sa mga sumunod na recitations. Matataas ang score na nakuha nito. In fact, na-perfect pa nga nito ang ilan."This woman really impressed me," Mavi thought. Sandaling nawala ang atensyon niya kay Vesper nang tumayo
PALAISIPAN kay Vesper ang biglang paghatak sa kanya ni Mavi pabalik sa loob ng Wonderrealm gayong ang akala niya ay pauwi na sila."Mavi, saan mo ba ako dadalhin?" tanong niya.Wala siyang narinig na sagot mula sa lalaki. Tuloy-tuloy lang sila sa pagtakbo. Basta na lang nagpatianod ang kanyang mga paa at hindi na inalam pa kung saan sila patungo.They stepped through the round concrete floor with nozzles attached to its surrounding curve. The cold wind swept over them as they set their feet on the ground. Lumikha 'yon ng tunog na humahalo sa ambiance ng lugar. Maririnig din ang pagaspas ng mga dahon mula sa puno na malapit sa kanilang kinalalagyan.Napayakap si Vesper sa sarili gawa ng patuloy na paghampas ng hangin sa direksyon nila. Walang pagdadalawang-isip na hinubad ni Mavi ang suot nitong itim na denim jacket at ipinatong sa nanlalamig na katawan ni Vesper."Salamat..." nahihiyang saad niya kay Mavi. "Bakit mo nga pala ako dinala rito? Wala namang espesyal dito, e.""Let's just w
The following day.MAGMULA noong umaga ay hindi mapalagay si Vesper sa kalagayan ng kaibigan niyang si Nelma. Maghapon nitong hindi nakita ang dalaga at ang masama pa nito, hindi rin ito sumasagot sa kanyang mga tawag sa telepono.Huli niyang nakita si Nelma noong Sabado, ang huling araw ng examination week. Sa buong isang linggo ay kapansin-pansin ang pagbabago sa ugali ng dalaga, lalo na sa paraan ng pakikitungo nito sa kanya.Ang madaldal at makulit na si Nelma ay naging tahimik sa isang iglap. May mga pagkakataong iniiwasan siya nito sa 'di malamang dahilan. She tried asking her what the problem but Nelma insisted that she was fine and there's nothing to worry about. Well, may bahagi ng isip ni Vesper ang hindi naniniwala sa sinabi ng kanyang kaibigan.She feels that something's not right kaya plano niyang bisitahin si Nelma pagkatapos ng klase niya sa hapon—tutal, malapit lang naman ang bahay nito sa school ni Myla.Kagagaling lang ni Vesper sa canteen matapos mananghalian at ngay
PAGOD na sumandal si Mavi sa swivel chair pagpasok niya sa kanyang opisina matapos ang maghapong pagtuturo. Sa kabila n'on ay hindi pa siya puwedeng mamahinga nang matagal dahil hindi pa do'n nagwawakas ang mga obligasyon niya bilang instructor.He rested for a few minutes and he's back on track. Sinamantala na ni Mavi ang natitirang mga oras para tapusin ang nakabinbin niyang mga trabaho kabilang na ang pagch-check ng test papers ng kanyang mga estudyante sa higher level.Tatlong papel pa lang ang tapos niyang i-check sa nakalipas na sampung minuto at sa 'di malamang dahilan ay hirap siyang maka-focus sa kanyang ginagawa. Hindi mapalagay ang isip niya na tila may hindi maganda sa paligid. Sandaling binitawan ni Mavi ang hawak na red ballpen at nag-isip. Why does he feel this way? Lately, he was enjoying his time with the girl he loves and now he's getting restless.Naalerto ang sistema ni Mavi nang tumunog ang cellphone niya na nakapatong sa ibabaw ng mesa katabi ang mga papel. Panga
Ten days ago...NAGING abala si Nelma sa paglilinis ng kwarto ng kanyang Kuya Nathan na ngayon ay nasa ibang bansa. Nakiusap kasi ang mama niya na alisin ang mga alikabok doon dahil matagal na rin 'yong hindi nalilinisan at nagkataong hindi siya pumasok sa eskwela nang araw ding iyon.Una niyang pinunasan ang ibabaw ng tokador, writing desk, pati na ang mga bintana. Isa-isa rin niyang pinalitan ang mga punda ng unan at bed sheet. Naisipan niya na ring walisan ang flooring pati na ang ilalim ng kama."Huh?" Nagtaka siya. Bumangga lang naman ang hawak niyang walis-tambo sa kahon na nakalagay sa ilalim ng higaan.Hindi na sana niya papansinin 'yon pero mas pinangunahan siya ng kuryosidad sa kung ano ang lilalaman n'on. Gamit ang walis ay itinulak niya ang kahon palabas ng kama.Namumuo ang alikabok sa paligid nito na parang isang treasure box. Maliit nga lang at may kalumaan na. Napabahing pa siya bago nagpasya na tignan ang loob ng kahon.Mga personal belongs 'yon ng Kuya niya—may mga pi
PRESENT TIMEIT TOOK a while before everything she heard from Nelma could finally sink into her mind. Hindi niya sukat-akalaing aabot sa puntong gagawa nang matindi si Reign para lang sirain ang pangalan at imahe niya sa buong campus. Ang isa pang hindi niya lubos na matanggap ay ang mapait na katotohanang kapatid ni Nelma ang lalaking kasama niya sa litrato noon!Her jaw dropped in surprise. Nanlalaki ang mga mata nitong nakatingin sa kaibigan na patuloy ang pag-iyak."Paano mo nagawa sa 'kin 'to, Nelma? Akala ko ba kaibigan kita?" tanong ni Vesper na may lamig at galit sa paraan ng pananalita nito. "Hindi mo ba naisip na posible akong matanggalan ng scholarship dahil sa kahihiyang inabot ko? Kaya ako nag-aral sa edad kong 'to ay para matustusan ang anak ko pagdating ng araw pero anong ginawa mo? Ha?" aniya. Muli na namang nag-uunahan ang luha niya pababa sa kanyang pisngi."Wala akong choice, Ate! Pinagbantaan ako ni Reign na tatanggalin niya ako sa school at sisirain niya ang pamil
ONE YEAR LATER(VILLAHERMOSA REST HOUSE IN PALAWAN)NAPUNO ng tawanan ang living room habang masayang naku-kuwentuhan ang magkakaibigang sina Vesper, Jasmen at Nelma. Dumating sila kagabi sa Palawan mula Maynila upang bisitahin si Vesper, na matagal din nilang hindi nakita.Sinamantala na ni Vesper ang pagkakataong iyon para bigyan sila ng exclusive tour sa kanyang tahanan. Sa nakalipas na isang taon, malaki ang pinagbago ng resthouse ni Michael sa Palawan. Ang noo'y malawak na lupain lamang ay dinarayo na ng mga turista dahil sa iba't ibang amusement rides at attraction na mayroon ang lugar na ito, at tinawang nila itong Wonderfair.Binuksan nila ito sa publiko noong nakaraang buwan lamang pero dagsaan na ang bumibisita rito. Katuwang niya si Michael sa pagpatakbo ng Wonderfair habang si Nathan at ang dalawang bodyguards na sina Robert at Luther ay binigyan nila ng magandang posisyon sa kumpanya."Ate Vesper, maraming salamat sa binigay niyong second chance kay Kuya Nathan, ha. Malaki
LIMANG araw matapos pumutok ang balita sa pagpanaw ni Mavi Villahermosa, nagtipon-tipon ang mga tao sa Starview Memorial Park upang idaos ang memorial service para kay Mavi bago ito ihatid sa kanyang huling hantungan. The service starts at 1:00 PM. Even though Vesper couldn't come because of her gunshot wound, she was able to catch up via video call from Michael's cellphone. She was left alone in her private room but Michael assured that she will be safe while he's not around. He hired extra security to protect her privacy just like what he always did to Mavi before.She has a vision of his silver casket from the video footage as the tribute song played. Parang pinipira-piraso ang puso niya dahil isa 'yon sa mga kanta ni Mavi na kasalukuyang inaawit ng kapwa singer nito. Mas sumidhi ang kanyang emosyon nang marinig niya mula sa video call ang paghikbi ng kanyang anak na nakaupo sa tabi ni Michael."Mamimiss ko po siya kahit saglit ko lang po siya nakitang buhay," malungkot na pahayag
PARANG isang pelikula ang nangyaring pamamaslang kay Dominic sa harap mismo ni Vesper. Masama man ang loob niya sa kanyang ama, naniniwala siyang maraming paraan upang mapagbayaran ni Dominic ang naging kasalanan nito sa kanya at hindi sa paraang ito.Malakas na hagulgol ang pinakawalan ni Vesper habang nanlalaki ang mga matang nakatingin sa malamig na bangkay ni Dominic na ngayon ay naliligo sa sarili nitong dugo. Who on earth could have done this?Well, katabi niya si Michael na kahit may tama ng bala sa kaliwang binti ay nakayanan pa ring manutok ng baril kay Dominic kanina. Ngunit sigurado siyang hindi si Michael ang bumaril dahil malayo ang distansya ng tunog mula sa kanyang posisyon. Idagdag pa ang bala na nanggaling sa likurang ulo ni Dominic na siya namang tumagos sa noo ng matanda. Talagang napaka-imposible.If Michael didn't do it, then there is only one person who could have pulled it off.Huli na nang mapansin niya ang isang lalaki na nakapwesto—ilang hakbang ang layo mula
NATARANTA si Vesper sa nakakabinging tunog na nagmumula sa labas ng bahay at sa lakas n'on ay tila nagpapahayag ito ng kanilang nalalapit na katapusan."Michael, anong nangyayari?!" natatakot na tanong ni Vesper hawak ang magkabilang tainga."Boss, we're screwed up! Natunton tayo ng mga kalaban!" anunsyo ni Robert kay Michael."Well, shit," he cursed out.From his standpoint, Michael quickly took his weapons from the cabinet. "Anong plano mong gawin?" tanong ni Vesper."Ano pa ba? Eh 'di, tatapusin namin sila," Mike answered fearlessly."What? How?"Michael didn't buy time to respond to her questions. He loaded his two pistols with enough bullets and keep some of them as a spare just in case he ran out of shots. Ikinasa niya ang dalawang baril at walang takot na humakbang palabas."Vee, go upstairs. Bantayan mo si Myla," bilin pa nito sa kanya. "Robert, let's take the front. Luther, stay at the backdoor. Siguraduhin mong walang makakapasok na kalaban," utos naman ni Michael sa dalawang
More than eight years ago...MICHAEL woke up in his bed after he underwent another cycle of his chemotherapy this morning. Mas maayos ang pakiramdam niya ngayon kumpara kanina pagkagaling nila ng ospital. 'Yon nga lang, nabanggit ng ina niyang si Miranda na luluwas ito ng Pampanga para pumunta sa burol ng kanilang kamag-anak na namatay, pero ang kagandahan nito ay tinawagan siya ni Mavi kanina para ipaalam sa kanya na bibista ito sa bahay para bantayan siya. Binilin pa nitong huwag sabihin sa kanilang ina ang balak niyang pagbisita dahil surpresa raw iyon.Hay. Miss na miss na niya ang kapatid niyang iyon. Dahil sa Maynila ito nag-aaral ay minsan na lang sila magkita, gayumpmanan, madalas naman silang nag-uusap sa telepono. Ang madalas nilang pag-usapan? Stressful projects and exams at syempre, ang girlfriend nitong si Vesper.They used to talk about her very often. Nagmistula siyang diary ni Mavi dahil lahat ng ginagawa nila ni Vesper ay nababanggit niya kay Michael kaya para na rin n
PINILIT ni Vesper na lapitan si Mavi kahit pa ibig-ibig nang bumigay ng mga tuhod niya. This is not the 'Mavi' she was expecting to see. Gusto niyang humagulgol dahil sa kaawa-awang kalagayan nito.Hindi siya sanay na makita ang taong mahal niya na nahihirapan ng ganito. Panay tusok ng karayom ang magkabilang kamay, at butas ang leeg dahil sa tubong nakakonekta sa ventilator na siyang tumutulong sa kanyang paghinga.Bago pa mawalan ng lakas ang kanyang mga paa, mariing kumapit si Vesper sa side rail ng kama. She took his hand as tears began blocking her vision."Hindi ko inakalang sa ganitong klase ng sitwasyon tayo magkikita, Mavi. Walong taon akong nagtiis nang wala ka. Sa awa ng Diyos, nakabangon ako at napalaki ko nang maayos ang anak natin," she said in pain.Pinalapit niya ang kanyang anak kay Mavi at ipinakilala ito sa pasyente. "This is Myla, siya ang bunga ng pagmamahal natin noon. Siya ang dahilan kung bakit naging matatag ako. Ang dami niyang namana sa 'yo. Kamukhang-kamukha
NATAGPUAN ni Vesper ang sarili na naliligo sa sarili niyang luha dahil sa mga pasabog na binulgar ni Michael sa kanya. Nanggigigil na piniga niya ang hawak na telepono at itinapon sa sahig. "So kung hindi ko pa hinalungkat ang cellphone mo at nahanap ang mga litratong 'yan, hindi ko pa malalaman ang totoong nangyari kay Mavi? Patuloy mo pa rin kaming lolokohin ni Myla, gano'n ba?" she screamed in frustration and disappointment."No, Vee. It's not what it is. Hindi ako umamin sa 'yo dahil umaaasa pa rin ako na isang araw, magigising ang kakambal ko. As soon as he wakes up, he will be able to continue what I've started," Michael replied, denying her accusations."Pero hindi mo maaalis ang katotohanan na niloko mo kami ng anak ko! 'Di mo ba alam kung gaano kasakit sa 'min 'yon? Paano ko ipapaliwanag kay Myla na 'yong totoong daddy niya ay naghihingalo sa ospital at ang lalaking inakala niyang daddy niya ay uncle niya pala! Have you ever thought about that, Michael? Sobrang masasaktan si
MISTULANG matigas na yelo ang lalaking kaharap ni Vesper at hindi makakibo nang isampal niya sa pagmumukha nito ang mga ebidensyang nakalap niya sa cellphone nito. Maski siya'y muntik na ring ma-estatwa kanina. Sino ba namang hindi kikilabutan gayong may posibilidad na ang lalaking katabi niya kanina sa kama ay hindi si Mavi?"Uulitin ko ang tanong ko. Ikaw ba si Mavi?" mariin niyang tanong. Nang wala siyang makuhang sagot ay naitulak niya nang bahagya ang lalaki. "Ano? Bakit hindi ka makasagot? Magsalita ka!""I'm sorry, Vesper—" Naging maagap ang reaksyon ni Vesper dahil sa mga salitang 'yon at isang malakas na sampal ang iginawad niya sa kaliwang pisngi ng lalaki."So inaamin mong hindi ikaw? Kung gano'n, sino ka?!" pasigaw na tanong ni Vesper.Dahan-dahang nag-angat ng tingin ang lalaki at nagpakilala. "I'm Mavi's twin brother and body double. My name is Michael Villahermosa."Nagulantang ang sistema ni Vesper sa narinig niyang rebelasyon. Sinong mag-aakala na ang lalaking plano ni
ONE WEEK LATER...KATATAPOS lang mananghalian ni Vesper at ngayon ay kasalukuyan siyang nakahiga sa kama habang nagbabasa ng libro na hiniram niya kay Mavi. Magmula noong tumira siya rito ay nakahiligan niya ang pagbabasa. It's not like she can go outside and enjoy her time exploring all the tourist spots in Palawan. Hangga't mainit pa ang mga mata sa kanila ng kalaban, wala silang choice kundi magtago at magtiis.Mag-isa lang siya sa loob ng kwarto ni Mavi. Dito na siya natutulog simula no'ng gabi na may nangyari sa kanila. That night was so memorable for her. Ngayon lang niya naranasan ang kakaibang sensasyon na dala ni Mavi, bagay na hindi niya inaasahang ibibigay nito. 'Di siya magsasawang tikman ang katawan nito at handa niyang ibigay ang sarili kay Mavi kahit saan, kahit kailan.Habang nasisiyahan sa binabasang libro, naramdaman niya ang pag-vibrate ng cellphone malapit sa kanyang hita. Nang i-angat niya ang comforter ay saka niya nalamang telepono pala ni Mavi iyon. Nasa banyo p