Guuuys, may THE END akong ilalagay pagtapos na talaga ang story. hahaha. May 10 chapters pa ata tayo bago mag end. Grabe kayo. hahahahahaha. May maayos pa na happy ending si Connor. Napa update tuloy ako ng isa. See you bukas!
“Magkapatid sila,” sabi ni Mithi kay Shy nang magkita sila sa kusina. Napasinghap si Shy dahil hindi niya yun inaasahan. Ilang taon na siyang naninilbihan kay Kallahan pero hindi niya kailanman nalaman na magkapatid ang dalawa. Bigla siyang naawa kay Connor. Kinakabahan siya na baka e malungkot ito. “B-Balikan ko si Connor,” sabi niya pero hinawakan siya ni Mithi sa kamay at itinuro ang pinto. Pumasok doon ang dalawa na nagtatawanan na para bang wala lang. “Bakit ayaw mong tawagin kitang kuya?” Connor “Try me and I’ll fvcking kill you.” Kallahan “What kind of brother are you? Ilang taon mo na nga akong inabandona.” Connor “Argh! You’re so annoying!!” Kallahan Nawala ang kaba na nararamdaman ni Shy nang makita ang dalawa na nag-aasaran. Akala niya ay magiging malungkot si Connor. "See? Wala kang dapat na ipag-alala. They are fine." Bulong ni Mithi sa kaniya. Lumapit naman si Don Anton kay Donya Merita. "He knew, hon. But he pretended na walang alam." Napatingin silang dalawa n
Pagpasok nila sa loob ng bahay, nakita agad ni Connor si Ludwig.Hindi siya gumalaw, at pinanood lang niya si Kallahan na magtungo dito para yumakap.Hindi niya alam ano ang nararamdaman niya. Hindi niya maipaliwanag kung masaya ba siya o hindi."Connor," napatitig siya kay Ludwig ng tawagin siya nito. Nabuhay siyang walang ama na kinikilala kaya nahihiya siyang banggitin ang salitang papa.Lumapit si Ludwig sa harapan niya. Para siyang nanigas sa kinatatayuan niya. Hindi niya alam anong gagawin niya. Kung magmamano ba siya o hindi.Tumingin siya kay Kallahan para humingi sana ng tulong.Ngunit nagulat siya sa sunod na ginawa ni Ludwig. Bigla itong lumuhod sa harapan niya habang nakayuko ang ulo.Nanlaki ang mga mata niya. Biglang uminit ang pakiramdam niya sa hindi maipaliwanag na dahilan."Patawad anak.." Iyon pa lang ang sinabi ni Ludwig, parang nabingi na siya."Patawad at hindi ko man lang nalaman kaagad." Humagolgol si Ludwig. "Patawad kung kahit isang beses, hindi ako nagpakaama
“Guys, pictureeee!” Sabi ni Shaira at agad na pumunta sa unahan para makapicture sila lahat. Agad naman na ngumiti si Kallahan at Connor kasama ng ama nila.“One more time,” sabi ni Kallahan at agad na nagpose silang dalawa ni Connor.‘Ay ang mga gwapo,’ sabi ni Shaira habang nakatingin sa mga kapatid niya. Hindi maikakaila na magkakapatid sila. Kahit na maputi si Shaira dahil sa mama niya, ang mata at hugis ng mukha niya ay kagaya ng sa kuya Kallahan at kuya Connor niya.Tumingin siya sa dalawa na humiga na sa beach lounge chair, napapagitnaan ang kanilang ama. Hindi man lang nagsi-cellphone ang dalawa niyang kuya.Napangiti siya nang maisip na sobrang maunawain ang ate Mithi at ate Shy niya. Kung iba siguro yun, baka maya-maya ay tinatawagan na ang mga kuya niya.“Come here… Naka bikini ka pa naman.” Sabi ni Connor sa kaniya. Ngumuso si Shaira at agad na tumakbo palapit sa kanilang dalawa.Humiga si Shy sa beach lounge chair niya habang nagpo-post ng pictures nila. Namula siya nang
Their 3 days and 2 night trip went well. Mas nasulit at nakilala nilang tatlo ang isa’t-isa kasama ng papa nila. Pag-uwi nila sa bahay nila, hindi naabutan ni Kallahan si Mithi dahil nasa school ito ng mga bata. Kaya umalis rin siya agad para puntahan ito.Si Connor naman ay agad na yumakap kay Shy nang magkita sila. “I missed you baby…” Nakangiting sabi ni Connor.“Hello. You missed me that much?” nakangiting tanong ni Shy. Gumagawa siya ng sushi, nang bigla siyang yakapin sa bewang.“Yeah. I super missed you.”“Gutom ka na ba? Hindi ko pa kasi tapos gawin itong sushi e.”“Mamaya na ako kakain kapag tapos na. I’m still full, misis ko.”Ngumiti si Shy at hinaIikan ang pisngi ni Connor. Nasasanay na siya sa misis ko kahit na naki-cringyhan siya noong una. Dumating naman si Rizallie dala-dala ang ilang libro niya. Sa likod niya ay naroon ang bodyguards.“Hi kuya.. Welcome back!” Sabi ni Rizallie na kakagaling lang rin sa skwelahan. Naka complete uniform pa ito.“Kamusta ang klase? May na
(Few years after) Bagsak ang katawan ni Connor sa tabi ni Shy matapos nilang magsalpukan ng laman. Kahit na ilang taon na ang nakalipas, hindi pa rin siya nagsasawa si Connor kay Shy. Papikit na siya nang biglang umiyak si Coby, ang anak nila na naroon pa sa crib. Babangon na sana si Shy nang pigilan siya ni Connor. "Ako na." Sabi niya at nagsuot ng bathrobe na nasa sofa, hinagis niya kanina. Bumukas ang isang mata ni Shy at pinanood niya kung paano buhatin ni Connor ang 11 months old nila na anak. Napatingin siya sa orasan at nakitang umaga na pala. "Hindi ba may pasok ka mamaya?" "Yeah but it's okay, pwede naman akong ma late. Or I'll message my secretary na hindi muna ako papasok." Ngumuso si Shy dahil sobrang cool si Connor sa paningin niya habang sinasabi iyon. "You looked so cool, mister." "Of course naman. Hindi mo pa ba alam misis ko?" Mahinang natawa si Shy at pumikit. Pagod na pagod ang katawan niya. Gusto niya ng matulog nang biglang may kumatok sa kwarto nila. Nap
Rinig na rinig ang bawat patak ng ulan na tumatama sa payong na dala ni Mithi habang naglalakad siya papasok ng Luxe hotel na pag-aari ng fiancé niya.Sa bawat pagtapak niya sa semento, gumagawa iyon ng ibayong ingay mula sa kaniyang stiletto.Maraming staff ang nakatingin sa kaniya at binabati siya ng may ibayong paggalang. Tipid na ngiti lang ang isinagot ni Mithi sa kanila.10th floor. Iyon ang pinindot niya nang makapasok siya ng elevator. Namumukadkad ang natural niyang ganda at kulay sa cocktail red dress na suot niya. Kasama ng red stiletto, mapula rin ang labi ni Mithi, kung kaya tawag ng lahat sa kaniya ay Ms. Red.“Good evening, Ms. Red,” ang pagbati ng empleyado sa kaniya matapos magbukas ng elevator.Ngumiti si Mithi at nagtuloy-tuloy sa paglalakad. Kulang na lang e mabali ang leeg ng mga taong nadadaanan niya.Pumunta siya sa hotel room, kung saan doon gaganapin ang unang gabi na magniniig sila ni Luis, ang fiancé niyang papakasalan niya bukas.Kailangan niyang tignan kun
“ANONG KAHIBANGAN ITO MITHI?” Sigaw ni Annaliese, ang stepmother niya. “Nakipaghiwalay ka kay Luis? Nababaliw ka na ba?”“Nahuli ko siyang may ka-sex. Anong gusto niyong gawin ko? Ipagsawalang bahala ang lahat?”“Reasons! Nagdadahilan ka lang! Bakit? May kabit ka ba?” Sigaw ni Annaliese sa kaniya.Tumingin si Mithi sa papa niya, nagbabasakaling ipagtanggol siya pero hindi iyon ang nakita niya. Nasa plato lang ang tingin nito na tila walang pakialam sa kaniya.Nakagat ni Mithi ang pang ibabang labi niya at pinipigilan na huwag maiyak.“Paano na ngayon iyan? Nakapagpadala na tayo ng wedding invitations sa mga kakilala natin! Nakakahiya kung ika-cancel ang engrandeng kasal na ito.”“M-Matutuloy po ang k-kasal,” saad ni Mithi sa stepmom niya.Naalala niya ang sinabi no’ng lalaki kagabi. “My name is Kallahan Peloramas. Remember that name, wife.”Kung tutuosin, kasal na sila sa mayor’s office. Pumirma na siya ng marriage contract na hindi nag-iisip ng tama.“Give me one night.”“Huh?” takan
Hindi nga dumalo ang Yeon family kasama ni Luis. Maraming nagtaka dahil mabilis na kumalat ang balita na inatras ng pamilya ni Luis ang wedding kaya nagtataka sila bakit tumuloy pa rin ang bride kasama ng panibagong groom.“This is disgusting Antonio. Ano itong nangyayari? Bakit iba ang kasama ni Mikaela?” tanong ng kapatid ni Antonio sa pagdating nina Mithi at Kallan sa simbahan kanina.“I have taken everything kasama ng mga binayaran ng mga Yeon. I’ll wire my dowry for Mithi’s hand to her father’s account, so bakit disgusting ang kasal namin ni Mithi sa inyo?” Seryosong sabi ni Kallahan dahilan kung bakit natahimik ang tita ni Mithi.Wala na ring naglakas ng loob na salungatin ang seremonyas kanina ng pari. Natapos ang kasal na walang naging problema.Iyon ang natatandaan ni Mithi sa nangyari kanina sa simbahan habang nakatingin sa mga bisita niya sa loob ng reception hall..Kahit ang venue ay nag-iba. Lumipat sila sa mas malaking reception hall kumpara sa napili niya para sa kanila