Who's your masumbungan lagi ng problema?
Kinagabihan, planong pumunta ng grocery store si Mithi kasama ni Shamcey. Kanina pa sana sila pero dahil napasarap ang panonood nila ng palabas at hindi na nila namalayan ang oras. "Mithi, sa tingin ko e kailangan nating magpagpag bago umalis." "Bakit?" "Kasi sa napapansin ko, noong mga nakaraang umalis tayo para kumain sa labas, lagi nating nakakasalubong ang maligno mong ex." Natawa si Mithi sa sinabi nito. "Ano ka ba. Hindi na yun manggugulo sa atin. Kita mo naman hindi ba na ikakasal na siya kay Analia?" Napabuntong hininga si Shamcey. "Alam mo Mithi, nagtataka ako. Bakit parang gusto pa rin ng Yeon ang pamilya mo? Don't get me wrong ah, pero kasi hindi ko makuha ang logic bakit sila lumalapit sa inyo. Hindi hamak naman na mas tanyag sila at kayo pabankrupt na." "Ang sabi ni papa, may utang na loob si tita Luisa kay mama. Matalik yata na magkaibigan sila noon." "Huh? May nakwento ang mama mo sa'yo tungkol kay Luisa Yeon? Parang ang weird na saka lang siya lumitaw na comatose
“Salamat sa paghatid Kelleon,” sabi ni Shamcey.Ngumiti si Kelleon sa kanila at pasimpleng tumango. “You’re welcome.” Aniya.“Ah, sige… Mauna na kami.” Shamcey said softly, at hinila si Mithi pero agad nagsalita si Kelleon para humingi ng permiso kung pwede ba siyang sumama.“Iyon ay kung ayos lang sa inyong dalawa,” sabi ni Kelleon sa kanila.Nagkatinginan si Mithi at Shamcey. Walang sinasabi ang bibig nila, pero kapwa nila mga mata ay nag-uusap. “Sige. I think, we owe you a meal dahil niligtas mo kami kanina.”Kelleon smiled at sumama papasok ng grocery store. Siya ang tagabitbit ng cart no’ng dalawa at tahimik lang siya sa likod habang nakatingin kay Mithi.Although, ramdam niyang hindi siya kinikibo nito. Hindi tuloy alam kung may nagawa ba siyang masama. “Close na ba kayo ni Kelleon?” tanong ni Shamcey sabay siko sa kaibigan.“No pero tinulungan niya na naman ako kahapon.” Sagot ni Mithi at nahiya ng maalala kung paano siya yakapin ni Kelleon kahapon para lang damayan sa pag-iya
"Ano ba Kallahan! Nasisiraan ka na ba ng bait?" takot na takot ang ibang katulong na lumapit dahil iyon ang bumungad sa kanila pagkapasok pa lang ng dalawa sa pinto."Why are you with him? Hindi pa nga tayo nag-iisang buwan, niloloko mo na ako? Gagayahin mo siya na iiwan rin ako?" Natigilan si Mithi sa sinabi ni Kallahan. "Gayahin sino?" nanlalaki ang mata niya habang tinatanong iyon.Natigilan si Kallahan. Nabigla rin siya na nasabi niya iyon bigla. "Sinong ginagaya ko Kallahan?" ulit niya pero si Kallahan ay mukhang natauhan na at hindi na makapagsalita. Nag-iwas ito ng tingin habang sinusubukang pakalmahin ang sarili.Galit na galit siya dahil bumalik sa isipan niya na baka si Mikaela ay pareho lang sa dating babae na ginusto niya. Na baka iiwan rin siya nito sa huli. "Kallahan sino?" pag-uulit ni Mithi. Sobra siyang nagulat sa sinabi nito at hindi siya mapakali hangga't hindi niya malaman kung sino ang ibig nitong sabihin kanina.May iba pa ba maliban sa akin?Hindi ba ako ang
Hindi na napigilan ni Mithi si Angelica na umalis ng bahay. Naiwan siya kasama ni Shy at bigla siyang napaisip kung sinong ex ni Kallahan na nagbigay ng trauma dito.Hindi niya maiwasang mapaisip kung bakit ganoon ang reaction ni Kallahan kagabi. ‘Ano bang ginawa ng ex niya sa kaniya para maisip niya na gagawin ko rin yun sa kaniya?’Tumingin siya kay Shy. “Shy, pwede mo ba akong samahan mag-almusal?”“Kung iyon po ang gusto niyo Miss Mithi,” magalang na saad ni Shy sa kaniya.“Ahm.. Shy, matagal ka na bang nagtatrabaho kay Kallahan?”“Hindi pa po Miss Mithi.”Tumingin si Mithi sa plato niya. “Kilala mo ba ang ex niya?”“Hindi po Miss Mithi. Wala po akong alam sa nakaraan ni sir.”Tumahimik siya. ‘Nagsasabi kaya siya ng totoo?’ tanong niya sa isipan niya.“Sa tingin mo Shy, mabait na tao si Kallahan?”“Opo ma’am. Wala pa po akong nakikila na kasingbait ni sir.” Walang pagdadalawang isip na sagot ni Shy sa kaniya. Tumango siya at tumayo. Ni hindi niya nakain ang nasa mesa. “Pakilagay l
Lumipas ang isang gabi na hindi nakikita ni Mithi ang asawa. Medyo mabigat ang puso niya dahil gusto na niya itong kausapin pero hindi niya ito matawagan.Nakapatay ang phone ni Kallahan at iniisip nalang niya na busy ito sa trabaho kahit kalahati ng utak niya ay sinasabi na ayaw siya nitong kausapin.Itinuon na lang niya ang attention niya sa trabaho niya lalo’t paparating na ang food exhibit na dadaluhan niya. Pero bago lahat, pansin ng mga empleyado ang hindi pagpansin ni Dexter kay Mithi.Lalo na no’ng lumabas ito para pagsabihan si Mithi na namali siya sa pagrecord ng isang order from their customer.Kaya no’ng lunchtime, agad siyang napatanong kay Shamcey kung may nagawa ba siyang mali para ganoon siya pag initan ng ulo ng boss nilang si Dexter.“Shams, bakit parang galit si sir Dex sa akin?”Napabuntong hininga si Shamcey. May ideya na siya kung bakit, pero paano naman niya sasabihin sa kaibigan na dahil iyon nakita siya ni Dexter habang kasama nito si Kallahan.“Kumain ka nala
Pag-uwi ni Mithi sa bahay, agad siyang sinabihan ni Shy na nakauwi na si Kallahan. Excited siyang umakyat sa kwarto nito at naabutan nga niya si Kallahan na nagpapalit ng damit. Nagkatinginan sila at bigla siyang nahiya. Hindi niya alam kung hihintayin ba niya itong lumapit sa kaniya o siya ang lalapit dito. “Nakauwi ka na,” mahinang sabi niya. Just to stir some heavy air between them. Tumango lang si Kallahan at malamig na sinabing, “study room lang ako.” Umalis ito sa harapan ni Mithi na nagpabigla ng husto sa kaniya. Hindi niya aakalaing ganoon pa rin silang dalawa. She expected na kapag uuwi siya ay magiging maayos na sila. Masama ang loob niya no’ng kumain siya dahil hindi bumaba si Kallahan para sabayan siya at kahit no’ng pagtulog niya ay hindi ito tumabi sa kaniya. There’s a pain on her chest na pinilit niyang balewalain. Nakatulog na lang siya at nagising nang mapansin na parang may humahaIik sa ulo niya. Hindi niya minulat ang mata niya sa takot na aalis si Kallahan. Al
Weekends, paggising pa lang ni Mithi e agad na niyang kinausap si Shy na may gusto siyang ipabago sa design sa loob ng bahay.Wala naman siyang gagawin kaya pag-aaksayahan niya ng oras ang bahay nila ni Kallahan.It’s her dream too na kapag housewife na siya e gusto niya lahat ng mangyayari sa bahay ng asawa niya e siya ang nag-ayos.Kaya umaga pa lang e busy na ang mga katulong sa paglilinis sa buong bahay at kahit sa garden. Shy is also showing her about sa mga new furniture and chandelier na bibilhin niya.“Hindi kaya magagalit si Kallahan dito, Shy?” concern na tanong niya.“Hindi po Miss Mithi. Mas matutuwa pa po sir sa ginagawa ninyo.”Ngumiti siya at namili ng mga ipapadeliver niya sa bahay nila.“May pera ako sa bank account ko Shy. Magkano ang gagastusin lahat sa-"“Lahat po ng expenses Miss Mithi e covered po ni sir. May budget po siyang iniwan para sa inyo. Hangga’t wala po siya, binibigyan niya po kayo ng authority na gamitin ang lahat ng meron siya including his wealth an
“La! That was impulsive. You almost hurt Mikaela-"“Mikaela?” takang tanong ng lola niya. Hindi pa rin humuhupa ang galit nito.“Kallahan’s wife. She’s Mikaela.”Kumunot ang noo ng lola niya. “Paano siya naging si Mikaela? Nagpalit ba siya ng pangalan para maging malinis sa paningin natin? Kahit pa ilang pangalan ang ipalit niya, hindi ko siya matatanggap para kay Kallahan.”“That’s the point la! Kasi she’s not that girl you’re talking to. Ibang tao siya.”Napatigil si Donya Merita matapos niyang marinig ang sinabi ni Connor.“Paanong naging iba?”“Her name is Mikaela Thilany. At wala siyang kaalam-alam tungkol sa nakaraan ni Kallahan. Wala siyang kaidi-ideya sa sinasabi mo kanina. Hindi mo ba nakita ang reaction niya?”“Paano nangyaring magkaibang tao sila? That’s ridiculous Connor! They looked the same!”“It’s a long story, la. But let’s not indulge ourselves sa buhay ni Kallahan. Just be glad na hindi siya natuloy sa babaeng iyon. Sa babaeng kinaiinisan mo.”Hindi nagbago ang expre