Habang pauwi si Kallahan, Mithi at Shamcey sa apartment, nakasalubong nila si Dexter na gulat na gulat na makita sila. "Sir!" Tawag ni Shamcey dito. Hindi niya aakalain na makikita nila si Dexter. Napatingin naman si Dexter kay Mithi at sa kamay ni Kallahan na nasa balikat nito. "Si ano po pala, Kallahan. Asawa po ni Mithi." Sabi ni Shamcey lalo't alam niyang may gusto ang boss nila kay Mithi. "Sir," magalang na pagbati ni Mithi kay Dexter. "Good evening po." Tumingin si Dexter kay Kallahan at nakita niya itong taimtim na nakatingin sa kaniya na para bang sinasabi na kaniya si Mithi at hindi ito maaagaw sa kaniya. "Good evening, Shamcey, Mikaela." Dexter managed to greet them back. "Ah sige. Nice to see you here." Sabi niya at nilagpasan sila. Tumingin si Kallahan kay Dexter, alam niya na ngayon na ang lalaking boss ni Mithi ay may gusto sa asawa niya.Dahil nakita niya kanina kung paano tignan ni Dexter si Mithi. "Ano kayang ginagawa ni sir dito?" takang tanong ni Mithi kay Sh
"Mithi, sigurado ka na ba kay Kallahan?" iyan ang naging tanong ni Shamcey kay Mithi habang papasok sila ng Si Corp. Binabagabag pa rin siya sa nakita niya kagabi. "Oo. Bakit mo naitanong?" "E kasi Mithi-" hindi natuloy ni Shamcey ang sasabihin ng biglang nagsilabasan ang mga empleyado. Nagulat sila Lalo na nang nakita nilang hawak na ng mga pulis ngayon si Alicia na umiiyak at nagmamakaawa na bitawan siya. "Teka, anong nangyari?" tanong ni Shamcey sa mga kasama nila. "Hindi rin namin alam." Kabadong sabi nila. "ANO BA! BITAWAN NIYO 'KO!" Sigaw ni Alicia pero hindi nakinig ang mga kapulisan sa kaniya. Nakagat ni Mithi ang pang ibabang labi niya dahil naaawa siya kay Alicia. Nang makalabas ang mga pulis kasama ni Alicia, saka sila pumasok sa loob ng opisina. Naabutan nila si Dexter doon na problemado. "Magsiupo na muna kayong lahat!" Sigaw niya kaya walang nagawa ang lahat kun'di ang umupo at magsibalik sa table nila. "Sir, ano pong nangyari kay Alicia? Hindi ba absen
Tulalang pumunta si Mithi sa hospital kung nasaan nilipat ang mama niya. Hindi niya mapigilan ang luha sa mga mata niya sa nalaman kanina. Naalala pa niya ang sinabi ng papa niya sa kaniya. Na ang mama niya ang unang nagloko sa relasyon nila. Ang lalaki nito ang dahilan kung bakit nito piniling umalis no'ng araw araw na yun at kung bakit siya na aksidente dahilan ng pagkacoma niya. Pagdating ni Mithi sa hospital, nadatnan niya ang ina niya na karatay sa kama at maraming apparatus ang nakakabit sa katawan. Bigla siyang umupo sa sahig. Pakiramdam niya ay pinagtaksilan siya ng taong lubos niyang pinagkakatiwalaan. Sino ba talagang sumira sa pamilya nila? Ang mama ba niya o ang papa niya? Iyon ang mga tanong ni Mithi sa mga utak niya na gusto niyang masagot. Umiyak siya sa tabi ng mama niya. "Ma, bakit? Sino?" halos manginig ang labi niya habang patuloy na lumuluha ang mga mata. "Sino ang dahilan bakit pinili mong iwan kami ni papa?" Samantala, huli na ng malaman ni Kallahan na
Tinext ni Damien si Kelleon matapos ang limang minuto. Saktong nasa tabi tabi lang ito kaya agad itong nakarating. .Hindi na ito agad nakapagsalita ng biglang e senyas ni Damien si Mithi.Nanlaki ang mata ni Kelleon ng agad niyang mapagtanto kung sino yung babaeng umiiyak sa kalsada. "Mikaela!" Sigaw ni Kelleon at nilapitan si Mithi na umiiyak pa rin. Nagulat ito ng mag-angat si Mithi ng mukha. Namilog ang mata niya ng makitang basa ang pisngi ni Mithi mula sa luha."Bakit ka umiyak? Sinong umaway sa'yo? Si Kallahan ba?" Sunod sunod na tanong ni Kelleon. Umiling si Mithi. Tumulo na naman ang luha sa mga mata niya at nagbaba ng tingin sa mga kamay niya."May nalaman kasi ako sa mama ko, Kelleon." Tumingin si Kelleon kay Damien para humingi ng paliwanag pero walang masabi si Damien sa kaniya."Si mama ko, alam mo ba..." pumiyok ang boses ni Mithi. "Si mama.. Siya pala ang unang nagkasala sa amin ni papa."Natigilan si Kelleon ng makitang umiyak na naman si Mithi."T-Tumayo ka muna d
Nagising si Mithi kinabukasan na nasa kwarto na siya nila mag-asawa. Tumayo siya para bumaba lalo't hindi niya nakita si Kallahan sa tabi niya. Ngunit sa pagbaba niya, naabutan niya si Kallahan na tumatawa kasama ni Angelica. Napatigil si Mithi at pinanood kung gaano kakomportable si Angelica sa asawa niya.Kita niyang may pahawak hawak pa ito sa braso ni Kallahan o pasimpleng hampas habang nagkakape sila.Hindi maganda ang naging gabi niya at ito pa ang tumambad sa harapan niya. Pakiramdam niya e parang may kung anong sumuntok sa sikmura niya sa nakita. Kumuyom ang kamao niya at ramdam niya ang panginginig ng katawan niya."MITHI!" Tawag ni Milandro kay Mikaela lalo na ng mapansin niya itong nakatitig kay Kallahan at Angelica.Tumingin si Mithi sa kaniya at pagkatapos at bumaba para tumabi kay Kallahan. Napatigil si Angelica, at tumikhim."Good morning wife," Kallahan tried to kiss her head pero iniwas ni Mithi ang ulo niya. Nagkatinginan tuloy si Milandro at Ismael. "Hi Mithi, my
“Kallahan, Kelleon is just asking.” Sabi ni Damien nang makita kung paano naging aggresibo si Kallahan sa harapan nila ngayon.“At kahit ako man, gusto ko rin makita kung anong kalagayan niya ngayon. We saw her last night. Kaya nag-alala kami sa kaniya.” Damied added.“Hindi niyo kailangan mag-alala sa kaniya, Dame.” Saad ni Ismael. “Mithi is fine.”Hindi na nagkomento pa si Kelleon. Sapat na sa kaniya ang narinig na ayos lang si Mithi. Hindi siya pinatulog kagabi sa mga luha nito.He can feel her pain and sorrow. Na kahit ipikit niya ang mata niya ay binabagabag pa rin siya ng konsensya niya.It took a lot of courage para puntahan niya si Kallahan knowing na galit ito sa kaniya.Pero ginawa niya dahil gusto niyang malaman ang kalagayan ni Mithi.“Then that’s good. Aalis na kami ni Kelleon,” sabi ni Damien. Tumalikod na silang dalawa, pero pinigilan sila ni Kallahan.“Mithi is my wife, Kelleon, Damien. Kasal na siya sa akin at hindi ko hahayaan na may sinumang magtangkagang agawin siya
Kinagabihan, planong pumunta ng grocery store si Mithi kasama ni Shamcey. Kanina pa sana sila pero dahil napasarap ang panonood nila ng palabas at hindi na nila namalayan ang oras. "Mithi, sa tingin ko e kailangan nating magpagpag bago umalis." "Bakit?" "Kasi sa napapansin ko, noong mga nakaraang umalis tayo para kumain sa labas, lagi nating nakakasalubong ang maligno mong ex." Natawa si Mithi sa sinabi nito. "Ano ka ba. Hindi na yun manggugulo sa atin. Kita mo naman hindi ba na ikakasal na siya kay Analia?" Napabuntong hininga si Shamcey. "Alam mo Mithi, nagtataka ako. Bakit parang gusto pa rin ng Yeon ang pamilya mo? Don't get me wrong ah, pero kasi hindi ko makuha ang logic bakit sila lumalapit sa inyo. Hindi hamak naman na mas tanyag sila at kayo pabankrupt na." "Ang sabi ni papa, may utang na loob si tita Luisa kay mama. Matalik yata na magkaibigan sila noon." "Huh? May nakwento ang mama mo sa'yo tungkol kay Luisa Yeon? Parang ang weird na saka lang siya lumitaw na comatose
“Salamat sa paghatid Kelleon,” sabi ni Shamcey.Ngumiti si Kelleon sa kanila at pasimpleng tumango. “You’re welcome.” Aniya.“Ah, sige… Mauna na kami.” Shamcey said softly, at hinila si Mithi pero agad nagsalita si Kelleon para humingi ng permiso kung pwede ba siyang sumama.“Iyon ay kung ayos lang sa inyong dalawa,” sabi ni Kelleon sa kanila.Nagkatinginan si Mithi at Shamcey. Walang sinasabi ang bibig nila, pero kapwa nila mga mata ay nag-uusap. “Sige. I think, we owe you a meal dahil niligtas mo kami kanina.”Kelleon smiled at sumama papasok ng grocery store. Siya ang tagabitbit ng cart no’ng dalawa at tahimik lang siya sa likod habang nakatingin kay Mithi.Although, ramdam niyang hindi siya kinikibo nito. Hindi tuloy alam kung may nagawa ba siyang masama. “Close na ba kayo ni Kelleon?” tanong ni Shamcey sabay siko sa kaibigan.“No pero tinulungan niya na naman ako kahapon.” Sagot ni Mithi at nahiya ng maalala kung paano siya yakapin ni Kelleon kahapon para lang damayan sa pag-iya