"L-LIAR!" Sigaw ni Alicia kahit na halata sa mukha niyang medyo kabado siya."May ebidensya ka ba?" Sigaw nito kay Mithi."Ikaw Alicia, gusto mo ba talagang mapahamak si Mithi? Ganoon ka ba ka inggit sa kaniya para gawan mo siya ng masama?" Sigaw ni Shamcey at humarap kay Joey."Ikaw Joey, alam kong may gusto ka kay Mithi. Pero talaga ba? Binalak mo siyang gahasain?""THAT'S ENOUGH!" Sigaw ni Dexter kaya tumigil ang lahat."Mikaela, pumasok ka sa opisina ko." Sigaw ni Dexter.Walang nagawa si Mithi kun'di ang pumasok lalo't kita niyang galit na galit ito.Pero nagulat siya at napahinto ng bigla siyang abutan ni Dexter ng panyo."I want to help you Mithi. Pero wala kang ebidensya na magsasabi na talagang drinoga ka nila."Nagulat si Mithi dahil hindi niya aakalaing paniniwalaan siya ng boss nila. Buong akala niya e magagalit ito sa kaniya dahil nagwala siya sa opisina.Tumulo ang luha sa mata niya. Nauunawaan niya ang punto ni Dexter dahil kahit na gusto niyang sampahan ng kaso ang dal
“Kal, please… Huwag na.” Umiiyak na sabi ni Mithi. Agad niyang hinawakan ang pisngi ng asawa niya at idinampi ang labi niya dito.Gusto niyang kumalma si Kallahan pero hindi niya alam kung paano ito kumalma.Natatakot siya ng husto. Ayaw niyang makagawa ng masama si Kallahan para sa kaniya. Paano kung makulong ito? Paano kung masira niya ang buhay nito?“Please… Don’t mind them please.. Ayokong iwan mo ‘ko.”Parang doon lang nagising si Kallahan ng ang luha ni Mithi ay dumikit sa mukha niya matapos siya nitong haIikan.Agad niyang ipinulupot ang kamay niya sa bewang ni Mithi. Dahan-dahan siyang umupo sa sofa na hindi pa rin pinuputol ang haIikan nilang dalawa.Umupo si Mithi sa kandungan niya at ng makita ng mga katulong ang ginawa ng dalawa, lahat sila ay straight lang ang tingin at hindi sinulyapan ang ginagawa ng dalawa.Sinusuklian ni Kallahan ang bawat haIik na binibigay ni Mithi.Nang kapusin sila ng hininga, agad na tumingin si Mithi sa mga mata niya. Naroon pa rin ang pag-aalal
“Your wife is coming to your company,” saad ni Milandro.“Let’s go,” sabi ni Kallahan at tinapunan muna ng tingin si Alicia na ngayon ay umiiyak habang nakasalampak sa lupa.“You went too far,” saad ni Ismael na siyang nagmamaneho ngayon ng sasakyan.“Kulang pa yan.”Napailing na lang si Milandro habang si Ismael ay napabuntong hininga sa driver’s seat. Agad silang dumiretso sa Pelo Hotel—ang undercover business ni Kallahan.It’s a five star hotel at talagang kilala sa bansa.Pagdating nila ng Pelo Hotel, hindi pa man sila nakakapasok ay agad silang natigilan ng makita si Kelleon at Damien.“Anong ginagawa mo dito?” tanong ni Milandro kay Kelleon.“Easy, Drew. Hindi mo ba kami namiss?”Kumunot ang noo ni Milandro sa kanilang dalawa.“Nagcheck-in kami. That’s why we’re here.”“I’m outta here. Magbubukas pa ako ng clinic ko bukas.” Saad ni Damien na tumalikod na para sumakay sa motor niya. “Kelleon, let’s go!” Tawag niya kay Kelleon.“Teka lang Dame. Ayaw mo dito? It’s a reunion!” Tuwan
"Ano pa lang ginagawa nila dito Kal?" tanong ni Mithi ng makaalis ang dalawa."Nag check-in lang sila ng hotel," si Milandro ang sumagot."Hotel?" takang tanong niya. Tapos nang mapatingin siya sa gilid, nakita niya ang malaking hotel na pagmamay-ari ni Kallahan."Wow. Ikaw pala ang may-ari ng Pelo Hotel?" Hindi makapaniwalang tanong ni Mithi.Alam niya ang Pelo Hotel pero hindi niya akalain na si Kallahan ang may-ari no’n."Yeah. Wanted to go inside?" tanong ni Kallahan. Excited na tumango si Mithi. Hinawakan ni Kallahan ang kamay niya para hilahin papasok sa loob ngunit biglang nagring ang phone nito. His grandma is calling him."I'll answer this call for a while."Tumango si Mithi. "Pwedeng mauna na muna ako? Gusto kong magbanyo." "Yeah sure." Kallahan replied.Nagmamadali si Mithi na pumasok sa loob ng hotel. Ngunit isa sa nasa reception area ay namukhaan siya."Miss Red!" Sigaw nito. Napatigil si Mithi at napatingin doon sa tumawag. Hindi niya ito kilala pero nakita niyang naka
“Bye wife,” malapad ang ngiti ni Mithi matapos siyang ihatid ng asawa niya papunta sa sasakyan. Papasok na siya ng trabaho ngayon at ayos na ang pakiramdam niya.Kung sakali mang makita niya si Joey at Alicia, hindi na siya sasabog sa galit. Malaki ang epeko ni Kallahan sa kaniya at pakiramdam ni Mithi ay nagiging dependent na siya dito emotionally.“As long as hindi niya ako iiwan, ayos lang naman siguro.” Sabi ni Mithi sa sarili niya.Pagdating niya ng Si Corp., sinalubong siya ng mga co-workers niya na nag-alala sa kaniya.“Ayos ka lang ba Mithi?”“Grabe, ang sama ni Alicia.”Mga komento ng kasamahan niya. She smiled; she didn’t expect she’ll get this kind of concerns.“Ayos lang ako. Salamat everyone,” saad niya.“Mikaelaaaaa!” Napatingin si Mithi kay Shamcey na umiiyak nang makita siya. Tumakbo si Shamcey palapit sa kaniya at niyakap siya.“Mithi, ayos ka lang ba? May masakit ba sa’yo?”Umiling siya at ngumiti. “Thank you Shams, pero walang masakit sa akin. Ayos na ako. Salamat sa
Feeling confused and devastated, umuwi si Mithi sa bahay nila no’ng hapong iyon. Pansin niyang iba sa mga katrabaho niya ay hindi na tumitingin sa kaniya. Alam na niya agad na natatakot ang mga ito sa asawa niya.Alicia projected to their mind that Kallahan is a monster. Kaya hindi niya masisisi ang iba na ilap na ito sa kaniya.Pag-uwi niya ng bahay, wala pa ang asawa niya. So she asked Shy kung nasa trabaho pa ba ito and Shy said, yes.Matapos maligo at kumain, dumiretso na si Mithi sa kwarto niya at nahiga sa kama. Iniisip niya iyong mga iyak ni Alicia kanina pati na ang sinabi nito.Alam niyang mayaman si Kallahan pero hindi niya alam kung saang sukat ng yaman nito at lawak ng impluwensya ang hawak niya.“Paano niya nagawang pasisantihin ang ama ni Alicia? Paano niya nagawang ipademote ang dalawang kapatid nito? Kaibigan ba niya ang mga boss nila para magawa niya ang lahat ng iyon?” tanong niya.Bumalik na naman ang takot sa sarili niya. Pakiramdam niya ay sa likod ng malambing na
Buong araw na walang pumapansin kay Mithi. Ilang beses na niyang sinubukan na makipag usap sa ibang kasamahan niya sa office pero lumalayo agad ang mga ito sa kaniya."Mithi," tawag ni Shamcey na tangi lang kumakausap sa kaniya."Hayaan mo na sila. Lilipas din yan." Sabi nito.Nagbaba ng tingin si Mithi. Hindi niya alam anong gagawin. Hindi na sana bago sa kaniya ang tratong gaya nito. Halos layuan din siya ng lahat noon dahil masama raw silang pamilya at mga matapobre buhat sa pamamahiya ng stepmom niya sa mga empleyado nila. Kaya ginawa niya ang lahat para makalayo sa mga ito.Now, she found her peace sa Si Corp., hindi naman niya aakalain na mauulit pala ang nangyari noon. Nilalayuan na naman siya ng mga tao dahil sa asawa niya."Tara Mithi, lunch tayo." Sabi ni Shamcey.Tumango si Mithi at naglakad na sila paalis. Pero habang naglalakad, ramdam niya sa likuran niya na tinitignan siya ng mga kasamahan nila.Nang mawala siya, doon na tuluyang nagbulungan ang mga empleyado."Sa ting
"Buti pumayag ka makipag dinner sa akin." Saad ni Kelleon."Naaah! It's really nothing. I'll be glad kahit papaano e nasuklian ko ang mga ginawa mo sa akin."Kelleon just smiled. "So how are you and your husband?"Biglang natahimik si Mithi ng maalala na naman si Kallahan."We're fine," saad niya at pinilit ngumiti. Hindi niya maikwento na may hindi sila pagkakaunawaan ng asawa niya."I see. But you know what, Kallahan and I were used to be best buddies."Biglang namilog ang mga mata ni Mithi at napatingin kay Kelleon."What?""We're ex best friends." Natatawang sabi ni Kelleon."Teka, iyong sa-""Yes. Nag-usap kami no'ng nakita mo kami sa labas ng hotel niya."Natameme ng husto si Mithi. Walang sinabi si Kallahan sa kaniya tungkol kay Kelleon. Mas lalo tuloy sumama ang pakiramdam niya na wala nga talaga siyang kaalam-alam sa buhay ng asawa."To be honest, nagka-interes ako sa'yo matapos kong malaman na asawa ka niya. Walang balita ang dumating sa akin na nagpakasal na siya. Isn't it