Share

Chapter 23- Ang plano ni Alicia

Malaki ang galit ni Alicia kay Mithi. Pakiramdam niya ay inaagaw nito ang lahat sa kaniya. Lahat ng attention at kahit sa trabaho.

Matagal na siyang nagpapapansin kay Dexter—ang boss nila para ibigay sa kaniya ang position ni Mithi. Gusto niyang siya ang ipadala sa mga food exhibit dahil gusto niyang makarating ng ibang bansa.

"Hindi pwede. Ipinagkatiwala ko na ang trabahong yun kay Mikaela Thilany." Mariing sabi ni Dexter ng minsan niya itong kausapin para siya ang ipadala sa food exhibit.

Kumuyom ang kamao ni Alicia sa sagot ng boss niya sa kaniya. Naiinis at nagagalit siya, lalo't kahit kailan ay hindi pa siya nagkaroon ng break sa career niya.

Kahit lahat ng lalaki sa opisina nila e si Mithi ang gusto. Si Mithi ang laging pinapansin dahil si Mithi raw ang pinakamaganda.

Ilang pera ang nagasto niya sa derma at pagpapa-facial para lang maging maganda ngunit ng makilala niya si Mithi, tinalbugan ang gandang ginastusan niya.

At ngayon, sa tingin niya ay may gusto si Dexter kay Mithi.
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status