Share

Chapter 6- You are my lovely wife now

Agad nalukot ang mukha ni Mithi. Nanggagalaiti siya ng makita niya ito sa harapan niya.

“Anong ginagawa mo dito?”

Ngumisi si Francheska sa kaniya. “Si Kallahan ang ipinunta ko dito.”

Agad hinarangan ni Mithi ang hagdan. “Ang kapal naman ng mukha mo para pumunta dito. Anong gusto mong mangyari? Balikan si Kal? Kasal na siya sa akin ngayon!”

Natawa si Francheska. Tawang tila ba nang iinis.

“Hindi ba dapat magpasalamat ka sa akin? Dahil nagloko ako, kaya ka niya naging asawa ngayon?”

Napaawang ang labi ni Mithi. Hindi niya lubos maisip kung bakit nasabi yun ni Francheska sa kaniya.

“Grabe ang kakapalan ng mukha mo. Wala akong masabi.”

Ngumisi si Francheska. “Tabi. Pupuntahan ko si Kal.”

Hinarangan siya ng todo ni Mithi. “Hindi ka pupunta sa kaniya.”

“Francheska!” Sabay na napatingin sina Mithi kay Kal na nakadungaw sa kanila. “Come here.” Sabi pa nito.

Parang napahiya si Mithi sa nangyari. Nasaktan siya lalo na nang makita kung paano siya ngisihan ni Francheska habang naglalakad papunta sa study room kung nasaan si Kal.

Tumingin si Mithi kay Shy at pumunta na lang sila ng veranda.

Ang isipan niya ay lumilipad kay Kal lalo na no’ng halos mag-iisang oras na sila sa study room na kasama si Francheska.

Hindi niya alam bakit pero nakaramdam siya ng sakit para sa sarili niya.

Matapos nga ang isang oras, nakita ni Mithi si Francheska na paalis na. Naiiyak siya sa hindi niya malamang dahilan. Tumingin siya kay Shy at pilit na lang ngumiti.

Kaya no’ng kinagabihan, tahimik lang si Mithi habang kumakain sila ni Kallahan. Alam ng mga maid na wala siya sa mood at si Kal naman ay pinapanood lang siya the whole time na wala namang gana habang kumakain.

“If the food is not in your liking, pwede akong magpaluto ng bago.”

Nag-angat ng tingin si Mithi sa kaniya. Nabigla si Kal ng makita ang kislap dito dahil sa luhang nagbabadyang tumulo.

“What’s wrong, wife?” malumanay na tanong nito.

“Wala,” matabang na sabi ni Mithi at nagbaba ulit ng tingin. Nahihiya siyang magsabi ng saloobin dahil hindi niya alam kung nasa tamang position ba siya para magsabi no’n.

“No. I want you to tell me. What’s bothering you? Ayokong matapos ang gabing ito na ganito tayo.”

Nakagat ni Mithi ang pang ibabang labi niya.

“P-Papaalisin mo na ba ako dito?”

Nanlaki ang mata ni Kal. “What? NO. Bakit mo naisip ‘yan?”

“Nagkabalikan na ba kayo ng ex mo?”

Natigilan si Kal at matapos ang halos isang minuto na paninitig sa mukha ni Mithi ay umaliwalas ang mukha niya. Kita ni Mithi kung paano nito kagatin ang labi para lang pigilang huwag matawa.

Kumunot tuloy ang noo niya at natawa bakit tila parang masaya pa si Kal.

Tumayo si Kal at lumapit sa kaniya.

“So si Francheska ang gumugulo sa isipan mo?”

Hindi makasagot si Mithi, tinablan siya ng hiya at parang gusto na lang niya maglaho bigla.

“Tell me please… Si Francheska ba?”

Nakagat ni Mithi ang labi niya at bumaling sa asawa. “I-Isang oras kayo nagkulong sa s-study room. N-Nagkabalikan na ba kayo? P-Papaalisin mo na ba ako? Ayaw mo na ba sa akin K-Kal?”

Nakita ni Mithi kung paano kumislap ang mata ni Kallahan sa labis na tuwa. Nagulat siya ng bigla siyang hawakan ni Kallahan sa magkabilaang pisngi at idinampi ang labi nito sa labi niya.

Isang haIik kung saan, mas malalim at mapaghanap pa ang atake ng labi ni Kal sa labi niya. Na kung pwede lang silang makatagal ng sampung minuto ay baka hindi ito natigil agad.

“God. You’re making me crazy,” bulong ni Kal at ngumiti na animo’y nanalo ng lotto.

Namula naman si Mithi at ngayon lang niya naalala na kasama pala nila ang mga katulong sa bahay.

“A-Ano bang g-ginagawa mo Kal?” namumulang aniya at kumain, para lang ibaling sa mga pagkain ang attention niya.

Kanina e wala siyang gana, ngayon ay nagutom siya bigla.

“Akala ko ba ayaw mo sa pagkain na hinanda?” naroon ang pagkatuwa sa boses ni Kal.

Namula na ng todo si Mithi. Bumaling siya sa asawa niya na tinataasan na siya ng kilay ngayon. Agad niya itong pinakain ng hotdog na basta na lang niya kinuha sa mesa.

“Kain ka na Kal.” Sabi niya. “Kung anu-ano na ang pinagsasabi mo.” Mahinang sabi niya sa huli.

Natawa si Kallahan. He didn’t thought that marriage life with Mithi would be this amazing.

Kumunot ang noo ni Mithi at napatingin na lamang sa plato niya. Nagtaka siya bakit ang tampo at inis na naramdaman niya kanina ay nawala na ng tuluyan.

Luis didn’t kiss her before on the lips. Hindi niya alam na pwede pa lang magpawala ng inis at galit ang isang haIik.

Na para bang may mahika ito.

Matapos nilang kumain, dumiretso na si Mithi sa kwarto nila mag-asawa para maligo. At pagkatapos, nakita niya si Kal na walang damit pang itaas, nakaupo sa kama na tila ba ay hinihintay siya.

“Francheska and I are done now. Kung ano yung nakita mo kanina, it was nothing. Binigyan ko lang siya ng pera para tigilan na niya ako sa hinaharap. I want a peaceful life with you and having her around is a headache so it’s better to negotiate with her.”

“Binigyan mo siya ng pera?” hindi makapaniwalang tanong ni Mithi.

“Yes and besides, barya lang yun so don’t worry.” Natatawang sabi ni Kal. “So stop being jealous about her. You are my lovely wife now.”

Agad namula si Mithi at natatawa naman si Kal habang kinuha ang kamay nito para ipaupo sa kandungan niya.

Omega Centauri

Thank you for reading this. If you wish to continue reading this story, you can purchase the chapters by these methods. 1. Purchase using coins. 2. Unlock using bonus. Download Goodnovel app and claim the bonus by completing the tasks. 3. Watch ads. Some accounts can watch ads to unlock the chapters. I also encourage everyone to leave a comment or rate if you want to help the author on promoting the story. Thank you.

| 99+
Comments (64)
goodnovel comment avatar
leonora cruz
maganda ang kwento,sna fullstory
goodnovel comment avatar
Nan
Ganda añg kwentong ito
goodnovel comment avatar
Janet Reodava
Maganda ang story
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status