Share

Taste: Two

"Food brings people together on many different levels. It's nourishment of the soul and body; it's truly love."Giada De Laurentiis

"WE DID IT!" We squealed. Napatingin kami sa isa't-isa at sabay kaming napatawa sa inakto.

"Thank you so much, Lala!" I sincerely said.

"Ano ba chef! No need to thank me. Dahil ito sa sipag nyo, nagawa nating makuha ang napakagandang balita," masayang sabi niya.

"Yes, cliché it may sound but it won't work without all of your help."

"That's our job," kibit-balikat na sabi niya.

Sinamaan ko ito ng tingin dahil sa narinig. I sighed. I told them many times about it.

"Don't start with me," I strictly said.

She laughed. "Ito naman ang seryoso. Wala bang painom diyan chef?" hirit nito.

Napailing na lamang ako.

"Oo na. Agahan niyong isara ang resto. At exactly six let's meet in the usual place. Uuwi muna ako. Ang late siya ang magbabayad," I told her kaya napalundag ito sa saya.

"Okay chef! Masusunod. Sasabihan ko po ang iba. Ingat ka sa pag uwi!" She was so happy kaya mabilis itong umalis at ibinalita sa iba.

I was humming a song on my way to our home. I'm going to tell them about this good news. Wala rin naman akong gagawin sa resto kaya napagpasyahan kong umuwi na lamang.

I know they'll be happy about it. Hindi ko nga lang alam kung maaabutan ko pa ang iba.

Nang dumating ay dumeretso agad ako sa sala dahil kadalasan dito sila matatagpuan. I frowned when I didn't see them. Nasa trabaho na ba sila?

Nilibot ko ang buong bahay. Kahit si mommy ay hindi ko nakita. Umalis rin ba siya? Ang hindi ko pa napupuntahan ay sa likod ng bahay kaya agad ko silang hinanap doon.

I stopped walking when I saw them happily waving their hands toward me. May hawak pa itong banner na may nakasulat na, 'Congratulations Chef Aisha!'

Nagulat pa ako ng biglang may sumabog na confetti sa likod ko at nakita si Athasha na may hawak na party pooper.

Mabilis nitong binitawan ang hawak-hawak at lumapit sa akin para yumakap. She use her hands to tell me something na naintindihan ko naman. Pagkatapos ay lumapit na kami sa iba.

Si Anisha at Alisha ang may hawak ng banner. Si Asaisha naman ay may hawak na bulaklak habang si mommy ay may dalang cake.

Hindi ko mapigilang mapaluha dahil sa nakita. I didn't expect this. All this time, alam na pala nila?

For a short period of time they were able to prepare this?

"Anisha, she's crying," pagtutukso ni Asaisha habang pinapaalam kay Anisha.

Pinunasan ko naman agad ang mga tumulong luha sa mata ko gamit ang likod ng mga kamay ko. Pagkatapos ay isa-isang niyakap sila.

"Thank you everyone. Sasabihin ko pa lang pero alam niyo na. Unfair!" I told them teasingly. Kaya tumawa sila sa sinabi ko. Tiningnan ko naman si mommy na mas lalong lumapit sa'kin.

"Congrats anak," she told me after hugging me. I bit my lips to stop my tears from falling again.

"Thank you, ‘mmy. Did you bake that?" Tinuro ko ang cake na hawak nito. She frown when she heard my question.

"Of course not. Do you want mommy to burn your favorite kitchen?" sagot ni Asaisha kaya sinamaan ito ng tingin ni mommy. Tumawa ako. I forgot mommy doesn't know how to cook or bake, well anything that something to do inside the kitchen.

I look at them. They were all smiling and I'm happy about that.

I love them.  

This is my family and I'm lucky to have them.

Pinagpatuloy namin ang celebration sa bahay. Nagluto rin ako ng iba pa para may kakainin kami bukod sa cake na inorder ni mommy. She ordered it from my restaurant at wala akong alam dun.

"So how did you know?" I asked them after preparing the food and presentation. Puro desserts iyon dahil kakain lang rin nila kanina.

Si Asaisha ay tumulong sa pag-aayos ng mesa at nilagay nito ang mga bulaklak sa vase. Ang iba ay nakaupo na habang hinihintay kami na matapos.

"Lala told us," they answered in unison.

Muntik na akong mapaikot ng mata dahil sa narinig. Inunahan pa ako ng secretary ko!

"Sa sobrang saya niya pati kayo sinabihan niya!"

Tumawa na lamang sila. They started digging the food nang matapos ako. Umupo na rin ako sa gitna nila Asaisha at Anisha.

"Lala was so happy. Ako rin ang nagtext sa kanya na ipaalam sa akin kung anong resulta ng importanteng meeting mo," Alisha told me after chewing her food.

"So now you are all interested in my business?" I inquired. They made a face after hearing my query.

Tinaas ni Asaisha ang kamay nito kaya napalingon kami sa kanya. "I'm interested with the food but not the whole business," she said.

"It's just the same, sis," Anisha inserted smoothly. Tumango naman ako para sumang-ayon.

"My business is food," I told her.

She wave her hand para sabihing hindi iyon ang ibig sabihin niya.

"I mean, about handling the business. Such as cooking, baking, and whatnot."

"Ayusin mo kasi!" pagsasaway ni Alesha.

"Maayos ako sis. Ikaw ang hindi! Naalala ko bakit ka pa nandito, huh? Wala ka bang trabaho?" Nakakunot ang noo nito na itinuturo ang hawak-hawak na tinidor sa harap.

"Put down your fork, Asaisha." Mom strictly ordered kaya binaba nito agad ang tinidor at nag-peace sign kay mommy.

"How about you? Wala ka bang pasok at nandito ka rin?" pagbabalik ni Alisha.

"My shop can operate without me," Asaisha answered.

Iiling-iling na lamang si Anisha sa naririnig. Nilagyan ko ulit ng pagkain ang plato nito nang makitang paubos na ang laman. Ngumiti siya nang malaman ang ginawa ko. Habang si Athasha ay tahimik lang sa tabi habang kumakain. Lumingon siya sa'kin ng mapansing nakatingin ako sa kanya.

"Masarap?" I mouthed, referring to the food. She nodded and gave me a thumbs up.

Bumaling ulit ang tingin ko sa dalawang taong magkaharap.

"I am to--" she stops when she realizes something then glares at the woman beside me. "--fine you win!"

Masayang pumalakpak naman si Asaisha mukhang natutuwa sa argumento nilang dalawa.

"Stop arguing in front of the food, please." I told them before continuing my food.

Tumigil naman agad sila at ipinagpatuloy ang pagkain.

"So you're now working with Fig Company?" Mom inquired after the silence. She elegantly wiped her mouth with the tissue after finishing the food.

"Not exactly. But we have secured a partnership with them. You know it wasn't easy. Ilang buwan na rin simula ng kinukuha namin ang atensyon nila and now after how many failed attempts, it finally paid off."

Ngumiti naman sila sa narinig halatang masaya sa naabot ko. They know my hardships in achieving my dream. They know everything. Wala akong niisang hindi sinasabi sa kanila.

We talk about it and we try to solve the problems together. And I'm glad they're always there supporting me. Of course, I'm always there for them too.

"But that's not all," I inform them, remembering what Mr. Williams told me to do. "I will be a personal chef too."

Napahinto sila sa pagkain at sabay-sabay na lumingon sa akin.

"What!?" Asaisha exclaimed with exaggerated tone.

"OA ka!" pagsasaway ni Alisha. Hindi na lamang pinansin iyon ng katabi ko dahil na sa akin ang atensyon niya.

"Don't shout, okay? Nasa tabi lang kita," sabi ko sa katabi.

"Continue, pabitin ka sis!"

Napatawa na lamang ako sa inakto niya. Mukhang naghihintay talaga sila sa susunod na sasabihin ko. Lahat nakapokus ang tingin sa akin.

"I am appointed as the personal chef of his son," I told them nonchalantly after swallowing my food.

Walang umimik sa kanila. Tila pinoproseso ang sinabi ko. Hindi ko naman sila masisi dahil ito ang unang beses na tinanggap ko ang alok ng pagiging personal chef.

I don't know how many times I already decline people offering me about that. Okay na ako sa pagluluto sa restaurant ko and of course for my family too. Ako lang naman ang marunong magluto.

I'm the one who cooks everyday. Dahil may kanya-kaniya kaming trabaho ay kapag lunch pinapadalhan ko nalang sila ng pagkain. Pero sila Anisha at Athasha ay nasa bahay lang, work from home. Si mommy, well, we don't like her working kaya madalas nasa bahay siya o minsan binibisita kami sa trabaho. That's her daily routine.

"You accepted it?" Alisha asked for confirmation. I nodded.

Malakas namang tumili si Asaisha at dahil nasa tabi ko lang siya ay napatakip ako ng tenga.

"Gwapo ba?" tanong niya pagkatapos magtitili at lumapit pa sa akin para yugyogin ako.

What?

Inalis ko ang kamay niya sa akin at hindi makapaniwalang tumingin sa kanya. Naisip niya pa talaga iyon?

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status