Home / Romance / Taste of Time / Taste: Fifteen

Share

Taste: Fifteen

Ngumiti ito nang maramdaman ang hawak ko sa kaniya.

"Thank you. Why are you already cooking? Are you okay now?"

"Good morning to you too!" I kissed her cheeks with loud smack.

Nilagyan ko ng mga naluto ko nang pagkain sa harap nito. Dahil huling pagkain nalang ang niluluto ko ay naglagay na rin ako ng plato ng para sa akin para daluhan ito.

"I thought I wouldn't taste your food today!" Tumawa ito nang mahina.

I grinned. "Well, you can't escape from my spell-bounding food."

Humagikgik ito.

"It was half-half though. I guessed too that no one's gonna stop you from cooking. And I guessed right."

Pinatay ko na ang stove at umupo na rin sa upuan ko. We both prayed first and then started digging in.

"Bon appétit."

"Bon appétit!"

Nagsimulang magkwento si Anisha ng mga pinagkakaabalahan niya nitong nakaraan. I was feeling sorry because I got busy these past few days and will be busy the next days too so I'm attentively listening to all her stories now so I can catch up.

Tumikhim ito pagkatapos magkwento. "So how about you? Any interesting things?"

Halata ang bahid ng sigla sa mga tunog ng pagkakasalita nito. Everyday she is always looking forward with new things may it be on her own discovery or the experiences we share with each other.

"Right!" Linunok muna nito ang kinain at excited na bumaling sa akin nang may naalala. "It was Mr. Williams son named Mr. D who brought you home, yes? He was also the one who ordered the food for us!"

Nabitin sa ere ang kutsara na puno ng pagkain na isusubo ko sana. Mabuti na lamang ay wala akong kinakain dahil paniguradong mabibilaukan lamang ako.

She can't stop guessing, can she?

Napatampal na lang ako sa medyo nag-iinit kong noo.

Now, I can't also stop thinking about it. My heart skipped a bit when the thought entered my mind. Denying the possibilities is just giving me another headache so I prompted with not thinking about it anymore. Pero...

"I... don't know." I trailed off but also laughed it off. "Tatanungin ko ba?"

"Magkikita ba kayo ngayon?" she cheekily asked.

I stopped eating and my lips unconsciously curled downwards. Nang maramdaman iyon ay napatikhim ako. Me? Frowning?

I'm not.

Buti nalang si Anisha ang kaharap ko.

"I guess not. I will be going somewhere. I can thank him next time tho, right?"

She happily nodded in agreement.

I WAS holding a big paper bag when I saw Lala in front of the restaurant.

"Hey welcome back!"

Pabiro ako nitong inirapan bago lumibot ang tingin sa buong mukha at katawan ko.

"You still have the energy or you're just acting?" tanong nito sa mapang-usisang tingin.

Humalakhak ako dahil sa bungad nito.

"I'm fine okay." I even spinned for her to see but I regretted immediately kasi bigla atang naalog ulo ko. Hindi ko na lang pinahalata sa kaharap ko.

She sighed. "Sabi ko naman kasi sa'yo Chef na pwedeng ako nalang ang pumunta. I can request for samples before confirming the orders. They will even appreciate it better if you weren't around."

Medyo kumunot ang noo ko dahil sa narinig.

"Why is that?"

"Naprepressure daw sila sa'yo!"

My lips parted.

Pressure? Saan?

"But they don't look like one! And why would they? Am I being rude? Am I asking too many questions? Do they think I'm suggesting too much?"

Hindi ko mapigilang sunod-sunod na mag-isip at magtanong. Walang naisagot sa akin si Lala maliban sa kibit-balikat niya. Kahit na nasa kotse na kami ay hindi ko pa rin maalis sa isipan iyon. Si Lala ang nagdra-drive kaya marami akong oras para mag-isip ng kung ano-anong bagay at bukod dun ang mga dahilan sa mga nagpapabagabag sa'kin.

Honestly, I don't really want anyone feel bad about me.

I am always conscious with the way I act although it just go naturally. I don't want to be rude in front of anybody I stumbled upon. Or I just can't take it to feel mad over petty things.

They say I'm pressuring them. Am I that strict?

But I didn't hear anything from them and that's what I'm most uncomfortable of. Talking on my back is what makes me anxious.

Throughout our two-hour drive to the winery, ay walang katapusang daloy ng mga katanungan at mga posibleng sagot ang nasa isipan ko. Kahit na nung binati kami ng pamilyar na mukha ay medyo wala ako sa sarili.

I only greeted them with a small smile. Noong nasa loob na kami ay doon lang ako naging komportable. I stared in awe in the large oak barrels and stainless steel tanks. Napansin kong may wine tour na nagaganap dahil may mga iilang tao ang dumadaan at tumitingin-tingin.

Dahil hindi naman kami kasali sa wine tour ay dumiretso agad kami sa cellar kung saan tinatanggap ang nga guest. Bago iyon ay napadaan kami sa Clarifying section, sa Aging lalo na ang Bottling. Kita ito dahil glass lang ang naghihiwalay.

I really admired winemakers because they are so patient with their work. Akalain mo 'yon maghihintay sila ng ilang linggo, buwan o taon bago matikman ang ginawa nila. Anyway, it's worth it naman.

"Andito raw si Sir."

Bahagya akong napalingon nang marinig na may nag-uusap.

"Hindi mo nakita? Nagsu-supervise sa bottling."

"Tanga. Alam mong busy ako kanina."

"Sayang ka. Buset ang gwapo talaga!"

"Parang wine lang, mas tumatagal mas sumasarap!"

Naghagikgikan sila sa gilid. Sabay pa kaming nagkatinginan ni Lala na nasa tabi ko lang. Malamang ay narinig niya rin. Napatawa siya sa naging reaksiyon ko kaya pinandilatan ko ito.

"Maupo po muna kayo Chef at Miss Lala. May gusto po ba kayong kainin?" Tumingin ako kay Drian na palaging tumanggap sa'min kapag dumadating kami dito.

Umupo kami ni Lala sa couch na nasa gilid. Walang ibang tao sa cellar kaya tahimik. Tumingin ako kay Lala kung may gusto siya pero umiling ito.

"No, thank you Drian," nakangiting sabi ko sa lalaking nasa harap namin.

Napatitig muna ito sa akin bago yumuko. "Kung ganun ay maiiwan ko po muna kayo at sasabihan ang iba para sa sampling."

"Maraming salamat!" Tumango ito bago tumalikod papaalis.

Nang mawala na ito sa paningin namin ay siya namang pagsalita ng nasa katabi ko.

"At sino kaya itong Sir nila at nang malaman natin kung masarap ba talaga." Sinabayan pa nito ng halakhak.

Lumaki ang mata ko sa sinabi niya. Ginatungan pa. Napasinghot tuloy ako.

"Lala!"

Hindi pa siya tumitigil sa halakhak niya kaya pabiro ko itong hinampas sa hita.

"Curious lang! Naalala kong ilang beses na ang punta natin dito pero hindi pa natin nakita iyong sir na sinasabi nila." Patuloy nito.

"He's probably busy. Atyaka hindi niya naman kailangang magpakita sa atin." Makahulugan niya akong tiningnan dahil sa pangrarason ko. "Let's not talk about that, and talk about your home visit instead."

May kinuha siya sa bag at inabot sa akin na kaagad ko namang kinuha.

"Nothing's new."

Napangiti ako. "Little Sunshine wants to come with you, am I right?"

"Again."

Tumayo ako para itapon sa trash bin ang ginamit kong tissue at bumalik ulit sa pagkakaupo.

"Why don't you accept her request?"

Umiling ito. "Hindi ko rin siya mababantayan kung isasama ko siya Chef."

"You can bring her to the house naman while you're working," I suggested.

"Next time na lang kapag maluwag na."

"Unfortunately we're getting busy. Nevertheless we can always find time for her."

"Matutuwa talaga si Araw kapag marinig niya iyan." Napapailing na sabi nito.

Ngingiti sana ako but I scrunched my nose instead cause of itchiness. Agad akong kumuha ng tissue para takpan ang ilong at bibig.

Achoo...

Saktong bumukas ang pinto at may pumasok. Ang dalawa ay may dalang trolley habang ang isa ay may kausap. Nabitin sa ere ang tissue na ginamit ko sa biglaang pagpasok nila. At hindi ko napigilang umawang ang labi nang makita ang huling pumasok.

When he looked at our direction, his steps slowed down and stopped at the entrance. His eyes stared mine and I can't help but to look back. Kumunot ang noo nito nang makita ako.

"Chef." Siniko ako ni Lala nang makitang nakatunganga lamang ako kaya agad akong napaayos at tumayo para itapon ulit ang tissue.

Nakita kong sinundan niya ng tingin ang pagkilos ko. Hindi tuloy ako naging kumportable sa paraang pagtitig niya.

"Pretty Chef, it's nice seeing you again!"

Lumingon ako sa taong magiliw na binati ako. I automatically smiled at the person. He's tall and charming kaya hindi ko mapigilang ngumiti nang makita ang dimple sa kaliwang pisngi niya kapag ngumingiti siya.

"Hi Ephraim. How are you?"

"Good. I'm good." Tiningnan ako nito na malawak ang ngiti. "You're getting prettier everytime I see you!"

I felt like my cheeks heating with his remarks.

"Stop teasing me."

Tinawanan niya lang ako bago bumaling ang tingin sa katabi niya. Doon lang ako napatingin ulit pero agad na binawi nang makitang matalim ang tingin nito sa akin.

"Ah! Meet our boss pala, Sir D."

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status