Home / Romance / Taste of Time / Taste: Seven

Share

Taste: Seven

Pero alam kong hindi talaga titigil ang isa riyan. I was right when she blocked my way with her arms on her chest while looking at me in a meaningful way.

"Oh no! Walang matutulog hanggang hindi mo pa sinasabi sa amin ang tungkol sa anak ni Mr. Williams. I'm so intrigued." She even asked the other one to agree with her and she unsurprisingly nodded her head like a chick pecking on its food.

I sighed in resignation. Umayos na ng upo si Alisha nang mapansing magkukwento na ako sa kanila. Ano ba kasi ang sasabihin ko? Should I let them know his name first? Right. It would be embarrassing if I tell them how I gawked at the man. Just thinking about it makes my face flush.

"His name is D," pagsisimula ko.

"D? As in Dede?" pagtatanong ng nasa harap ko.

"Huwag ka nang magtanong at wala ka naman no'n!"

Napabuntong-hininga ako. "Itutuloy ko pa ba o hindi?"

Isinara naman agad nilang dalawa ang mga bibig at sumenyas na magpatuloy na ako.

"Okay, well, he wants me to call him D. Just the letter D. I guess he is intimidating just like his father. I think it is usually a trait for some business men, right?" Hindi nila ako sinagot kaya nagpatuloy ulit ako, "Although he is quite handsome."

Malakas na tumili si Asaisha kaya agad kong hinarang sa bibig niya ang kamay ko. Nagkatinginan pa kami ni Alisha dahil sabay naming ginawa 'yon. Kaya ang nangyari ay dalawang kamay na ang nasa bibig ni Asaisha.

"Stop screaming! Ikaw talaga ang dapat pinapatahimik eh hindi cellphone ko!" pagsasaway ni Alisha.

Gamit ang dalawang kamay ay tinanggal niya ang mga kamay namin sa bibig niya. Masama niya kaming tiningnan.

"Ang baho ng mga kamay niyo," komento niya.

Napatawa na lang ako. Akala mo talaga.

"Ah, may pang-amoy ka na niyan?" pagtutukso ni Alisha.

"Stop it, you two. Matulog na nga tayo."

Tumayo na ako at humikab sa harap nila. Nakakapagod ang araw na ito. Ngayon lang ata naubos ng lakas ko. Araw-araw naman akong nagluluto pero hindi ko naman nararamdamang napagod ako. Ngayon lang at dahil sa may nakilala ako.

"Iyon lang kwento mo?" hindi makapaniwalang tanong ni Asaisha.

"Do you want me to go in details?" tanong ko sa kaniya. Agad naman itong tumango.

Alisha took a deep breath. "Let's all rest. Basta gwapo siya, satisfied ka na?"

Bumusangot naman si Asaisha bago napipilitang tumayo. Inunat niya pa ang kaniyang paa at nilagay na ang unan pabalik sa couch. Umakyat naman kaagad kami at kaniya-kaniyang pumasok sa kwarto. Asaisha's room is just accross mine. Iyong katabi kong kwarto ay kay Anisha at sa harap nun ay kay Alisha. Habang magkaharap naman ang kwarto nila mommy at Athasha.

After washing my face and putting a face mask ay kinuha ko ang laptop na nasa kama para maghanap ng tungkol sa sinabing allergy ni Mr. D.

Alpha-gal is a food allergy, also called Mamallian Meat Allergy (MMA). So basically ang mga taong may allergy na ito tulad ni Mr. D ay bawal sa mga karne. Any meat from an animal that nurses its cub with milk. They can eat chicken or fish pero bawal din sa kanila ang dairy products.

Ang tanga ko para magluto ng Parmesan-Crusted Chicken para sa kanya. Iyon pala ay bawal ito sa tao. But with many people not knowing his state, it is inevitable some would offer him food he's allergic to.

I stopped my own research so I can rest my body. It's almost midnight and I still have to wake up early. In-off ko ang ilaw at iniwan kong nakabukas ang lamp sa bedside table.

IN THE NEXT morning ay mas maaga naman akong nagising. I really need to stop this unhealthy sleep routine. Masiyado ko nang inaabuso ang katawan ko. It's not good for our health especially to us.

I prepared our breakfast at dahil masiyado pang maaga ay nauna na akong kumain sa kanila. Then I leave a note above the table before leaving.

I punch the passcode when I arrived in front Mr. D's penthouse. Sobrang tahimik lalo pa't sa kaniya lang ang buong floor. I don't know if I can take living alone. Nasanay na akong palaging may kasama sa bahay at nandiyan ang mga kapatid ko.

Nilibot ko ang paningin sa buong suite at gano'n pa rin ang ayos nito. Didiretso na sana ako sa kusina nang makita ang isang tao na nakatingin sa'kin. Standing besides his bedroom's door.

He's not wearing a tee-shirt again!

"G-good morning po, Mr. D," nakangiting bati ko.

"I told you to stop saying 'po'." Napalunok ako nang marinig ang boses niya. Halatang bagong gising palang.

Tumango ako bago humarap papuntang kusina. "Magluluto na ho ako," sambit ko at walang lingon-lingon ay pumasok na rin ako sa kusina.

Ang akala kong makakahinga na ako ng maluwag ay mali pala ako. Sumunod siya sa'kin at nanatiling nakatayo malapit sa pinto. Sumandal siya doon habang nakakrus ang mga braso niya sa dibdib. Just like yesterday.

"What are you cooking?"

"Food without meat," simpleng sagot ko sa kaniya.

Kinuha ko ang mga sangkap ng lulutoin ko. Hindi na rin ako nahirapang hanapin iyon dahil inaayos ko na ito kahapon. Wala siya noong dumating ako dito, at umalis ako ng wala pa rin siya.

"Now, you're learning," komento niya. Napahinto naman ako at nakangiting lumingon sa kaniya.

"Trabaho ko hong alamin ang nararapat na pagkain niyo. Ayoko rin namang maging dahilan ng pag-atake ng allergy niyo."

He stopped then eventually tsked. "She really stops saying po and change it with ho. What's wrong with this woman?"

Kumunot ang noo ko nang magsalita siya pero hindi ko marinig. "May sinasabi ho kayo?"

Umiiling ito at walang sabi-sabing umalis. Nagkibit-balikat na lamang ako at ipinagpatuloy ang ginagawa. After 45 minutes ay natapos na rin ako.

Bumalik naman siya mga ilang minuto. He's wearing a semi-formal attire. Ang buhok niya ay nakaayos din. Hindi ko mapigilang mapatitig sahil sa bagong ayos niya. Hindi ko masasabi kong ano ang mas bagay sa kaniya. Ang may suot na damit o wala? Plus, his exposed forehead is attracting me! I looked away when our eyes met.

Bakit kasi ang gwapo niya.

"Aalis na ho ako," pagpapaalam ko.

"No, you'll stay here until I finish eating."

Gusto ko sanang umangal ay wala na akong nagawa nang tumingin siya sa'kin. Umupo ako sa harap niya at siya naman ay nagsimulang kumuha ng pagkain. Bago kumain ay tiningnan niya pa ang bawat pagkain na nakaharap sa kaniya.

Wala hong lason 'yan. Gusto ko sanang sabihin pero nanatiling tikom ang bibig ko.

"Are you not going to eat?"

"Tapos na ho," sagot ko.

Tumaas ang kilay niya dahil doon. "You're up early huh?"

Alanganin naman akong tumango sa kaniya bago sumagot, "Oho. Kailangan ko hong maagang gumising para magluto sa bahay at maagang makapunta dito para ulit magluto..."

Huli na nang mapansin ko na nakatingin pala siya sa'kin habang nagsasalita ako. Agad kong tinikom ang bibig ko at baka hindi niya gusto ang maingay. It's strange that I am also being talkative. I guess because he is too quiet.

"Continue. I want to hear your voice," sabi niya na ikinalaki ko ng mata.

Anong ibig niyang sabihin? Gusto niyang marinig ang boses ko?

"Uhm..." hindi ko tuloy mahanap ang boses ko.

"Just talk while I'm eating."

Napaubo naman ako dahil sa narinig. Seryoso ba siya? Sana pala ay sinama ko si Asaisha dito, siya lang naman ang madaldal dito. I only talk with clients or customers when I need to. Mas pokus ako sa pagluluto. Pero naisip ata ni Mr. D ay madaldal ako dahil ako lang naman ang nagsasalita sa aming dalawa.

"Ano ho ba sasabihin ko?" tanong ko sa kaniya. Tumingin muna siya sa'kin bago sumagot.

"Why don't you tell me how you successfully got my father's approval to your proposal?" Bumalik ulit ito sa pagkain matapos niyang magtanong.

Hindi ko mapigilang tingnan kung paano siya kumain. He's so manly. Pati ata paglunok niya ay sobrang attractive. I shook my head to stop from thinking unwanted thoughts. Binalik ko ang atensiyon ko sa tanong na gusto niyang malaman.

"I think my team's hard work and sincerity are the reasons, sir."

Mukhang hindi siya nakumbinse sa sagot at sarkastikong bumaling sa akin.

"You think so? Because I don't." Huminto ito sa pagkain at nilagay ang dalawang braso sa mesa.

"Ano ho ba ang iniisip niyo?"

He spoke again. "Getting the collaboration made you forget that your restaurant is nothing compared with the Fig Restaurant. My father is not a fool to accept your proposal if there's no personal reason. Maraming nakapila para makuha iyon pero bakit napunta sa inyo? Bakit nga ba? Do you think you can answer that question, Chef Aisha?"

I frozed. Ang kamay na nasa binti ko ay mas lalong nanginig dahil sa narinig. Pinilit kong kinalma ang sarili sa pamamagitan ng pagpisil sa mga daliri ko. I inwardly took a breathe so I he wouldn't see my stiffness.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status