Home / Romance / Taste of Time / Taste: Fourteen

Share

Taste: Fourteen

Hindi pa ako nakakapagsalita ay nawala na ito sa harapan ko at nalaman ko na lamang na pumasok ito sa kwarto niya.

Nanatili ako sa posisyon ko habang hinihintay siya. Iniisip kung bakit niya ako pinaghihintay.

Ilang minuto lamang ay lumabas na ito at nakita kong nagpalit ito ng damit. He's only wearing a white shirt and trousers. He stopped in front of me before getting my bag from my hand and carried it with him.

"Let's go."

"H-huh?"

"I'll drive you home," seryoso nitong sabi at wala akong magawa nang hatakin ako nito palabas.

Hindi ko mabuka ang aking bibig dahil hindi ko rin naman alam ang sasabihin. Mukha akong nawalan ng lakas na umayaw sa ginagawa niya at hinayaan na lamang siya. Tahimik akong lumingon sa tabi ko na seryoso sa pagmamaneho. Miminsan ay bahagya itong kukunot ang noo ng walang dahilan na animo'y ito ang regular niyang ekspresyon.

"Why don't you rest instead of looking at me?"

Mabilis pa sa kidlat na iniwas ko ang tingin sa kaniya at umayos ng upo. Inihilig ko ang ulo sa upuan dahil mas magandang ipikit ko na lamang ang mata kesa mahuling nakatingin sa kaniya. Nakakahiya ka Aisha!

"Hey, we're here," someone said softly waking me up.

Dahan-dahang bumukas ang mata ko at bumungad sa'kin ang mukha ni Mr. D na malapit sa'kin. His gentle stare is looking at me I was unable to move. Buti na lamang ay nagbitiw ito ng tingin at lumayo sa'kin kaya nakahinga ako ng maluwag. Napatingin ako sa labas at bahagyang nanlaki ang mata nang makitang nasa harap na pala kami ng bahay.

Wait...

"H-how did you know our address?"

Lumingon ito sa'kin bago kalmadong sumagot, "It's written in the system."

Hindi na ako nagkomento pa at bahagyang ngumiti at nagpasalamat sa kaniya sa paghatid. Lalabas na sana ako sa kotse nito ng hawakan nito ang braso ko na ikinahinto ko.

"Take this." Inilagay niya sa kamay ko ang isang supot ng mga medisina kaya hindi ko mapigilang mapatingin dito.

Mukhang kakabili niya lang ito dahil walang gusot ang supot. I don't know what medicine he bought but it was a lot.

"Salamat pero hindi mo naman ho kailangang bumili nito," mahina kong sabi.

"Rest and you don't need to cook for me tomorrow," he said instead.

"Pero—"

"Go now."

Binuksan ko na ang pintuan pero lumingon ulit ako sa kaniya.

"Okay. But I'll let the restaurant handle your meals. And don't forget to eat the food I cooked when you come back."

"Hmm."

"Drive safely, Mr. D."

Pagkalabas ko ay pinaandar agad nito ang kotse at umalis. Naghintay pa ako ng ilang minuto sa labas bago naisipang pumasok.

"So kaninong kotse 'yon? Nasaan kotse mo? Sino naghatid sa'yo?"

Gulat akong lumingon sa likod. Nakita ko si Asaisha na kuryosong nakatingin sa'kin na may panunudyo.

Malapit na talaga akong atakehin sa babaeng ito. Bakit ba sumusulpot ito kung saan-saan?

"Ang chismosa mo."

"Uy matagal na, sis!" natatawa nitong sabi ko kaya hindi ko mapigilang mapailing. "Huh?!"

"Bakit?" tanong ko ng bigla na lang itong sumigaw.

Imbes na sagutin ako ay lumapit ito sa akin at tiningnan ang hawak ko.

"Mom! Anisha! Athasha! Yuhoo anybody home? Aisha is sick!" sumigaw ito ng malakas.

Napaawang ang labi ko dahil sa ginawa. Really.

"Stop shouting as if I'm dying."

"Ay bad words. Wait. I'll call Alisha first... 'La bakit ayaw sagutin?"

Nagsisulpotan naman ang iba kaya hindi ko alam kung maiiyak ba ako o matatawa.

"Asaisha is just overreacting guys."

Si mommy ang naunang lumapit sa akin at hinatak ako. "Let's go inside. Asaisha, bakit hindi mo muna pinapasok ang kapatid mo?"

"Huh? Oo nga ano? Pasensya nag-panic lang!"

Dinala naman kaagad nila ako sa kwarto kahit sinabi kong okay lang ako. Pero ayaw nilang maniwala. They're all just overreacting.

"Huwag niyo nang tawagan si Alisha para lang dito. Iinom lang ako ng gamot at ipapahinga ko lang ang katawan ko para hindi na kayo mag-alala."

"Okay honey. Take a rest. Call us if you need anything." Tumango ako kay mommy at ngumiti kay Anisha at Athasha.

"Asaisha, order the food immediately so Aisha can eat before taking the meds."

"Bakit ako?"

"Bakit hindi ikaw?"

"Oi oi sabi ko nga 'my." Agad itong lumabas para kunin ang telopono.

Sumunod naman ang iba para makapagpahinga na ako. Pero hindi pa ako nakakapikit ay may kumatok na sa pintuan.

"Come in," sagot ko sa mababang boses. Bumukas naman kaagad iyon at pumasok ang ulo ni Alisha na mukhang kakadating palang pero dumiretso na agad sa kwarto.

Dahan-dahan akong umupo kaya pumasok naman siya na may dalang tray.

"The food is already here?" nagtataka kong tanong nang makita ang dala niya.

There is porridge, orange juice, a glass of water and medicine.

"Iyan din ang tanong ng iba. Did you order it beforehand? Saktong dumating ito nang kakarating ko lang." She placed the tray on my bedside table.

Umiling naman ako para sagutin ang tanong niya.

"Asaisha did."

Tumaas ang kilay nito. "Hindi pa raw bumubuka ang bibig niya para magsalita sa kabilang linya nang makita ang dala-dala ko. It's from the restaurant." Nagkibit-balikat ito at may kinuhang bagong thermometer sa bulsa niya at inabot sa'kin. "Anyway, let's take your body temperature first."

Inilagay ko kaagad ito sa kili-kili at inipit. Pagkapatos ay lumapit ito sa'kin at pinabuka ang bibig ko. She's serious when checking my mouth. Inabot naman nito ang pagkain kaya agad ko itong sinimulang kainin. After that I took the medicine she gave me.

"What did you do today for you to get sick?" she asked.

"Uh. I think when I arrived in the restaurant, the weather was still good tho so I didn't expect it would rain slightly. I forgot my umbrella so..."

"You got wet but you also forgot to drink a glass of water. Then soak your body with sweat from working inside the cold office. I remembered Lala's are not around so no one's keeping an eye on you."

Napanguso ako dahil sa sinabi nito. Nginitian ko na lamang siya dahil napunto niya nga. Kinuha ko nalang rin ang thermometer na kanina pa pala tumunog at inabot kay Alisha na seryoso pa rin ang mukha. Mababa iyon kaya nakahinga ito ng maluwag.

"I'm going. I was actually on my way home to get something when I received the message." Kinuha ulit nito ang tray.

"Night shift?"

"I'll start working the night shift next week. May tinatapos lang."

Mahina akong tumango. "Okay. Take care then."

"No work Asaisha," striktong pagpapa-alala nito.

Mahina akong natawa sa narinig. Alam na alam niya talaga.

"Don't worry."

"By the way..." Huminto ito sa harap ng pinto at bahagyang lumingon na may multo na ng ngisi sa bibig. "Your Mr. D is quite worried and considerate huh."

Bago ko pa maproseso ang sinabi niya ay nakaalis na si Alisha kaya naiwan akong nakatingin sa pintong nilabasan nito.

What?

"A meal without wine is like a day without sun."

- Anthelme Brillat-Savarin

In the next day, I woke up with a mild headache and a runny nose. Still, it doesn't stop me from going out of my bed and start my daily routine.

Papasok na sana ako sa kusina nang makita si Alisha na kakadating pa lamang galing sa trabaho. She also looked at me with brow upwards.

"Good morning!" nakangiting bati ko.

Lumapit ito sa akin at kinapa ang noo ko. I'm glad I'm not feeling hot or else I'll be stuck here. "Good morning. No headache?"

"Mild only. No worries."

"Still going to work?"

I pouted. "Yes. I can't cancel and delay the wine tasting today. Lala is going back to work so you don't need to think to much."

Marahan itong tumango sa'kin. "That's good then. Matutulog na ako. Don't forget to take your meds."

She kissed my cheeks after bidding goodbye. Ako naman ay pumasok na sa kusina. Tiningnan ko ang kabuuan nito at hanggang ngayon ay hindi pa rin ako nagsasawang tingnan ito. I personally choose the interior design in the kitchen. A large center island with white counters and black granite countertops. There's a ceiling lightnings too. Cabinets placed on the wall are neatly arranged according to the usage. On the left side, tools, appliances and equipments are carefully set. On the order side, ingredients and other condiments are well-stored. Sa tabi nito ay isang sliding door at matatagpuan ang walk-in pantry. Mostly it is confine with dry goods. You can find non-refrigerated vegetables, stored ingredients, large appliances, and snacks.

I always wanted it neatly arranged with labels and descriptions so everyone can easily find it and know what its usage although they rarely went here, afraid of messing it up. If they did, they sneaked inside and brought snacks in their hands.

After preparing all the tools and ingredients, I started first baking cake and cookies then proceed cooking the viands. Medyo natagalan iyon dahil medyo nanghihina pa ang katawan ko.

I'm also distancing myself from time to time when I felt like sneezing. Runny nose is really a huge headache more than the headache itself. Hindi man lang nagpapaalam na lumabas.

"Aisha?"

I was engrossed with what I am doing that I didn't even detect any slight movements. Kung hindi ko pa narinig ang namamaos nitong boses sa kadahilang kakagising palang nito ay hindi ko talaga malalaman. Nakita ko si Anisha na maingat na naglalakad papasok. Kaagad kong binitawan ang hawak na sandok at pinuntahan ito para tulungang makaupo.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status