Home / Romance / Taste of Time / Taste: Twelve

Share

Taste: Twelve

Umiling na siya so I took it as a sign to leave. I carefully closed the door. Bahagyang nakita ko pa itong umupo sa upuan ko na hindi ko na masiyadong binigyang pansin at dumiretso sa private kitchen.

Naabutan ko si Essa na nag-aayos ng mga gagamitin ko sa pagluluto. Ngumiti ito ng malawak at kinikilig na lumapit sa akin.

"Omg chef! Ang gwapo talaga! Makalaglag matres!" tili nito.

Hindi ko napigilang matawa dahil sa inakto niya.

"Well, he sure doesn't disappoint." I continued laughing. "Anyway thank you. You can go back in your post."

"Sure ka chef? Hindi mo kailangan ng katulong?" Ngumiti ako sa kaniya bago umiling. "O hindi kaya kausap ni Mr. Williams? Baka mabagot ang bebe."

I couldn't help but to laugh. "I can handle this. Hindi ko lang alam kung kailangan niya ng kausap. Hindi ko natanong."

"Si chef talaga! Pero sure na 'yan chef Aisha?"

"Sure na nga," natatawa kong sagot sa kaniya.

Nagkibit balikat naman siya. "Kung kailangan mo po ng tulong, isigaw mo lang ang aking napakagandang pangalan, okay? Iyong tipong rinig na rinig hanggang sa loob ng office mo!"

Pigil akong ngumisi dahil sa pangungulit niya. Really.

"Oo nga. Naalala ko, bakit sa office mo dinala chef? Aba hindi ko alam na ang damot mo pala sa ganito chef ah! Ayie ayaw mag-share ng blessing."

I almost choked before I cleared my throat. "What are you saying? I told him to sit anywhere but he asked me to bring him in my office instead so I did. It's not what you are thinking, okay?"

"Ay defensive chef. Huwag masiyadong halata, okay?" Tumawa ito ng malakas, halatang nangtutukso. "Pero seryoso po, tawag lang kayo kung may kailangan ka."

"Yes, I certainly will. Thank you so much Essa for the help."

"No problem chef. Basta ikaw!"

Magiliw itong umalis at ako naman ay nagsimula na sa pagluto. I quickly finished the last dish so he wouldn't be bored waiting inside my office. Hindi ko alam kung ano ang ginagawa nun habang naghihintay sa breakfast niya.

I called Essa for help. Hindi ko kayang dalhin ang isa pang tray sa office. Unfortunately, she was busy with the customers that's why Trist volunteered and helped me in behalf. Kinuha na rin niya ang isang tray sa'kin kaya halos wala na akong dala.

Nauna akong pumasok sa loob ng office at naabutan naming nagbabasa si Mr. D ng mga papel na nasa table. He immediately look at me for a minute before gazing at Trist.

"Saan po ito ilalagay chef?"

"Dito po," sabi ko habang tinuturo ang maliit na mesa na nasa gitna. Maingat namang nilapag ni Trist ang mga pagkain. "Thank you!"

"You're welcome chef." Ngumiti ito ng malawak sa akin bago lumingon sa lalaking kanina pa tahimik na nakamasid. "Good morning sir."

"Morning," bati niya pabalik kaya dumagundong ang malamig na boses nito.

Lumaki ng bahagya ang mata ko. Akala ko ay hindi niya ulit papansinin ang bati sa kaniya.

Nagpaalam kaagad si Trist kaya nagpasalamat ulit ako bago siya umalis. Naiwan ulit kaming dalawa. Hindi siya umimik kaya hindi rin ako umimik.

Is he waiting for something? Someone? Bakit ayaw niya pang magsimulang kumain?

"Kain na ho kayo bago lumamig ang pagkain. Masama ring pinaghihintay ito."

Tumayo naman kaagad siya at lumipat sa couch na kaharap ng mesa na pinaglagyan ng mga pagkain.

"I thought you won't tell me."

Ano?

"Bon appetit."

He stared at me, our eyes locked for a moment before I look away. Tumango ako sa kaniya bago inabala ang sarili sa paglagay ng tubig sa baso niya. I even cleared my throat, tempted to drink the whole glass of water I've poured.

"Do you want me to make a coffee?"

"No need and just sit there." Umupo ako sa harap niya ng walang salita. "Kumain ka na?"

Maingat akong tumango bilang tugon.

"Good." He started eating and I was just here sitting while looking at him elegantly eating the foods I had prepared for him.

"How's your hand?" tanong niya ulit.

I never thought he would initiate another conversation with me. Akala ko ay hindi niya na ulit ako papansin. He was being extra snob and in bad mood today in the extent he was a bit rude on his friends earlier. I felt bad for them. I felt bad for this man too. Hindi naman niya ako kailangang samahan sa paghahanap ng susuotin ko.

"Okay naman na ho. Thank you for asking."

One moment we are inside the office, now we are already in the shopping mall looking for a botique. I doubt that the man knows where. Wala rin akong masiyadong alam pagdating dito kaya nagpalibot-libot kami para makahanap ng shop. Hindi ko man lang natanong si Asaisha kung saan pweding makabili. Kapag kasi ako pumupunta ng mall ay kasama ko siya o hindi kaya si Lala. Hindi ko nga rin maalala ang mga pangalan ng shop dahil hindi ko naman na binabasa at dire-diretso lang sa pagpasok. Now I'm regretting it.

"Are you looking for something?"

I glanced back at the man with his brows furrowed and arms folded. Mukhang kanina pa niya ako tinitingnan at hinihintay lang.

"Dress shop?"

"Aside from that."

"Wala naman na hong iba."

"You mean, we're just looking for a botique in the whole time we step inside this mall?" hindi makapaniwala niyang tanong.

"Oho. Hindi ba't iyon naman ho ang ipinunta natin dito?" nagtataka kong tanong pabalik sa kaniya.

Umikot ang mata niya sa akin na hindi ko na binigyang puna. May nagawa na naman ba akong mali?

"Let's go."

Nabigla ako nang hawakan niya ang kanang pulso ko at mahinang hinila. Siya ay nakapokus lang sa dinadaanan niya habang ako ay pilit na ginagalaw ang kamay niya na nakahawak sa akin. At sa bawat paggalaw ko ay siya namang paghigpit ng hawak sa'kin.

Akala ko ay sa elevator kami sasakay pero nagulat ako ng marahan niya akong nilagay sa harap niya at inalalayan sa hakbang ko papuntang escalator. Napakislot ako nang hawakan niya ang magkabilang baywang ko habang siya ay nasa ibabang baitang lang ng hagdan.

Sinubukan kong lumingon para tingnan at alamin kung anong ginagawa niya ngunit binabalik lang niya ang ulo ko sa harap. Mahina akong napanguso at hinayaan sa ginagawa niya dahil alam ko kung gaano ka-moody ang lalaki na nasa likod ko. Isang minuto ay hindi ka niya papansinin, maya't maya ay lalapit na akala mo ay matagal na kayong magkilala. It's as if nothing happened. Parang wala lang.

Ganoon pa rin ang pwesto namin sa pangalawang beses na pagsakay ng escalator. Sobra akong nagtataka kung bakit hindi na lang kami sumakay ng elevator para hindi na siya nahirapan pa. Wala namang kaso sa'kin dahil ngayon ko lang din naman nakita ang ibang mga stall sa loob ng mall na hindi ko masiyadong nabigyan ng pansin kung pumupunta kami dito. Hindi naman niya kailangang magpakahirap sumakay at maghintay na tumaas ang hagdan hanggang makalapag.

Marahang inapak ko ang mga paa sa sahig nang nakarating na rin kami sa 3rd mall. Medyo marami-rami rin talaga ang tao lalo pa't weekend.

Nakahinga ako ng maluwag nang hindi na niya ako hinawakan at dumiretso na sa paglakad. Ako naman ay bumuntot lang kung saan siya pupunta. Napahinto ako nang huminto siya sa isang botique. Kaagad naman siyang pumasok habang ako ay naiwan sa labas.

"Are you coming or not?"

Agad akong sumunod at tahimik na pumasok. Ang mga saleslady ay nagsilapitan din sa kaniya at agad tinanong kung ano ang kailangan niya. It was as if they know him.

Tingnan ko ang buong botique at napalaki na lamang ang mata ko sa nakita. I was amazed with the dresses stacked in the rack. Although I'm not inclined with garments industry, I still can't help admire everything inside. Everyone would feel the same if they had seen something magneficent. The lights reflect on the sequins trimmed on some dresses that added the gorgeousness on them.

Nakita ko si Mr. D na kinausap ang isang saleslady na kaagad namang sumagot dito at umalis. Pagkatapos ay lumingon siya sa'kin.

"Come here." Napatingin sa'kin ang ibang tao na nasa loob. Sumingkit ang mata nila at tiningnan ako mula ulo hanggang paa. As if they're scrutinizing my whole existense.

I unhesitantly obliged. "Ho?"

"Let's wait and sit here first," he said.

"Can I roam around instead?" I asked hiding my excitement, pero mukhang napansin pa rin niya iyon. He sighed before nodding at me.

"Thank you!"

Agad naman akong umalis sa harap niya at baka magbago ang mood nito. Pumunta ako sa harap ng isang mannequin. It was a black and white formal dress. It's a pity it doesn't suit for the theme. It has a short front and long daring frails at the back. With plunging neckline that looks elegant but daring. Asaisha would really love to wear this.

"Do you like it?"

Nagulat ako nang may nagsalita sa likod. Lumingon ako at nakita si Mr. D at may isang babae sa tabi niya. Ang buhok nito ay naka ponytail na umabot sa ibabaw ng bewang niya. Bagay dito ang suot niyang cream long sleeves at black pencil cut skirt na hanggang sa gitna ng hita niya. She paired it with 10 cm black heels kaya mas lalo itong tumangkad. Tiningnan ko ang nakalagay sa nameplate niya.

"Hello. I'm the store owner. It's nice to finally meet you." Ngumiti ito sa akin na agad ko ring sinuklian ng ngiti.

"Hello! You're beautiful. Nice to meet you too. I'm Aisha."

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status