Home / Romance / Taste of Time / Taste: Three

Share

Taste: Three

"Women were gravitating towards him from all directions like a planetary orbit."—Dannika Dark

Inalis ko ang kamay niya sa akin at hindi makapaniwalang tumingin sa kanya. Naisip niya pa talaga iyon?

"I don't know. Hindi ko naman tinanong." Bumagsak ang balikat niya, bigo dahil sa nalaman.

"Bakit hindi mo alam? Dapat inalam mo!" Napailing na lamang ako.

"Is it important?" inosenteng tanong ni Anisha. Oo nga. Importante ba kung gwapo o hindi?

Asaisha rolled her eyes as if she heard nonsense.

"Of course it is! Paano kung pangit iyon? Dugyot at mataba? Baka maapektuhan pagluluto ni Aisha!" pagpapaliwanag nito.

"I didn't raise you like that, Asaisha." Mom joined the conversation.

Napangiwi naman ang babae sa tabi ko bago bumaling kay mommy.

"Sorry ‘mmy. Love you!" she told her then back again in my direction. "So I was saying na para may inspiration ka habang nagluluto! Mas inspired, mas masarap!"

"Ewan ko sa'yo," nasabi ko na lamang sa kaniya.

Matapos naming kumain ay pumunta kami sa sala at doon pinagpatuloy ang kwentuhan. Nakaupo ako sa carpeted floor habang nakahilig sa sofa. Nasa likod ko si Asaisha na tinitirintas ang mahaba kong buhok na palagi kong pinupusod. Si Anisha ay humiga, nakaunan ang ulo sa binti ko.

Si Alisha at Athasha nasa harap ng T.V nanunuod ng palabas. Si mommy naman ay nasa kusina pa, naghuhugas. I told her na ako na but she insisted kaya wala na akong nagawa. 

"You really didn't know?" pagpipilit ni Asaisha kaya napabuntong hininga na lamang ako. Si Anisha napahagikgik na lamang sa narinig.

"Don't worry, kapag malaman ko ay sasabihan agad kita," panggatong ko sa kanya.

"I already saw Mr. Williams so I'm sure his son is handsome too. It runs in the blood," Alisha informs us.

"I agree. Kaya huwag ka nang chismosa diyan at hindi naman ako nagrereklamong paglutuan ka," seryoso kong sabi sa kanya.

Malakas na tumawa si Alisha at Anisha. Si Athasha ngingiti-ngiti lang. Hindi ko makita ang reaksiyon ni Asaisha dahil nasa likod ko siya pero alam kong nakabusangot ito.

"What does that mean, huh? Sinasabi mo bang pangit ako?" hindi makapaniwala na tanong niya.

"I didn't say that." Umalis ito sa likod ko pagkatapos ng ginagawa niya at nakahalukipkip na humarap sa akin.

"Don't forget we have the same faces!" she stated.

Tinaas ko ang dalawang kamay tila sumusuko. "I'm not forgetting anything."

We change the topic and talk about some random things. This is my kind of rest. Hanging out with them, talking about things or cooking for them. Lahat ng pagod nawawala kapag andiyan sila.

There's bubbly Asaisha who ensure everyone's happy with her energetic self. Alisha is sometimes the opposite kaya madalas magbangayan ang dalawa, but she's serious too. Anisha is the innocent type. Kapag may gusto siyang malaman ay tinatanong agad niya. While Athasha is just there observing everyone, her silence can make you calm.

I'm on my way to our usual place everytime I hang out with our team. I just wear a casual attire. Hindi ko na rin inayos ang buhok ko at pinabayaan ang ginawa ni Asaisha kanina.

Pumasok ako sa DF Bar. I really like the place. It has dark interior with dim lights. Bagay sa isang bar.

Naglakad ako papunta sa direksyon ng mga taong naghihintay sa akin. I guess ako talaga ang magbabayad.

"Oh wow! Ikaw ba 'yan Chef?" bungad na tanong ni Calisle, isang staff ko.

Umupo ako sa tabi ni Lala na nakangiti sa akin. Tumingin ako sa kanilang lahat na parang hindi makapaniwala sa ayos ng buhok ko.

"Who else?" I asked her.

"Akala ko si Miss Asaisha!" sagot nito habang nakakanganga pa rin.

Napatawa ako sa sinabi niya. Hindi talaga maiiwasang pagkamalan nila ako na si Asaisha o Alisha. Well, we are all identical. Hindi rin sila masanay-sanay at minsan nagkakamali kapag magkakasama kami.

"Tinirintas niya ang buhok ko kanina at pinabayaan ko nalang," pagpapaliwanag ko.

Tumango naman sila. Inutusan ko na rin silang mag-order para makapag simula na kami.

"Cheers for the hard work!" Lala initiated. Itinaas naman namin ang mga sariling baso at pinatunog iyon.

They were congratulating me nonstop na ikinatawa ko na lamang.

"Chef, nabalitaan namin na magiging personal chef ka ng anak ni Mr. Williams, totoo ba?" someone asked. Tumango ako bago magsalita.

"I need to accept his offer so we can get the collaboration. Okay lang naman sa'kin dahil malaking kawalan kung hindi ko iyon tatanggapin."

"Swerte mo chef at anak pa ni Mr. Williams una mong kliyente!" sabi ng isa ko pang staff.

Binatukan naman siya ng katabi nito dahil sa sinabi. "Baliw. Maswerte ang anak ni Mr. Williams. Si Chef Aisha na 'yan oy!"

Napatawa ako dahil sa biro nila. I'm still working on it. Hindi ko sinasabing sobrang galing ko na sa larangang ito. I just want to prove something for myself and to my family who believes in me.

"Balita ko gwapo raw iyon chef. Baka naman!" sabi ni Essa kaya muntikan kong mabuga ang iniinom kong wine. Agad naman akong dinaluhan ni Lala na nasa tabi ko lang at tahimik na nagmamasid.

Pati ba naman dito?

"How did you know that he's handsome?" I asked her. Hindi ko pinahalatang interesado ako sa kung ano man ang sasabihin niya. I just want to feed my curiosity at wala talaga akong alam sa anak ni Mr. Williams.

Tumingin ito sa'kin na parang nagd-daydream pa siya sa mukha ng anak ni Mr. Williams.

"Of course chef. Usap-usapan siya lalo na sa mga babae but he's too private. Napaka-mysterious na nakapagdagdag ng kagwapuhan. I'm thrilled!" Napaikot na lang ang mata ng iba dahil sa narinig nila.

"Mangarap ka. Mangarap ka habang buhay ka pa!" sabi ni Trist kay Essa.

"Hoy! Inggit ka lang dahil hindi kita bet."

Bumusangot naman ang mukha ng lalaki dahil sa narinig. Halatang may gusto itong si Trist kay Essa pero akala niya lang ay pinagtritripan lang siya ng lalaki. I can't blame, Trist is one of those men na hindi mahinto sa isang babae lang. Not that I’m judging.

Tuloy-tuloy lang ang pag-inom ko habang tinitingnan silang lahat na nagsasaya. Ang iba ay pumunta na ng dance floor at nakipag sayawan.

"Si Chef talaga kapag umiinom akala mo umiinom lang ng tubig," komento ng isa pang katrabaho ng bumalik ang atensiyon nila sa'kin.

Napahinto naman ako sa pag-inom. Si Lala ay mabilis na napatingin sa akin at umubo.

"Syempre nasanay na. Palagi ba namang iyan ang inoorder niyo para sa kanya!" pagpapalusot ni Lala. Tumango ako sa kanilang lahat.

"Hindi naman kasi nagrereklamo si Chef. Ano ba gusto mo, Chef?" baling nito sa akin.

Ngumiti na lamang ako. "This is good. Okay na ito."

Napangiwi silang lahat sa sinabi ko at tumingin pa sa iniinom ko.

"Good ba iyan Chef? Eh kahit ata akong laging umiinom hindi kinakaya ang lasa niyan!"

I bit my lip. Mukhang tinatamaan na sila dahil tanong na sila nang tanong. Hinayaan kong si Lala ang sumagot sa mga tanong nila. Iyon naman palagi o hindi kaya hinahayaan ko na lamang sila.

"I think let's call it a night." I told them when I noticed we already drank too much. They all grunted halatang ayaw pa nilang magpaawat.

Lasing na sila at ang iba ay nakasubsob na sa mesa. Bumalik na rin ang ibang pumunta sa dance floor. Kami na lamang ni Lala ang tanging hindi masyadong lasing. Medyo mapula na siya pero alam kong kaya pa naman niya. Siya rin kasi ang maghahatid sa kanila.

Nagpatulong kami sa bouncer para ihatid ang iba sa sasakyan dahil hindi na sila makalakad ng maayos. Nang maihatid na sila sa sasakyan ay bumalik ako sa loob at pumunta ako sa counter para magbayad.

"Table number 5," I told the cashier and handed her my card. Agad naman nitong ini-scan sa machine at pagkatapos binigay ulit sa akin.

Paalis na sana ako ng bigla ako nitong tinawag.

"Ma'am, we noticed that you ordered our special wine everytime you're here. If you have time, can we ask for a review from you?

Wine? Review?

I'm about to answer her when Lala inserted. Hindi ko siya napansin.

"We'll just email you about the review. Is that okay?" she inquired.

Nakangiti namang tumango ang babae. "Whatever you think is more convenient for you, Ma'am. Here's our business card, you can contact us here." Inabot nito ang puting business card na inabot naman kaagad ni Lala. "Thank you very much."

"Our pleasure!" Hinatak kaagad ako ni Lala paalis ng bar. Nang dumating sa labas ay hinihingal pa ito.

"You okay?" I asked her. Tumango naman ito.

"It was their first time asking for a review from us," she said after catching her breath. "Mabuti na lang ay sumunod ako sa'yo."

I laughed at her. "It was fine. Don't worry about me and let's just get going. We still have work tomorrow."

Napanguso naman siya at tumango. Agad naman akong sumunod sa kaniya papunta kung nasaan naka-park ang sasakyan at tiningnan ang iba sa loob. Lahat ay nakatulog na.

"Be safe," I reminded her.

"Kayo rin chef!"

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status