Home / Romance / THE BILLIONAIRES HATER / Roief's POV: Positive

Share

Roief's POV: Positive

Author: Stallia Iris
last update Huling Na-update: 2021-12-09 17:15:25

Inis na iminulat ni Roief ang mga mata at padaskol na inalis ang kumot sa sariling katawan saka bumangon. Masakit sa tainga ang doorbell at pakiramdam niya ay binabarena ang ulo niya dahil dito.

Nang makaramdam ng lamig ay agad niyang niyakap ang katawan at nagitla siya nang mapagtantong wala siyang saplot. Agad nagising ang kanyang diwa at napatayo siya mula sa malambot na kamang kinahihigaan na para ba siyang sinilaban.

Nanlaki ang mga mata na naikot niya ang paningin sa paligid upang bigyang kahulugan kung nasaan siya at kung anong nangyari.

“Shit! Shit!”

Nasabunutan niya ang sarili dahil wala talaga siyang maalala kung ano man ang nangyari kagabi. Sumakit ang sentido niya nang mapatingin sa mga nagkalat na cosplay attire sa lapag at mga bote ng mamahaling alak na nakahelera sa footboard.

Hindi niya alam kung ilang tao ang nakasama kagabi dahil sa mga kalat at kung bakit ganun na lang ang ayos ng kwarto. Para din siyang nagmarathon dahil nananakit ang mga binti at balakang niya sa tuwing kikilos siya.

Lalo lang siyang kinabahan nang muling nag-ingay ang doorbell at napabilis ang pagsusuot niya ng hinablot na damit na nakalagay sa couch. Sa kakahanap ng pintong malalabasan ay napadaan siya sa may frontdoor kung saan may monitor ng intercom. Kita niya mula roon ang apat na babaeng nakatayo habang may hawak na cake ang isa.

“Hey! Ren open up! Wakey! Wakey!” sabi ng isa na kumakatok at paulit-ulit na pinipindot ang doorbell. “You better not have someone else in there or I’ll kick her ass,” dagdag pa nito at saka nagtawanan ang mga ito.

Kinabahan siya na baka maabutan siya ng mga ito kaya agad na naghanap siya ng ibang malalabasan.

Lumingon siya sa may sala at buti na lang ay may sliding door na nakabukas doon kaya agad siyang napatakbo roon.

3 Months Later...

"Ms Roief?" Napakurap siya nang marinig ang boses ng doktor. Maang siyang napatingin dito. "May mga tanong ka pa ba?"

"W-wala na dok," hindi pa rin makapaniwalang sambit niya.

"Okay. Ang next appointment mo, nilagay ko na rito sa reseta, that's one month from now. Make sure to take your vitamins at umiwas ka sa stress, okay?" pahabol nito sa kanya pagkalabas niya ng pinto.

“P*****a!” hindi mapigilang masambit ni Roief pagkalabas ng clinic. Naihilamos niya sa mukha ang palad dahil sa matinding kunsumisyon.

Nakatingin naman sa kanya ang mga babaeng nakapila sa labas nang makita siya at nagsimulang magbulungan ang mga ito. Habang isinusuot ang puting sumbrero ay napadabog siyang naglakad pauwi.

Ang init na nga ng ulo niya, dinagdagan pa ito ng tirik ng araw. Mabuti na lang at malamig ang simoy ng hangin kung hindi ay baka makasapak siya.

Napabuntong hininga na naman siya nang maisip si Earl. Hanggang ngayon ay hindi pa rin sila nag-uusap nito mula nang manggaling sila sa Isla Bora.

Dahil sa kagustuhan niyang mabawi ang perang ninakaw ng kapatid ay sumama siya rito ngunit hindi niya sukat akalaing aabot siya sa ganitong sitwasyon.

Napasimangot siya nang makitang naibuga ng kapatid ang iniinom nito nang pumasok siya sa pinto. Dumating na naman ang magaling na kapatid niyang akala yata ay tumatae siya ng pera.

Hindi niya pinansin ang nakakaloko nitong ngiti at ang mga mata na humagod sa buong katauhan niya. Hindi kasi ito sanay na makita siyang naka-makeup.

Kung hindi lang naman siya pinilit hilain sa mall kanina hindi naman niya gugustuhing magmake-up. Nahiya lang kasi siyang magpunta sa clinic na walang pabango kaya siya napabili doon pero malay ba niyang ganun pala ang gagawin sa kanya ng mga saleslady.

“Nagtatrabaho ka na rin ngayon sa circus?” panloloko ni Gian sa kanya. "Magkano naman kinita mo?"

“Ngayon ka na nga lang umuwi, ’wag mo ngang sinisira ang araw ko, pinagkatuwaan lang naman ako kanina sa mall,” asik naman ni Roief saka uminom ng tubig.

Lalong lumawak ang ngisi ng lalaki bago itaas muli ang tasang hawak para humigop. Tanghaling-tapat ay nagkakape ito. Siguro ay magdamag na naman itong nagsugal sa kung saan at ngayon lang umuwi. Wala na naman sigurong pera. Madalang na nga lang niya itong makita, lagi pa siyang pinupuna o di naman ay inaasar. Ang masama ay ninanakawan pa siya nito kapag wala siyang maibigay na pera.

“Anong masamang hangin ang pumasok sa isip mo at ginawa mo 'yan?" patuloy na pambubuska ng nakatatandang kapatid. "Daig mo pa si McDo sa itsura mo."

“Hindi maganda ang pakiramdam ko ngayon, dami mong sinasabi wala ka namang jowa,” ganting sagot naman niya rito para matigil na ito sa kakapeste sa kanya.

“Bakit may jowa ka na?” sarkastikong tanong nito at saka napailing. “Kaya naman pala. Dalaga ka na pala ah. Alam mo, 'tol, kaming mga lalaki, ang gusto namin 'yung mga simple lang, hindi 'yung mukhang clown."

“Ulol, clown mukha mo,” sagot niya. Walang magandang maidudulot kapag nakipagtalo pa siya sa kapatid, sayang sa oras, sayang sa lakas at higit sa lahat sayang sa braincells.

Nagtungo na lang siya sa lababo at binuksan ang gripo para maghilamos at maiwasan ang kapatid.

“Sino naman ang magkakamali sa'yo? Bukod sa magkabila ang likod mo, ang baduy mo pa manamit? Parang paksiw nga 'yang amoy ng kilikili mo eh. Alam ba ng lalaki na 'yan na magjowa na kayo? O baka naman ikaw lang ang nakakaalam?" Humigop ulit ito ng kape at mangali-ngali na niya itong basain. 

"Teka, lalaki man lang ba 'yan?" Hindi siya umimik kaya nagpatuloy ito matapos mapatikhim. "`Yang anak ni Mang Rafael ang ‘wag mong tutularan, tingnan mo ang agang nagpabuntis."

Saglit na natigilan si Roief, nakinita niya sa balintataw ang itsura ng babaeng tinutukoy at agad siyang nalungkot.

"Mataas daw ang pangarap, gusto mag-abroad pero ano? Inuna ang kalandian.”

“Hindi mo pa alam ‘yung kwento nung tao, kung ano-ano nang pinagsasabi mo," malumanay na sambit niya habang pinupunasan ng labakara ang mukha. "Hindi nga raw nagpabuntis ‘yun. Tingnan mo nga `di na lumalabas ng bahay. Malay mo kung pinilit lang o ano.”

“Malamang hindi na lalabas, buntis na, eh. Pag-uusapan siya ng mga tsismosa, hindi siya pinanagutan eh, ano pa aasahan mo? Nililigawan ko noon ayaw magpaligaw, marami raw pangarap tapos sa ganun lang pala ang bagsak." Pumapalatak na ibinaba ni Gian ang tasa sa lamesa saka humarap sa kanya. "Tsaka naniniwala ka na pinagsamantalahan 'yon, eh kusang sumama."

Pakiramdam ng dalaga ay daig pa niya ang sinaksak sa sinabi ng kapatid.

"Mga babae talaga, kapag pogi, true love, kapag pangit, na-rape. Kuu. Basta pogi, bumubukaka kaagad, buti pa ‘yung mga p****k kumikita sa ginagawa nila eh, kaya ikaw, Roief–"

Bago pa niya napigilan ay umigkis na ang kamay niya pasampal sa mukha ni Gian. Napaawang na lang ang bibig nito sa sobrang pagkabigla at ilang segundo rin itong napahawak sa kanang bahagi ng mukha.

“Hindi mo alam kung anong nangyare sa kanya, wala kang karapatang manghusga na lang ng tao!” galit na sigaw niya rito.

Umagos na rin ang mga luha na kanina pa niya pinipigilan buhat nang pumasok siya sa pinto. Maski siya ay nagulat sa ikinilos ng mga kamay ngunit ang init ng ulo niya ngayon at hindi niya nagustuhan ang lumalabas sa bibig nito. Kahit kailan ay hindi siya napikon sa anumang ibatong pang-aasar ng kapatid. Ngunit tila nagbago ang ihip ng hangin buhat nang manggaling siya sa clinic. Bago pa man makapag-react ang kapatid ay tumakbo siya paakyat sa sariling silid.

Agad nyang isinara ang pinto ng kwarto at tuluyan nang humagulgol. Dumeretso siya sa banyo at pabalibag na isinara ang pinto. Habang umiiyak ay humarap siya sa salamin at nakita ang replika dito, lalo siyang namuhi sa sarili nang mapagtantong mukha s’yang panda na may ketchup sa bibig. Magkandasuka-suka pa siya sa pag-atungal.

"Roief?"

Malalakas na katok sa pinto ng banyo ang sumunod niyang narinig pagkatapos siyang tawagin ng kapatid. "Anong nangyayari sa'yo?"

Hindi siya sumagot, napaupo na lang siya sa kubeta, hawak ang tiyan. Hininaan niya ang pag-iyak hanggang sa magsawa sa kakakatok ang kapatid. Ngayon pa lang ay alam na niya ang sasabihin ng mga tao sa kanya. Malinaw iyon sa tinuran ni Gian. Dahil lang sa isang pagkakamali ay masisira ang buhay niya. 

Para sa kanya isa itong masamang panaginip at kung maaari lang sana ay gumising na siya. Masaya na dapat siya dahil malapit na ang graduation at hindi na niya makikita sa wakas ang mga mapangutyang kamag-aral, na naging dahilan kaya siya nawalan ng trabaho. Ngunit tila isinilang yata siyang may kakambal na kamalasan

Kanina lang pagkatapos niyang manggaling sa clinic ay nakumpirma niya ang kinatatakutang balita.

Ang priority lang niya ngayong taon ay ang makapagtapos at sumama kay Earl sa pagpunta nito sa ibang bansa gaya ng ipinangako nito sa kanya. Gusto niyang takasan ang kasalukuyang buhay at mabayaran ang mga inutang ng kapatid. Ngunit nagkanda leche leche ang lahat dahil lang sa isang gabi.

Kung ano pa ‘yung pinakaiiwasan niya ay 'yun pang ibinigay sa kanya ng pagkakataon. 

 

Kailangan niyang bumalik sa pag-aaral kahit anong mangyari. Para sa kanya hindi ito makatarungan, kailangan niyang hanapin ang may sala at panagutin ito o 'di naman ay tanggalin na ito bago pa mahuli ang lahat, habang maaga pa.

Naputol ang pag-iisip niya nang biglang tumunog ang cellphone niya. Hindi na sana niya papansinin iyon ngunit nakakabingi sa tainga ang ring tone. Nilapitan niya iyon at mangali-ngali niya iyong ibalibag nang makitang tinatawagan siya ng kanyang boss sa cafe. Tinanggal na nga lang siya sa trabaho, ano pa bang pag-uusapan pa nila nito?

Wala siyang maaasahan dito. Hindi ang kanyang boss, hindi ang kanyang kapatid. Napatingin siyang muli sa kanyang cellphone, nag-scroll down hanggang sa tumapat sa isang pamilyar na pangalan ang kanyang daliri.

Ilang buwan na niya itong iniiwasan dahil sa nangyari pero dahil nagbunga ang nangyari... kailangan niyang lunukin ang pride at humingi ng tulong dito.

Pagkatapos ng ilang ring ay narinig niya ang baritonong boses mula sa kabilang linya.

"Hello?"

"He—hello, Earl...?"

Mga Comments (6)
goodnovel comment avatar
Stallia Iris
Magkomento po kayo rito sa kada chapter kung nagustuhan niyo. Maraming salamat sa pagbabasa.
goodnovel comment avatar
Matthew Kato
hhmmmmm okey
goodnovel comment avatar
Stallia Iris
... true yarn bakit sya ganun?
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

  • THE BILLIONAIRES HATER   The Call

    “Are you okay, kumusta ka na?” tanong nito sa kanya nang batiin niya ito. Dama niya ang pag-aalala sa tinig ng lalaki. "Gosh! Do you kmow how much I miss you?" “I’m sorry…” Hindi niya na napigilang mapahikbi nang marinig ang boses nito. Gusto man niyang pigilang 'wag maiyak ngunit inunahan siya ng lalamunan. Pumiyok siya nang muling magsalita at tuluyan na nga siyang humagulgol. Ang tanging kailangan niya lang ngayon ay karamay at si Earl lang ang makapagpaparamdam nito sa kanya. Parang ngayon lang niya naibuhos lahat ng kinikimkim kaninang bigat ng loob at paputol-putol ang pananalita niya. Tiniis niyang hindi kausapin ang lalaki dahil sa tampuhan nila buhat nang manggaling sila sa isla. Wala rin naman siyang mukhang maihaharap dito pagkatapos ng mangyari. “Why, what happened?” tanong nito sa kanya. Ngunit hindi siya makasagot dahil binabarahan iyon ng pag-iyak niya. “Please tell me you're fine,” sabi nito. "Did Pia talk to yo

    Huling Na-update : 2021-12-10
  • THE BILLIONAIRES HATER   Kidnapping

    Napamulat si Roief dahil nakatapat ang matinding liwanag ng araw sa kanyang mga mata. Iniwas niya ang mukha ngunit tuluyan siyang nagising dahil sa pakiramdam na parang binabarena ang ulo niya.Saglit siyang tumigil sa paggalaw at huminga ng malalim, hanggang sa humupa ng bahagya ang kirot. Dahan-dahan niyang inikot ang paningin sa silid at natigilan siya nang mapagtantong wala siya sa inuupahang apartment.Nasisiguro niyang wala siya sa silid ni Earl dahil sa pambabaeng tema ng mga kagamitan sa loob ng silid. Isa pa ay walang rehas ang bintana nila Earl. Napahawak na lang siya sa ulo nang maalala ang pagkahilo niya kanina. Malinaw pa sa ala-ala niyang may kausap siya nang may lalaking humatak sa kanya at may malanghap siyang masangsang na amoy.Bumilis ang pagtibok ng puso niya nang mapagtanto ang nangyari sa kanya. Bigla niyang kinapa ang katawan at nang makitang wala naman siyang pasa o anumang senyales na may ginawa sa kanya ay saka pa lang

    Huling Na-update : 2021-12-13
  • THE BILLIONAIRES HATER   Venus X

    Napatunayan ni Roief ang kasabihang sa una lang masaya ang lahat nang isang araw ay magising siyang matamlay at parang ayaw na niyang mabuhay. Masaya pa siya noong unang tatlong buwan niya sa villa dahil nakakakain siya ng maayos at hindi siya namomroblema sa pang araw-araw na gastusin. Ngunit tuwing iisipin niya ang lahat ng kapalit ng pamamalagi niya roon ay nanghihinayang siya. Malaking bagay sa kanya ang nawalang scholarship at mga opportunity na dapat sana ay matatamasa niya kung nakapagtapos lang siya. Labis din ang pag-aalala niya sa kapatid at kay Earl, paniguradong nag-aalala ang mga ito sa pagkawala niya. Kahit gusto niya sanang tawagan si Earl ay hindi niya alam ang numero ng telepono nito. Wala siyang makausap at palagi lang siyang mag-isang nanonood kaya para na siyang mababaliw. Nami-miss na niya ang kaibigan at ang kapatid. Maski na ang pag-aaral.Gusto na niyang makalabas doon at umuwi. Hindi na niya kaya ang lungkot sa bahay na iyon. Palaging busy ang

    Huling Na-update : 2021-12-15
  • THE BILLIONAIRES HATER   The Plan

    “I love you too!”Narinig ni Roief ang boses ng lalaki mula sa mga kumpol ng may katangkaran na halaman. Kasalukuyan niyang isinasara ang gate. Bumilis ang tibok ng puso niya nang gumalaw ang golden bush at may biglang tumayo roon. “Yes! Yes!”Patay-malisya siyang tumalikod at pahakbang na sana nang may biglang humablot sa braso niya. “Ma’am ano po ang ginagawa niyo rito sa labas? Saan po kayo pupunta?” sunod-sunod na tanong sa kanya ng isang lalaking naka-baby blue na polo shirt at khaki shorts. Sa unang tingin, akalain mong turista ito o pumapasyal lang sa beach sa malapit, hindi aakalain ng kahit na sino na isa itong guard sa villa. Base sa boses nito na medyo may kaba ng kaunti, ito ang lalaking naulinigan niya sa halamanan kanina lang."Magpapahangin lang ako."Pinagmasdan niya ang lalaki. Matangkad din ito tulad ng iba, pero mas bata ito kumpara sa guard na laging nakasuot ng maskara. Wala nga pala siyang nakita sa nakamaskara ngayong araw.Nang nakakita

    Huling Na-update : 2021-12-16
  • THE BILLIONAIRES HATER   ER

    Nataranta ang mga tao sa ER nang magpatawag bigla ang Director ng emergency meeting gawa nang may darating na VIP.“Makinig kayo! Darating ang babaeng nangngangalang Roief, inutos ito ng Chairman at assistant niya mismo ang tumawag para dito lunasan ang isang buntis na may concussion, hindi pa tiyak kung anong lagay ngunit kailangan niya ng immediate attention sa ICU. Dra. Nelia, Benny at Ana kayo ang aatasan ko sa babaeng ‘yun,” utos ng Director sa mga doktor na kaka-break pa lang. Mabilis namang sumunod ang mga ito at naghanda na.Katatapos lang magsalita ng Director nang dumating ang pamilyar na sasakyan at iniluwa nito ang isang lalaking may kanlong ang babaeng sugatan ang ulo.Agad na nilagay sa stretcher bed ang buntis at mabilis na rumisponde ang mga doktor.Matapos ang operasyon ay nagising din si Roief, hindi nga lang niya alam kung ilang araw na siyang nakaratay sa kama at namimigat ang ulo at masakit ang sugat ni

    Huling Na-update : 2021-12-17
  • THE BILLIONAIRES HATER   Comeback

    Apat na taon din ang lumipas buhat nang lisanin niya ang Langria at tapusin ang pag-aaral sa ibayong dagat. Hindi niya lubos akalaing maaabot din niya sa wakas ang pinapangarap na akala niya noon ay tatangayin na lang ng hangin.Hindi nga lang niya inasahan na mapapaaga ng isang taon ang pagbalik niya sa bansa. Kung maaari lamang ay ayaw pa sana niyang umuwi dahil hindi pa sapat ang apat na taon para maghilom ang sugat na dumurog sa pagkatao niya.Kahit pa malayo na ang narating ay hindi niya magawang tuluyang maging masaya. Pakiramdam niya ay mayroong butas sa pagkatao niya na hindi kailanman mapupunan.Mabigat man ang loob niyang muling umapak sa lupang nagpapaalala sa kanya ng pagkatao niya ngunit kailangan niyang sumunod sa napagkasunduan nila ni Don Armando.“Miss Levy?” sabi ng babaeng papalapit sa kanya nang mamataan siya nitong naglalakad sa arrival lobby. “Ikaw ba ito?” paniniguro nito at itinuro ang nasa litra

    Huling Na-update : 2021-12-18
  • THE BILLIONAIRES HATER   The Second Encounter

    “There is no easy way to say this Ren but after several tests, lumabas na nagtamo ng brain injury ang lolo mo, kaya comatose siya ngayon." sabi ng doktor at hinawakan nito ang balikat niya."Nasa ICU pa siya ngayon pero pwede rin naman siyang ilipat dito tutal may mga personal nurse naman na pwedeng mag asikaso sa kanya. Ang magagawa lang natin sa ngayon ay hintayin kung kailan siya ulit magigising,” paliwanag pa ng doktor. Inanyayahan siya nito sa VIP room para kausapin ukol sa concern sa Lolo niya. “Dahil sa malakas na impact ng pagkakauntog ng bungo niya specially sa frontal lobe ay naapektuhan ang utak niya,” dagdag pa nito habang itinuturo kung saan sa hawak na dummy skull ang parte na tinutukoy nito.“Pero magigising pa rin siya di ba?” sabat ni Yvette na nakatayo malapit sa pinto, hindi niya namalayan ang pagpasok nito at narinig pala nito ang usapan nila.Napakunot noo siya sa hindi inaasahang estado ng babae. Ang dating e

    Huling Na-update : 2021-12-19
  • THE BILLIONAIRES HATER   Royal's Den

    “Kanina ka pa ba rito, Roief?” tanong ni Earl na nasa likuran na pala niya. "Kanina pa ako naghahap pero hindi ako sigurado malaki kasi ang ipinagbago mo."Tinawanan naman niya ang lalaki kaya nahawa rin ito sa kanya. Ito ang nagsuggest sa kanya na magkita sila rito sa Royal’s Den dahil kilala ito sa buong Langria.“Mabuti na lang at dumating ka agad, sakto lang naman wala pa naman yata akong limang minuto rito. Kagagaling mo lang trabaho?” tanong niya rito. May mask kasi at apparatus na nakasabit sa leeg nito.“Oh, pasensya na nakalimutan kong iwan sa sasakyan sa kakamadali ko hindi ko na napansin,” sabi nito at saka natawa.“Grabe namang doktor ‘to, mamaya may pasyente ka pa palang iniwan baka hanapin ka?” tanong niya rito. Mukhang nagmadali nga ang lalaki dahil hindi man lang nito napansin ang stethoscope na nakabitin sa leeg.Pinaikot nito ang mga braso sa baywang niya upang yakapin siya ng mahigpit. H******n pa siya nito sa pisngi matapos siyang pabirong

    Huling Na-update : 2021-12-20

Pinakabagong kabanata

  • THE BILLIONAIRES HATER   The Scape Goat

    "Anong ginagawa mo rito?" Napalunok si Roief at kamuntikan pa niyang makagat ang sariling dila nang makita si Ren na nakatayo sa labas ng pinto."Sinabi sa akin ni Rosa na nandito ka raw sa library, I just didn't expect Dr. Farrah to be here." Sabi ni Ren habang nakatitig pa rin sa mga mata nya. "You two appear to be familiar with one another," dagdag pa nito na ikinabalaha ng dalawa.Bago pa sumagot ay tinitigan ni Roief ng mariin ang doktora. "Magkakilala na kami noon pa ni dok, ipinakilala siya sakin ng isang kaibigan." "Let's grab a coffee soon. It's good to see you once more Levy," agad namang sabat ng doktora at nagpalitan ng yakap ang dalawa. "Dok." Singit naman ni Ren na nagpaangat sa kilay niya. "Can I have a moment with you?" dugtong pa nito at agad naman itong sinundan ng doktora.Napakagat sa labi si Roief nang makitang bumuka ang bibig ni Ren. Hindi niya marinig ang pinag-uusapan ng dalawa dahil nagbubulungan ang mga ito. Ngayon lang niya napansin na namawis ang palad n

  • THE BILLIONAIRES HATER   Confession

    "Doctora Farrah?" hindi makapaniwalang nasambit ni Roief nang makita ang babaeng psychologist na tumingin sa kanya noon."How have you been? I can't believe it's really you. What are you doing here by the way?" Niyakap siya ni Dra. Farrah at hindi maalis sa mukha nito ang pagkamangha. "You've changed so much! Look at you, muntik na kitang hindi mamukhaan.""Ito alive and kicking dok. Ako nga rin dok nagdalawang isip po ako parang mas bumata po kayo," biro niya rito at nagtawanan naman sila. "For now I am living as Levy. Long story dok," sabi niya at mukhang naintindihan naman agad ito ng babae."I see. Would you like to share?" pabulong na tanong nito sa kanya habang nakatakip ang kamay nito sa bibig."M

  • THE BILLIONAIRES HATER   Encounter

    "You stay with ate Rosa, Mommy will go downstairs for a while," pakiusap ni Roief kay Luigi. Mabuti na lang at pumayag ito kaya mabilis niyang kinuha ang papel na itinago sa bag at bumaba.. "Good morning!" bati sa kanya ni Earl pagkalabas niya pa lang sa gate. "Good morning! Ito pala 'yung sinasabi ko." Itinaas niya ang papel na naglalaman ng buhok ni Luigi at buhok niya. "Pasensya na pumunta ka pa rito. Hindi kasi ako papasok ngayon dahil may sinat 'yung bata kaya hindi ako makalalabas." "Anything for you," nakangiting sagot nito. "Wala kang pasok ngayon? Sinong bata?" nagtatakang tanong nito. Sumandal ito sa harapan ng sasakyan at inilagay sa ziplock ang inabot niyang papel. "May sakit kasi si Luigi,

  • THE BILLIONAIRES HATER   Suspicion

    Nagulat si Roief nang kaumagahan dahil ngayon lang niya ulit nakasabayan si Yvette na mag-agahan. Habang magtitimpla ng kape ay hindi pa rin mawala sa isip ang sinabi sa kanya ni Ren. Hindi niya alam kung seryoso ito sa sinabi o niloloko lang siya nitong kahawig niya ang taong minahal nito. "Hindi pa ba gising ang mag-ama?" tanong ni Nanay Maggie nang ilapag nito ang toast sa tabi ng kape niya. "Napuyat po 'yung isa kagabi. Hinika kasi si Luigi," sagot niya rito. "Nagtatabi na pala kayo ni Ren? Since when?" tanong bigla ni Yvette na ikinabigla nilang dalawa ni Nanay Maggie. "Hindi naman sa ganun, si Luigi kasi nilalagnat. Alam mo naman 'yung

  • THE BILLIONAIRES HATER   The Apology

    Parang natunaw ang puso ni Roief nang makita si Luigi na umiiyak habang tumatakbo papunta sa kanya. Napakunot noo siya dahil may nakatapal ding cool fever sa noo nito "Kanina pang umaga 'yan may lagnat, ayaw magpaawat. Hintayin ka raw namin kaya hindi pa s'ya natutulog," paliwanag agad ni Ren. Tinitigan lang niya si Ren ngunit mabilis namang niyakap niya si Luigi at naramdaman nga niyang mainit ito. "What took you so long, Mommy? I haven't seen you all day," tanong pa sa kanya nito na parang nagtatampo. Pinakiramdaman niya ang noo nito at mainit pa nga ito. Kinarga naman niya agad ito at naglakad na paakyat ng hagdan. "I'm sorry, I didn't know you're sick," sabi niya rito at hinalikan ang noo nito. Parang ay

  • THE BILLIONAIRES HATER   The Big News

    Hindi alam ni Roief ang gagawin nang lumapit si Earl sa kanya at makita ito ni Ren. “Hi,” tipid na bati niya sa lalaki nang i-beso siya nito sa harapan ng boss. “May date ka pala?” tanong ni Ren sa kanya habang sinusuri ng mga mata nito ang lalaking lumapit sa kanya. Hindi agad siya nakapagsalita dahil inunahan siya ni Earl. “Hi! I’m Earl,” pagpapakilala ng lalaki sa sarili. Nakangiti nitong inilahad ang kamay kay Ren at inabot naman ng boss niya ang kamay nito. Kita niyang mahigpit na nagkamayan ang mga ito. “Ren,” sagot naman ng boss niya at saka siya binalingan nito. “Hindi ko alam na may lakad ka pala, sana sinabi mo ng mas maaga para nalaman ko.”

  • THE BILLIONAIRES HATER   The Rival

    “Anong ibig sabihin ng mga ipinadala mong litrato?” tanong ni Roief kay Earl nang tawagan niya ito. Hindi kasi niya maintindihan kung bakit ito biglang nagpadala ng litrato ng sanggol sa kanya. “Bakit ngayon ka lang?” tanong agad nito sa kanya. Mukhang tumatakbo ang lalaki kaya pinakiramdaman niya ang kausap. “Sorry, hindi ako nakarating at hindi man lang kita nasabihan na hindi ako matutuloy. Naiwan ko kasi ‘tong phone kaya ngayon lang ako nag-open. Are you okay?” Hindi niya maiwasang mag-alala para sa lalaki dahil parang kinakapos ito ng hininga. “I have a very important news to tell you. I just need to hang up right now,” sabi ni Earl. “Wait, please tell me you’re ok

  • THE BILLIONAIRES HATER   Unexpected News

    Sa ginawa ng lalaking muling paggawad ng halik sa labi ni Roief ay hindi napigilan ng babaeng itulak ito. Pinunasan niya ang labi at tinitigan ng masama ang lalaki, “get out!” malakas na sabi niya. Itinuro niya ang pinto para lumabas ang lalaki. Hindi niya alam kung papaano pa sila maghaharap mamaya nito. “I’m sorry,” tanging nasabi lang nito at saka mabilis na lumabas. Napahawak siya sa batok at hinaplos ‘yun dahil sa naramdaman niya kaninang dumaloy na maliliit na boltahe ng kuryente sa parteng ‘yun. Kung bakit naman kasi bigla siyang halikan nito, kamuntikan tuloy siyang mawala sa sarili. Ang malambot na labi nito at ang paghawak pa lang nito sa katawan niya ay sapat na para mawala siya sa katinuan. Mabuti na lang at naalala niya si Leila kaya hindi siya nagpadala sa mapang-akit at pangahas na halik nito. “Bwisit.” Gusto niyang alisin ang bakas ng halik nito sa kanyang bibig kaya nagsipilyo siya. Pagkatapos magpalit ay nagmadali siy

  • THE BILLIONAIRES HATER   Shower Room

    Masakit ang ulo ni Roief na bumangon dahil pinilit siya nila Rosa na uminom ng wine kagabi. Nagising siya gawa nang may dumagan at pumisil sa kanyang d****b na akala niya ay si Luigi. Aalisin niya sana ang kamay nito ngunit napamulat siya nang maramdaman na may umumbok sa may puwetan niya kaya napatalikod siya. Nanlaki ang mga mata niya nang mapagsino ang katabi at natadyakan niya ito. Sumama naman ang nakapulupot na kumot dito at kumalabog ito nang mahulog sa sahig. Mabilis na inikot niya ang mga mata at nakitang nasa loob naman siya ng kanyang silid. “Bastos ka! Bakit nandito ka na naman?” naisigaw niya sa inis. Mabilis na ch-in-eck ang pang-ibaba kung may namagitan ba sa kanila ng lalaki at nakahinga lang siya ng maayos nang makitang maayos ang damit at suot pa naman ng lalaki ang damit nito.

DMCA.com Protection Status