“Are you okay, kumusta ka na?” tanong nito sa kanya nang batiin niya ito. Dama niya ang pag-aalala sa tinig ng lalaki. "Gosh! Do you kmow how much I miss you?"
“I’m sorry…”
Hindi niya na napigilang mapahikbi nang marinig ang boses nito. Gusto man niyang pigilang 'wag maiyak ngunit inunahan siya ng lalamunan. Pumiyok siya nang muling magsalita at tuluyan na nga siyang humagulgol.
Ang tanging kailangan niya lang ngayon ay karamay at si Earl lang ang makapagpaparamdam nito sa kanya. Parang ngayon lang niya naibuhos lahat ng kinikimkim kaninang bigat ng loob at paputol-putol ang pananalita niya.
Tiniis niyang hindi kausapin ang lalaki dahil sa tampuhan nila buhat nang manggaling sila sa isla. Wala rin naman siyang mukhang maihaharap dito pagkatapos ng mangyari.
“Why, what happened?” tanong nito sa kanya.
Ngunit hindi siya makasagot dahil binabarahan iyon ng pag-iyak niya.
“Please tell me you're fine,” sabi nito. "Did Pia talk to you?" tanong pa nito.
“No,” mariing sagot niya dito.
Alam niyang malinaw na kay Earl ang dahilan kung bakit siya umalis ng gabing iyon. Malinaw na rin naman sa kanya na isinama lang siya nito para pagselosin ang girlfriend. Sino ba namang kaibigan ang magyayaya sa kanyang maglaro lang ng sugal sa napakamahal na isla na ‘yun. Nagpakalayo pa sila samantalang may casino rin naman mismo ang Langria.
Ang buong akala pa naman niya noon ay senyales na ‘yun na magsisimula na itong ligawan siya ngunit sa huli maling akala lang pala ang lahat. Kung noong gabing iyon ang dahilan ng paglalasing niya ay si Earl ngayon naman iba ang rason ng pag-iyak niya.
“Buntis ako, Earl,” pagpapatuloy niya habang umiiyak.
“What?” dinig niyang sabi nito. Alam niyang nagulat ito sa balita niya kaya hindi na muli pang nagsalita.
Simula nang pumasok siya sa prestihyosong paaralan ay si Earl lang ang nag-iisang nagkaroon ng paki sa kanya. Kahit na madalas siyang masabihang social climber dahil lagi siyang sumasama rito ay isinawalang bahala lang niya ang mga iyon.
Para sa kanya si Earl lang ang taong kahit kailan ay hindi siya hinusgahan o itinuring na iba. Huli nga lang na malaman niyang may pagtingin pala siya rito. Kung kailan naman akala niya may chance na sila doon pa ulit bumalik si Pia.
“Sinong ama?” pambabasag nito sa katahimikang namutawi sa pagitan nila.
“H-hindi ko alam,” nahihiyang sagot niya. Narinig niyang napabuntong hininga ang nasa kabilang linya at may nahulog na babasagin na siguro ay natabig nito.
“Anong balak mo ngayon?” tanong ulit nito.
“Nandito kasi si kuya sa bahay, natatakot akong baka kung anong gawin niya kapag nalaman niya, alam mo naman kung paano mag-isip 'to,” sagot niya rito.
Narinig niyang lumabas nang bahay ang kapatid dahil sa ingay ng pinto sa may harapan. Malamang ay katatapos lang nitong kumain kanina nang maabutan niya sa kusina dahil umuuwi lang naman ito kapag wala nang pera o gutom.
“Ihanda mo na lahat ng kakailanganin mo, hintayin mo ako mamaya sa may bus station. I’ll call you back, Ok?” sabi nito at saka pinatay ang tawag.
Kahit papaano ay parang nabunutan siya ng tinik sa lalamunan nang masabi ang pasanin sa kaibigan.
Ang problema na lang niya ngayon ay kung papaano niya ipapalaglag ang bata bago sumama dito. Alam niyang hindi siya nito sasang-ayunan sa desisyon ngunit kung hindi niya iyon gagawin ay masisira naman lahat ang pangarap niya. Magdadahilan na lang siya dito na nakunan siya basta mahalaga makabalik siya sa pag-aaral at hindi niya mapalampas ang offer ni Earl na isama siya.
Malapit nang grumaduate si Earl sa Medisina samantalang siya isang taon na lang ang hihintayin. Usapan kasi nilang isasama siya nito sa Havana kapag nakapagtapos siya sa kursong Hotel Management. Ngunit sa nangyari ngayon mukhang masisira lang at maibabaon lahat nang iyon kapag hindi niya ito gagawan ng paraan.
Wala na nga siyang perang magamit para buhayin ang sarili, mamomroblema pa siya kung anong ipapakain niya o ipambubuhay niya dito.
Papatayin siya lalo ng kapatid kapag nalaman nito ang kahihiyang sinapit niya. Wala pa naman siyang maituturo kapag nagtanong ito kung sino ang ama ng dinadala. Sa tinuran nito kanina hindi malabong pagsalitaan din siya nito at saktan.
Nakagat niya ang ilalim na labi at napabuntong hininga nang maisip kung anong magiging reaksyon sa kanya ng ibang tao kapag lumaki na ang tiyan niya.
Natatakot siyang malaman kung sino man ang ama ng dinadala niya dahil maaaring hindi lang iisang tao ang nakasama niya nang gabing iyon base sa mga nagkalat na damit.
Panigurado ay sobrang kahihiyan lang ang kalalabasan kapag nag-imbistiga pa siya. Mapapahiya lang siya kung may makaalam na pinagpasa-pasahan man siya. Isa pa kung bubuhayin man niya ang bata, paniguradong kakawawain din ito paglaki dahil wala itong ama. Kagaya na lang nila ni Gian, alam niyang ito ang dahilan kaya hindi na nito itinuloy ang pag-aaral.
Binuhat niya ang kaisa isang bag at nagsimula na siyang maglakad pataas ng hagdan. Napansin niyang mabilis na siyang mapagod at hingalin ngayon kumpara noon.
Nang makarating sa patad at malampasan ang isang clinic ay naalala niya ang pinag-uusapan ng dalawang nurse kanina sa bus. Pinag-uusapan ng mga ito ang medical at surgical abortion. Gusto man sana niya ang medical na paraan kung saan may iinumin lang na gamot ngunit hindi na siya qualified dahil mahigit na sa 9 weeks ang dinadala niya.
Muli siyang napatingin sa gawing iyon at napalunok. Pinag-iisipan niyang mabuti kung ihahakbang pa ba niya palayo o papunta roon ang mga paa.
Nahirapan siyang huminga ng maayos nang ihakbang niya ang mga paa papunta roon. Pansin niyang bumilis din ang pagtibok ng puso niya habang naglalalakad at may parang tumusok na karayom sa tiyan.
Huminga muna siyang malalim at saka ipinagpatuloy ang paglalakad.
Napaisip siya sa sinabi ng isang nurse kanina, kung apat na oras lang naman siyang kailangang manatiling nakahiga para matapos ang operasyon pwede niyang pakiusapan si Earl na bukas na lang siya nito sunduin.
Habang papalapit siya sa clinic ay nakita niyang may tao sa labas. Napalunok siya nang makitang dalawang babae ang naroon na may hawak na karatula.
Palubog na ang araw at medyo madilim na rin kaya siguro hindi naman siya mamumukhaan ng mga ito. Ibinaba niya ang suot na puting sumbrero para matakpan ang mata at saka binilisan ang paglalakad.
Ngunit nagulat siya ng magsalita ang babae nang matapat siya rito.
“Alam mo ba na kapag nasa tatlong buwan ang mga baby, may mata, kamay, paa at bibig na sila? Naibubuka at naisasara din nila ang mga kamay nila, sana alam mo ‘yun bago ka nagpunta rito,” sabi nito. Hindi niya ito tinitigan at nagpatuloy lang siyang nakatingin sa daan at nagpatuloy sa paglakad.
Tila ba alam nito kung ilang buwan na ang nasa sinapupunan niya. Gusto man niyang magbingi-bingihan ngunit parang paulit-ulit niyang naririnig ang sinabi nito.
“Nagdedevelop na rin ang tenga, ngipin at mga kuko nila, hindi ba’t nakaka-excite ‘yun?” dagdag pa ng isa na nakasunod pala sa kanya.
Napatakip siya sa tainga at dumeretso sa steps malapit sa pinto ng clinic. Ayaw na niyang marinig ang mga sasabihin pa ng mga ito dahil babaguhin lang nila ang isip niya.
Sa sinabi nila ay para bang nanghina ang mga tuhod niya at napahinto sa paglalakad. Lalo na nang marinig ang sinabi ng isang may mata at bibig na ang batang nasa sinapupunan niya. Napahawak siya sa tiyan at napatingin dito.
Nakagat niya ang labi sa matinding inis, dahil sa tinuran ng babae ay nagdalawang isip siya ngayon.
Umeepekto ang pangongonsensiya nila sa kanya na lalong ikinagalit niya. Ngunit ano bang alam nila sa nararamdaman niya? Hindi naman nila alam ang hirap na pinagdaanan niya. Marahil ay magandang buhay lang ang dinanas ng mga ito kaya hindi nila alam ang hirap ng mabuhay na walang inaasahan.
Maswerte pa kung makakain sila noon ng matinong pagkain. Naranasan niyang magtiis na kumain ng panis dahil sa matinding gutom. Minsan ay purong tubig lang ang pananghalian niya para lang makatipid. Saka lang naman siya nakakakain ng tatlong beses sa isang araw nang maging working student siya.
Kaya wala silang karapatan na iparamdam sa kanya na masamang tao siya kung 'yun man ang piliin niya. Dahil sawang-sawa na siyang magdildil ng asin.
Napaluha siya nang maalala ang mga sinapit nila ni Gian noong hindi na umuwi ang tatay nila. Kung hindi pa nakinuod ang kapatid sa kapitbahay ay hindi pa nila malalamang namatay na ang ama.
Hindi biro ang lumaking walang inaasahang magulang. Bukod sa wala nang nagtatanong kung kumain ka na ba o anong gusto mo sa pasko, wala ring nagpapaalala sa'yo na mahalaga ka.
Naalala niya noong pinagmalupitan ng isang ale ang kapatid dahil nagnakaw ito ng tinapay. Panay kasi ang iyak niya noon dahil sa matinding gutom.
“Alam mo ba na kapag limang buwan na ang baby diyan sa sinapupunan mo, mararamdaman mo kapag pumadyak ito?” pagpuputol ng nakakatandang babae sa pagbabaliktanaw niya.
Nagpatuloy lang siya sa pagpasok sa clinic at hindi na nilingon ang nagsasalitang babae. Napatakip siya sa ilong dahil hindi niya nagustuhan ang amoy sa loob.
May mga babaeng nakaupong malamang ay nakapila sa isang cubicle. Mayroon ding nakasuot ng surgical dress na parang wala ng dugo at namumuti ang labi. Mukhang hindi na ito makapaglakad at nakasakay sa wheel chair na itinutulak ng lalaking kasing edad din nito.
Maraming iba’t-ibang ingay na maririnig sa loob, may umiiyak, sa isang kwarto, may nagsasalita, at mayroon ding nagdarasal. Tuluyan lang siyang napalabas nang hindi na niya kayanin ang amoy at naduwal.
“Ilang taon ka na ba? Hindi pa huli ang lahat. Maganda ang puso mo kung may takot ka,” sabi sa kanya ng babaeng nakahawak ng karatola na nakasunod pa rin sa likuran niya habang nagsusuka siya.
Mabuti na lang at tumunog ang cellphone niya para may dahilan siyang iwan ito na hindi siya nagmumukhang bastos.
Tinapunan niya ito nang tingin nang makalayo. Nagulat pa siya dahil nakangiti ito at kinakawayan siya.
“Hello!” bati sa kanya ng nasa kabilang linya. Napatingin siya sa screen dahil hindi si Earl ang nagsalita. Walang numero o pangalan din na lumantad sa screen ng cellphone.
“Earl?” tanong niya dito.
“Earl, again? Darlin', ilang beses ko bang maririnig ‘yan sa’yo? Ang bilis mo namang makalimot,” sabi nito na ikinainis niya.
“Sino ka ba? Wrong number ka yata,” nanghihinang sagot niya dito.
“I know your name, it's Roief 'di ba? Do you know how much I miss you?” sabi nito na ikinagulat niya.
“Paano mo nalaman ang number ko? Sino ka ba?” tanong niya. Nagising ang nanghihinang katawan niya sa sinabi nito at nanlaki ang mga mata niya nang mabanggit nito ang pangalan.
“I got it from someone, hindi mo ba ako namiss?” sabi nito. Halata sa boses ng kausap na masaya ito.
Napahawak siya sa bibig sa sinabi nito. Hindi niya alam kung magagalit ba siya o magtatanong. Nahahati ang isip niya sa posibilidad na maaaring ito ang nakasama niya nang gabing 'yun o baka isa lang ito sa mga nakalaro niya.
"Paano ba tayo nagkakilala?" muling tanong niya rito.
"Don't you remember anything?" sagot naman nito at parang lumungkot ang tinig nito.
"Sabihin mo nga kasi sino ka ba at bakit kilala mo ako? Sabihin mo nga kung isa ka sa gumalaw sa akin?" inis na tanong niya rito.
Natahimik ang nasa kabilang linya sa tanong niya at maski siya ay naguluhan kung bakit ganun ang lumabas na kataga sa bibig.
"Wha—"
Hindi na niya narinig kung ano man ang sumunod na sinabi ng lalaki dahil nahulog ang cellphone nya. Naramdaman niyang may kamay na sumalo sa kanya habang may panyo namang nakatakip sa bibig. Unti-unting nanlabo at dumilim ang mga paningin hanggang sa wala na siyang marinig mula sa paligid.
Napamulat si Roief dahil nakatapat ang matinding liwanag ng araw sa kanyang mga mata. Iniwas niya ang mukha ngunit tuluyan siyang nagising dahil sa pakiramdam na parang binabarena ang ulo niya.Saglit siyang tumigil sa paggalaw at huminga ng malalim, hanggang sa humupa ng bahagya ang kirot. Dahan-dahan niyang inikot ang paningin sa silid at natigilan siya nang mapagtantong wala siya sa inuupahang apartment.Nasisiguro niyang wala siya sa silid ni Earl dahil sa pambabaeng tema ng mga kagamitan sa loob ng silid. Isa pa ay walang rehas ang bintana nila Earl. Napahawak na lang siya sa ulo nang maalala ang pagkahilo niya kanina. Malinaw pa sa ala-ala niyang may kausap siya nang may lalaking humatak sa kanya at may malanghap siyang masangsang na amoy.Bumilis ang pagtibok ng puso niya nang mapagtanto ang nangyari sa kanya. Bigla niyang kinapa ang katawan at nang makitang wala naman siyang pasa o anumang senyales na may ginawa sa kanya ay saka pa lang
Napatunayan ni Roief ang kasabihang sa una lang masaya ang lahat nang isang araw ay magising siyang matamlay at parang ayaw na niyang mabuhay. Masaya pa siya noong unang tatlong buwan niya sa villa dahil nakakakain siya ng maayos at hindi siya namomroblema sa pang araw-araw na gastusin. Ngunit tuwing iisipin niya ang lahat ng kapalit ng pamamalagi niya roon ay nanghihinayang siya. Malaking bagay sa kanya ang nawalang scholarship at mga opportunity na dapat sana ay matatamasa niya kung nakapagtapos lang siya. Labis din ang pag-aalala niya sa kapatid at kay Earl, paniguradong nag-aalala ang mga ito sa pagkawala niya. Kahit gusto niya sanang tawagan si Earl ay hindi niya alam ang numero ng telepono nito. Wala siyang makausap at palagi lang siyang mag-isang nanonood kaya para na siyang mababaliw. Nami-miss na niya ang kaibigan at ang kapatid. Maski na ang pag-aaral.Gusto na niyang makalabas doon at umuwi. Hindi na niya kaya ang lungkot sa bahay na iyon. Palaging busy ang
“I love you too!”Narinig ni Roief ang boses ng lalaki mula sa mga kumpol ng may katangkaran na halaman. Kasalukuyan niyang isinasara ang gate. Bumilis ang tibok ng puso niya nang gumalaw ang golden bush at may biglang tumayo roon. “Yes! Yes!”Patay-malisya siyang tumalikod at pahakbang na sana nang may biglang humablot sa braso niya. “Ma’am ano po ang ginagawa niyo rito sa labas? Saan po kayo pupunta?” sunod-sunod na tanong sa kanya ng isang lalaking naka-baby blue na polo shirt at khaki shorts. Sa unang tingin, akalain mong turista ito o pumapasyal lang sa beach sa malapit, hindi aakalain ng kahit na sino na isa itong guard sa villa. Base sa boses nito na medyo may kaba ng kaunti, ito ang lalaking naulinigan niya sa halamanan kanina lang."Magpapahangin lang ako."Pinagmasdan niya ang lalaki. Matangkad din ito tulad ng iba, pero mas bata ito kumpara sa guard na laging nakasuot ng maskara. Wala nga pala siyang nakita sa nakamaskara ngayong araw.Nang nakakita
Nataranta ang mga tao sa ER nang magpatawag bigla ang Director ng emergency meeting gawa nang may darating na VIP.“Makinig kayo! Darating ang babaeng nangngangalang Roief, inutos ito ng Chairman at assistant niya mismo ang tumawag para dito lunasan ang isang buntis na may concussion, hindi pa tiyak kung anong lagay ngunit kailangan niya ng immediate attention sa ICU. Dra. Nelia, Benny at Ana kayo ang aatasan ko sa babaeng ‘yun,” utos ng Director sa mga doktor na kaka-break pa lang. Mabilis namang sumunod ang mga ito at naghanda na.Katatapos lang magsalita ng Director nang dumating ang pamilyar na sasakyan at iniluwa nito ang isang lalaking may kanlong ang babaeng sugatan ang ulo.Agad na nilagay sa stretcher bed ang buntis at mabilis na rumisponde ang mga doktor.Matapos ang operasyon ay nagising din si Roief, hindi nga lang niya alam kung ilang araw na siyang nakaratay sa kama at namimigat ang ulo at masakit ang sugat ni
Apat na taon din ang lumipas buhat nang lisanin niya ang Langria at tapusin ang pag-aaral sa ibayong dagat. Hindi niya lubos akalaing maaabot din niya sa wakas ang pinapangarap na akala niya noon ay tatangayin na lang ng hangin.Hindi nga lang niya inasahan na mapapaaga ng isang taon ang pagbalik niya sa bansa. Kung maaari lamang ay ayaw pa sana niyang umuwi dahil hindi pa sapat ang apat na taon para maghilom ang sugat na dumurog sa pagkatao niya.Kahit pa malayo na ang narating ay hindi niya magawang tuluyang maging masaya. Pakiramdam niya ay mayroong butas sa pagkatao niya na hindi kailanman mapupunan.Mabigat man ang loob niyang muling umapak sa lupang nagpapaalala sa kanya ng pagkatao niya ngunit kailangan niyang sumunod sa napagkasunduan nila ni Don Armando.“Miss Levy?” sabi ng babaeng papalapit sa kanya nang mamataan siya nitong naglalakad sa arrival lobby. “Ikaw ba ito?” paniniguro nito at itinuro ang nasa litra
“There is no easy way to say this Ren but after several tests, lumabas na nagtamo ng brain injury ang lolo mo, kaya comatose siya ngayon." sabi ng doktor at hinawakan nito ang balikat niya."Nasa ICU pa siya ngayon pero pwede rin naman siyang ilipat dito tutal may mga personal nurse naman na pwedeng mag asikaso sa kanya. Ang magagawa lang natin sa ngayon ay hintayin kung kailan siya ulit magigising,” paliwanag pa ng doktor. Inanyayahan siya nito sa VIP room para kausapin ukol sa concern sa Lolo niya. “Dahil sa malakas na impact ng pagkakauntog ng bungo niya specially sa frontal lobe ay naapektuhan ang utak niya,” dagdag pa nito habang itinuturo kung saan sa hawak na dummy skull ang parte na tinutukoy nito.“Pero magigising pa rin siya di ba?” sabat ni Yvette na nakatayo malapit sa pinto, hindi niya namalayan ang pagpasok nito at narinig pala nito ang usapan nila.Napakunot noo siya sa hindi inaasahang estado ng babae. Ang dating e
“Kanina ka pa ba rito, Roief?” tanong ni Earl na nasa likuran na pala niya. "Kanina pa ako naghahap pero hindi ako sigurado malaki kasi ang ipinagbago mo."Tinawanan naman niya ang lalaki kaya nahawa rin ito sa kanya. Ito ang nagsuggest sa kanya na magkita sila rito sa Royal’s Den dahil kilala ito sa buong Langria.“Mabuti na lang at dumating ka agad, sakto lang naman wala pa naman yata akong limang minuto rito. Kagagaling mo lang trabaho?” tanong niya rito. May mask kasi at apparatus na nakasabit sa leeg nito.“Oh, pasensya na nakalimutan kong iwan sa sasakyan sa kakamadali ko hindi ko na napansin,” sabi nito at saka natawa.“Grabe namang doktor ‘to, mamaya may pasyente ka pa palang iniwan baka hanapin ka?” tanong niya rito. Mukhang nagmadali nga ang lalaki dahil hindi man lang nito napansin ang stethoscope na nakabitin sa leeg.Pinaikot nito ang mga braso sa baywang niya upang yakapin siya ng mahigpit. H******n pa siya nito sa pisngi matapos siyang pabirong
Mag-uumaga na nang ihatid ng lalaki si Roief sa manor, pagkatapos ng mahaba nilang kwentuhan sa Royal’s Den. Napatingin si Roief sa nakabukas na gate at nakitang walang tao sa station. “Inuwi kaya nila ang Chairman?" bulong niya na sapat na para siya lang ang makarinig.“So paano, see you again after shift?” pahabol pa ni Earl. Nakahawak ito sa pinto ng sasakyan at inilahad ang palad sa kanya para alalayan siya palabas ng sasakyan.“Thanks for the treat! Na-relax talaga ako. I feel invigorated." Inabot naman niya ang kamay nito. "I don’t think I’ll be free tomorrow, kailangan ko pa kasing alamin ang lagay ng Chairman.” Bahagya siyang nguniti at bineso na niya ito bago pa ito iwan. " Goodnight Earl."“I see. We can still see each other pa naman some other time." Alam niyang nakatingin pa rin sa kanya ang lalaki dahil sinisiguro nitong makapasok muna siya bago siya nito iwan.“Goodnight Ro—” hindi nito itinuloy ang buong pangalan niya dahil nili
"Anong ginagawa mo rito?" Napalunok si Roief at kamuntikan pa niyang makagat ang sariling dila nang makita si Ren na nakatayo sa labas ng pinto."Sinabi sa akin ni Rosa na nandito ka raw sa library, I just didn't expect Dr. Farrah to be here." Sabi ni Ren habang nakatitig pa rin sa mga mata nya. "You two appear to be familiar with one another," dagdag pa nito na ikinabalaha ng dalawa.Bago pa sumagot ay tinitigan ni Roief ng mariin ang doktora. "Magkakilala na kami noon pa ni dok, ipinakilala siya sakin ng isang kaibigan." "Let's grab a coffee soon. It's good to see you once more Levy," agad namang sabat ng doktora at nagpalitan ng yakap ang dalawa. "Dok." Singit naman ni Ren na nagpaangat sa kilay niya. "Can I have a moment with you?" dugtong pa nito at agad naman itong sinundan ng doktora.Napakagat sa labi si Roief nang makitang bumuka ang bibig ni Ren. Hindi niya marinig ang pinag-uusapan ng dalawa dahil nagbubulungan ang mga ito. Ngayon lang niya napansin na namawis ang palad n
"Doctora Farrah?" hindi makapaniwalang nasambit ni Roief nang makita ang babaeng psychologist na tumingin sa kanya noon."How have you been? I can't believe it's really you. What are you doing here by the way?" Niyakap siya ni Dra. Farrah at hindi maalis sa mukha nito ang pagkamangha. "You've changed so much! Look at you, muntik na kitang hindi mamukhaan.""Ito alive and kicking dok. Ako nga rin dok nagdalawang isip po ako parang mas bumata po kayo," biro niya rito at nagtawanan naman sila. "For now I am living as Levy. Long story dok," sabi niya at mukhang naintindihan naman agad ito ng babae."I see. Would you like to share?" pabulong na tanong nito sa kanya habang nakatakip ang kamay nito sa bibig."M
"You stay with ate Rosa, Mommy will go downstairs for a while," pakiusap ni Roief kay Luigi. Mabuti na lang at pumayag ito kaya mabilis niyang kinuha ang papel na itinago sa bag at bumaba.. "Good morning!" bati sa kanya ni Earl pagkalabas niya pa lang sa gate. "Good morning! Ito pala 'yung sinasabi ko." Itinaas niya ang papel na naglalaman ng buhok ni Luigi at buhok niya. "Pasensya na pumunta ka pa rito. Hindi kasi ako papasok ngayon dahil may sinat 'yung bata kaya hindi ako makalalabas." "Anything for you," nakangiting sagot nito. "Wala kang pasok ngayon? Sinong bata?" nagtatakang tanong nito. Sumandal ito sa harapan ng sasakyan at inilagay sa ziplock ang inabot niyang papel. "May sakit kasi si Luigi,
Nagulat si Roief nang kaumagahan dahil ngayon lang niya ulit nakasabayan si Yvette na mag-agahan. Habang magtitimpla ng kape ay hindi pa rin mawala sa isip ang sinabi sa kanya ni Ren. Hindi niya alam kung seryoso ito sa sinabi o niloloko lang siya nitong kahawig niya ang taong minahal nito. "Hindi pa ba gising ang mag-ama?" tanong ni Nanay Maggie nang ilapag nito ang toast sa tabi ng kape niya. "Napuyat po 'yung isa kagabi. Hinika kasi si Luigi," sagot niya rito. "Nagtatabi na pala kayo ni Ren? Since when?" tanong bigla ni Yvette na ikinabigla nilang dalawa ni Nanay Maggie. "Hindi naman sa ganun, si Luigi kasi nilalagnat. Alam mo naman 'yung
Parang natunaw ang puso ni Roief nang makita si Luigi na umiiyak habang tumatakbo papunta sa kanya. Napakunot noo siya dahil may nakatapal ding cool fever sa noo nito "Kanina pang umaga 'yan may lagnat, ayaw magpaawat. Hintayin ka raw namin kaya hindi pa s'ya natutulog," paliwanag agad ni Ren. Tinitigan lang niya si Ren ngunit mabilis namang niyakap niya si Luigi at naramdaman nga niyang mainit ito. "What took you so long, Mommy? I haven't seen you all day," tanong pa sa kanya nito na parang nagtatampo. Pinakiramdaman niya ang noo nito at mainit pa nga ito. Kinarga naman niya agad ito at naglakad na paakyat ng hagdan. "I'm sorry, I didn't know you're sick," sabi niya rito at hinalikan ang noo nito. Parang ay
Hindi alam ni Roief ang gagawin nang lumapit si Earl sa kanya at makita ito ni Ren. “Hi,” tipid na bati niya sa lalaki nang i-beso siya nito sa harapan ng boss. “May date ka pala?” tanong ni Ren sa kanya habang sinusuri ng mga mata nito ang lalaking lumapit sa kanya. Hindi agad siya nakapagsalita dahil inunahan siya ni Earl. “Hi! I’m Earl,” pagpapakilala ng lalaki sa sarili. Nakangiti nitong inilahad ang kamay kay Ren at inabot naman ng boss niya ang kamay nito. Kita niyang mahigpit na nagkamayan ang mga ito. “Ren,” sagot naman ng boss niya at saka siya binalingan nito. “Hindi ko alam na may lakad ka pala, sana sinabi mo ng mas maaga para nalaman ko.”
“Anong ibig sabihin ng mga ipinadala mong litrato?” tanong ni Roief kay Earl nang tawagan niya ito. Hindi kasi niya maintindihan kung bakit ito biglang nagpadala ng litrato ng sanggol sa kanya. “Bakit ngayon ka lang?” tanong agad nito sa kanya. Mukhang tumatakbo ang lalaki kaya pinakiramdaman niya ang kausap. “Sorry, hindi ako nakarating at hindi man lang kita nasabihan na hindi ako matutuloy. Naiwan ko kasi ‘tong phone kaya ngayon lang ako nag-open. Are you okay?” Hindi niya maiwasang mag-alala para sa lalaki dahil parang kinakapos ito ng hininga. “I have a very important news to tell you. I just need to hang up right now,” sabi ni Earl. “Wait, please tell me you’re ok
Sa ginawa ng lalaking muling paggawad ng halik sa labi ni Roief ay hindi napigilan ng babaeng itulak ito. Pinunasan niya ang labi at tinitigan ng masama ang lalaki, “get out!” malakas na sabi niya. Itinuro niya ang pinto para lumabas ang lalaki. Hindi niya alam kung papaano pa sila maghaharap mamaya nito. “I’m sorry,” tanging nasabi lang nito at saka mabilis na lumabas. Napahawak siya sa batok at hinaplos ‘yun dahil sa naramdaman niya kaninang dumaloy na maliliit na boltahe ng kuryente sa parteng ‘yun. Kung bakit naman kasi bigla siyang halikan nito, kamuntikan tuloy siyang mawala sa sarili. Ang malambot na labi nito at ang paghawak pa lang nito sa katawan niya ay sapat na para mawala siya sa katinuan. Mabuti na lang at naalala niya si Leila kaya hindi siya nagpadala sa mapang-akit at pangahas na halik nito. “Bwisit.” Gusto niyang alisin ang bakas ng halik nito sa kanyang bibig kaya nagsipilyo siya. Pagkatapos magpalit ay nagmadali siy
Masakit ang ulo ni Roief na bumangon dahil pinilit siya nila Rosa na uminom ng wine kagabi. Nagising siya gawa nang may dumagan at pumisil sa kanyang d****b na akala niya ay si Luigi. Aalisin niya sana ang kamay nito ngunit napamulat siya nang maramdaman na may umumbok sa may puwetan niya kaya napatalikod siya. Nanlaki ang mga mata niya nang mapagsino ang katabi at natadyakan niya ito. Sumama naman ang nakapulupot na kumot dito at kumalabog ito nang mahulog sa sahig. Mabilis na inikot niya ang mga mata at nakitang nasa loob naman siya ng kanyang silid. “Bastos ka! Bakit nandito ka na naman?” naisigaw niya sa inis. Mabilis na ch-in-eck ang pang-ibaba kung may namagitan ba sa kanila ng lalaki at nakahinga lang siya ng maayos nang makitang maayos ang damit at suot pa naman ng lalaki ang damit nito.