Share

Venus X

Author: Stallia Iris
last update Last Updated: 2024-10-29 19:42:56

Napatunayan ni Roief ang kasabihang sa una lang masaya ang lahat nang isang araw ay magising siyang matamlay at parang ayaw na niyang mabuhay.

Masaya pa siya noong unang tatlong buwan niya sa villa dahil nakakakain siya ng maayos at hindi siya namomroblema sa pang araw-araw na gastusin. Ngunit tuwing iisipin niya ang lahat ng kapalit ng pamamalagi niya roon ay nanghihinayang siya. Malaking bagay sa kanya ang nawalang scholarship at mga opportunity na dapat sana ay matatamasa niya kung nakapagtapos lang siya.

Labis din ang pag-aalala niya sa kapatid at kay Earl, paniguradong nag-aalala ang mga ito sa pagkawala niya. Kahit gusto niya sanang tawagan si Earl ay hindi niya alam ang numero ng telepono nito. Wala siyang makausap at palagi lang siyang mag-isang nanonood kaya para na siyang mababaliw. Nami-miss na niya ang kaibigan at ang kapatid. Maski na ang pag-aaral.

Gusto na niyang makalabas doon at umuwi. Hindi na niya kaya ang lungkot sa bahay na iyon. Palaging busy ang mga kasambahay sa pag-asikaso sa mga gawain kaya kulang na lang ay kausapin niya ang mga butiki. Ayaw naman siyang palabasin sa gate kaya hanggang sa bakuran lang siya.

Sinisisi niya palagi ang sarili dahil nagpadala siya sa galit kay Earl kaya siya sumama sa paanyaya sa party noong gabing iyon. Kung hindi lang naman siya sumama noon sigurado siyang hindi lahat ito mangyayari.

Naantala lang ang pag-iisip niya nang may kumatok.

"May bisita po kayo, dumating na po si doktora," sabi ni Sally pagkabukas nito ng pinto.

"Patuluyin mo rito," sabi naman niya at inayos ang isang upuan.

"Good afternoon Roief," bati sa kanya ng doktora. Binati rin niya ito at naupo ito sa tabi niya.

Mula nang dumating siya sa villa ay dinadalaw siya nito, minsan sa isang buwan. Gaya ng dati binigyan ulit siya nito ng mga bitamina. Ngunit hindi alam nito na itinigil niya ang pag-inom niyon nang minsan ay sumakit ang ulo niya.

"Dok may tanong pala ako. Tungkol ito sa ininom ng kaibigan ko sa isang party. May juice daw po kasi siyang nainom pagkatapos, kinaumagahan ay hindi na niya matandaan ang lahat ng nangyari sa kanya." Nakamot niya ang leeg nang titigan siya ng doktora.

"Saan ba nagpunta ang kaibigan mo?" Napakunot ang noo nito.

"Sa Isla Bora, pamilyar po siguro kayo sa sikat na islang 'yun?" Napakagat siya sa labi at kinuha ang bola sa lamesa.

"I see, akala ko sa bar o club. Kung sa Bora siya nagpunta hindi uso ang mga date rape drug doon, maaaring Venus X, V-Numb o mga ganung psychedelic drug ang nainom niya. Babae lang naman ang nakaka-avail niyon, may mambership card ang mga bumibili kaya hindi basta-bastang nakabibili ang mga lalaki nun. Para 'yun sa mga babeng naghahangad makasungkit ng mga mayayaman na nanggaling sa casino. Nakapagdudulot kasi ito ng matinding sex drive sa mga kababaihan ngunit magkakaiba rin ang tama nito sa bawat babae," paliwanag ng doktora.

"Kaya siguro hindi maalala ng kaibigan ko 'yung nangyari. May nainom daw kasi siya akala niya simpleng alak lang. Paano niyo po nalaman 'yan dok?" Pinisil-pisil na naman niya ang bola.

"Kawawa naman, napagtripan siguro 'yun o baka naman maling baso ang napulot niya. Alam ko 'yan kasi may business ang tatay ng hipag ko roon. Madalas nilang pagkwentuhan ang mga 'yan. Ang madalas na side effect lang nito kapag nasobrahan ay ang pagkawala ng memorya kinabukasan. Kaya baka Venus X nga ang nainom ng kaibigan mo. Kumusta naman siya ngayon?" tanong nito ngunit hindi agad siya nakasagot.

"Ahh… ano... wala na po kasi akong balita sa kanya," naisagot na lang niya.

"I see, sana okay lang ang kaibigan mo. Sa susunod sabihan mo ang kaibigan mo, kailangang alisto siya. Huwag na h'wag niyang iiwan ang baso o inumin kahit pa saang bar o club siya magpunta. Ang mahalaga bantayan niya ang iniinom niya. H'wag siyang basta tumatanggap ng mga libreng drinks dahil ikapapahamak niya 'yun," payo nito.

"Tatandaan ko po 'yan, sasabihin ko po sa kanya kapag nagkita po ulit kami. Salamat po sa payo." Tumayo na rin siya dahil nagpaalam na rin ang doktora. Inulit na naman nito na 'wag niyang kakaligtaan ang pag-inom ng mga vitamins niya.

Napabuntong hininga na naman siya pagkaalis nito. Wala na naman siyang kausap at balik na naman siya sa paulit-ulit at nakakasawang routine niya.

Pilit man siyang inaliw ng mga kasambahay sa mga sumunod na araw ay hindi pa rin niya makuhang maging masaya. Tila unti-unti siyang kinakain ng konsensya sa tuwing makikitang lumalaki ang tiyan at pinupuri nila ito.

Para sa kanya hindi niya magawang magdiwang dahil nandidiri siya sa sarili tuwing iisipin na iba’t-ibang lalaki ang maaari niyang nakasama nang gabing iyon. Gusto niyang masuka sa tuwing iisipin ang bagay na ‘yun.

Maaari ngang sa kalasingan ay may nag-alok sa kanya o di naman ay may laman ngang Venus-X ang ininom niya. Para sa kanya tama lang na pinaparusahan siya ngayon dahil nagpakatanga siya.

Kaya nga hanggang ngayon ay nahihirapan siyang tanggapin ang naroon sa kanyang sinapupunan. Para sa kanya bunga ito ng isang pagkakamali.

Mataas ang pangarap niya sa buhay at ni hindi sumagi sa isip ang pagkakaroon ng anak. Ang tanging laman lang ng isip niya noon ay ang makapagtapos at matulungan ang kapatid na makapagbayad sa utang para hindi na ito palaging nagtatago at umaasa sa pagsusugal. Nahihirapan siyang iproseso ang katotohanang mayroong buhay sa kanyang sinapupunan at ito ang sumira sa mga pangarap niya.

Inaalala pa rin niya kung anong magiging kinabukasan nila ng bata kung sakali mang hindi tumugma ang DNA nito sa kung sino man ang inaasahan nilang ama nito. Maaaring ipatapon na lang sila o `di kaya’y ipapatay kapag malaman ng lalaki na wala itong kinalaman sa kanila.

“Ay Dios ko po! Ate Mina!” palahaw ng nakababatang kasambahay nang makita si Roief na nakahiga sa kama at may malalalim na sugat sa pulsuhan.

Agad na dumating naman ang dalawa pang kasambahay. Naging maingay ang kwarto at dinig niyang tumatawag si Mina sa cellphone na hawak nito.

Mayamaya lang ay may dumating na dalawang babeng doctor, ang isa ay nakasuot ng puting gown samantalang ang isa ay naka-casual lang.

Agad na ginamot ng doktor ang kamay niya at marami din itong tinanong sa kanya patungkol sa dating record niya.

Ayon sa narinig niya ay ipinadala ang mga ito ng lalaking may-ari ng villa.

“Roief…" Halata sa tinig ng doktor ang pagkayamot ngunit pinipilit pa rin nito na itago iyon upang hindi sumama lalo ang loob niya. "Hindi makabubuti sa’yo ang pagpupuyat at hindi ka na rin muna nila maaaring bigyan ng mga inumin o pagkain na may caffeine dahil makakasama 'yun sa iyo."

Nanatili lang na malayo ang tingin ni Roief, hindi umiimik o pumapalag. "Nabanggit ng isa sa mga kasama mo rito na hindi mo raw iniinom ang mga binigay ng doktor mo sa 'yong vitamins. Kailangan mong i-take ang mga iyon ‘wag mong ipagpaliban dahil kailangan ito ng baby, lalo na ikaw. Hindi mo naman ikapapahamak ang pag-inom nun, nasisiguro kong para sa ikabubuti mo ang mga nirereseta sa ’yo."

Hindi pa rin siya nag-react kaya naman napabuntong-hininga ito. "Mabubungi ka kapag hindi ka uminom ng gatas at uminom ng prenatal vitamins, rurupok din ang mga buto mo at makukuba ka."

Napatingin si Roief dito, may kaunting pag-aalalang bumalatay sa maganda niyang mukha. "Po?"

"Tulad ng sinabi ko sa 'yo dati, kapag hindi ka uminom ng mga kinakailangan mong bitamina, ang mga nutrients sa katawan mo tulad ng calcium ang ia-absorb ng anak mo to compensate for your lack of vitamins. Gusto mo ba iyon? Gusto mo bang mabungi ka at magka-osteoporosis?"

Saglit na nag-isip ang dalaga saka umiling nang sunod-sunod.

Napangiti ng ang duktor saka siya tinapik sa balikat bilang pagpapakita ng suporta.

Pagkalabas ng family doctor sa silid ay pumasok naman ang isang babaeng sa palagay ni Roief ay nasa kuwarenta na ang edad. Nakangiti ito at may hawak itong maliit na bola sa kamay at isang paper bag.

“Hi Roief, ako nga pala si Dra. Farrah. I'm your psychologist," pagapakilala nito. Pagkatapos umupo ay muli itong nagsalita, "how do you feel right now?” Nakatingin naman ito sa nakabenda niyang kamay.

Hindi niya alam kung bakit pero magaan ang loob niya rito. Marahil ay dahil sa maamo nitong mukha at sa malamyos nitong tinig habang kinakausap siya. Hindi ito tunog patronizing tulad ng iba. Straight to the point ito at tapat. “Ayos naman po dok,” sagot niya rito.

“Kung ire-rate mo ang anxiety level mo from 1-10 sa tingin mo aling numero ang makatutukoy sa tindi ng anxiety mo?” Ipinaliwanag nito sa kanya ang nararamdaman niya. Nag-isip muna siya bago sumagot. “Seven po siguro, dok."

“I see." Inilahad nito ang kamay bilang imbitasyon. Matapos ang ilang segundong pag-iisip ay inabot niya ang palad nito. Agad na kinulong ng duktora ang palad niya sa mga daliri nito. "Roief may mga itatanong lang akong ilang bagay sa’yo and I need you to be honest about it. Para alam ko kung papaano kita matutulungan, is that okay with you?”

“S-sige po dok,” sagot naman niya rito.

Pagkatapos ng mahabang usapan at paliwanagan ay may mga sinagutan siyang papel.

May mga itinuro itong ehersisyo at payo sa kanya na gagawin niya araw-araw. Nag-iwan pa ito ng note para hindi niya makalimutan. May iniwan pa ito sa kanyang diary pad kung saan niya isusulat ang mga daily activities at ano mang saloobin niya.

"Para saan po ito?" Hindi niya maiwasang magtaka nang may iabot ito sa kanyang mabigat na malaking paper bag.

"May mga painting materials na pwede mong i-explore at mga yarn na panggantsilyo. Gamitin mo raw lahat 'yan para hindi ka ma-bore. Inabot nito ang usb sa kanya. "Panoorin mo na lang daw at hindi siya makararating."

"Handa na po ang hapunan," sabi ni Sally at sumunod naman sila rito.

Pagkatapos ng hapunan ay nagpaalam na rin ang mga ito. Kahit papaano ay gumaa ng loob niya.

Pinanood niya ang pangalawang video na ibinigay sa kanya, gaya ng dati hindi na naman kita ang mukha nito at naka-auto-tune rin ang boses nito. Natigilan siya nang matapos panoorin ang video. Hindi siya mapakali sa kasunduan na bibigyan siya ng mahabang panahon para magpasya. Kung positive ang DNA test ay maaari niyang pangalanan ang anak. Mas malaki ang makukuha niyang pera at pag-aaralin pa siya sa kilalang Unibersidad sa ibang bansa, ngunit hindi na niya makikita ang pa anak. Hindi rin niya maaaring makita ito kahit kailan.

Kapag hindi naman positibo ang DNA ay susuportahan pa rin siya hanggang sa makapagtapos siya ng pag-aaral ngunit wala siyang makukuhang kahit anong pera mula sa lalaki. Hindi rin siya makakaapak pa sa bansa at wala siyang karapatan na pangalanan ang anak.

Napabuntong hininga siya nang matapos basahin ang kasunduan. Kahit papaano ay nabawasan ang alalahanin niya dahil hindi naman pala siya ipatatapon kahit na mapag-alamang hindi sa lalaki ang dinadala niya.

Napag-isip-isip niyang wala na siyang ibang choice kung di ang tanggapin ang kapalaran at wala rin siyang oras para manisi ng iba. Ang nangyari ay tapus na at ang kasunduan na lang ang tanging mapanghahawakan niyang pag-asa para maibangon muli ang sarili.

Naramdaman niyang sumipa ang bata sa sinapupunan at napahawak siya rito. Tumayo siya at nagtungo sa kama upang isandal ang likod sa headboard. Ngayon pa lang ay nag-iisip na siya kung anong magandang ipapangalan niya sa bata kapag lumabas na ito. Hinaplos niya ang tiyan at saka kinuwentuhan ito gaya ng sabi sa kanya ng therapist niya.

Naiilang man siya sa una ngunut nakasanayan na rin niyang kantahan at kausapin ito. Tila naman naririnig siya nito, nagpa request siya na magpabili ng chessboard at ilang board games. Lagi niyang kinukulit ang gwardiyang nakasuot ng maskara dahil iyon lang ang may alam sa nilalaro niyang game of the generals.

Makalipas ang dalawang buwan ay natapos din niya ang ginagantsilyo at sinunod naman niya lahat ng utos at payo sa kanya ng dalawang doktor. Napansin ng mga kasambahay ang pamumukadkad niya na tila isang halaman. Tinulungan niyang aliwin ang sarili sa pag-aalaga ng mga halaman at pakikipaglaro ng board games sa lalaking nakamaskara.

"May ipinapamigay po para sa 'yo." Inabot ni Sally ang folder sa kanya. Akala niya ay may video ulit siyang papanoorin ngunit papel ang laman niyon at hindi usb.

"Ano 'to?" nagtatakang tanong niya.

"Kontrata siguro," sagot naman ng lalaking kalaro niya. Tinapos nila ang laro nago siya nagpasyang umakyat sa silid.

Napahawak siya sa tiyan. Nabasa na niya ito ng ilang ulit at akala niya ay handa na siya rito ngunit mukhang napamahal na siya sa nasa sinapupunan niya. Habang nanonood siya kanina kung papaano pinapaliguan ng isang ina ang bagong silang nito ay nakaramdam siya ng kakaibang pakiramdam. Tila na-excite siya na makita ang itsura ng batang nasa loob ng tiyan niya.

Napahawak siya rito at saka napabuntong hininga. Alam niyang wala siyang ibang matatakbuhan at isang pirma lang niya ay maipagpapatuloy na niya ang pinapangarap ngunit ano itong nararamdaman niya ngayon?

Ilang araw na lang ang binibilang at isisilang na niya ito ngunit nagdadalawang isip siyang pumirma. Ilang beses siyang nagpalakad-lakad sa kwarto na hindi mapakali.

Napatingin siya sa sa nakamaskarang lalaki na nakatayo sa gate at may namuong plano sa isipan niya.

Stallia Iris

Please add my story to your library or send gems to support my story. That's greatly appreciated! Magandang araw! May mga locked chapters po ang lahat ng nobela sa GN. Para makolekta po ninyo ang coins at diamond magpunta lang po kayo sa Reward section sa "Profile" ninyo mismo. May gift box po kayong makikita at pwede nyo kolektahin 'yun araw-araw para magamit sa pag unlock. Mahalaga rin po at malaking bagay po sa akin kung may maibibigay man po kayong gem. 😊☺😍Maraming salamat po.

| 2
Comments (5)
goodnovel comment avatar
Earl Hari
great story
goodnovel comment avatar
Sa Fora
......... makikilala kaya siya ng babae?
goodnovel comment avatar
Ytser Mariano Antonio
Ang galing!
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • THE BILLIONAIRES HATER   The Plan

    “I love you too!”Narinig ni Roief ang boses ng lalaki mula sa mga kumpol ng may katangkaran na halaman. Kasalukuyan niyang isinasara ang gate. Bumilis ang tibok ng puso niya nang gumalaw ang golden bush at may biglang tumayo roon. “Yes! Yes!”Patay-malisya siyang tumalikod at pahakbang na sana nang may biglang humablot sa braso niya. “Ma’am ano po ang ginagawa niyo rito sa labas? Saan po kayo pupunta?” sunod-sunod na tanong sa kanya ng isang lalaking naka-baby blue na polo shirt at khaki shorts. Sa unang tingin, akalain mong turista ito o pumapasyal lang sa beach sa malapit, hindi aakalain ng kahit na sino na isa itong guard sa villa. Base sa boses nito na medyo may kaba ng kaunti, ito ang lalaking naulinigan niya sa halamanan kanina lang."Magpapahangin lang ako."Pinagmasdan niya ang lalaki. Matangkad din ito tulad ng iba, pero mas bata ito kumpara sa guard na laging nakasuot ng maskara. Wala nga pala siyang nakita sa nakamaskara ngayong araw.Nang nakakita

  • THE BILLIONAIRES HATER   ER

    Nataranta ang mga tao sa ER nang magpatawag bigla ang Director ng emergency meeting gawa nang may darating na VIP.“Makinig kayo! Darating ang babaeng nangngangalang Roief, inutos ito ng Chairman at assistant niya mismo ang tumawag para dito lunasan ang isang buntis na may concussion, hindi pa tiyak kung anong lagay ngunit kailangan niya ng immediate attention sa ICU. Dra. Nelia, Benny at Ana kayo ang aatasan ko sa babaeng ‘yun,” utos ng Director sa mga doktor na kaka-break pa lang. Mabilis namang sumunod ang mga ito at naghanda na.Katatapos lang magsalita ng Director nang dumating ang pamilyar na sasakyan at iniluwa nito ang isang lalaking may kanlong ang babaeng sugatan ang ulo.Agad na nilagay sa stretcher bed ang buntis at mabilis na rumisponde ang mga doktor.Matapos ang operasyon ay nagising din si Roief, hindi nga lang niya alam kung ilang araw na siyang nakaratay sa kama at namimigat ang ulo at masakit ang sugat ni

  • THE BILLIONAIRES HATER   Comeback

    Apat na taon din ang lumipas buhat nang lisanin niya ang Langria at tapusin ang pag-aaral sa ibayong dagat. Hindi niya lubos akalaing maaabot din niya sa wakas ang pinapangarap na akala niya noon ay tatangayin na lang ng hangin.Hindi nga lang niya inasahan na mapapaaga ng isang taon ang pagbalik niya sa bansa. Kung maaari lamang ay ayaw pa sana niyang umuwi dahil hindi pa sapat ang apat na taon para maghilom ang sugat na dumurog sa pagkatao niya.Kahit pa malayo na ang narating ay hindi niya magawang tuluyang maging masaya. Pakiramdam niya ay mayroong butas sa pagkatao niya na hindi kailanman mapupunan.Mabigat man ang loob niyang muling umapak sa lupang nagpapaalala sa kanya ng pagkatao niya ngunit kailangan niyang sumunod sa napagkasunduan nila ni Don Armando.“Miss Levy?” sabi ng babaeng papalapit sa kanya nang mamataan siya nitong naglalakad sa arrival lobby. “Ikaw ba ito?” paniniguro nito at itinuro ang nasa litra

  • THE BILLIONAIRES HATER   The Second Encounter

    “There is no easy way to say this Ren but after several tests, lumabas na nagtamo ng brain injury ang lolo mo, kaya comatose siya ngayon." sabi ng doktor at hinawakan nito ang balikat niya."Nasa ICU pa siya ngayon pero pwede rin naman siyang ilipat dito tutal may mga personal nurse naman na pwedeng mag asikaso sa kanya. Ang magagawa lang natin sa ngayon ay hintayin kung kailan siya ulit magigising,” paliwanag pa ng doktor. Inanyayahan siya nito sa VIP room para kausapin ukol sa concern sa Lolo niya. “Dahil sa malakas na impact ng pagkakauntog ng bungo niya specially sa frontal lobe ay naapektuhan ang utak niya,” dagdag pa nito habang itinuturo kung saan sa hawak na dummy skull ang parte na tinutukoy nito.“Pero magigising pa rin siya di ba?” sabat ni Yvette na nakatayo malapit sa pinto, hindi niya namalayan ang pagpasok nito at narinig pala nito ang usapan nila.Napakunot noo siya sa hindi inaasahang estado ng babae. Ang dating e

  • THE BILLIONAIRES HATER   Royal's Den

    “Kanina ka pa ba rito, Roief?” tanong ni Earl na nasa likuran na pala niya. "Kanina pa ako naghahap pero hindi ako sigurado malaki kasi ang ipinagbago mo."Tinawanan naman niya ang lalaki kaya nahawa rin ito sa kanya. Ito ang nagsuggest sa kanya na magkita sila rito sa Royal’s Den dahil kilala ito sa buong Langria.“Mabuti na lang at dumating ka agad, sakto lang naman wala pa naman yata akong limang minuto rito. Kagagaling mo lang trabaho?” tanong niya rito. May mask kasi at apparatus na nakasabit sa leeg nito.“Oh, pasensya na nakalimutan kong iwan sa sasakyan sa kakamadali ko hindi ko na napansin,” sabi nito at saka natawa.“Grabe namang doktor ‘to, mamaya may pasyente ka pa palang iniwan baka hanapin ka?” tanong niya rito. Mukhang nagmadali nga ang lalaki dahil hindi man lang nito napansin ang stethoscope na nakabitin sa leeg.Pinaikot nito ang mga braso sa baywang niya upang yakapin siya ng mahigpit. H******n pa siya nito sa pisngi matapos siyang pabirong

  • THE BILLIONAIRES HATER   Wrong Room

    Mag-uumaga na nang ihatid ng lalaki si Roief sa manor, pagkatapos ng mahaba nilang kwentuhan sa Royal’s Den. Napatingin si Roief sa nakabukas na gate at nakitang walang tao sa station. “Inuwi kaya nila ang Chairman?" bulong niya na sapat na para siya lang ang makarinig.“So paano, see you again after shift?” pahabol pa ni Earl. Nakahawak ito sa pinto ng sasakyan at inilahad ang palad sa kanya para alalayan siya palabas ng sasakyan.“Thanks for the treat! Na-relax talaga ako. I feel invigorated." Inabot naman niya ang kamay nito. "I don’t think I’ll be free tomorrow, kailangan ko pa kasing alamin ang lagay ng Chairman.” Bahagya siyang nguniti at bineso na niya ito bago pa ito iwan. " Goodnight Earl."“I see. We can still see each other pa naman some other time." Alam niyang nakatingin pa rin sa kanya ang lalaki dahil sinisiguro nitong makapasok muna siya bago siya nito iwan.“Goodnight Ro—” hindi nito itinuloy ang buong pangalan niya dahil nili

  • THE BILLIONAIRES HATER   The Girl Next Door

    Nanlaki ang mata ni Ren nang makita ang mukha ng babae. Wala nang ispiritu ng alak sa katawan niya ngunit tila yata dinadaya siya ng paningin. Parang pinaglalaruan pa siya ng tadhana na muling magtagpo ang landas nila nito. Para siyang biglang nabuhayan ng loob, nang makita ito. Hindi pa rin siya makapaniwalang ito ang babaeng nakita niya sa Royal's Den ngunit bago pa ito matapos magsalita ay lumabas na siya ng silid. Muli kasing ibinabalik ng pagkakataon ang pakiramdam na pilit niyang kinalimutan."Sh*t!" Sinampal niya ang magkabikang pisngi para gisingin ang sarili. Matagal na niyang alam na patay na ang babaeng iyon ngunit heto at nakikita niya ang mukha nga babaeng iyon sa babaeng nasa loob ng kanyang silid. Napabuntong hininga siyang muli. Naihilamos na lang niya ang kamay sa mukha. “No. This is just pure coincidence. You know she's already dead. That's a different person. It can’t be."Ilang minuto muna siyang tumagal sa hall way na nagpalak

  • THE BILLIONAIRES HATER   Ren and the Girls

    Napalingon si Ren nang biglang bumukas ang pinto."What brings you here? Akala ko ba doon ka na matutulog sa room ko?” sabi niya sa babaeng nakatayo ngayon sa may pintuan. Ngunit bago pa niya buklatin ang passport ay nakalapit na sa kanya ang babae at hinila nito ang passport mula sa mga kamay niya. "That's my thing.""Who are you?" hindi niya mapigilang mapatanong.“Itanong mo na lang kay Leila tutal siya naman ang inutusan ng chairman na sunduin ako,” dagdag pa nito.Nag-ekis ang mga braso nito at masama ang pagkakatitig nito sa kanya kaya mabilis siyang dumistansya rito."Okay. Relax! I didn't say wala akong tiawala sa 'yo. I'm just curious." Naalala niyang madalas ganitong postura ang ipinapakita ng mga babaeng ayaw magbahagi ng impormasyon kaya tiyak na wala rin siyang mapipiga rito.“I see. Ang secretary ko pala ang sumundo sayo. So what brings you here? Reunion? Business?"“Itanong mo

Latest chapter

  • THE BILLIONAIRES HATER   The Scape Goat

    "Anong ginagawa mo rito?" Napalunok si Roief at kamuntikan pa niyang makagat ang sariling dila nang makita si Ren na nakatayo sa labas ng pinto."Sinabi sa akin ni Rosa na nandito ka raw sa library, I just didn't expect Dr. Farrah to be here." Sabi ni Ren habang nakatitig pa rin sa mga mata nya. "You two appear to be familiar with one another," dagdag pa nito na ikinabalaha ng dalawa.Bago pa sumagot ay tinitigan ni Roief ng mariin ang doktora. "Magkakilala na kami noon pa ni dok, ipinakilala siya sakin ng isang kaibigan." "Let's grab a coffee soon. It's good to see you once more Levy," agad namang sabat ng doktora at nagpalitan ng yakap ang dalawa. "Dok." Singit naman ni Ren na nagpaangat sa kilay niya. "Can I have a moment with you?" dugtong pa nito at agad naman itong sinundan ng doktora.Napakagat sa labi si Roief nang makitang bumuka ang bibig ni Ren. Hindi niya marinig ang pinag-uusapan ng dalawa dahil nagbubulungan ang mga ito. Ngayon lang niya napansin na namawis ang palad n

  • THE BILLIONAIRES HATER   Confession

    "Doctora Farrah?" hindi makapaniwalang nasambit ni Roief nang makita ang babaeng psychologist na tumingin sa kanya noon."How have you been? I can't believe it's really you. What are you doing here by the way?" Niyakap siya ni Dra. Farrah at hindi maalis sa mukha nito ang pagkamangha. "You've changed so much! Look at you, muntik na kitang hindi mamukhaan.""Ito alive and kicking dok. Ako nga rin dok nagdalawang isip po ako parang mas bumata po kayo," biro niya rito at nagtawanan naman sila. "For now I am living as Levy. Long story dok," sabi niya at mukhang naintindihan naman agad ito ng babae."I see. Would you like to share?" pabulong na tanong nito sa kanya habang nakatakip ang kamay nito sa bibig."M

  • THE BILLIONAIRES HATER   Encounter

    "You stay with ate Rosa, Mommy will go downstairs for a while," pakiusap ni Roief kay Luigi. Mabuti na lang at pumayag ito kaya mabilis niyang kinuha ang papel na itinago sa bag at bumaba.. "Good morning!" bati sa kanya ni Earl pagkalabas niya pa lang sa gate. "Good morning! Ito pala 'yung sinasabi ko." Itinaas niya ang papel na naglalaman ng buhok ni Luigi at buhok niya. "Pasensya na pumunta ka pa rito. Hindi kasi ako papasok ngayon dahil may sinat 'yung bata kaya hindi ako makalalabas." "Anything for you," nakangiting sagot nito. "Wala kang pasok ngayon? Sinong bata?" nagtatakang tanong nito. Sumandal ito sa harapan ng sasakyan at inilagay sa ziplock ang inabot niyang papel. "May sakit kasi si Luigi,

  • THE BILLIONAIRES HATER   Suspicion

    Nagulat si Roief nang kaumagahan dahil ngayon lang niya ulit nakasabayan si Yvette na mag-agahan. Habang magtitimpla ng kape ay hindi pa rin mawala sa isip ang sinabi sa kanya ni Ren. Hindi niya alam kung seryoso ito sa sinabi o niloloko lang siya nitong kahawig niya ang taong minahal nito. "Hindi pa ba gising ang mag-ama?" tanong ni Nanay Maggie nang ilapag nito ang toast sa tabi ng kape niya. "Napuyat po 'yung isa kagabi. Hinika kasi si Luigi," sagot niya rito. "Nagtatabi na pala kayo ni Ren? Since when?" tanong bigla ni Yvette na ikinabigla nilang dalawa ni Nanay Maggie. "Hindi naman sa ganun, si Luigi kasi nilalagnat. Alam mo naman 'yung

  • THE BILLIONAIRES HATER   The Apology

    Parang natunaw ang puso ni Roief nang makita si Luigi na umiiyak habang tumatakbo papunta sa kanya. Napakunot noo siya dahil may nakatapal ding cool fever sa noo nito "Kanina pang umaga 'yan may lagnat, ayaw magpaawat. Hintayin ka raw namin kaya hindi pa s'ya natutulog," paliwanag agad ni Ren. Tinitigan lang niya si Ren ngunit mabilis namang niyakap niya si Luigi at naramdaman nga niyang mainit ito. "What took you so long, Mommy? I haven't seen you all day," tanong pa sa kanya nito na parang nagtatampo. Pinakiramdaman niya ang noo nito at mainit pa nga ito. Kinarga naman niya agad ito at naglakad na paakyat ng hagdan. "I'm sorry, I didn't know you're sick," sabi niya rito at hinalikan ang noo nito. Parang ay

  • THE BILLIONAIRES HATER   The Big News

    Hindi alam ni Roief ang gagawin nang lumapit si Earl sa kanya at makita ito ni Ren. “Hi,” tipid na bati niya sa lalaki nang i-beso siya nito sa harapan ng boss. “May date ka pala?” tanong ni Ren sa kanya habang sinusuri ng mga mata nito ang lalaking lumapit sa kanya. Hindi agad siya nakapagsalita dahil inunahan siya ni Earl. “Hi! I’m Earl,” pagpapakilala ng lalaki sa sarili. Nakangiti nitong inilahad ang kamay kay Ren at inabot naman ng boss niya ang kamay nito. Kita niyang mahigpit na nagkamayan ang mga ito. “Ren,” sagot naman ng boss niya at saka siya binalingan nito. “Hindi ko alam na may lakad ka pala, sana sinabi mo ng mas maaga para nalaman ko.”

  • THE BILLIONAIRES HATER   The Rival

    “Anong ibig sabihin ng mga ipinadala mong litrato?” tanong ni Roief kay Earl nang tawagan niya ito. Hindi kasi niya maintindihan kung bakit ito biglang nagpadala ng litrato ng sanggol sa kanya. “Bakit ngayon ka lang?” tanong agad nito sa kanya. Mukhang tumatakbo ang lalaki kaya pinakiramdaman niya ang kausap. “Sorry, hindi ako nakarating at hindi man lang kita nasabihan na hindi ako matutuloy. Naiwan ko kasi ‘tong phone kaya ngayon lang ako nag-open. Are you okay?” Hindi niya maiwasang mag-alala para sa lalaki dahil parang kinakapos ito ng hininga. “I have a very important news to tell you. I just need to hang up right now,” sabi ni Earl. “Wait, please tell me you’re ok

  • THE BILLIONAIRES HATER   Unexpected News

    Sa ginawa ng lalaking muling paggawad ng halik sa labi ni Roief ay hindi napigilan ng babaeng itulak ito. Pinunasan niya ang labi at tinitigan ng masama ang lalaki, “get out!” malakas na sabi niya. Itinuro niya ang pinto para lumabas ang lalaki. Hindi niya alam kung papaano pa sila maghaharap mamaya nito. “I’m sorry,” tanging nasabi lang nito at saka mabilis na lumabas. Napahawak siya sa batok at hinaplos ‘yun dahil sa naramdaman niya kaninang dumaloy na maliliit na boltahe ng kuryente sa parteng ‘yun. Kung bakit naman kasi bigla siyang halikan nito, kamuntikan tuloy siyang mawala sa sarili. Ang malambot na labi nito at ang paghawak pa lang nito sa katawan niya ay sapat na para mawala siya sa katinuan. Mabuti na lang at naalala niya si Leila kaya hindi siya nagpadala sa mapang-akit at pangahas na halik nito. “Bwisit.” Gusto niyang alisin ang bakas ng halik nito sa kanyang bibig kaya nagsipilyo siya. Pagkatapos magpalit ay nagmadali siy

  • THE BILLIONAIRES HATER   Shower Room

    Masakit ang ulo ni Roief na bumangon dahil pinilit siya nila Rosa na uminom ng wine kagabi. Nagising siya gawa nang may dumagan at pumisil sa kanyang d****b na akala niya ay si Luigi. Aalisin niya sana ang kamay nito ngunit napamulat siya nang maramdaman na may umumbok sa may puwetan niya kaya napatalikod siya. Nanlaki ang mga mata niya nang mapagsino ang katabi at natadyakan niya ito. Sumama naman ang nakapulupot na kumot dito at kumalabog ito nang mahulog sa sahig. Mabilis na inikot niya ang mga mata at nakitang nasa loob naman siya ng kanyang silid. “Bastos ka! Bakit nandito ka na naman?” naisigaw niya sa inis. Mabilis na ch-in-eck ang pang-ibaba kung may namagitan ba sa kanila ng lalaki at nakahinga lang siya ng maayos nang makitang maayos ang damit at suot pa naman ng lalaki ang damit nito.

DMCA.com Protection Status