Share

Kidnapping

Author: Stallia Iris
last update Huling Na-update: 2024-10-29 19:42:56

Napamulat si Roief dahil nakatapat ang matinding liwanag ng araw sa kanyang mga mata. Iniwas niya ang mukha ngunit tuluyan siyang nagising dahil sa pakiramdam na parang binabarena ang ulo niya.

Saglit siyang tumigil sa paggalaw at huminga ng malalim, hanggang sa humupa ng bahagya ang kirot. Dahan-dahan niyang inikot ang paningin sa silid at natigilan siya nang mapagtantong wala siya sa inuupahang apartment. 

Nasisiguro niyang wala siya sa silid ni Earl dahil sa pambabaeng tema ng mga kagamitan sa loob ng silid. Isa pa ay walang rehas ang bintana nila Earl. Napahawak na lang siya sa ulo nang maalala ang pagkahilo niya kanina. Malinaw pa sa ala-ala niyang may kausap siya nang may lalaking humatak sa kanya at may malanghap siyang masangsang na amoy.

Bumilis ang pagtibok ng puso niya nang mapagtanto ang nangyari sa kanya. Bigla niyang kinapa ang katawan at nang makitang wala naman siyang pasa o anumang senyales na may ginawa sa kanya ay saka pa lang siya nakahinga ng maayos. 

Naalala niya ang cellphone na bigay ni Earl at naisipang kontakin ang lalaki, 'yun lang at nawawala iyon. Hindi na siya nagsayang pa ng oras at ginalugad ang silid. Hinanap niya ang bag na dala-dala kanina ngunit wala siyang makita rito.

Nagtungo siya sa pinto ngunit hindi niya ito mabuksan, kahit anong pilit niyang hila at pagpukpok dito ay nakakandado sa labas.  

“Palabasin n’yo ‘ko rito!” malakas na sigaw niya kasabay ng pagtadyak niya sa pinto ngunit matibay ito. “Kung sino ka man, kailangan ko nang umuwi, hinahanap na ako ng mga tao sa amin. Malilintikan kayong lahat kapag." Naghintay siya kung may magbubukas ngunit walang dumating.

Namaos na siya sa kasisigaw ngunit wala pa ring nagbubukas ng pinto. Wala rin siyang ibang malabasan dahil hinaharangan ng bakal ang mga bintana. 

Nakusot niya ang buhok at padabog na naglakad pabalik sa kama. Wala siyang ibang maisip na maaaring magpadukot sa kanya kundi ang dalwang kaklaseng nagpatanggal sa kanya sa trabaho– si Wenzel at Wanda. Ang mga ito lang naman ang may galit sa kanya dahil siya palagi ang nilalapitan ni Earl.

Ibinagsak niya ang katawan sa kama at tinitigan ang kisame, may planong namumuo na agad sa utak niya. Kailangan niyang makatakas ngayon din. Exam na nila bukas kaya kailangan makaalis siya roon. Inikot niya ang mata sa paligid, naghanap siya ng bagay na maaaring gamiting panira sa pinto hanggang sa makita niya ang isang CCTV camera sa sulok. Maliit lang ito kaya hindi niya agad ito napansin kanina. "Ah pinapanood n'yo pala ako rito. Buksan n'yo 'to kung hindi malilintikan kayo mismo kay Earl. Sisiguruhin kong hindi niya kayo mapapatawad."

Naalala niya ang ginawang pag-lock sa kanya ng dalawa sa comfort room noon sa eskwelahan. Posibleng ang dalawa nga ang nagpadukot sa kanya at gusto rin siyang patalsikin ng dalawa para mawalan na siya ng scholarship. “Hoy Wanda at Wenzel pinatanggal n’yo na nga ako sa trabaho ano pa bang gusto n’yo?" sigaw niya habang nakatingin sa camera. 

Nakikinita na niyang pinapanood siya ng mga ito at pinagtatawanan dahil hindi siya makakapag-exam kinabukasan. Sigurado siyang nirerecord na naman siya ng mga ito. “Hindi pa ba sapat sa inyong wala na ako sa cafe? Kayo ang sisisihin ko kapag nawalan ako ng scholarship. Ipapaalam ko to sa mismong Presidente ng paaralan!” Buong tapang na sigaw niya at saka ibinato ang sapatos sa camera.

Nakarinig siya ng tunog ng makina at busina mula sa labas kaya nagtungo siya sa bintana para silipin iyon. Hindi niya alam kung nasa pang-ilang floor siya ng isang bahay ngunit tanaw niya ang malawak na hardin na may mga palm tree at bermuda grass. 

Kumunot ang noo niya nang makita ang isang makintab na itim na sasakyan na huminto sa tapat, siguro ay papasok ito sa garahe. Higit na mahaba ito kaysa karaniwan, siguro ito ang tinatawag nilang limousine. Parang binundol ng malakas na suntok ang puso niya nang makita ang isang lalaking lumabas doon. Isang matangkad na lalaking nakasuot ng uniform ang naglakad palabas ng garahe dala-dala ang cart na sa tingin niya ay mga groceries. May kasama pa itong nakasuot ng cap na sa tingin niya ay may edad na lalaki.

“Maawa na kayo palabasin niyo ‘ko rito, hinahanap na ako ni Earl ngayon,” pagpapatuloy niya. Biglang sumagi naman sa isip niya na baka ibinenta na siya o di naman ay gagawan siya ng scandal nila Wanda, para tuluyan na siyang umalis sa paaralan.

Nagpakawala siya ng isang malalim na buntong hininga nang marinig na may mga yabag ng paa na papalapit sa kinaroroonan niya. Mabilis siyang nahiga at nagkunwaring nakatulog. Nagdadalawang isip siya sa gagawin ngunit ipinikit na lang niya ang mata habang nananalangin na sana ay ‘wag siyang saktan ng mga ito.

 

Nang marining ang ingay ng nagkakalampagang metal ay bumilis ang pagtibok ng puso niya, tila lumakas ang pandinig niya at naririnig niya ang bawat pagpitik nito.

 

“Gising na po siya, kanina pa po siya sumisigaw,” sabi ng lalaki at bumukas ang pinto. Nainis siya na mapag-alamang naririnig pala siya ng lalaki ngunit hindi man lang siya nito pinagbubuksan. Dinig niyang may ibinabang gamit ang mga ito. Lalo lang bumilis ang pagtibok ng puso at paninikip ng dibdib niya nang magsalita ito.

“Alam kong nagtataka ka kung bakit ka nandito. Gumising ka muna riyan at kumain ka, makakasama ‘yan sa dinadala mo. Alam kong hindi ka pa kumakain, bumaba ka na at may nakahandang hinain ang kasambahay para sa ’yo. Marahil ay marami kang tanong, sasagutin ko lang ‘yun pagkatapos mong kumain,” dinig niyang sabi ng may edad nang lalaki at saka naglakad palabas ng pinto. Base sa yabag ng mga paa ng mga ito ay may dalawa o tatlo pa itong kasama.

 

Nang marinig na wala nang maingay ay muli siyang napabuntong hininga, blanko ang mukhang napaupo siya sa kinahihigaan. Hindi niya alam kung papaano nito nalaman ang pagbubuntis niya ngunit napaisip siya kung ito ba ang ama ng dinadala niya. Kung ganun hindi sila Wanda ang nagpadukot sa kanya. Naguluhan ulit siya.

 

Napalunok siya nang maamoy ang naghalong spices at lamang dagat na niluluto, nakita niyang nakabukas pa rin ang pinto kaya tumayo na siya. Lalo tuloy siyang nakaramdam ng gutom.

Dahil maraming tumatakbo sa isipan ay minabuti niyang sundin muna ang sinabi nito nang sa ganun ay masagot lahat ng katanungan niya. Pagbaba niya ng hagdan ay nakita niya ang isang babaeng nakangiti sa kanya. Sa tingin niya ay pupuntahan dapat siya nito. Kulot ang buhok at maganda ang bilugang mga mata at manipis ang labi nito. Nakasuot ito ng uniform ng isang kasambahay na parang pang cosplay kaya napangiti siya.

“Halika dito tayo.” Inalalayan siya nito at dinala sa dining area. 

Nang makaupo na siya ay kinuha nito ang nakaayos na napkin at saka inilagay sa lap niya. Napatingin siya sa mga kubyertos nang hainan siya nito ng sopas dahil hindi naman niya alam kung papaano gamitin lahat ng iyon kaya pinili na lang niya ang kutsara.

 

“Hindi po ‘yan ang dapat gamitin para sa sopas,” dinig niyang sabi ng isang babae na nasa likuran niya.

 

Napakasosyal naman ng mga nakatirang tao sa pamamahay na ito, sa isip-isip niya. Bakit ba kasi kailangan pang maraming kubyertos, sayang sa sabon at dagdag hugasin lang. "Saan ba dapat ang gagamitin dito? Marami masyadong nandito hindi ako sanay sa ganito kutsara at tinidor lang alam kong gamitin." 

Kinuha nito ang mas maliit at iniabot sa kamay niya. Pagkatapos niyang magsopas ay naglagay naman ang isang babae ng kanin at tatlong putaheng ulam sa harapan niya. May blanched vegetables, may ginisang gulay na may karne at sinabawang lamang dagat na inilapag sa lamesa.

"Tikman n'yo raw po lahat 'yan kailangan ng baby n'yo po 'yan," dagdag pa nito.

"Ah so para lahat 'to sa baby? Paano kung hindi ako buntis?" inis na nasabi niya. Sabi na nga ba niya at may kinalaman ito sa ama ng anak niya. Sigurado na siya ngayon na hindi ang pinaghihinalaang kamag-aral ang nagpadukot sa kanya.

Kakain na sana siya nang kunin ng babae ang ginamit na bowl at kutsara. Saka nito inabot sa kanya ang isang tinidor at bagong kutsara na hinawakan niya kanina. 

"Kailangan ba talagang magpapalit-palit ng kubyertos? Hindi ba kayo napapagod maghugas?" Gusto na niyang ibato ang plato sa harapan. Nagtitimpi lang siya dahil wala naman siya sa sariling pamamahay. Hindi niya alam kung bakit iritable at mabilis uminit ang ulo niya ngayon. Maliit lang namang bagay pero gusto niyang magwala.

Ngumiti lang ang babae sa kanya at hindi na muling nagsalita ito. Kumain siyang nakataas ang isang paa niya sa upuan. Wala siyang pakialam kung nakatitig ang mga ito sa kanya. Nilingon niya ang babae at tinawag.

"Sumabay ka na sa akin. Ang hirap kumain mag-isa na may nakatingin." Inayos niya ang pagkakaupo at sinenyasan ang babae na lumapit.

"Tapos na po kaming kumain. Mas nauuna po kaming kumain bago kayo," sagot naman nito.

"Umupo ka, mabigat sa loob ko kung nakatayo ka lang diyan habang masarap ang kain ko rito." Inayos niya ang upuan para umupo ito at pinakinggan naman siya nito. "Ano palang pangalan mo?"

"Sally po," tipid na sagot nito.

"Roief pala," pagpapakilala niya sa sarili. Ibinigay niya rito ang juice na para dapat sa kanya. Ayaw niya ang amoy nito kaya ibinigay niya ito sa babae. 

Nang matapos tikman lahat ng putahe at nagpakabusog ay may dumating pang panghimagas. "Sabihin mo nga kakatayin na ba ako mamaya? Bakit walang katapusan yata ang pagpapakain n'yo sa akin?"

"Pasensya na po ganito po talaga rito, inutos po ni—" hindi nito itinuloy ang dapat saaabihin nang may maalala ito. "Mahalagang tao po kasi kayo sa may-ari ng bahay na ito, kaya ibinilin po sa amin na siguruhing maalagaan po kayo ng husto."

Napakunot noo naman siya sa sinabi nito. Wala kasi talaga siyang maalala sa gabing iyon kaya naman naguguluhan pa siya. Habang tinitikman ang minatamis na panghimagas ay naalala niya bigla ang kapatid. Paborito kasi ni Gian ang mga matatamis na pagkain, kumain na kaya ang kuya niya? Marahil ay hinahanap na siya nito kung umuwi man ito.

Pagkatapos niyang kumain ay dinala siya ng babae sa sala. Pinaupo siya roon at binuksan ang malaking screen.  

Narinig niyang paalis na ang sasakyan kaya napatayo siya at lumabas ng pinto.

"Bakit sila umalis? Teka saan na 'yung kakausap sa akin?" 

"May ibinilin po ang may-ari ng bahay. May biglaang meeting kasi siya kaya umalis sila. May iniwan siyang video para sa iyo," sabi ng isang nakatatanda sa mga kasambahay at saka itinuro ang screen. "Ako nga pala si Mina, ang pinakamatanda rito. Ito naman si Sheena at kilala mo na siguro si Sally."

"Alam niyo na siguro ang pangalan ko, pero kung hindi pa, Roief dela Vega nga pala," pagpapakilala niya. Wala naman siyang nagawa dahil nakita niyang isinara na ang gate kaya hindi niya ito mahahabol.

 

Blanko ang mukhang nagtungo siya sa upuan at pinanood na lang video clip na sinabi ng babae. Napabuntong hininga siya nang matapos niyang panoorin iyon. Hindi siya makapaniwala na hindi man lang nasagot ang mga katanungan sa isip niya. Hanggang ngayon ay palaisipan pa rin sa kanya kung sino ang may pakana ng pagdala sa kanya roon.

 

Ang naiintindihan lang niya ay naroon siya para ipagpatuloy ang pagbubuntis at tiyaking malusog ang bata hanggang sa maisilang niya ito. Malamang ay ito nga siguro ang ama ng dinadala niya ngunit mukhang nagdududa rin ito at bakit kailangan pa ng DNA test?

Mga Comments (3)
goodnovel comment avatar
Long-Live-Evie
Bastos amp
goodnovel comment avatar
Sa Fora
si ren ba yun???
goodnovel comment avatar
Matthew Kato
nice story! intriguing
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

  • THE BILLIONAIRES HATER   Venus X

    Napatunayan ni Roief ang kasabihang sa una lang masaya ang lahat nang isang araw ay magising siyang matamlay at parang ayaw na niyang mabuhay. Masaya pa siya noong unang tatlong buwan niya sa villa dahil nakakakain siya ng maayos at hindi siya namomroblema sa pang araw-araw na gastusin. Ngunit tuwing iisipin niya ang lahat ng kapalit ng pamamalagi niya roon ay nanghihinayang siya. Malaking bagay sa kanya ang nawalang scholarship at mga opportunity na dapat sana ay matatamasa niya kung nakapagtapos lang siya. Labis din ang pag-aalala niya sa kapatid at kay Earl, paniguradong nag-aalala ang mga ito sa pagkawala niya. Kahit gusto niya sanang tawagan si Earl ay hindi niya alam ang numero ng telepono nito. Wala siyang makausap at palagi lang siyang mag-isang nanonood kaya para na siyang mababaliw. Nami-miss na niya ang kaibigan at ang kapatid. Maski na ang pag-aaral.Gusto na niyang makalabas doon at umuwi. Hindi na niya kaya ang lungkot sa bahay na iyon. Palaging busy ang

  • THE BILLIONAIRES HATER   The Plan

    “I love you too!”Narinig ni Roief ang boses ng lalaki mula sa mga kumpol ng may katangkaran na halaman. Kasalukuyan niyang isinasara ang gate. Bumilis ang tibok ng puso niya nang gumalaw ang golden bush at may biglang tumayo roon. “Yes! Yes!”Patay-malisya siyang tumalikod at pahakbang na sana nang may biglang humablot sa braso niya. “Ma’am ano po ang ginagawa niyo rito sa labas? Saan po kayo pupunta?” sunod-sunod na tanong sa kanya ng isang lalaking naka-baby blue na polo shirt at khaki shorts. Sa unang tingin, akalain mong turista ito o pumapasyal lang sa beach sa malapit, hindi aakalain ng kahit na sino na isa itong guard sa villa. Base sa boses nito na medyo may kaba ng kaunti, ito ang lalaking naulinigan niya sa halamanan kanina lang."Magpapahangin lang ako."Pinagmasdan niya ang lalaki. Matangkad din ito tulad ng iba, pero mas bata ito kumpara sa guard na laging nakasuot ng maskara. Wala nga pala siyang nakita sa nakamaskara ngayong araw.Nang nakakita

  • THE BILLIONAIRES HATER   ER

    Nataranta ang mga tao sa ER nang magpatawag bigla ang Director ng emergency meeting gawa nang may darating na VIP.“Makinig kayo! Darating ang babaeng nangngangalang Roief, inutos ito ng Chairman at assistant niya mismo ang tumawag para dito lunasan ang isang buntis na may concussion, hindi pa tiyak kung anong lagay ngunit kailangan niya ng immediate attention sa ICU. Dra. Nelia, Benny at Ana kayo ang aatasan ko sa babaeng ‘yun,” utos ng Director sa mga doktor na kaka-break pa lang. Mabilis namang sumunod ang mga ito at naghanda na.Katatapos lang magsalita ng Director nang dumating ang pamilyar na sasakyan at iniluwa nito ang isang lalaking may kanlong ang babaeng sugatan ang ulo.Agad na nilagay sa stretcher bed ang buntis at mabilis na rumisponde ang mga doktor.Matapos ang operasyon ay nagising din si Roief, hindi nga lang niya alam kung ilang araw na siyang nakaratay sa kama at namimigat ang ulo at masakit ang sugat ni

  • THE BILLIONAIRES HATER   Comeback

    Apat na taon din ang lumipas buhat nang lisanin niya ang Langria at tapusin ang pag-aaral sa ibayong dagat. Hindi niya lubos akalaing maaabot din niya sa wakas ang pinapangarap na akala niya noon ay tatangayin na lang ng hangin.Hindi nga lang niya inasahan na mapapaaga ng isang taon ang pagbalik niya sa bansa. Kung maaari lamang ay ayaw pa sana niyang umuwi dahil hindi pa sapat ang apat na taon para maghilom ang sugat na dumurog sa pagkatao niya.Kahit pa malayo na ang narating ay hindi niya magawang tuluyang maging masaya. Pakiramdam niya ay mayroong butas sa pagkatao niya na hindi kailanman mapupunan.Mabigat man ang loob niyang muling umapak sa lupang nagpapaalala sa kanya ng pagkatao niya ngunit kailangan niyang sumunod sa napagkasunduan nila ni Don Armando.“Miss Levy?” sabi ng babaeng papalapit sa kanya nang mamataan siya nitong naglalakad sa arrival lobby. “Ikaw ba ito?” paniniguro nito at itinuro ang nasa litra

  • THE BILLIONAIRES HATER   The Second Encounter

    “There is no easy way to say this Ren but after several tests, lumabas na nagtamo ng brain injury ang lolo mo, kaya comatose siya ngayon." sabi ng doktor at hinawakan nito ang balikat niya."Nasa ICU pa siya ngayon pero pwede rin naman siyang ilipat dito tutal may mga personal nurse naman na pwedeng mag asikaso sa kanya. Ang magagawa lang natin sa ngayon ay hintayin kung kailan siya ulit magigising,” paliwanag pa ng doktor. Inanyayahan siya nito sa VIP room para kausapin ukol sa concern sa Lolo niya. “Dahil sa malakas na impact ng pagkakauntog ng bungo niya specially sa frontal lobe ay naapektuhan ang utak niya,” dagdag pa nito habang itinuturo kung saan sa hawak na dummy skull ang parte na tinutukoy nito.“Pero magigising pa rin siya di ba?” sabat ni Yvette na nakatayo malapit sa pinto, hindi niya namalayan ang pagpasok nito at narinig pala nito ang usapan nila.Napakunot noo siya sa hindi inaasahang estado ng babae. Ang dating e

  • THE BILLIONAIRES HATER   Royal's Den

    “Kanina ka pa ba rito, Roief?” tanong ni Earl na nasa likuran na pala niya. "Kanina pa ako naghahap pero hindi ako sigurado malaki kasi ang ipinagbago mo."Tinawanan naman niya ang lalaki kaya nahawa rin ito sa kanya. Ito ang nagsuggest sa kanya na magkita sila rito sa Royal’s Den dahil kilala ito sa buong Langria.“Mabuti na lang at dumating ka agad, sakto lang naman wala pa naman yata akong limang minuto rito. Kagagaling mo lang trabaho?” tanong niya rito. May mask kasi at apparatus na nakasabit sa leeg nito.“Oh, pasensya na nakalimutan kong iwan sa sasakyan sa kakamadali ko hindi ko na napansin,” sabi nito at saka natawa.“Grabe namang doktor ‘to, mamaya may pasyente ka pa palang iniwan baka hanapin ka?” tanong niya rito. Mukhang nagmadali nga ang lalaki dahil hindi man lang nito napansin ang stethoscope na nakabitin sa leeg.Pinaikot nito ang mga braso sa baywang niya upang yakapin siya ng mahigpit. H******n pa siya nito sa pisngi matapos siyang pabirong

  • THE BILLIONAIRES HATER   Wrong Room

    Mag-uumaga na nang ihatid ng lalaki si Roief sa manor, pagkatapos ng mahaba nilang kwentuhan sa Royal’s Den. Napatingin si Roief sa nakabukas na gate at nakitang walang tao sa station. “Inuwi kaya nila ang Chairman?" bulong niya na sapat na para siya lang ang makarinig.“So paano, see you again after shift?” pahabol pa ni Earl. Nakahawak ito sa pinto ng sasakyan at inilahad ang palad sa kanya para alalayan siya palabas ng sasakyan.“Thanks for the treat! Na-relax talaga ako. I feel invigorated." Inabot naman niya ang kamay nito. "I don’t think I’ll be free tomorrow, kailangan ko pa kasing alamin ang lagay ng Chairman.” Bahagya siyang nguniti at bineso na niya ito bago pa ito iwan. " Goodnight Earl."“I see. We can still see each other pa naman some other time." Alam niyang nakatingin pa rin sa kanya ang lalaki dahil sinisiguro nitong makapasok muna siya bago siya nito iwan.“Goodnight Ro—” hindi nito itinuloy ang buong pangalan niya dahil nili

  • THE BILLIONAIRES HATER   The Girl Next Door

    Nanlaki ang mata ni Ren nang makita ang mukha ng babae. Wala nang ispiritu ng alak sa katawan niya ngunit tila yata dinadaya siya ng paningin. Parang pinaglalaruan pa siya ng tadhana na muling magtagpo ang landas nila nito. Para siyang biglang nabuhayan ng loob, nang makita ito. Hindi pa rin siya makapaniwalang ito ang babaeng nakita niya sa Royal's Den ngunit bago pa ito matapos magsalita ay lumabas na siya ng silid. Muli kasing ibinabalik ng pagkakataon ang pakiramdam na pilit niyang kinalimutan."Sh*t!" Sinampal niya ang magkabikang pisngi para gisingin ang sarili. Matagal na niyang alam na patay na ang babaeng iyon ngunit heto at nakikita niya ang mukha nga babaeng iyon sa babaeng nasa loob ng kanyang silid. Napabuntong hininga siyang muli. Naihilamos na lang niya ang kamay sa mukha. “No. This is just pure coincidence. You know she's already dead. That's a different person. It can’t be."Ilang minuto muna siyang tumagal sa hall way na nagpalak

Pinakabagong kabanata

  • THE BILLIONAIRES HATER   The Scape Goat

    "Anong ginagawa mo rito?" Napalunok si Roief at kamuntikan pa niyang makagat ang sariling dila nang makita si Ren na nakatayo sa labas ng pinto."Sinabi sa akin ni Rosa na nandito ka raw sa library, I just didn't expect Dr. Farrah to be here." Sabi ni Ren habang nakatitig pa rin sa mga mata nya. "You two appear to be familiar with one another," dagdag pa nito na ikinabalaha ng dalawa.Bago pa sumagot ay tinitigan ni Roief ng mariin ang doktora. "Magkakilala na kami noon pa ni dok, ipinakilala siya sakin ng isang kaibigan." "Let's grab a coffee soon. It's good to see you once more Levy," agad namang sabat ng doktora at nagpalitan ng yakap ang dalawa. "Dok." Singit naman ni Ren na nagpaangat sa kilay niya. "Can I have a moment with you?" dugtong pa nito at agad naman itong sinundan ng doktora.Napakagat sa labi si Roief nang makitang bumuka ang bibig ni Ren. Hindi niya marinig ang pinag-uusapan ng dalawa dahil nagbubulungan ang mga ito. Ngayon lang niya napansin na namawis ang palad n

  • THE BILLIONAIRES HATER   Confession

    "Doctora Farrah?" hindi makapaniwalang nasambit ni Roief nang makita ang babaeng psychologist na tumingin sa kanya noon."How have you been? I can't believe it's really you. What are you doing here by the way?" Niyakap siya ni Dra. Farrah at hindi maalis sa mukha nito ang pagkamangha. "You've changed so much! Look at you, muntik na kitang hindi mamukhaan.""Ito alive and kicking dok. Ako nga rin dok nagdalawang isip po ako parang mas bumata po kayo," biro niya rito at nagtawanan naman sila. "For now I am living as Levy. Long story dok," sabi niya at mukhang naintindihan naman agad ito ng babae."I see. Would you like to share?" pabulong na tanong nito sa kanya habang nakatakip ang kamay nito sa bibig."M

  • THE BILLIONAIRES HATER   Encounter

    "You stay with ate Rosa, Mommy will go downstairs for a while," pakiusap ni Roief kay Luigi. Mabuti na lang at pumayag ito kaya mabilis niyang kinuha ang papel na itinago sa bag at bumaba.. "Good morning!" bati sa kanya ni Earl pagkalabas niya pa lang sa gate. "Good morning! Ito pala 'yung sinasabi ko." Itinaas niya ang papel na naglalaman ng buhok ni Luigi at buhok niya. "Pasensya na pumunta ka pa rito. Hindi kasi ako papasok ngayon dahil may sinat 'yung bata kaya hindi ako makalalabas." "Anything for you," nakangiting sagot nito. "Wala kang pasok ngayon? Sinong bata?" nagtatakang tanong nito. Sumandal ito sa harapan ng sasakyan at inilagay sa ziplock ang inabot niyang papel. "May sakit kasi si Luigi,

  • THE BILLIONAIRES HATER   Suspicion

    Nagulat si Roief nang kaumagahan dahil ngayon lang niya ulit nakasabayan si Yvette na mag-agahan. Habang magtitimpla ng kape ay hindi pa rin mawala sa isip ang sinabi sa kanya ni Ren. Hindi niya alam kung seryoso ito sa sinabi o niloloko lang siya nitong kahawig niya ang taong minahal nito. "Hindi pa ba gising ang mag-ama?" tanong ni Nanay Maggie nang ilapag nito ang toast sa tabi ng kape niya. "Napuyat po 'yung isa kagabi. Hinika kasi si Luigi," sagot niya rito. "Nagtatabi na pala kayo ni Ren? Since when?" tanong bigla ni Yvette na ikinabigla nilang dalawa ni Nanay Maggie. "Hindi naman sa ganun, si Luigi kasi nilalagnat. Alam mo naman 'yung

  • THE BILLIONAIRES HATER   The Apology

    Parang natunaw ang puso ni Roief nang makita si Luigi na umiiyak habang tumatakbo papunta sa kanya. Napakunot noo siya dahil may nakatapal ding cool fever sa noo nito "Kanina pang umaga 'yan may lagnat, ayaw magpaawat. Hintayin ka raw namin kaya hindi pa s'ya natutulog," paliwanag agad ni Ren. Tinitigan lang niya si Ren ngunit mabilis namang niyakap niya si Luigi at naramdaman nga niyang mainit ito. "What took you so long, Mommy? I haven't seen you all day," tanong pa sa kanya nito na parang nagtatampo. Pinakiramdaman niya ang noo nito at mainit pa nga ito. Kinarga naman niya agad ito at naglakad na paakyat ng hagdan. "I'm sorry, I didn't know you're sick," sabi niya rito at hinalikan ang noo nito. Parang ay

  • THE BILLIONAIRES HATER   The Big News

    Hindi alam ni Roief ang gagawin nang lumapit si Earl sa kanya at makita ito ni Ren. “Hi,” tipid na bati niya sa lalaki nang i-beso siya nito sa harapan ng boss. “May date ka pala?” tanong ni Ren sa kanya habang sinusuri ng mga mata nito ang lalaking lumapit sa kanya. Hindi agad siya nakapagsalita dahil inunahan siya ni Earl. “Hi! I’m Earl,” pagpapakilala ng lalaki sa sarili. Nakangiti nitong inilahad ang kamay kay Ren at inabot naman ng boss niya ang kamay nito. Kita niyang mahigpit na nagkamayan ang mga ito. “Ren,” sagot naman ng boss niya at saka siya binalingan nito. “Hindi ko alam na may lakad ka pala, sana sinabi mo ng mas maaga para nalaman ko.”

  • THE BILLIONAIRES HATER   The Rival

    “Anong ibig sabihin ng mga ipinadala mong litrato?” tanong ni Roief kay Earl nang tawagan niya ito. Hindi kasi niya maintindihan kung bakit ito biglang nagpadala ng litrato ng sanggol sa kanya. “Bakit ngayon ka lang?” tanong agad nito sa kanya. Mukhang tumatakbo ang lalaki kaya pinakiramdaman niya ang kausap. “Sorry, hindi ako nakarating at hindi man lang kita nasabihan na hindi ako matutuloy. Naiwan ko kasi ‘tong phone kaya ngayon lang ako nag-open. Are you okay?” Hindi niya maiwasang mag-alala para sa lalaki dahil parang kinakapos ito ng hininga. “I have a very important news to tell you. I just need to hang up right now,” sabi ni Earl. “Wait, please tell me you’re ok

  • THE BILLIONAIRES HATER   Unexpected News

    Sa ginawa ng lalaking muling paggawad ng halik sa labi ni Roief ay hindi napigilan ng babaeng itulak ito. Pinunasan niya ang labi at tinitigan ng masama ang lalaki, “get out!” malakas na sabi niya. Itinuro niya ang pinto para lumabas ang lalaki. Hindi niya alam kung papaano pa sila maghaharap mamaya nito. “I’m sorry,” tanging nasabi lang nito at saka mabilis na lumabas. Napahawak siya sa batok at hinaplos ‘yun dahil sa naramdaman niya kaninang dumaloy na maliliit na boltahe ng kuryente sa parteng ‘yun. Kung bakit naman kasi bigla siyang halikan nito, kamuntikan tuloy siyang mawala sa sarili. Ang malambot na labi nito at ang paghawak pa lang nito sa katawan niya ay sapat na para mawala siya sa katinuan. Mabuti na lang at naalala niya si Leila kaya hindi siya nagpadala sa mapang-akit at pangahas na halik nito. “Bwisit.” Gusto niyang alisin ang bakas ng halik nito sa kanyang bibig kaya nagsipilyo siya. Pagkatapos magpalit ay nagmadali siy

  • THE BILLIONAIRES HATER   Shower Room

    Masakit ang ulo ni Roief na bumangon dahil pinilit siya nila Rosa na uminom ng wine kagabi. Nagising siya gawa nang may dumagan at pumisil sa kanyang d****b na akala niya ay si Luigi. Aalisin niya sana ang kamay nito ngunit napamulat siya nang maramdaman na may umumbok sa may puwetan niya kaya napatalikod siya. Nanlaki ang mga mata niya nang mapagsino ang katabi at natadyakan niya ito. Sumama naman ang nakapulupot na kumot dito at kumalabog ito nang mahulog sa sahig. Mabilis na inikot niya ang mga mata at nakitang nasa loob naman siya ng kanyang silid. “Bastos ka! Bakit nandito ka na naman?” naisigaw niya sa inis. Mabilis na ch-in-eck ang pang-ibaba kung may namagitan ba sa kanila ng lalaki at nakahinga lang siya ng maayos nang makitang maayos ang damit at suot pa naman ng lalaki ang damit nito.

DMCA.com Protection Status