Home / Romance / THE BILLIONAIRES HATER / The Second Encounter

Share

The Second Encounter

Author: Stallia Iris
last update Last Updated: 2021-12-19 23:59:44

“There is no easy way to say this Ren but after several tests, lumabas na nagtamo ng brain injury ang lolo mo, kaya comatose siya ngayon." sabi ng doktor at hinawakan nito ang balikat niya.

"Nasa ICU pa siya ngayon pero pwede rin naman siyang ilipat dito tutal may mga personal nurse naman na pwedeng mag asikaso sa kanya. Ang magagawa lang natin sa ngayon ay hintayin kung kailan siya ulit magigising,” paliwanag pa ng doktor. Inanyayahan siya nito sa VIP room para kausapin ukol sa concern sa Lolo niya. “Dahil sa malakas na impact ng pagkakauntog ng bungo niya specially sa frontal lobe ay naapektuhan ang utak niya,” dagdag pa nito habang itinuturo kung saan sa hawak na dummy skull ang parte na tinutukoy nito.

 

“Pero magigising pa rin siya di ba?” sabat ni Yvette na nakatayo malapit sa pinto, hindi niya namalayan ang pagpasok nito at narinig pala nito ang usapan nila.

 

Napakunot noo siya sa hindi inaasahang estado ng babae. Ang dating eleganteng manamit at ayaw lumalabas hangga’t walang suot na make-up na babae ngayon ay nakapambahay lang at wala man lang kahit anong tinta sa mukha. Hindi rin maipinta ang mukha nito habang nagsasalita dahil sa pinipigilan nitong ‘wag maiyak.

Hindi niya alam kung bakit bigla itong nagpakita samantalang hindi naman niya ito nasabihan. Nanibago siya sa ikinilos nito lalo na at hindi naman ito ang klase ng taong magkakaroon ng paki sa kapakanan ng lolo niya. Nakapagtataka ang ipinakita nitong reaksyon dahil hindi ganun ang pagkakakilala niya sa babae.

Nang mabalitaan nito na ikakasal sila noon ay nanguna pa ito sa pagtutol at sinabihan pa siyang ipakansela na agad ang kasal. 

Nagulat na lang siya nang kinabukasan ay nagbago ang isip nito at masayang tinanggap ang kasunduan ng lolo at madrasta nito. 

Kahit apat na taon na silang kasal nito, ni minsan ay hindi siya nito tinabihan. Ni matulog sa kwarto nilang mag-asawa ay hindi nito ginawa. Kasal nga sila pero sa papel lang, walang pagmamahal at wala ring pakialamanan. Iyon din naman ang gusto niya. Alam naman nilang pareho na nagpakasal lang ito sa kanya alang-alang sa kumpanya. Ngunit kahit pa ganoon pabor pa rin naman sa kanya lahat dahil wala rin siyang balak matali sa babae.

“She’s…," tinitigan niya ang babae, "she’s my wife,” paliwanag niya sa doktor. Nag-alinlangan pa siya sa sinabi ngunit nakita kasi niyang kumunot ang noo nito sa pagsabat ni Yvette. 

Napisil na lang niya ang ilong dahil naaasiwa siya sa paggamit niya sa salitang 'wife' hindi kasi akma sa kanila ‘yun.

“Let’s hope for the best Mr. and Mrs. Inoue. Sa totoo lang depende kasi sa pasyente ‘yun. May iba na nagigising after few days, may iba naman weeks, or it can even take a year. Hindi talaga magkakapareho ang result,” sagot ng doktor.

 

Nang mapansin nitong napatda sila at hindi na muli pang kumibo ay tinapik siya nito sa balikat. “Ren, I suggest you better take a rest and come back again tomorrow. May dalawang personal nurse at nandyan naman ang mga guard sa labas na magmo-monitor kay Don Armando. You have to be strong,” sabi nito at saka nagpaalam na ring lumabas.

“Pero mabubuhay pa naman siya di ba?” tanong ulit ni Yvette na hinabol ang doctor sa labas. 

Hinilot na lang niya ang sentido gamit ang hinlalato at hintuturo. Naramdaman niya kasing parang may matulis na bagay na nakatusok sa ulo. Tila may pumipitik-pitik sa bumbunan at maski ang likurang bahagi ng leeg pababa sa shoulder blade niya ay parang tinutusok din ng mga maliliit na karayom.

“I understand how you feel right now. As we all know wala namang ibang sakit si Don Armando, he’s healthy and strong physically and mentally but I don’t want to give you false hope. Let’s just pray for his fast recovery at sana gumising siya as soon as possible. Makabubuti rin sa kanya na kinakausap niyo siya lagi na parang naririnig niya kayo. If possible iwasan ang mga negative na usapan,” dinig niyang sabi ng doktor.

Nakita niyang napasalampak si Yvette sa kinatatayuan nang makaalis na ang doktor. Hindi niya alam ngunit nahihiwagaan na siya sa ikinikilos ng asawa. Normal lang na mag-alala ito dahil parte naman siya ng pamilya pero sobra naman yata sa namatayan kung umasta ito. Tila may kung anong hindi niya alam na patungkol dito at ganun na lang ito kung mag-alala ito sa kanyang lolo.

“Pumasok ka kaya, nakakahiya mamaya baka may makakita pa sa’yo,” sabi niya dito. Iniwan naman niya ito at naupo siya sa loob.

“Bakit parang ayos lang sa’yo ‘yung nangyari? Wala ka bang pakialam sa kanya? Hindi ba’t dapat pinapa-imbistigahan mo na ‘yung nangyari? Hindi mo ba alam na patay na ang driver? Inayos ko na dapat ang mga aayusin. Pero hindi ako kumbinsidong aksidente lang ang nangyari. Someone must have plotted to kill him and you’re letting them get away with it,” hiyaw nito nang pumasok ito sa loob at padabog na isinara ang pinto.

 

Ipinagpasalamat na lang niyang nasa recovery room pa ang Chairman at dadalawa lang sila sa loob. Kung nagkataon ay baka makasama dito ang pagtatalak at pagdadrama ngayon ni Yvette. Ngunit hindi niya alam na namatay pala ang driver ng lolo. Bigla niyang naalala si Tony. 

Para siyang sinabuyan ng malamig na tubig sa narinig. Muli ay napabuntong hininga siya. Hindi niya talaga maintindihan ang pagtatalak ng babae at nagawa pa siya nitong sigawan. Mas lalo tuloy nanakit ang ulo niya. "Pwede ba Yvette pakalmahin mo nga muna ang sarili mo," nasambit na lang niya. Umiiyak na kasi ito.

Masakit na nga ang ulo niya kanina sa office dahil hindi niya mahanap ang business partner ng Lolo na dapat ay mapa-close deal na nila. Ngayon naman mas malala pa pala ang problema niya dahil buhay naman ng Lolo niya ang nakasalalay.

Dinagdagan pa 'yun ng alalahanin nang malamang namatay ang driver nito. Nanghina ang mga tuhod niya at nanginginig siya ngayon. Naihilamos niya ang mga palad sa mukha at nagpakawala muli ng malalim na buntong hininga. Hindi na alam ng utak niya kung ano ang unang ipoproseso.

"What do you want me to do? Celebrate? How can you be so calm? You don't seem like you care about him," sigaw pa nito.

Nanatili lang siya sa kinauupuan at pinagmasdan ang babaeng umiyak hanggang sa matapos ito. Hindi na niya pinatulan ang sinabi nito dahil dagdag sakit lang sa ulo. Para silang mga estranghero na hindi kilala ang isa't-isa at hindi man lang nagtinginan. Gusto man niyang itanong kung ang kaibigan na si Tony ang nag-drive kanina o ang reliever nito ngunit naunahan siya ng takot. 

Hindi niya alam kung papaano ito tatanggapin kung marinig na ang kaibigan nga ang namatay. Natatakot rin siyang marinig iyon dahil hindi niya alam kung papaano ipaparating iyon sa mga itinuring niyang pangalawang magulang. Nanatili pa rin siyang parang pipi, hindi niya kayang ibuka ang mga bibig. Sinundan na lang niya ng tingin ang babaeng palabas ng silid.

Nang makakuha ng sapat na lakas ay sinubukan niyang pumunta sa ICU para makita man lang ang lolo bago siya umuwi. Mabigat ang balikat at paang tinahak niya ang daan papunta roon. Habang naglalakad ay naalala niya ang huling usapan nila nito. Malapit pa naman ang kaarawan ni Luigi at panay ang sabing uuwi silang Isla Bora para mag-celebrate at may malaking surpresa ito ngunit natatakot siya ngayon.

 

Kahit pa hindi niya nakasama mula pagkabata ang Chairman ay hindi naman ito nagkulang sa pagbibigay ng pangangailangan niya. Mula noong mamatay sa aksidente ang mga magulang ay ito na ang tumayong magulang at sandalan niya. Kahit pa gaano katigas ang ulo niya at kung ano-anong kalokohan ang kinasadlakan niya ay hindi pa rin siya sinukuan nito. Kaya naman nang hilingin nitong pakasalan niya si Yvette para sa kumpanya ay hindi niya ito sinuway, kahit pa labag sa kalooban niya. 

Nang masilayan ang estado ng kanyang lolo ay napahawak siya sa bibig. Naramdaman na naman niyang parang binibiyak ang ulo at may sumasaksak sa kanyang batok. Hindi niya kayang pagmasdan pa ito ng matagal kaya hinakbang niya ang mga paa paalis bago pa siya tuluyang panghinaan ng tuhod at di makapaglakad palayo.

“Ingat po sa pag-uwi,” tugon sa kanya ng guard na nakabantay sa labas. Nakita pala siya nito. 

Nakita niya kanina ang gasgas na natamo ng sasakyan at alam niyang kinakailangan niya itong ibalik kinabukasan sa kumpanya para sa insurance nito. Habang nagmamaneho papunta sa bar ay naalala niya si Leila. Hindi nga pala siya humingi pa ng tawad dito sa nangyari kanina. 

Alam niyang marami na namang missed calls na galing sa babae. Nagtataka lang siya kung sino ang sakay nito at bakit ito patungo sa daan papunta sa manor?

Naisip niyang uminom muna sa paboritong bar bago umuwi, para makatulog siya mamaya. Sa dami ng tumatakbo sa isip niya ngayon ay siguradong mahihirapan na naman siyang makatulog kaya kailangan n'ya ng pampakalma.

“Anong drink of the night?” tanong niya sa bartender nang makaupo na siya sa front bar.

“Kalishnikov Shot po sir,” sagot naman nito.

“Okay, get me one,” utos niya rito at agad namang kumilos ang lalaki.

 

“Here’s your drink sir, enjoy!” sabi nito sa kanya matapos iabot ang inumin sa kanya. 

Madalas whiskey o tequilla ang inoorder niya tuwing madadaan siya sa bar ngunit ngayon lang niya naisipang mag-order nito. Hindi na niya ito pinasundan dahil naalala niyang magda-drive nga pala siya, hindi pa naman niya kabisado ang tama nito kaya inunti-unti niya ang pag-inom.

Nang matapos niya ang isang shot ay nagpasya na siyang umalis ngunit naagaw ng atensyon niya ang umupong babae malapit sa tabi. 

Kulay blonde ang buhok nito ngunit parang pamilyar ang mata nito. Nakusot niya ang mga mata dahil sa nakita. 

Parang nakita na niya ito noon. Nanatili lang siyang nakatingin dito habang may kausap ito sa cellphone. Hindi siya maaaring magkamali. May kahawig ang babae at biglang nagkarera sa pagtibok ang puso niya.

"Blue Margarita please," order nito sa bartender.

Siniguro niya munang hindi siya namalik mata kaya nagpunta siya sa banyo at naghilamos doon. Ngunit paglabas niya ng banyo ay may kausap na ito. Nanatili siyang nakatayo at tinitigan lang ang babaeng masayang nakikipag-usap sa kasama nito.

 

"Roief?"

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Mary Mae Alingcotan
Next chapter when...
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • THE BILLIONAIRES HATER   Royal's Den

    “Kanina ka pa ba rito, Roief?” tanong ni Earl na nasa likuran na pala niya. "Kanina pa ako naghahap pero hindi ako sigurado malaki kasi ang ipinagbago mo."Tinawanan naman niya ang lalaki kaya nahawa rin ito sa kanya. Ito ang nagsuggest sa kanya na magkita sila rito sa Royal’s Den dahil kilala ito sa buong Langria.“Mabuti na lang at dumating ka agad, sakto lang naman wala pa naman yata akong limang minuto rito. Kagagaling mo lang trabaho?” tanong niya rito. May mask kasi at apparatus na nakasabit sa leeg nito.“Oh, pasensya na nakalimutan kong iwan sa sasakyan sa kakamadali ko hindi ko na napansin,” sabi nito at saka natawa.“Grabe namang doktor ‘to, mamaya may pasyente ka pa palang iniwan baka hanapin ka?” tanong niya rito. Mukhang nagmadali nga ang lalaki dahil hindi man lang nito napansin ang stethoscope na nakabitin sa leeg.Pinaikot nito ang mga braso sa baywang niya upang yakapin siya ng mahigpit. H******n pa siya nito sa pisngi matapos siyang pabirong

    Last Updated : 2021-12-20
  • THE BILLIONAIRES HATER   Wrong Room

    Mag-uumaga na nang ihatid ng lalaki si Roief sa manor, pagkatapos ng mahaba nilang kwentuhan sa Royal’s Den. Napatingin si Roief sa nakabukas na gate at nakitang walang tao sa station. “Inuwi kaya nila ang Chairman?" bulong niya na sapat na para siya lang ang makarinig.“So paano, see you again after shift?” pahabol pa ni Earl. Nakahawak ito sa pinto ng sasakyan at inilahad ang palad sa kanya para alalayan siya palabas ng sasakyan.“Thanks for the treat! Na-relax talaga ako. I feel invigorated." Inabot naman niya ang kamay nito. "I don’t think I’ll be free tomorrow, kailangan ko pa kasing alamin ang lagay ng Chairman.” Bahagya siyang nguniti at bineso na niya ito bago pa ito iwan. " Goodnight Earl."“I see. We can still see each other pa naman some other time." Alam niyang nakatingin pa rin sa kanya ang lalaki dahil sinisiguro nitong makapasok muna siya bago siya nito iwan.“Goodnight Ro—” hindi nito itinuloy ang buong pangalan niya dahil nili

    Last Updated : 2021-12-22
  • THE BILLIONAIRES HATER   The Girl Next Door

    Nanlaki ang mata ni Ren nang makita ang mukha ng babae. Wala nang ispiritu ng alak sa katawan niya ngunit tila yata dinadaya siya ng paningin. Parang pinaglalaruan pa siya ng tadhana na muling magtagpo ang landas nila nito. Para siyang biglang nabuhayan ng loob, nang makita ito. Hindi pa rin siya makapaniwalang ito ang babaeng nakita niya sa Royal's Den ngunit bago pa ito matapos magsalita ay lumabas na siya ng silid. Muli kasing ibinabalik ng pagkakataon ang pakiramdam na pilit niyang kinalimutan."Sh*t!" Sinampal niya ang magkabikang pisngi para gisingin ang sarili. Matagal na niyang alam na patay na ang babaeng iyon ngunit heto at nakikita niya ang mukha nga babaeng iyon sa babaeng nasa loob ng kanyang silid. Napabuntong hininga siyang muli. Naihilamos na lang niya ang kamay sa mukha. “No. This is just pure coincidence. You know she's already dead. That's a different person. It can’t be."Ilang minuto muna siyang tumagal sa hall way na nagpalak

    Last Updated : 2021-12-22
  • THE BILLIONAIRES HATER   Ren and the Girls

    Napalingon si Ren nang biglang bumukas ang pinto."What brings you here? Akala ko ba doon ka na matutulog sa room ko?” sabi niya sa babaeng nakatayo ngayon sa may pintuan. Ngunit bago pa niya buklatin ang passport ay nakalapit na sa kanya ang babae at hinila nito ang passport mula sa mga kamay niya. "That's my thing.""Who are you?" hindi niya mapigilang mapatanong.“Itanong mo na lang kay Leila tutal siya naman ang inutusan ng chairman na sunduin ako,” dagdag pa nito.Nag-ekis ang mga braso nito at masama ang pagkakatitig nito sa kanya kaya mabilis siyang dumistansya rito."Okay. Relax! I didn't say wala akong tiawala sa 'yo. I'm just curious." Naalala niyang madalas ganitong postura ang ipinapakita ng mga babaeng ayaw magbahagi ng impormasyon kaya tiyak na wala rin siyang mapipiga rito.“I see. Ang secretary ko pala ang sumundo sayo. So what brings you here? Reunion? Business?"“Itanong mo

    Last Updated : 2021-12-23
  • THE BILLIONAIRES HATER   Luigi's Return

    Nakahinga ng maayos si Ren nang mamataan ang lalaking malaki ang katawan na nakatayo sa labas. Labis siyang nag-alala rito kaya hindi niya magawang tawagan ito kagabi dahil sa takot na baka ito ang napabalitang nasawing driver ng Chairman. “It’s good to see you,” bati niya rito at napahawak siya sa sentido para ikubli ang nanggilid na luha sa mata. “Pumasok ka na sa loob,” utos nito sa kanya at tinapik siya nito sa balikat. Gaya ng dati maawtoridad pa rin ang tono ng pananalita nito at seryoso pa rin ang mukha, ni hindi marunong ngumiti. Ito ang nagustuhan ng Chairman sa kaibigan dahil bukod sa masipag ito ay palagi rin itong nasa oras. Hindi nga lang ito emosyonal at tila sarado ang puso nito pagdating sa pag-ibig. Naalala pa niya noon na interesado ang mga kababaihan sa Habitat dito ngunit ni minsan hindi niya ito nakitang nagk

    Last Updated : 2021-12-24
  • THE BILLIONAIRES HATER   Ren's Discernment

    Tinitigan ni Ren ang kaibigan sa rear view mirror na tahimik lang na nagmamaneho at hindi man lang siya binigyan ng kasagutan sa kanyang tanong kanina. “May alam ka ba sa mga nangyayari? Nakapagtataka lang na hindi ako sinabihan ni Paps sa pagdating ni Levy and you know what? Kahawig niya si Roief,” pagpapaliwanag niya sa kaibigan na dahilan upang mapatikhim ito. Ramdam niyang lumakas ang pagtibok ng puso niya sa tuwing mababanggit ang pangalan na ‘yun. “Baka naman may pagkakahawig lang?” walang emosyong nasabi ni Tony. “Kung hindi nga lang ganun ang kurba ng katawan at kulay ng balat niya maiisip kong baka siya na ‘yun,” dismayadong pahayag niya sa kaibigan. Bakas pa rin sa mukha niya ang pagkamangha sa paglalarawan sa babae.

    Last Updated : 2021-12-25
  • THE BILLIONAIRES HATER   Shaman

    “Kayo pala ‘yan Ren. Kararating lang din namin. Lubos akong nalungkot nang mabalitaan ko ang sinapit ng Chairman kaya agad akong nagpunta rito. Nagsama nga pala ako ng shaman para ipataboy ang mga masasamang espirito dito sa silid niya. Nagpapagawa rin ako ng talisman para mapabilis ang paggaling ng Chairman at maproteksyonan siya,” nasambit ni Mrs. Belmonte nang humarap ito sa kanila. “Mrs. Belmonte tila nakalimutan niyo po yata na may pollen allergy ang Chairman bakit nagdala pa po kayo ng mga bulaklak dito?” sabi niya sa may edad na babaeng pinupulot ang nahulog nitong itim na beads. Hindi rin niya nagustuhan sa lahat ang amoy ng insenso kaya nagtungo siya sa may bintana at binuksan iyon. “Hanggang ngayon hindi mo pa rin ako kayang tawaging Tita? Hindi yata sumabay si Yvette sa’yo?” pagwa

    Last Updated : 2021-12-26
  • THE BILLIONAIRES HATER   Scape goat

    “Miss Levy? What are you doing here?” nauutal na tanong ni Ren sa kanya nang harapin siya nito. Kanina lang ay narinig niyang nasali ang pangalan niya sa usapan nila ngunit tila nakakita ito ng multo nang makita siya. Agad namang nagtungo ang isa pang kasama nito sa may veranda at sinagot ang tumutunong na cellphone nito. “Gusto ko lang naman malaman ang kalagayan ng Chairman,” sabi ni Levy at aktong papasok na sana sa loob ngunit tinabig siya ng babae at nauna na itong pumasok. “Leila hindi ba’t sinabihan na kitang sa office ka na dumeretso? What are you doing here?” naguguluhang tanong ni Ren sa babae. “Mapilit kasi si Miss Levy kaya wala akong choice kung hindi sumama,” agad na sagot naman nito at hinawakan ang necktie ni Ren. Napataas ang isang kilay niya sa narinig dahil hindi naman niya niyaya ito na sumama. Akala niya kanina kung magpapaiwan na ito sa hotel dahil bumaba na ito ngunit nang marinig nitong dede

    Last Updated : 2021-12-29

Latest chapter

  • THE BILLIONAIRES HATER   The Scape Goat

    "Anong ginagawa mo rito?" Napalunok si Roief at kamuntikan pa niyang makagat ang sariling dila nang makita si Ren na nakatayo sa labas ng pinto."Sinabi sa akin ni Rosa na nandito ka raw sa library, I just didn't expect Dr. Farrah to be here." Sabi ni Ren habang nakatitig pa rin sa mga mata nya. "You two appear to be familiar with one another," dagdag pa nito na ikinabalaha ng dalawa.Bago pa sumagot ay tinitigan ni Roief ng mariin ang doktora. "Magkakilala na kami noon pa ni dok, ipinakilala siya sakin ng isang kaibigan." "Let's grab a coffee soon. It's good to see you once more Levy," agad namang sabat ng doktora at nagpalitan ng yakap ang dalawa. "Dok." Singit naman ni Ren na nagpaangat sa kilay niya. "Can I have a moment with you?" dugtong pa nito at agad naman itong sinundan ng doktora.Napakagat sa labi si Roief nang makitang bumuka ang bibig ni Ren. Hindi niya marinig ang pinag-uusapan ng dalawa dahil nagbubulungan ang mga ito. Ngayon lang niya napansin na namawis ang palad n

  • THE BILLIONAIRES HATER   Confession

    "Doctora Farrah?" hindi makapaniwalang nasambit ni Roief nang makita ang babaeng psychologist na tumingin sa kanya noon."How have you been? I can't believe it's really you. What are you doing here by the way?" Niyakap siya ni Dra. Farrah at hindi maalis sa mukha nito ang pagkamangha. "You've changed so much! Look at you, muntik na kitang hindi mamukhaan.""Ito alive and kicking dok. Ako nga rin dok nagdalawang isip po ako parang mas bumata po kayo," biro niya rito at nagtawanan naman sila. "For now I am living as Levy. Long story dok," sabi niya at mukhang naintindihan naman agad ito ng babae."I see. Would you like to share?" pabulong na tanong nito sa kanya habang nakatakip ang kamay nito sa bibig."M

  • THE BILLIONAIRES HATER   Encounter

    "You stay with ate Rosa, Mommy will go downstairs for a while," pakiusap ni Roief kay Luigi. Mabuti na lang at pumayag ito kaya mabilis niyang kinuha ang papel na itinago sa bag at bumaba.. "Good morning!" bati sa kanya ni Earl pagkalabas niya pa lang sa gate. "Good morning! Ito pala 'yung sinasabi ko." Itinaas niya ang papel na naglalaman ng buhok ni Luigi at buhok niya. "Pasensya na pumunta ka pa rito. Hindi kasi ako papasok ngayon dahil may sinat 'yung bata kaya hindi ako makalalabas." "Anything for you," nakangiting sagot nito. "Wala kang pasok ngayon? Sinong bata?" nagtatakang tanong nito. Sumandal ito sa harapan ng sasakyan at inilagay sa ziplock ang inabot niyang papel. "May sakit kasi si Luigi,

  • THE BILLIONAIRES HATER   Suspicion

    Nagulat si Roief nang kaumagahan dahil ngayon lang niya ulit nakasabayan si Yvette na mag-agahan. Habang magtitimpla ng kape ay hindi pa rin mawala sa isip ang sinabi sa kanya ni Ren. Hindi niya alam kung seryoso ito sa sinabi o niloloko lang siya nitong kahawig niya ang taong minahal nito. "Hindi pa ba gising ang mag-ama?" tanong ni Nanay Maggie nang ilapag nito ang toast sa tabi ng kape niya. "Napuyat po 'yung isa kagabi. Hinika kasi si Luigi," sagot niya rito. "Nagtatabi na pala kayo ni Ren? Since when?" tanong bigla ni Yvette na ikinabigla nilang dalawa ni Nanay Maggie. "Hindi naman sa ganun, si Luigi kasi nilalagnat. Alam mo naman 'yung

  • THE BILLIONAIRES HATER   The Apology

    Parang natunaw ang puso ni Roief nang makita si Luigi na umiiyak habang tumatakbo papunta sa kanya. Napakunot noo siya dahil may nakatapal ding cool fever sa noo nito "Kanina pang umaga 'yan may lagnat, ayaw magpaawat. Hintayin ka raw namin kaya hindi pa s'ya natutulog," paliwanag agad ni Ren. Tinitigan lang niya si Ren ngunit mabilis namang niyakap niya si Luigi at naramdaman nga niyang mainit ito. "What took you so long, Mommy? I haven't seen you all day," tanong pa sa kanya nito na parang nagtatampo. Pinakiramdaman niya ang noo nito at mainit pa nga ito. Kinarga naman niya agad ito at naglakad na paakyat ng hagdan. "I'm sorry, I didn't know you're sick," sabi niya rito at hinalikan ang noo nito. Parang ay

  • THE BILLIONAIRES HATER   The Big News

    Hindi alam ni Roief ang gagawin nang lumapit si Earl sa kanya at makita ito ni Ren. “Hi,” tipid na bati niya sa lalaki nang i-beso siya nito sa harapan ng boss. “May date ka pala?” tanong ni Ren sa kanya habang sinusuri ng mga mata nito ang lalaking lumapit sa kanya. Hindi agad siya nakapagsalita dahil inunahan siya ni Earl. “Hi! I’m Earl,” pagpapakilala ng lalaki sa sarili. Nakangiti nitong inilahad ang kamay kay Ren at inabot naman ng boss niya ang kamay nito. Kita niyang mahigpit na nagkamayan ang mga ito. “Ren,” sagot naman ng boss niya at saka siya binalingan nito. “Hindi ko alam na may lakad ka pala, sana sinabi mo ng mas maaga para nalaman ko.”

  • THE BILLIONAIRES HATER   The Rival

    “Anong ibig sabihin ng mga ipinadala mong litrato?” tanong ni Roief kay Earl nang tawagan niya ito. Hindi kasi niya maintindihan kung bakit ito biglang nagpadala ng litrato ng sanggol sa kanya. “Bakit ngayon ka lang?” tanong agad nito sa kanya. Mukhang tumatakbo ang lalaki kaya pinakiramdaman niya ang kausap. “Sorry, hindi ako nakarating at hindi man lang kita nasabihan na hindi ako matutuloy. Naiwan ko kasi ‘tong phone kaya ngayon lang ako nag-open. Are you okay?” Hindi niya maiwasang mag-alala para sa lalaki dahil parang kinakapos ito ng hininga. “I have a very important news to tell you. I just need to hang up right now,” sabi ni Earl. “Wait, please tell me you’re ok

  • THE BILLIONAIRES HATER   Unexpected News

    Sa ginawa ng lalaking muling paggawad ng halik sa labi ni Roief ay hindi napigilan ng babaeng itulak ito. Pinunasan niya ang labi at tinitigan ng masama ang lalaki, “get out!” malakas na sabi niya. Itinuro niya ang pinto para lumabas ang lalaki. Hindi niya alam kung papaano pa sila maghaharap mamaya nito. “I’m sorry,” tanging nasabi lang nito at saka mabilis na lumabas. Napahawak siya sa batok at hinaplos ‘yun dahil sa naramdaman niya kaninang dumaloy na maliliit na boltahe ng kuryente sa parteng ‘yun. Kung bakit naman kasi bigla siyang halikan nito, kamuntikan tuloy siyang mawala sa sarili. Ang malambot na labi nito at ang paghawak pa lang nito sa katawan niya ay sapat na para mawala siya sa katinuan. Mabuti na lang at naalala niya si Leila kaya hindi siya nagpadala sa mapang-akit at pangahas na halik nito. “Bwisit.” Gusto niyang alisin ang bakas ng halik nito sa kanyang bibig kaya nagsipilyo siya. Pagkatapos magpalit ay nagmadali siy

  • THE BILLIONAIRES HATER   Shower Room

    Masakit ang ulo ni Roief na bumangon dahil pinilit siya nila Rosa na uminom ng wine kagabi. Nagising siya gawa nang may dumagan at pumisil sa kanyang d****b na akala niya ay si Luigi. Aalisin niya sana ang kamay nito ngunit napamulat siya nang maramdaman na may umumbok sa may puwetan niya kaya napatalikod siya. Nanlaki ang mga mata niya nang mapagsino ang katabi at natadyakan niya ito. Sumama naman ang nakapulupot na kumot dito at kumalabog ito nang mahulog sa sahig. Mabilis na inikot niya ang mga mata at nakitang nasa loob naman siya ng kanyang silid. “Bastos ka! Bakit nandito ka na naman?” naisigaw niya sa inis. Mabilis na ch-in-eck ang pang-ibaba kung may namagitan ba sa kanila ng lalaki at nakahinga lang siya ng maayos nang makitang maayos ang damit at suot pa naman ng lalaki ang damit nito.

DMCA.com Protection Status