"Doctora Farrah?" hindi makapaniwalang nasambit ni Roief nang makita ang babaeng psychologist na tumingin sa kanya noon.
"How have you been? I can't believe it's really you. What are you doing here by the way?" Niyakap siya ni Dra. Farrah at hindi maalis sa mukha nito ang pagkamangha. "You've changed so much! Look at you, muntik na kitang hindi mamukhaan."
"Ito alive and kicking dok. Ako nga rin dok nagdalawang isip po ako parang mas bumata po kayo," biro niya rito at nagtawanan naman sila. "For now I am living as Levy. Long story dok," sabi niya at mukhang naintindihan naman agad ito ng babae.
"I see. Would you like to share?" pabulong na tanong nito sa kanya habang nakatakip ang kamay nito sa bibig.
"M
"Anong ginagawa mo rito?" Napalunok si Roief at kamuntikan pa niyang makagat ang sariling dila nang makita si Ren na nakatayo sa labas ng pinto."Sinabi sa akin ni Rosa na nandito ka raw sa library, I just didn't expect Dr. Farrah to be here." Sabi ni Ren habang nakatitig pa rin sa mga mata nya. "You two appear to be familiar with one another," dagdag pa nito na ikinabalaha ng dalawa.Bago pa sumagot ay tinitigan ni Roief ng mariin ang doktora. "Magkakilala na kami noon pa ni dok, ipinakilala siya sakin ng isang kaibigan." "Let's grab a coffee soon. It's good to see you once more Levy," agad namang sabat ng doktora at nagpalitan ng yakap ang dalawa. "Dok." Singit naman ni Ren na nagpaangat sa kilay niya. "Can I have a moment with you?" dugtong pa nito at agad naman itong sinundan ng doktora.Napakagat sa labi si Roief nang makitang bumuka ang bibig ni Ren. Hindi niya marinig ang pinag-uusapan ng dalawa dahil nagbubulungan ang mga ito. Ngayon lang niya napansin na namawis ang palad n
"Are you ready?" tanong ni Ren habang papunta sa mini stage at itinapat ang baso ng wine sa harap ng camera. Pagkatapos ay sa mga kasama naman niya sa loob ng party house. Nagtilian ang mga babae na nakatayo malapit sa parapet ng rooftop nang makita siya. Habang gumawa naman ng ingay ang mga lalaking may hawak ng pompyang at drum. “In 5, 4, 3, 2, 1!” sigaw ng event organizer na sinabayan naman ng mga tao. Sabay-sabay nilang itinaas ang baso at saka tumungga. Pagkatapos ay sumunod na rin ang pagputok ng mga fireworks display. “Happy New Year!” bati ng lahat. May apat na power house sa Isla Bora. Ang Habitat ang isa sa pinakamalaki sa apat. Ito ang party house na pagmamay-ari ni Ren kung saan madalas siya magdiwang sa tuwing mananalo siya sa casino. Madalas dinaragsa ang casino ng Isla Bora kapag napabalitang may poker tournament dahil sigurado na maiimbitahan sila kapag nanalo ang binata. Bumabaha ng alak, pagkain at syempre babae sa tu
Inis na iminulat ni Roief ang mga mata at padaskol na inalis ang kumot sa sariling katawan saka bumangon. Masakit sa tainga ang doorbell at pakiramdam niya ay binabarena ang ulo niya dahil dito. Nang makaramdam ng lamig ay agad niyang niyakap ang katawan at nagitla siya nang mapagtantong wala siyang saplot. Agad nagising ang kanyang diwa at napatayo siya mula sa malambot na kamang kinahihigaan na para ba siyang sinilaban. Nanlaki ang mga mata na naikot niya ang paningin sa paligid upang bigyang kahulugan kung nasaan siya at kung anong nangyari. “Shit! Shit!” Nasabunutan niya ang sarili dahil wala talaga siyang maalala kung ano man ang nangyari kagabi. Sumakit ang sentido niya nang mapatingin sa mga nagkalat na cosplay attire sa
“Are you okay, kumusta ka na?” tanong nito sa kanya nang batiin niya ito. Dama niya ang pag-aalala sa tinig ng lalaki. "Gosh! Do you kmow how much I miss you?" “I’m sorry…” Hindi niya na napigilang mapahikbi nang marinig ang boses nito. Gusto man niyang pigilang 'wag maiyak ngunit inunahan siya ng lalamunan. Pumiyok siya nang muling magsalita at tuluyan na nga siyang humagulgol. Ang tanging kailangan niya lang ngayon ay karamay at si Earl lang ang makapagpaparamdam nito sa kanya. Parang ngayon lang niya naibuhos lahat ng kinikimkim kaninang bigat ng loob at paputol-putol ang pananalita niya. Tiniis niyang hindi kausapin ang lalaki dahil sa tampuhan nila buhat nang manggaling sila sa isla. Wala rin naman siyang mukhang maihaharap dito pagkatapos ng mangyari. “Why, what happened?” tanong nito sa kanya. Ngunit hindi siya makasagot dahil binabarahan iyon ng pag-iyak niya. “Please tell me you're fine,” sabi nito. "Did Pia talk to yo
Napamulat si Roief dahil nakatapat ang matinding liwanag ng araw sa kanyang mga mata. Iniwas niya ang mukha ngunit tuluyan siyang nagising dahil sa pakiramdam na parang binabarena ang ulo niya.Saglit siyang tumigil sa paggalaw at huminga ng malalim, hanggang sa humupa ng bahagya ang kirot. Dahan-dahan niyang inikot ang paningin sa silid at natigilan siya nang mapagtantong wala siya sa inuupahang apartment.Nasisiguro niyang wala siya sa silid ni Earl dahil sa pambabaeng tema ng mga kagamitan sa loob ng silid. Isa pa ay walang rehas ang bintana nila Earl. Napahawak na lang siya sa ulo nang maalala ang pagkahilo niya kanina. Malinaw pa sa ala-ala niyang may kausap siya nang may lalaking humatak sa kanya at may malanghap siyang masangsang na amoy.Bumilis ang pagtibok ng puso niya nang mapagtanto ang nangyari sa kanya. Bigla niyang kinapa ang katawan at nang makitang wala naman siyang pasa o anumang senyales na may ginawa sa kanya ay saka pa lang
Napatunayan ni Roief ang kasabihang sa una lang masaya ang lahat nang isang araw ay magising siyang matamlay at parang ayaw na niyang mabuhay. Masaya pa siya noong unang tatlong buwan niya sa villa dahil nakakakain siya ng maayos at hindi siya namomroblema sa pang araw-araw na gastusin. Ngunit tuwing iisipin niya ang lahat ng kapalit ng pamamalagi niya roon ay nanghihinayang siya. Malaking bagay sa kanya ang nawalang scholarship at mga opportunity na dapat sana ay matatamasa niya kung nakapagtapos lang siya. Labis din ang pag-aalala niya sa kapatid at kay Earl, paniguradong nag-aalala ang mga ito sa pagkawala niya. Kahit gusto niya sanang tawagan si Earl ay hindi niya alam ang numero ng telepono nito. Wala siyang makausap at palagi lang siyang mag-isang nanonood kaya para na siyang mababaliw. Nami-miss na niya ang kaibigan at ang kapatid. Maski na ang pag-aaral.Gusto na niyang makalabas doon at umuwi. Hindi na niya kaya ang lungkot sa bahay na iyon. Palaging busy ang
“I love you too!”Narinig ni Roief ang boses ng lalaki mula sa mga kumpol ng may katangkaran na halaman. Kasalukuyan niyang isinasara ang gate. Bumilis ang tibok ng puso niya nang gumalaw ang golden bush at may biglang tumayo roon. “Yes! Yes!”Patay-malisya siyang tumalikod at pahakbang na sana nang may biglang humablot sa braso niya. “Ma’am ano po ang ginagawa niyo rito sa labas? Saan po kayo pupunta?” sunod-sunod na tanong sa kanya ng isang lalaking naka-baby blue na polo shirt at khaki shorts. Sa unang tingin, akalain mong turista ito o pumapasyal lang sa beach sa malapit, hindi aakalain ng kahit na sino na isa itong guard sa villa. Base sa boses nito na medyo may kaba ng kaunti, ito ang lalaking naulinigan niya sa halamanan kanina lang."Magpapahangin lang ako."Pinagmasdan niya ang lalaki. Matangkad din ito tulad ng iba, pero mas bata ito kumpara sa guard na laging nakasuot ng maskara. Wala nga pala siyang nakita sa nakamaskara ngayong araw.Nang nakakita
Nataranta ang mga tao sa ER nang magpatawag bigla ang Director ng emergency meeting gawa nang may darating na VIP.“Makinig kayo! Darating ang babaeng nangngangalang Roief, inutos ito ng Chairman at assistant niya mismo ang tumawag para dito lunasan ang isang buntis na may concussion, hindi pa tiyak kung anong lagay ngunit kailangan niya ng immediate attention sa ICU. Dra. Nelia, Benny at Ana kayo ang aatasan ko sa babaeng ‘yun,” utos ng Director sa mga doktor na kaka-break pa lang. Mabilis namang sumunod ang mga ito at naghanda na.Katatapos lang magsalita ng Director nang dumating ang pamilyar na sasakyan at iniluwa nito ang isang lalaking may kanlong ang babaeng sugatan ang ulo.Agad na nilagay sa stretcher bed ang buntis at mabilis na rumisponde ang mga doktor.Matapos ang operasyon ay nagising din si Roief, hindi nga lang niya alam kung ilang araw na siyang nakaratay sa kama at namimigat ang ulo at masakit ang sugat ni
"Anong ginagawa mo rito?" Napalunok si Roief at kamuntikan pa niyang makagat ang sariling dila nang makita si Ren na nakatayo sa labas ng pinto."Sinabi sa akin ni Rosa na nandito ka raw sa library, I just didn't expect Dr. Farrah to be here." Sabi ni Ren habang nakatitig pa rin sa mga mata nya. "You two appear to be familiar with one another," dagdag pa nito na ikinabalaha ng dalawa.Bago pa sumagot ay tinitigan ni Roief ng mariin ang doktora. "Magkakilala na kami noon pa ni dok, ipinakilala siya sakin ng isang kaibigan." "Let's grab a coffee soon. It's good to see you once more Levy," agad namang sabat ng doktora at nagpalitan ng yakap ang dalawa. "Dok." Singit naman ni Ren na nagpaangat sa kilay niya. "Can I have a moment with you?" dugtong pa nito at agad naman itong sinundan ng doktora.Napakagat sa labi si Roief nang makitang bumuka ang bibig ni Ren. Hindi niya marinig ang pinag-uusapan ng dalawa dahil nagbubulungan ang mga ito. Ngayon lang niya napansin na namawis ang palad n
"Doctora Farrah?" hindi makapaniwalang nasambit ni Roief nang makita ang babaeng psychologist na tumingin sa kanya noon."How have you been? I can't believe it's really you. What are you doing here by the way?" Niyakap siya ni Dra. Farrah at hindi maalis sa mukha nito ang pagkamangha. "You've changed so much! Look at you, muntik na kitang hindi mamukhaan.""Ito alive and kicking dok. Ako nga rin dok nagdalawang isip po ako parang mas bumata po kayo," biro niya rito at nagtawanan naman sila. "For now I am living as Levy. Long story dok," sabi niya at mukhang naintindihan naman agad ito ng babae."I see. Would you like to share?" pabulong na tanong nito sa kanya habang nakatakip ang kamay nito sa bibig."M
"You stay with ate Rosa, Mommy will go downstairs for a while," pakiusap ni Roief kay Luigi. Mabuti na lang at pumayag ito kaya mabilis niyang kinuha ang papel na itinago sa bag at bumaba.. "Good morning!" bati sa kanya ni Earl pagkalabas niya pa lang sa gate. "Good morning! Ito pala 'yung sinasabi ko." Itinaas niya ang papel na naglalaman ng buhok ni Luigi at buhok niya. "Pasensya na pumunta ka pa rito. Hindi kasi ako papasok ngayon dahil may sinat 'yung bata kaya hindi ako makalalabas." "Anything for you," nakangiting sagot nito. "Wala kang pasok ngayon? Sinong bata?" nagtatakang tanong nito. Sumandal ito sa harapan ng sasakyan at inilagay sa ziplock ang inabot niyang papel. "May sakit kasi si Luigi,
Nagulat si Roief nang kaumagahan dahil ngayon lang niya ulit nakasabayan si Yvette na mag-agahan. Habang magtitimpla ng kape ay hindi pa rin mawala sa isip ang sinabi sa kanya ni Ren. Hindi niya alam kung seryoso ito sa sinabi o niloloko lang siya nitong kahawig niya ang taong minahal nito. "Hindi pa ba gising ang mag-ama?" tanong ni Nanay Maggie nang ilapag nito ang toast sa tabi ng kape niya. "Napuyat po 'yung isa kagabi. Hinika kasi si Luigi," sagot niya rito. "Nagtatabi na pala kayo ni Ren? Since when?" tanong bigla ni Yvette na ikinabigla nilang dalawa ni Nanay Maggie. "Hindi naman sa ganun, si Luigi kasi nilalagnat. Alam mo naman 'yung
Parang natunaw ang puso ni Roief nang makita si Luigi na umiiyak habang tumatakbo papunta sa kanya. Napakunot noo siya dahil may nakatapal ding cool fever sa noo nito "Kanina pang umaga 'yan may lagnat, ayaw magpaawat. Hintayin ka raw namin kaya hindi pa s'ya natutulog," paliwanag agad ni Ren. Tinitigan lang niya si Ren ngunit mabilis namang niyakap niya si Luigi at naramdaman nga niyang mainit ito. "What took you so long, Mommy? I haven't seen you all day," tanong pa sa kanya nito na parang nagtatampo. Pinakiramdaman niya ang noo nito at mainit pa nga ito. Kinarga naman niya agad ito at naglakad na paakyat ng hagdan. "I'm sorry, I didn't know you're sick," sabi niya rito at hinalikan ang noo nito. Parang ay
Hindi alam ni Roief ang gagawin nang lumapit si Earl sa kanya at makita ito ni Ren. “Hi,” tipid na bati niya sa lalaki nang i-beso siya nito sa harapan ng boss. “May date ka pala?” tanong ni Ren sa kanya habang sinusuri ng mga mata nito ang lalaking lumapit sa kanya. Hindi agad siya nakapagsalita dahil inunahan siya ni Earl. “Hi! I’m Earl,” pagpapakilala ng lalaki sa sarili. Nakangiti nitong inilahad ang kamay kay Ren at inabot naman ng boss niya ang kamay nito. Kita niyang mahigpit na nagkamayan ang mga ito. “Ren,” sagot naman ng boss niya at saka siya binalingan nito. “Hindi ko alam na may lakad ka pala, sana sinabi mo ng mas maaga para nalaman ko.”
“Anong ibig sabihin ng mga ipinadala mong litrato?” tanong ni Roief kay Earl nang tawagan niya ito. Hindi kasi niya maintindihan kung bakit ito biglang nagpadala ng litrato ng sanggol sa kanya. “Bakit ngayon ka lang?” tanong agad nito sa kanya. Mukhang tumatakbo ang lalaki kaya pinakiramdaman niya ang kausap. “Sorry, hindi ako nakarating at hindi man lang kita nasabihan na hindi ako matutuloy. Naiwan ko kasi ‘tong phone kaya ngayon lang ako nag-open. Are you okay?” Hindi niya maiwasang mag-alala para sa lalaki dahil parang kinakapos ito ng hininga. “I have a very important news to tell you. I just need to hang up right now,” sabi ni Earl. “Wait, please tell me you’re ok
Sa ginawa ng lalaking muling paggawad ng halik sa labi ni Roief ay hindi napigilan ng babaeng itulak ito. Pinunasan niya ang labi at tinitigan ng masama ang lalaki, “get out!” malakas na sabi niya. Itinuro niya ang pinto para lumabas ang lalaki. Hindi niya alam kung papaano pa sila maghaharap mamaya nito. “I’m sorry,” tanging nasabi lang nito at saka mabilis na lumabas. Napahawak siya sa batok at hinaplos ‘yun dahil sa naramdaman niya kaninang dumaloy na maliliit na boltahe ng kuryente sa parteng ‘yun. Kung bakit naman kasi bigla siyang halikan nito, kamuntikan tuloy siyang mawala sa sarili. Ang malambot na labi nito at ang paghawak pa lang nito sa katawan niya ay sapat na para mawala siya sa katinuan. Mabuti na lang at naalala niya si Leila kaya hindi siya nagpadala sa mapang-akit at pangahas na halik nito. “Bwisit.” Gusto niyang alisin ang bakas ng halik nito sa kanyang bibig kaya nagsipilyo siya. Pagkatapos magpalit ay nagmadali siy
Masakit ang ulo ni Roief na bumangon dahil pinilit siya nila Rosa na uminom ng wine kagabi. Nagising siya gawa nang may dumagan at pumisil sa kanyang d****b na akala niya ay si Luigi. Aalisin niya sana ang kamay nito ngunit napamulat siya nang maramdaman na may umumbok sa may puwetan niya kaya napatalikod siya. Nanlaki ang mga mata niya nang mapagsino ang katabi at natadyakan niya ito. Sumama naman ang nakapulupot na kumot dito at kumalabog ito nang mahulog sa sahig. Mabilis na inikot niya ang mga mata at nakitang nasa loob naman siya ng kanyang silid. “Bastos ka! Bakit nandito ka na naman?” naisigaw niya sa inis. Mabilis na ch-in-eck ang pang-ibaba kung may namagitan ba sa kanila ng lalaki at nakahinga lang siya ng maayos nang makitang maayos ang damit at suot pa naman ng lalaki ang damit nito.