Home / Romance / THE BILLIONAIRES HATER / Ren's POV: Blow-out Bash

Share

THE BILLIONAIRES HATER
THE BILLIONAIRES HATER
Author: Stallia Iris

Ren's POV: Blow-out Bash

Author: Stallia Iris
last update Last Updated: 2021-12-04 20:31:10

"Are you ready?" tanong ni Ren habang papunta sa mini stage at itinapat ang baso ng wine sa harap ng camera. Pagkatapos ay sa mga kasama naman niya sa loob ng party house.

Nagtilian ang mga babae na nakatayo malapit sa parapet ng rooftop nang makita siya. Habang gumawa naman ng ingay ang mga lalaking may hawak ng pompyang at drum.

“In 5, 4, 3, 2, 1!” sigaw ng event organizer na sinabayan naman ng mga tao.

Sabay-sabay nilang itinaas ang baso at saka tumungga. Pagkatapos ay sumunod na rin ang pagputok ng mga fireworks display.

“Happy New Year!” bati ng lahat.

May apat na power house sa Isla Bora. Ang Habitat ang isa sa pinakamalaki sa apat. Ito ang party house na pagmamay-ari ni Ren kung saan madalas siya magdiwang sa tuwing mananalo siya sa casino.

Madalas dinaragsa ang casino ng Isla Bora kapag napabalitang may poker tournament dahil sigurado na maiimbitahan sila kapag nanalo ang binata. Bumabaha ng alak, pagkain at syempre babae sa tuwing may blow out bash siya.

Dahil sa siya ang hari ng Habitat ay required ang mga escort na dumaan sa matinding screening bago padalhan ng imbitasyon. Nangyari na kasing naging pabaya sila noon kaya nagkaroon ng aberya. Para maiwasan ang anumang violation na maaaring ikasira ng Habitat, kinakailangang sumalang sa ilang tests at pumasa sa standard ang bawat escort.

"Who’s the lucky girl tonight?” tanong ng event organizer kay Ren na nakatayo sa likuran nila. “May napili ka na ba?”

“They all look the same. I want a natural.” Nilagyan niya ng wine ang baso nito nang makitang paubos na ang laman niyon. Nilagok na rin niya ang kakaunting laman ng baso bago pa man tumayo.

“Hindi pa nakarating lahat. I'm sure you'll be pleased sa mga bago. Hindi naman retokada lahat, lapitan mo kasi." Uminom ito sa baso at tinitigan si Tony. "Mukhang kailangan yatang matulog ni Tony sa bahay mamayang gabi,” biro pa nito.

Tahimik namang nanonood ng news ang kaibigan. Napangiti na lang siya at pinulot ang binocular sa lamesa.

“Magpupuyat na lang ako kaysa sumama sa ‘yo Migs,” sagot naman ni Tony na nakikinig pala sa kanila.

“Nagmamatigas ka pa, bibigay ka rin sa naman sa akin balang araw,” sagot nito at saka inilapag ang iPad sa lamesa. Nakita niyang tumawa lang si Tony ngunit hindi na nagsalita.

“Iiwan ko muna ‘to, bahala na kayong magdouble check. Babantayan ko muna ‘yung mga bagong dating na pagkain bago pa ubusin ng mga walang hiya,” sabi nito. Hinalikan pa nito ang batok ni Tony at saka umalis.

Nagsimula na ang pinakahihintay ng lahat, ang sayawan kung saan mamimili ng escort ang mga bachelor na inimbitahan niya.

Pagkaupo sa veranda ay agad na ginamit ni Ren ang gold-plated binocular para tumingin ng mga babae. Napabuntong hininga siya dahil panay retokada ang mga babaeng nakikita. Ngunit napakunot na lang ang noo niya nang makuha ng isang babae ang atensyon niya.

Pasuray-suray itong maglakad at patungo ito sa may pool area kung saan walang masyadong ilaw. Katulad ng iba, nakasuot din ito ng two piece.

“Look who’s here?” Dinunggol ni Ren ang katabi gamit ang hawak na binocular at saka ipinatong ang kanang kamay sa balikat nito. “Could it be her?” Napangiti siya. Hindi pa rin niya inaalis ang mga tingin sa babaeng naglalakad papunta sa water fountain.

“Ano?” sagot naman ni Tony na busy sa pinapanood nitong news.

“12 o’clock north, nakasuot ng puting two piece,” sabi niya at saka inabot sa kaibigan ang binocular.

Tumigil naman ito sa panonood at tumayo na rin. Pilit nitong inaaninag kung sino ang babaeng tinutukoy niya at nang mapagsino ito ay nagkatitigan silang dalawa.

“Roief?” Napakunot ang noo nito.

Alam ni Tony na ilang araw na niyang bukambibig ang babae lalo na at nakikita nila ito kung saan-saan. Madalas din nilang masubaybayan ito na sumali sa race ng mga dune buggies at makipaglaro ng board games. Kaya alam ni Tony kung gaano siya nahuhumaling sa babae.

Hindi nga lang niya magawang lapitan ito dahil hindi siya nito pinapansin. May kung anong enerhiya ito na hindi niya alam kung bakit siya intimidated dito. Hindi niya alam kung paano paamuhin ito dahil masyado itong mailap.

“Did you invite her?”

Umiling lang ang kaibigan at naupo.

Muli niyang in-adjust ang binocular para makita ito ng malapitan. Nanlaki na lang ang mga mata niya nang makitang nakasuot ito ng garter sa hita. "This is odd. This isn't her."

Kahit pa ganoon ay intetesado pa rin siyang alamin kung ito nga ang babae. Hindi pa rin kasi mabura sa isipan niya ang pagtanggi ng dalaga sa kanya. Wala pang nakagagawa nun sa kanya.

Agad niyang inabot ang iPad na inilapag ni Migs kanina. Mabilis na tiningnan niya ang listahan ng mga bisita.

“I don't get it.” Nakurot niya ang labi dahil na-scroll na niya ang buong list pero wala roon ang pangalan at mukha ng babae.

“Baka naman gumamit ng ibang pangalan? Pwedeng kamukha lang din niya ‘yan." Tumayo na rin ang kaibigan at inagaw nito ang iPad mula sa kanya.

Matapos masiguro na wala roon ang babae ay inilapag nito ang iPad. “Bakit hindi mo siya puntahan mismo para malaman mo kung siya nga ‘yan?”

Muli niyang hinawakan ang binocular ngunit nang hagilapin niya ang babae ay wala na ito.

“Darn!” Napasuntok siya sa hangin dahil naalala niyang pasuray-suray itong maglakad kanina. Hindi na siya nakapagpaalam sa kaibigan at agad na nagtungo sa elevator.

Nakagat niya ang ibabang labi, hindi pa rin siya makapaniwala sa nakita. Umaasa siyang ito si Roief ngunit nagdadalawang isip siya dahil hindi ito ang klase ng taong mahilig sa party bash.

Tinawagan niya ang nakatokang bantay sa entrance habang nakasakay sa lift. “Do we have an escort named Roief? I need an answer asap!” utos niya sa lalaking nasa kabilang linya.

Pinigil niya ang paghinga habang hinihintay ang sagot. Medyo choppy pa ang signal kaya inulit niya ang sinabi niya kanina.

“Yes, sir.” Hindi na siya muling nagsalita at pinatay ang tawag.

Mabilis na tinungo niya ang lugar kung saan huling nakita ang babae. Wala sa expectations niya na ang babaeng nagpatumba sa mga royal players niya ay isang escort. Hindi pa rin siya makapaniwala at hanggang ngayon ay umaasa siyang may ibang rason ito kung bakit ito naroon.

Inikot niya ang palibot ng Habitat hanggang sa makabalik sa lounge ngunit wala pa rin siyang makita sa babae.

Habang naglalakad ay napansin niya ang babaeng pilit kinakaladkad ng isang lalaki papasok sa comfort room. Sa tingin niya ay hindi ito escort dahil wala namang garter sa paa nito.

“Hey!” Sinita niya ang lalaking mahigpit na nakahawak sa braso ng babae ngunit bago pa siya makalapit ay kumaripas ito ng takbo. “Are you okay?” Hinarap niya ang babaeng nakahawak sa braso nito. “Do you know that guy?”

“No, hinila lang niya ako bigla. I'm scared." Nagulat na lang siya nang yakapin siya nito. “Thank you! Ren for saving me.” Hindi siya kumportable na nakalambitin ito sa leeg niya kaya dahan-dahan niyang inalis ang kamay nito.

Paglingon niya ay biglang dumami ang mga babaeng nakapalibot sa kanila at kinukuhanan pa sila ng litrato ng mga ito. “I guess you’re okay now. I have to go.” Mabilis niyang tinanggal ang kamay nitong nakapulupot sa kanya at humiwalay. "Please stop taking photos!"

Napansin naman niyang kinokolekta na ng dalawang bodyguard ang mga cellphone ng mga babae para burahin ang mga litrato niya roon. Bawal kasi na mailabas ang mga litrato niya sa publiko dahil isa ito sa kabilin-bilinan ng kanyang Lolo.

Pinili niyang bumalik na lang sa loob para doon naman hanapin ang babae. At nang makarating nga siya sa ikatlong palapag ay hindi siya nabigo.

Pumunta siya sa likuran ng mga nanonood at tinitigan ang babae ng nakaupo. Napangiti siya nang makumpirmang ito nga ang babaeng kilala niya. Naka-advance na pala ito sa third level at naglalaro na ng chess.

Nahalata naman niya ang pananahimik bigla ng mga nakikinood dahil napansin nila ang presensya niya. Sumenyas lang siya na ‘wag na siyang i-acknowledge ng host para hindi na mataranta ang mga players.

“Pang-ilang panalo na niya ‘yan?” tanong niya sa lalaki na nakatayo sa tabi niya.

“Panglima na sir,” sagot ng lalaki. Napahawak siya sa panga at nangiti. Ngayon lang siya nakakita ng babaeng sa tingin niya ay makakatapat niya.

"Great! Ipasuot mo 'to sa kanya." Ibinigay niya ang robe sa lalaki at tinapik niya ang lalaki para magpaalam. Kailangan na niyang maghanda dahil nakasisiguro siyang ito ang magiging challenger niya.

“Anong balita nahanap mo siya?" Napatitig si Tony nang makita nitong maupo siya sa trono niya.

“She’s winning every game.” Hindi pa rin maalis sa mukha ang ngiti habang naglalagay siya ng inumin sa baso.

“Matitikman mo rin sa wakas ang matalo. Paano ba 'yan mukhang isinilang na ang dyablong tatalo sa'yo?” Nilaro-laro nito ang baso sa kamay habang tinatawanan siya nito.

“She probably came here to challenge me. I’ll make sure to spank her butt.” Inismiran niya ang kaibigan.

“Paano nga kung matalo ka niya?” pag-uulit ni Tony na seryoso ang mukha.

Sa sinabi nito ay napaangat ang kilay niya. Alam nitong hindi pa siya natatalo ng isang babae sa buong buhay niya pero sa pananalita nito, mukhang nakita na nito kung paano maglaro ang babae.

“That’s impossible.” Ibinaba niya ang baso at tumayo na. Mataas pa rin naman ang kumpiyansa niya sa sarili na mananalo siya sa laro. “If she wins, then I’d consider pursuing her.”

Pumalakpak naman ang kaibigan sa huling sinabi niya. “Kung papasa ka sa kanya.”

Sa bawat level ng building ay may mga iba’t-ibang klase ng laro. Habang nananalo ang isang player nagkakaroon din ito ng pass para makapaglaro sa susunod na level ng building. Ngunit ganun din ang level ng alcohol na iinumin, from beer to hard, walang excluded. Kaya malakas ang loob ni Ren dahil paniguradong pagdating ng babae ay may kaunting tama na ito. Sa tingin niya ay madali na lang siyang makakakalap ng impormasyon mula sa babae.

Nagsimula nang mag-ingay ang mga lalaki kaya alam niyang paakyat na si Roief sa kinaroroonan nila. Finally, makakaalaro na rin niya ito.

“Hi!” bati niya rito nang matapat ito sa kinaroroonan niya. Hindi niya maiwasang titigan ang babae. Mukha itong modelo dahil sa suot nitong jacket niya. Inilahad niya agad ang kamay para ipakilala ang sarili ngunit tila wala itong nakita. Na-ikamot na lang niya sa leeg ang kamay dahil hindi inabot ng babae ang kamay niya. Narinig niyang may tumawa at alam niyang si Toni 'yun.

“Ako pala ‘yung nanalo. Nasaan 'yung magbibigay ng price?” tanong agad nito. Pansin niyang namumula ang mukha nito at naiinitan kaya inalok niya muna itong maupo.

Hindi niya mapigilang mapangiti. “You’re really unpredictable,” mahinang sabi niya. “By the way I’m Ren, the owner of Habitat,” pagpapatuloy niya.

Mukhang nagulat naman ang babae at inilahad nito ang kamay. “Roief.” Agad na inabot niya ang kamay nito.

Saglit siyang napatitig sa kamay nito nang maramdaman ang magaspang na palad nito. Napaawang ang bibig niya dahil hindi niya inasahan ‘yun. "You must be playing a lot of sports."

“May tissue ka?” biglang tanong nito at inikot ang paningin sa palibot nila.

“Wait,” mabilis namang naghanap ang mga mata niya at sinenyasan si Tony. "Samahan kita papunta sa comfort room?”

“Wala na kasing lasa ‘tong bubble gum, kanina pa sa bibig ko,” sagot nito kaya napangiti siya. Bigla nitong hinugot ang magazine sa may lamesa. “Pwedeng pumilas?”

“Wait! that’s—” hindi na niya tinapos ang sasabihin dahil pinilas na nito ang papel. Nasapo na lang niya ang noo dahil bagong labas lang ng FHM na pinunit nito. Nakita naman niyang tinatawanan siya ni Tony sa kinauupuan nito.

“Wow! Who would have thought na ikaw ang uupo ngayon diyan? Congratulations!” Kinuha niya ang baso at nilagyan niya ng inumin. “Ito ang final level kaya makipaglaro ka naman sa amin, balita ko magaling ka raw maglaro ng poker?”

“Poker?" Bigla itong umayos ng pagkakaupo. "Hindi naman masyado. Tinuruan lang ako ng sugarol kong kapatid." Iniwan nito sa glass table ang pinagbalutan nito ng bubble gum. “Gagamitin ko ba ‘yung napanalunan ko?” tanong nito.

“No you don’t need to. You can keep that. Bibigyan na lang kita ng chips.” Wala 'yun sa unang plano niya pero baka umatras ito kaya mabuti nang makasiguro.

Hinintay niya ang pagkakataong ito na makaharap ang babae kaya kailangan matuloy ang laro nila. Matapos nitong talunin ang mga kilala niyang magagaling din na player ay naging interesado na siya rito. Hindi maalis sa isipan niya ang babae lalo pa at maraming gustong makalaro ito. Nakuha rin nito ang respeto ni Tony kaya gusto niyang talunin ito.

“Kung mananalo ba ako sa akin na ‘yung mga chips?” Nakangiti ito at hindi niya inasahan ang ekspresyon nito.

“Yes, of-course!” Natawa siya dahil halatang mas interesado ito sa pera at hindi sa kanya.

Naka-focus sa kanila ang camera kaya nakikita sila ng mga tao sa monitor na nasa iba’t-ibang suli ng Habitat. Naririnig din nila ang nagsisigawan na mga tao sa third level.

Nag-a-anunsyo na rin ang event organizer at hinihintay na lang niya ang cue ng floor director kung kailan sila uupo ni Roief doon sa lamesa na hinanda kung saan sila maglalaro.

“Anong gusto mo kapag nanalo ka?” tanong niya rito.

“Doblehin mo ‘yung premyo." Tumawa ito kaya napakunot ang noo niya.

Natawa siya ng bahagya dahil hindi niya alam kung joke ba ‘yun o seryso ang babae sa sinabi nito. Pakiramdam niya ay naglalaro siya ng rubix cube at nahihirapan siyang buo-in ang color code ng babae. Ngayon lang niya naramdaman na gusto niyang makuha ang affection nito. Hindi sa paraan ng pera, kung hindi sa ibang paraan. Ito lang ang nakapagpasikdo ng ganoon sa puso niya at hindi niya alam kung bakit.

“Ano palang klase ng poker?” Nagseryoso ulit ang mukha nito.

“Texas poker.“ Nakita niyang ngumiti ang babae. “Pero kapag natalo ka may kahilingan ako,” dagdag pa niya.

“Ano ‘yun?”

“Kapag natalo kita, magiging lamesa kita mamaya.” Siya naman ang nagseryoso ang mukha.

“Palabiro ka rin pala." Tumawa ito ngunit hindi niya inasahan ang sagot nito. “Sige ba.”

“Wait! Seryoso ako,” itinaas niya ang kamay para patigilin ito. “Hindi pa ako tapos.”

“Bakit ano pa bang karugtong nun?” Napakunot noo naman ang babae.

“Magiging lamesa kita na n*******d mamaya kapag natalo ka,” sagot niya. Tahimik siyang natuwa na makitang nanlaki ang mga mata nito. Alam niyang hindi ito makakatanggi dahil kumagat na ito kanina pa.

“Tinatakot mo ba ako?” Bigla itong tumayo. Hindi niya inasahan ang naging sagot nito.

“That’s the spirit! Malaki ang tiwala namin sayo!" sigaw ng ilang kalalakihan sa likod.

“Hoy, Ren magbagong buhay ka na! Tatalunin ka rin naman niya,” dagdag pa ng isang lalaki na tila alam na nito ang kahihinatnan ng laro.

“Kapag ikaw ang natalo sasampalin naman kita ng sampong ulit habang nakaluhod ka sa akin.” Sumigaw naman ang mga lalaki bilang pagsuporta rito. Nakita ulit niyang tumatawa si Toni na nakatingin sa kanila.

“Don’t drink that.” Sinubukan niyang pigilin ang babae ngunit huli na. Ininom nito ang punch na nakalagay sa may lamesa. Hindi pa naman iyon ang juice na hinanda niya. “Why are you so careless?”

Nangasim ang mukha nito at nagtawanan ang mga kalalakihan sa ekspresyon nito. “Ano game?” panghahamon pa nito.

“Game!” Ininom na rin niya ang tequilla na nakalagay sa shot glass para pamarisan ang pag-inom nito. Hindi man niya alam kung part ba ito ng bluff ng babae kaya sinakyan na lang niya ito. “Shall we?” tanong niya rito habang nakaturo ang kamay sa nakahandang table. Sumenyas na rin kasi sa kanya ang floor director.

Sabay sana silang pupunta roon ngunit nauna na pala ang babae. Napailing at nakangiti na lang siyang sumunod doon. Tinawag na rin niya ang ilang mga bisita na gustong makalaro ang babae at naupo sila.

Hindi pa nagsisimula ang laro ay nakatitig na ang mga ito sa babae. Bahagya siyang napalunok at inayos ang pagkaka-upo.

Sa unang round ay smooth pa ang lahat ngunit wala siyang makitang emosyon o reaksyon mula rito. Hindi niya tuloy mahulaan kung anong hawak na card nito.

Nagsimulang mag-pass ang mga kasama nila nang mag-raise na ito. Naisip niyang madali lang para dito na mag-raise dahil chips naman na bigay niya ang gamit nito.

Dalawa na lang silang natira ni Roief nang umabot na sila sa final round o kung tawagin ay river. Sumigaw siya sa loob-loob niya nang makitang ilapag ni Roief ang pang limang card.

“Call,” sabi nito. Idinagdag nito ang queen of hearts sa nakahelerang 4 spades, 4 hearts, 6 hearts at 10 clubs.

“All in.” Nagbulungan na ang mga lalaking kasama nila na nakaupo. Napangiti siya, “flush card,” sabi niya at saka inilabas ang 5 hearts at ace heart na bubuo rito. Nakita niyang nagulat ang reaksyon ng babae at matagal siyang tinitigan nito. Nagdiwang na siya dahil alam na niya ang susunod na mangyayari. "Yesss!"

Kumbinsido na siya kaninang nanalo siya dahil sa ekspresyon nito kaya tatayo na sana siya pero hindi niya sukat akalaing pinasakay lang siya ng babae.

Nagsigawan na lang ang mga tao nang ipakita nito ang dalawang card nito. Hindi niya inasahan na 6 diamonds at 6 spades ang natitirang card nito. Nakagat niya ang labi sa pagkamangha, mas lalo siyang humanga sa babae sa husay nitong mag-bluff.

“Roi-ef! Roi-ef!” sigawan ng mga lalaki at napatayo na rin siya para batiin ito. Hindi pa rin siya makapaniwalang pinasakay siya nito. Ngayon ay kumbinsido na siya sa mga umiikot na balita dahil nasaksihan niya mismo ito.

“Bravo!” sabi niya rito habang pumapalakpak. Binati naman ito ng mga lalaki at nag-picture taking pa ang mga ito kasama ang babae. May nag-alok pa ng ilang shot sa babae at nakita niyang hindi na kaya ng babae ang sunod-sunod na pagtagay kaya umawat na siya.

“Tama na ‘wag n’yo na siyang painumin." Sakto namang tumingin sa kanyang direksyon ang babae at lumapit ito sa kanya. “Congratutalions!” bati niya rito. Umaasa siyang yakapin o makikipag-kamayan ito sa kanya ngunit natigalgal na lang siya nang bigla siyang sampalin nito.

“Remember the penalty?” nakangiting sabi nito. “Bakit hindi ko nararamdaman ‘yung kamay ko?” tanong pa nito na parang walang nangyari.

“Luluhod na ‘yan! Luluhod na ‘yan!” sigaw ng mga lalaking nakatingin sa kanila at naalala niya ang sinabi ng babae kanina. Binigyan niya ng matalim na titig ang mga nagsisigawan kaya tumahimik ang mga ito.

“Pwede bang mamaya na lang?” sabi niya nang biglang yumakap ito sa kanya. Hindi niya akalaing malambot ang puso nito.

Nakiliti pa siya dahil hindi niya inaasahan ‘yun ngunit nangasim na lang ang mukha niya nang maramdamang sumusuka na ito sa puting linen shirt niya.

“I’m sorry,” bulong nito habang nakakapit sa braso niya. Mabuti na lang at naalalayan niya ang likuran nito bago pa ito mawalan ng balanse.

Kinarga niya ang babae nang mapansing nag-black-out na ito at sinenyasan ang floor director bago tinungo ang lift.

“Tell Migs and the others sila na ang bahala sa closing ceremony,” utos niya kay Tony nang makitang nakasunod pala ito sa kanila.

Agad niyang hinubad ang suot na damit nang makarating sila sa pad niya. Kumuha na rin siya ng malamig na tubig at saka ibinabad ang hand towel doon bago ito pigain.

Isinalang niya ang paboritong jazz na ipinapatugtog niya tuwing may bisita siya. Sinindihan naman niya ang diffuser at pinatakan ito ng kaunting lavander essential oil para bumango ang silid.

Pagkatapos maligo ay inilipat niya sa bathtub ang babae para hugasan at mahimasmasan ito.

“Nasaan ako?” mayamaya ay tanong nito nang magkamalay.

“Hi! Good thing you’re awake. You’re at my place,” sagot niya. Tumalikod siya saglit para ikuha ito ng tuwalya. Pinahiga niya ito sa oval-shaped tub niya na may lamang ice para malamigan ang katawan nito.

"Bakit ka n*******d? Nasaan tayo?" tanong pa nito.

"Malamang sinukahan mo ako. Nandito tayo sa pad ko," nakangiting sagot niya. "Don't worry wala akong ginawa sa 'yo."

“Earl?” narinig niyang sabi ulit nito nang lumabas siya. Nagtaka naman siya dahil ipinakilala na niya ang sarili kanina sa babae ngunit ibang pangalan ang tinawag nito.

“Kung sino man ‘yan wala siya rito,” sagot niya.

Hinila niya ito at saka binalutan ng towel bago dalhin sa couch. Habang pinupunasan ang buhok nito ay nagasalita ulit ang babae.

“Tubig,” hiling nito kaya tumayo siya para kumuha ng malamig na tubig. Nakatitig pa rin ito sa kanya kaya nailang siya. Hindi normal para sa kanya na mailang sa titig ng isang babae pero tinalo siya nito kaya mataas ang tingin niya rito.

"Are you okay?" tanong niya rito para hindi maging awkward ang sitwasyon nila.

“Alam mo bang matagal na kitang gusto?” sabi nito pagkatapos nitong uminom ng tubig. Namula siya sa sinabi nito dahil hindi niya inasahan 'yun.

Hinawakan ng babae ang mukha niya at naramdaman niyang uminit ang tainga niya sa ginawa nito. Magkalapit masyado ang mga mukha nila kaya dumistansya siya rito ngunit sumandal pa ito sa kanya kaya nahulog sila sa carpet.

“Oo naman." Tumawa pa ito kaya lalong nailang siya. Hindi niya sukat akalaing may itinatagong pagtingin sa kanya ang dalaga.

Nakiliti siya lalo nang idinampi nito ang hintuturo sa labi at sinundan ang guhit ng bibig niya. Para siyang kinuryente sa ginawa nito at napalunok siya.

May taglay naman siyang kalandian ngunit tila naunahan siya ng babae kaya siya pa ngayon ang nailang. Alam niyang hindi ‘yun ang nature ng babae dahil tinanggihan nga siya nito kaya nagtataka siya sa ikinikilos nito.

“Alam kong hindi mo type ang katawan ko dahil hindi kalakihan ang dibdib ko ‘di gaya ng mga babaeng umaaligid sayo,” sabi pa nito.

“What? No. It’s not what you think.” Hindi siya makapaniwala sa pagtatapat nito. Alam niyang napapalibutan siya ng mga escort pero namimili siya base sa obserbasyon niya sa mga ito. Isa pa binabayaran lang naman niya ang mga babaeng ‘yun para pasayahin siya.

“Alam kong magkaiba ang mundo natin. Mayaman ka kaya nasanay kang tinitingala ng lahat. At alam kong hindi mo ako maiintindihan,” dagdag pa nito kaya napaawang ang bibig niya. Muli itong umupo sa couch at sinundan niya ito.

Natulala siya sa sinabi ng babae, hindi pa rin siya makapaniwala na may itinatago itong nararamdaman para sa kanya.

“That's news to me.” Napalunok na lang siya.

“Mahirap ba akong mahalin dahil pangit ako? Dahil flat chested ako?” sabi nito at saka umiyak. Napakagat siya sa labi dahil hindi niya inaasahang malaman ang insecurities nito.

“No. Shhh,” siya naman ngayon ang nagtapat ng hintuturo sa bibig ng babae. “You’re not ugly. You are beautiful, Roief. There's not a day I didn't think about you,” pinunas niya ang luha nito at muling nagtapat ang mga mata nila. Hindi niya maalis ang titig sa mga mata nitong punong-puno ng ekspresyon. “You just don’t see it dahil nakatingin ka sa iba. Honestly, Roief, you’re amazing. I didn't think I'll meet a woman like you.”

Tatayo na dapat siya para kumuha ng tissue nang hilain siya nito at magdikit ang mga labi nila.

Comments (3)
goodnovel comment avatar
Mary Mae Alingcotan
noice. looking forward for the next part
goodnovel comment avatar
Sa Fora
... cant wait for the next chapter
goodnovel comment avatar
Long-Live-Evie
Kaloka sila!
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • THE BILLIONAIRES HATER   Roief's POV: Positive

    Inis na iminulat ni Roief ang mga mata at padaskol na inalis ang kumot sa sariling katawan saka bumangon. Masakit sa tainga ang doorbell at pakiramdam niya ay binabarena ang ulo niya dahil dito. Nang makaramdam ng lamig ay agad niyang niyakap ang katawan at nagitla siya nang mapagtantong wala siyang saplot. Agad nagising ang kanyang diwa at napatayo siya mula sa malambot na kamang kinahihigaan na para ba siyang sinilaban. Nanlaki ang mga mata na naikot niya ang paningin sa paligid upang bigyang kahulugan kung nasaan siya at kung anong nangyari. “Shit! Shit!” Nasabunutan niya ang sarili dahil wala talaga siyang maalala kung ano man ang nangyari kagabi. Sumakit ang sentido niya nang mapatingin sa mga nagkalat na cosplay attire sa

    Last Updated : 2021-12-09
  • THE BILLIONAIRES HATER   The Call

    “Are you okay, kumusta ka na?” tanong nito sa kanya nang batiin niya ito. Dama niya ang pag-aalala sa tinig ng lalaki. "Gosh! Do you kmow how much I miss you?" “I’m sorry…” Hindi niya na napigilang mapahikbi nang marinig ang boses nito. Gusto man niyang pigilang 'wag maiyak ngunit inunahan siya ng lalamunan. Pumiyok siya nang muling magsalita at tuluyan na nga siyang humagulgol. Ang tanging kailangan niya lang ngayon ay karamay at si Earl lang ang makapagpaparamdam nito sa kanya. Parang ngayon lang niya naibuhos lahat ng kinikimkim kaninang bigat ng loob at paputol-putol ang pananalita niya. Tiniis niyang hindi kausapin ang lalaki dahil sa tampuhan nila buhat nang manggaling sila sa isla. Wala rin naman siyang mukhang maihaharap dito pagkatapos ng mangyari. “Why, what happened?” tanong nito sa kanya. Ngunit hindi siya makasagot dahil binabarahan iyon ng pag-iyak niya. “Please tell me you're fine,” sabi nito. "Did Pia talk to yo

    Last Updated : 2021-12-10
  • THE BILLIONAIRES HATER   Kidnapping

    Napamulat si Roief dahil nakatapat ang matinding liwanag ng araw sa kanyang mga mata. Iniwas niya ang mukha ngunit tuluyan siyang nagising dahil sa pakiramdam na parang binabarena ang ulo niya.Saglit siyang tumigil sa paggalaw at huminga ng malalim, hanggang sa humupa ng bahagya ang kirot. Dahan-dahan niyang inikot ang paningin sa silid at natigilan siya nang mapagtantong wala siya sa inuupahang apartment.Nasisiguro niyang wala siya sa silid ni Earl dahil sa pambabaeng tema ng mga kagamitan sa loob ng silid. Isa pa ay walang rehas ang bintana nila Earl. Napahawak na lang siya sa ulo nang maalala ang pagkahilo niya kanina. Malinaw pa sa ala-ala niyang may kausap siya nang may lalaking humatak sa kanya at may malanghap siyang masangsang na amoy.Bumilis ang pagtibok ng puso niya nang mapagtanto ang nangyari sa kanya. Bigla niyang kinapa ang katawan at nang makitang wala naman siyang pasa o anumang senyales na may ginawa sa kanya ay saka pa lang

    Last Updated : 2021-12-13
  • THE BILLIONAIRES HATER   Venus X

    Napatunayan ni Roief ang kasabihang sa una lang masaya ang lahat nang isang araw ay magising siyang matamlay at parang ayaw na niyang mabuhay. Masaya pa siya noong unang tatlong buwan niya sa villa dahil nakakakain siya ng maayos at hindi siya namomroblema sa pang araw-araw na gastusin. Ngunit tuwing iisipin niya ang lahat ng kapalit ng pamamalagi niya roon ay nanghihinayang siya. Malaking bagay sa kanya ang nawalang scholarship at mga opportunity na dapat sana ay matatamasa niya kung nakapagtapos lang siya. Labis din ang pag-aalala niya sa kapatid at kay Earl, paniguradong nag-aalala ang mga ito sa pagkawala niya. Kahit gusto niya sanang tawagan si Earl ay hindi niya alam ang numero ng telepono nito. Wala siyang makausap at palagi lang siyang mag-isang nanonood kaya para na siyang mababaliw. Nami-miss na niya ang kaibigan at ang kapatid. Maski na ang pag-aaral.Gusto na niyang makalabas doon at umuwi. Hindi na niya kaya ang lungkot sa bahay na iyon. Palaging busy ang

    Last Updated : 2021-12-15
  • THE BILLIONAIRES HATER   The Plan

    “I love you too!”Narinig ni Roief ang boses ng lalaki mula sa mga kumpol ng may katangkaran na halaman. Kasalukuyan niyang isinasara ang gate. Bumilis ang tibok ng puso niya nang gumalaw ang golden bush at may biglang tumayo roon. “Yes! Yes!”Patay-malisya siyang tumalikod at pahakbang na sana nang may biglang humablot sa braso niya. “Ma’am ano po ang ginagawa niyo rito sa labas? Saan po kayo pupunta?” sunod-sunod na tanong sa kanya ng isang lalaking naka-baby blue na polo shirt at khaki shorts. Sa unang tingin, akalain mong turista ito o pumapasyal lang sa beach sa malapit, hindi aakalain ng kahit na sino na isa itong guard sa villa. Base sa boses nito na medyo may kaba ng kaunti, ito ang lalaking naulinigan niya sa halamanan kanina lang."Magpapahangin lang ako."Pinagmasdan niya ang lalaki. Matangkad din ito tulad ng iba, pero mas bata ito kumpara sa guard na laging nakasuot ng maskara. Wala nga pala siyang nakita sa nakamaskara ngayong araw.Nang nakakita

    Last Updated : 2021-12-16
  • THE BILLIONAIRES HATER   ER

    Nataranta ang mga tao sa ER nang magpatawag bigla ang Director ng emergency meeting gawa nang may darating na VIP.“Makinig kayo! Darating ang babaeng nangngangalang Roief, inutos ito ng Chairman at assistant niya mismo ang tumawag para dito lunasan ang isang buntis na may concussion, hindi pa tiyak kung anong lagay ngunit kailangan niya ng immediate attention sa ICU. Dra. Nelia, Benny at Ana kayo ang aatasan ko sa babaeng ‘yun,” utos ng Director sa mga doktor na kaka-break pa lang. Mabilis namang sumunod ang mga ito at naghanda na.Katatapos lang magsalita ng Director nang dumating ang pamilyar na sasakyan at iniluwa nito ang isang lalaking may kanlong ang babaeng sugatan ang ulo.Agad na nilagay sa stretcher bed ang buntis at mabilis na rumisponde ang mga doktor.Matapos ang operasyon ay nagising din si Roief, hindi nga lang niya alam kung ilang araw na siyang nakaratay sa kama at namimigat ang ulo at masakit ang sugat ni

    Last Updated : 2021-12-17
  • THE BILLIONAIRES HATER   Comeback

    Apat na taon din ang lumipas buhat nang lisanin niya ang Langria at tapusin ang pag-aaral sa ibayong dagat. Hindi niya lubos akalaing maaabot din niya sa wakas ang pinapangarap na akala niya noon ay tatangayin na lang ng hangin.Hindi nga lang niya inasahan na mapapaaga ng isang taon ang pagbalik niya sa bansa. Kung maaari lamang ay ayaw pa sana niyang umuwi dahil hindi pa sapat ang apat na taon para maghilom ang sugat na dumurog sa pagkatao niya.Kahit pa malayo na ang narating ay hindi niya magawang tuluyang maging masaya. Pakiramdam niya ay mayroong butas sa pagkatao niya na hindi kailanman mapupunan.Mabigat man ang loob niyang muling umapak sa lupang nagpapaalala sa kanya ng pagkatao niya ngunit kailangan niyang sumunod sa napagkasunduan nila ni Don Armando.“Miss Levy?” sabi ng babaeng papalapit sa kanya nang mamataan siya nitong naglalakad sa arrival lobby. “Ikaw ba ito?” paniniguro nito at itinuro ang nasa litra

    Last Updated : 2021-12-18
  • THE BILLIONAIRES HATER   The Second Encounter

    “There is no easy way to say this Ren but after several tests, lumabas na nagtamo ng brain injury ang lolo mo, kaya comatose siya ngayon." sabi ng doktor at hinawakan nito ang balikat niya."Nasa ICU pa siya ngayon pero pwede rin naman siyang ilipat dito tutal may mga personal nurse naman na pwedeng mag asikaso sa kanya. Ang magagawa lang natin sa ngayon ay hintayin kung kailan siya ulit magigising,” paliwanag pa ng doktor. Inanyayahan siya nito sa VIP room para kausapin ukol sa concern sa Lolo niya. “Dahil sa malakas na impact ng pagkakauntog ng bungo niya specially sa frontal lobe ay naapektuhan ang utak niya,” dagdag pa nito habang itinuturo kung saan sa hawak na dummy skull ang parte na tinutukoy nito.“Pero magigising pa rin siya di ba?” sabat ni Yvette na nakatayo malapit sa pinto, hindi niya namalayan ang pagpasok nito at narinig pala nito ang usapan nila.Napakunot noo siya sa hindi inaasahang estado ng babae. Ang dating e

    Last Updated : 2021-12-19

Latest chapter

  • THE BILLIONAIRES HATER   The Scape Goat

    "Anong ginagawa mo rito?" Napalunok si Roief at kamuntikan pa niyang makagat ang sariling dila nang makita si Ren na nakatayo sa labas ng pinto."Sinabi sa akin ni Rosa na nandito ka raw sa library, I just didn't expect Dr. Farrah to be here." Sabi ni Ren habang nakatitig pa rin sa mga mata nya. "You two appear to be familiar with one another," dagdag pa nito na ikinabalaha ng dalawa.Bago pa sumagot ay tinitigan ni Roief ng mariin ang doktora. "Magkakilala na kami noon pa ni dok, ipinakilala siya sakin ng isang kaibigan." "Let's grab a coffee soon. It's good to see you once more Levy," agad namang sabat ng doktora at nagpalitan ng yakap ang dalawa. "Dok." Singit naman ni Ren na nagpaangat sa kilay niya. "Can I have a moment with you?" dugtong pa nito at agad naman itong sinundan ng doktora.Napakagat sa labi si Roief nang makitang bumuka ang bibig ni Ren. Hindi niya marinig ang pinag-uusapan ng dalawa dahil nagbubulungan ang mga ito. Ngayon lang niya napansin na namawis ang palad n

  • THE BILLIONAIRES HATER   Confession

    "Doctora Farrah?" hindi makapaniwalang nasambit ni Roief nang makita ang babaeng psychologist na tumingin sa kanya noon."How have you been? I can't believe it's really you. What are you doing here by the way?" Niyakap siya ni Dra. Farrah at hindi maalis sa mukha nito ang pagkamangha. "You've changed so much! Look at you, muntik na kitang hindi mamukhaan.""Ito alive and kicking dok. Ako nga rin dok nagdalawang isip po ako parang mas bumata po kayo," biro niya rito at nagtawanan naman sila. "For now I am living as Levy. Long story dok," sabi niya at mukhang naintindihan naman agad ito ng babae."I see. Would you like to share?" pabulong na tanong nito sa kanya habang nakatakip ang kamay nito sa bibig."M

  • THE BILLIONAIRES HATER   Encounter

    "You stay with ate Rosa, Mommy will go downstairs for a while," pakiusap ni Roief kay Luigi. Mabuti na lang at pumayag ito kaya mabilis niyang kinuha ang papel na itinago sa bag at bumaba.. "Good morning!" bati sa kanya ni Earl pagkalabas niya pa lang sa gate. "Good morning! Ito pala 'yung sinasabi ko." Itinaas niya ang papel na naglalaman ng buhok ni Luigi at buhok niya. "Pasensya na pumunta ka pa rito. Hindi kasi ako papasok ngayon dahil may sinat 'yung bata kaya hindi ako makalalabas." "Anything for you," nakangiting sagot nito. "Wala kang pasok ngayon? Sinong bata?" nagtatakang tanong nito. Sumandal ito sa harapan ng sasakyan at inilagay sa ziplock ang inabot niyang papel. "May sakit kasi si Luigi,

  • THE BILLIONAIRES HATER   Suspicion

    Nagulat si Roief nang kaumagahan dahil ngayon lang niya ulit nakasabayan si Yvette na mag-agahan. Habang magtitimpla ng kape ay hindi pa rin mawala sa isip ang sinabi sa kanya ni Ren. Hindi niya alam kung seryoso ito sa sinabi o niloloko lang siya nitong kahawig niya ang taong minahal nito. "Hindi pa ba gising ang mag-ama?" tanong ni Nanay Maggie nang ilapag nito ang toast sa tabi ng kape niya. "Napuyat po 'yung isa kagabi. Hinika kasi si Luigi," sagot niya rito. "Nagtatabi na pala kayo ni Ren? Since when?" tanong bigla ni Yvette na ikinabigla nilang dalawa ni Nanay Maggie. "Hindi naman sa ganun, si Luigi kasi nilalagnat. Alam mo naman 'yung

  • THE BILLIONAIRES HATER   The Apology

    Parang natunaw ang puso ni Roief nang makita si Luigi na umiiyak habang tumatakbo papunta sa kanya. Napakunot noo siya dahil may nakatapal ding cool fever sa noo nito "Kanina pang umaga 'yan may lagnat, ayaw magpaawat. Hintayin ka raw namin kaya hindi pa s'ya natutulog," paliwanag agad ni Ren. Tinitigan lang niya si Ren ngunit mabilis namang niyakap niya si Luigi at naramdaman nga niyang mainit ito. "What took you so long, Mommy? I haven't seen you all day," tanong pa sa kanya nito na parang nagtatampo. Pinakiramdaman niya ang noo nito at mainit pa nga ito. Kinarga naman niya agad ito at naglakad na paakyat ng hagdan. "I'm sorry, I didn't know you're sick," sabi niya rito at hinalikan ang noo nito. Parang ay

  • THE BILLIONAIRES HATER   The Big News

    Hindi alam ni Roief ang gagawin nang lumapit si Earl sa kanya at makita ito ni Ren. “Hi,” tipid na bati niya sa lalaki nang i-beso siya nito sa harapan ng boss. “May date ka pala?” tanong ni Ren sa kanya habang sinusuri ng mga mata nito ang lalaking lumapit sa kanya. Hindi agad siya nakapagsalita dahil inunahan siya ni Earl. “Hi! I’m Earl,” pagpapakilala ng lalaki sa sarili. Nakangiti nitong inilahad ang kamay kay Ren at inabot naman ng boss niya ang kamay nito. Kita niyang mahigpit na nagkamayan ang mga ito. “Ren,” sagot naman ng boss niya at saka siya binalingan nito. “Hindi ko alam na may lakad ka pala, sana sinabi mo ng mas maaga para nalaman ko.”

  • THE BILLIONAIRES HATER   The Rival

    “Anong ibig sabihin ng mga ipinadala mong litrato?” tanong ni Roief kay Earl nang tawagan niya ito. Hindi kasi niya maintindihan kung bakit ito biglang nagpadala ng litrato ng sanggol sa kanya. “Bakit ngayon ka lang?” tanong agad nito sa kanya. Mukhang tumatakbo ang lalaki kaya pinakiramdaman niya ang kausap. “Sorry, hindi ako nakarating at hindi man lang kita nasabihan na hindi ako matutuloy. Naiwan ko kasi ‘tong phone kaya ngayon lang ako nag-open. Are you okay?” Hindi niya maiwasang mag-alala para sa lalaki dahil parang kinakapos ito ng hininga. “I have a very important news to tell you. I just need to hang up right now,” sabi ni Earl. “Wait, please tell me you’re ok

  • THE BILLIONAIRES HATER   Unexpected News

    Sa ginawa ng lalaking muling paggawad ng halik sa labi ni Roief ay hindi napigilan ng babaeng itulak ito. Pinunasan niya ang labi at tinitigan ng masama ang lalaki, “get out!” malakas na sabi niya. Itinuro niya ang pinto para lumabas ang lalaki. Hindi niya alam kung papaano pa sila maghaharap mamaya nito. “I’m sorry,” tanging nasabi lang nito at saka mabilis na lumabas. Napahawak siya sa batok at hinaplos ‘yun dahil sa naramdaman niya kaninang dumaloy na maliliit na boltahe ng kuryente sa parteng ‘yun. Kung bakit naman kasi bigla siyang halikan nito, kamuntikan tuloy siyang mawala sa sarili. Ang malambot na labi nito at ang paghawak pa lang nito sa katawan niya ay sapat na para mawala siya sa katinuan. Mabuti na lang at naalala niya si Leila kaya hindi siya nagpadala sa mapang-akit at pangahas na halik nito. “Bwisit.” Gusto niyang alisin ang bakas ng halik nito sa kanyang bibig kaya nagsipilyo siya. Pagkatapos magpalit ay nagmadali siy

  • THE BILLIONAIRES HATER   Shower Room

    Masakit ang ulo ni Roief na bumangon dahil pinilit siya nila Rosa na uminom ng wine kagabi. Nagising siya gawa nang may dumagan at pumisil sa kanyang d****b na akala niya ay si Luigi. Aalisin niya sana ang kamay nito ngunit napamulat siya nang maramdaman na may umumbok sa may puwetan niya kaya napatalikod siya. Nanlaki ang mga mata niya nang mapagsino ang katabi at natadyakan niya ito. Sumama naman ang nakapulupot na kumot dito at kumalabog ito nang mahulog sa sahig. Mabilis na inikot niya ang mga mata at nakitang nasa loob naman siya ng kanyang silid. “Bastos ka! Bakit nandito ka na naman?” naisigaw niya sa inis. Mabilis na ch-in-eck ang pang-ibaba kung may namagitan ba sa kanila ng lalaki at nakahinga lang siya ng maayos nang makitang maayos ang damit at suot pa naman ng lalaki ang damit nito.

DMCA.com Protection Status