Gayunpaman, hindi na masyadong inisip ni Klaire ang bagay na ‘yon at tumango na lamang bilang pagsang-ayon. Ilang saglit pa ay pumasok muli si Luke sa lounge na may dalang pagkain. “Boss, hindi po kayo kumain ng breakfast kanina. Nagluto ang chef sa bahay ng lugaw at pinadala dito. Kumain na ‘ho kayo.” Tamad na sumagot si Alejandro. “Ayoko niyan. I don’t have an appetite.”Nang marinig ang lalaki ay kumunot ang noo ni Klaire. “You’re not feeling well. Mas magiging maayos ang pakiramdam mo kung malalamanan nang mainit ang tiyan mo.” Umiling lamang si Alejandro. Kinuha ni Klaire ang mga gamot sa kaniyang bag. “Take this. Mga gamot ‘to na pampababa ng lagnat. Formulated ng boss ko. Mas effective ‘yan at walang side effect. Pero kailangan mong kumain muna bago ka uminom nito.”Sumimangot naman si Alejandro, halatang medyo hindi nasisiyahan, ngunit pagkaraan ng ilang segundo, sinabi pa rin niya, "Ilagay mo na lang diyan."Klaire pressed her lips together. Mataman siyang nakatingin sa l
“W-Why would I be scared?” depensa ni Klaire, pilit na hindi pinapansin ang pagwawala ng kaniyang puso sa mga oras na ‘yon. “Then be a helping hand,” hamon ni Alejandro at saka itinaas ang kamay na may injured. “Dahil dito kaya hindi ako makaligo.” Sa huli ay tumango si Klaire. Hindi na lang niya papansinin ang nanunubok na mga mata at boses ng lalaki. Gagawin na lang niya ang dapat niyang gawin pagkatapos ay aalis na siya!“Fine,” mariin niyang sabi. May multong ngiti sa labi ni Alejandro nang tumalikod ito at bumalik sa banyo. Lakas-loob na sumunod si Klaire sa kaniya. Nang makapasok sa magarbong banyo ay napaawang ang kaniyang labi. Animo’y parang hari ang dating ng lalaki dahil sa disenyo ng banyong ‘yon. Halos lahat ng bagay doon ay tila gawa sa ginto. “Since you mentioned that it’s not good for me to take a bath while I have a fever, I’ll just wipe my body,” ani Alejandro. “Sige, ipaghahanda na lang kita ng maligamgam na tubig at towel,” sabi naman ni Klaire na pilit na ki
Mabilis lumipas ang oras sa research institute, bago pa man matanto ni Klaire, inabot na sila ng gabi sa paggawa ng mga bagong perfume formula. Nang sa wakas ay matapos ay nakahinga siya nang maluwag at kinusot ang kaniyang mga mata. Ramdam niya ang pagod sa buong maghapon. Nananakit na rin ang kaniyang balikat at batok. She stretched her arms and craned her neck a bit. Hindi nagtagal ay nagpalit na rin siya ng damit. Kailangan pa niyang balikan si Alejandro para palitan ang dressing ng sugat nito. “Klaire, tara! Sabay na tayo umuwi,” yaya sa kaniya ni Annie na paalis na ng lab. “You can go ahead, Annie. May pupuntahan pa ako,” sagot niya at nginitian ang kaibigan. “Oh, okay. Kaya pala bihis na bihis ka,” natatawang komento ni Annie. “Client ba?”Napairap si Klaire dahil sa gawi ng paninitig sa kaniya ni Annie. Tila ba nanunukso pa ito. “Yes, client. Mag-ingat ka pag-uwi. See you tomorrow!” “See you. Ingat ka sa client mo,” nakangiting sabi ni Annie at saka kinindatan siya bago
Nang marinig ni Melissa ang sinabi ni Feliz ay nilingon niya ito. Kunot-noo ang ginang at tiningnan siya mula ulo hanggang paa. “And who are you?” tanong ni Melissa. Maging si Carmina na nasa tabi nito ay hindi siya kilala. “Actually, dear. Ang mysterious doctor na ang may last say sa ganitong bagay, hindi ikaw.”Nakuyom ni Feliz ang kaniyang kamay. Alam niya kung ano’ng ginawa ng tatlong babaeng ‘yon kay Klaire kaya hindi niya papayagan ang mga ito na gamitin ang kaibigan niya para sa pansarili nilang kapakanan!“Sorry to burst your bubble, Mrs. De Guzman. May last say din ako sa bagay na ito dahil best friend ko at kasosyo ko sa kumpanya ko ang doktor na hinahanap niyo. She is only here because of our friendship. Pero kung para sa babaeng ‘yan?” Malamig ang kaniyang mga mata nang sulyapan si Sophia at ang binto nito. “Walang obligasyon ang kaibigan ko na gamutin siya. Sana naiintindihan niyo ‘yon.”Hindi maganda sa pandinig ni Sophia ang mga sinabing ‘yon ni Feliz. Naramdam ito n
Nakatuon ang lahat ng atensyon kay Alejandro. Lahat ng ito ay naghihintay ng kaniyang desisyon. Malamig ang mga mata nito nang pagmasdan ang kaniyang ina na si Melissa, na kasalukuyang nag-aalboroto sa galit. He knew Feliz Santos’s words were serious. Gayunpaman ay iisa lang ang magiging sagot niya sa bagay na ‘yon.Palaban na nagtaas ng kilay si Feliz habang nakahalukipkip. Hindi niya alam na hahantong sa gano’n ang sitwasyon. Dapat ay naghihintay siya sa paglabas ni Klaire sa operating room at ang magandang balita na ligtas na ang kaniyang Mommy, pero talagang nandoon ang mga taong sisira ng araw niya at ng best friend niya. Nagpamulsa si Alejandro. “No, I won’t cancel the contract with their company.” Mas lalong namula sa galit si Melissa at sumigaw, “Alejandro!!”Pagod na binalingan ng tingin ni Alejandro ang kaniyang ina. Hindi na niya maintindihan kung bakit at gano’n na lang kainit ang dugo nito sa kumpanyang pinagtatrabahuhan ni Klaire. Wala naman ‘yong kinalaman sa nakaraa
Feliz didn’t know that Alejandro could be so persistent. Napalunok siya at napatingin sa operating room. Iilang mga nurse na ang nalabas mula doon. Nagsisimula na siyang mabalisa. Paano na lang kung lumabas din si Klaire mula doon? Panigurado ay mabibisto ito nang mga Fuentabella at De Guzman! “It’s up to you,” wika niya kay Alejandro, pilit na tinatago ang pangamba sa kaniyang puso. Nang may makitang pamilyar na lalaking doktor na isa sa mga nag-assist kay Klaire sa operation ay mabilis na gumalaw si Feliz. “Doctor Alex!” bulalas niya at lumapit sa doktor. “How’s the operation?” Nagtanggal ng surgical mask ang doktor at sinabing, “It was succesful, Feliz. Ligtas na ang Mommy mo.” Halos mapaiyak si Feliz nang marinig ‘yon. Maging ang kaniyang pamilya ay tuwang-tuwa sa balitang ito. Napakagaling talaga ni Klaire! Nang makalma sa halu-halong emosyon ay binulungan niya ang kakilalang doktor. “Nasaan si Klaire?”“Pumunta siya sa locker area para magpalit ng damit.” “Alex, kapag ti
Nang makita ni Melissa ang kanyang anak na papalapit sa kanila, agad siyang nakakuha ng kumpiyansa na ihagis ang kahihiyan Klaire.“Ali, have you heard what this uneducated woman just said? She is really a gold digger!” bulalas ni Melissa.Ibinaling din ni Klaire ang kanyang tingin kay Alejandro. Sa isip niya ay hindi niya maintindihan kung ano’ng ginagawa ni Alejandro sa ospital sa mga oras na ‘yon. Dahil ba kay Sophia kaya nagpunta siya rito? Sa pag-iisip ng posibilidad na ito, unti-unting nakaramdam ng lungkot si Klaire. Ang sabi ng lalaki ay wala silang relasyon ni Sophia, hindi ba? Nagsisinungaling lang ba ito? Agad na nanumbalik ang poot sa dibdib niya. Ilang araw din niyang hinayaan ang sarili na maguluhan dahil sa mga magagandang bagay na pinapakita ni Alejandro, pero hindi na siya magpapalokong muli!Hindi napigilan ni Klaire na ibuka ang kanyang bibig at nanunuya, “So, Mr. Fuentabella is here to stand by his fiancee’s side, I see.” Tumango siya at saka sarkastikong tumawa
Nagmamadaling tumakbo palapit kay Klaire ang kambal nang makauwi siya sa villa. Her two little angels hugged her legs that brought a smile to her face. “Mommy, are you tired? Uminom ka po muna ng tubig,” sabi ni Nico na sinapuso ang mga paalala ng kuyang si Clayton sa kung ano ang dapat gawin sa tuwing uuwi ang kanilang Mommy galing sa ospital. Inabot din ni Natasha ang maliit na notebook at nagsulat. [Mommy, you had a tough day. Would you like to rest upstairs?]“Yes, Mommy. Callie is right. Baka po naubos ang lakas niyo sa operasyon. Kumain ka po muna para magka-energy ka at saka magpahinga, Mommy…” Pinagmasdan niya ang dalawang anak, na halatang nag-aalala sa kaniya. Masama man ang naging araw niya ay nililibang ng mga ito ang puso niya, kaya naman natunaw ang kanina pa niya kinikimkim na galit.Agad na lumuhod si Klaire at niyakap ang dalawang bata, hinawakan sila nanng mahigpit na parang mga kayamanan.Mabuti na lang ay may dalawa siyang anghel na palaging nauuwian. Hindi s