Nang makita ni Melissa ang kanyang anak na papalapit sa kanila, agad siyang nakakuha ng kumpiyansa na ihagis ang kahihiyan Klaire.“Ali, have you heard what this uneducated woman just said? She is really a gold digger!” bulalas ni Melissa.Ibinaling din ni Klaire ang kanyang tingin kay Alejandro. Sa isip niya ay hindi niya maintindihan kung ano’ng ginagawa ni Alejandro sa ospital sa mga oras na ‘yon. Dahil ba kay Sophia kaya nagpunta siya rito? Sa pag-iisip ng posibilidad na ito, unti-unting nakaramdam ng lungkot si Klaire. Ang sabi ng lalaki ay wala silang relasyon ni Sophia, hindi ba? Nagsisinungaling lang ba ito? Agad na nanumbalik ang poot sa dibdib niya. Ilang araw din niyang hinayaan ang sarili na maguluhan dahil sa mga magagandang bagay na pinapakita ni Alejandro, pero hindi na siya magpapalokong muli!Hindi napigilan ni Klaire na ibuka ang kanyang bibig at nanunuya, “So, Mr. Fuentabella is here to stand by his fiancee’s side, I see.” Tumango siya at saka sarkastikong tumawa
Nagmamadaling tumakbo palapit kay Klaire ang kambal nang makauwi siya sa villa. Her two little angels hugged her legs that brought a smile to her face. “Mommy, are you tired? Uminom ka po muna ng tubig,” sabi ni Nico na sinapuso ang mga paalala ng kuyang si Clayton sa kung ano ang dapat gawin sa tuwing uuwi ang kanilang Mommy galing sa ospital. Inabot din ni Natasha ang maliit na notebook at nagsulat. [Mommy, you had a tough day. Would you like to rest upstairs?]“Yes, Mommy. Callie is right. Baka po naubos ang lakas niyo sa operasyon. Kumain ka po muna para magka-energy ka at saka magpahinga, Mommy…” Pinagmasdan niya ang dalawang anak, na halatang nag-aalala sa kaniya. Masama man ang naging araw niya ay nililibang ng mga ito ang puso niya, kaya naman natunaw ang kanina pa niya kinikimkim na galit.Agad na lumuhod si Klaire at niyakap ang dalawang bata, hinawakan sila nanng mahigpit na parang mga kayamanan.Mabuti na lang ay may dalawa siyang anghel na palaging nauuwian. Hindi s
Sa susunod na mga araw, bukod sa bahay, ay sa research institute ginugol ni Klaire ang kaniyang atensyon. Her life was simple, though she could feel the unknown dullness in it for some unknown reason. Hindi siya pumupunta sa kumpanya at wala nang karagdagang pakikipag-ugnayan kay Alejandro o sa kumpanya nito. Ilang beses lamang niyang narinig ang pangalan ng kumpanya nito sa tuwing magpapasok ng mga high-end ingredients sa institute na kinakailangan para sa pagbuo ng mga bagong perfume formula. Samantala, ilang araw nang lulong sa alak si Alejandro. Gumigising ito na may hangover at pumapasok sa trabaho pagkatapos. That was his daily routine. Wala siyang naging balita kay Klaire. Ni hindi rin niya binabanggit pa ang pangalan nito o hinahanap ang presensya nito. Gusto na lamang niya kalimutan ang nangyari noong nagdaang araw dahil na rin iyon ang mas makakabuti sa babae… Bagama’t subsob sa trabaho, mas lalong kinatakutan ng mga empleyado si Alejandro. Kumpara noon ay tila ba mas na
Ilang araw nang subsob sa trabaho si Klaire. She spent her time in the research lab making new perfume formulas. Tanging ang research institute at bahay ang araw-araw na pinupuntahan at inuuwian niya. Hindi na siya pumunta ng kumpanya o kahit saan pagkatapos noong nangyari sa ospital, at sinusubukan na rin niyang kalimutan ang mga nangyari.“Klaire, alam kong buhay mo ang pagbuo ng mga bagong formula pero sana hindi mo inaabuso ang katawan mo, ha? You haven’t rested in the past few days. Magpahinga ka muna kaya?” ani Feliz. Nagsimulang mag-alala ang kaibigan niya sa kaniya. May pagkapraning din kasi si Feliz at iniisip na inaabuso niya ang sarili niya kapag buong araw siyang nasa research lab. Marahan nitong inagaw ang notebook kung saan niya sinusulat ang bagong ingredients na ginamit niya para sa bagong formula na binubuo niya. “Oh, akala ko ba busy ka sa kumpanya? Why are you here?” natatawang tanong ni Feliz at saka hinubad ang suot na reading glass. Umirap si Feliz at pumameyw
Ano?? Nang marinig nina Clayton at Callie iyon, agad silang kinabahan. Paano na lang kung aksidenteng magkita-kita sila ng kanilang mga kambal doon, edi mabibisto na ang tinatago nilang sekreto! Paano nila iyon ipapaliwanag sa Mommy at Daddy nila?Nagkatinginan ang kambal at agad na hinawakan ang kanilang Daddy upang pigilan siya.“There’s no need for you to go with us, Daddy. Alam po namin na busy ka sa work. Ano na lang po ang mangyayari sa company kung wala ka po? Besides, sasamahan naman po kami ni Tito Ivan kaya ayos na po sa amin ‘yon,” paliwanag ni Clayton, umaasang makakalusot at makukumbinsi ang Daddy nila. Nag-aalala din si Callie, kaya tumabi lang siya at tumango, saka umiling kay Alejandro, na puno ng pagtanggi ang mukha.Napakurap si Alejandro, hindi inaasahan na tatanggihan siya ng mga anak. Sumeryoso ang tingin niya sa ang dalawa na halatang kinakabahan at balisa. Naningkit ang kaniyang mga mata. “Tell me, may tinatago ba kayo sa akin?”“N-Nothing, Daddy. Wala po!” I
Hindi na namalayan ni Klaire ang oras. Mag-a-alas sais na pala ng gabi at papalubog na rin ang araw. Ang banayad na ihip ng malamig hangin ay nagdulot ng kaginhawaan sa kaniyang mukha. Habang naglalakad ang mag-i-ina ay nadaanan nila ang isang horror house. Biglang nagliwanag ang mga mata ni Nico ng makita ito. Gusto niya ‘yong subukan kahit wala iyon sa listahan ng mga susubukan nila sa Enchanted Kingdom. Naisip na hindi naman siguro papasukin iyon ng kanilang ibang kambal at ng Daddy nila. They knew their Daddy came along with their other twins. Sa pagkakaalam niya sa ugali ng isang Alejandro Fuentabella, hindi ito mahilig sa mga horror event o haunted house. Sa pag-iisip nito ay hinila ni Nico ang kamay ng kanilang Mommy. “Mommy, I want to try that one po! Pasok po tayo doon!”Punung-puno ng excitement ang mga mata ni Nico. He was really eager to go inside the horror house! Kuryoso namang tumingin sa kaniya si Natasha bago balingan ang horror house. May nakakatakot na mga disen
Natigilan si Klaire nang marinig ang malalim na boses ng isang lalaki. Medyo hindi pa rin siya nakaka-recover dahil sa takot pero matapang siyang nag-angat ng tingin sa lalaking humila sa kaniya. Her eyes widened when she saw Alejandro. Agad na naghuramentado ang puso niya sa pagkakataong ‘yon, naguguluhan kung bakit naroon sa lugar na ‘yon ang dati niyang asawa. “Are you real?” Kumunot ang noo niya at saka tinapik ang pisngi ni Alejandro. Hinawakan ni Alejandro ang kamay niyang nakahawak sa kaniyang pisngi. Nagdulot iyon ng kung ano’ng init sa kaniyang mukha. “Didn’t you say that you no longer want to be involved with me? Anong ginagawa mo, Klaire?”Napaawang ang mga labi ni Klaire, hindi makapaniwala na talagang nasa harapan niya si Alejandro Fuentabella. Mabilis siyang lumayo sa lalaki at mapang-akusa itong pinagmasdan. “What are you doing here?” maldita niyang tanong dito. “Why can’t I be here?” mariin at nanunubok na ganting tanong ni Alejandro, nagtaas ng kilay at saka hum
Nag-iwas si Klaire ng tingin. Naisip niya na kaya naroon si Alejandro ay baka dahil nilabas nito ang pamilya niya ngayong Sabado. He would definitely go to such places, knowing he has kids… just like her. “Narito ka kasama ang family mo, ‘di ba? Wouldn’t it be bad if they saw us?” naiilang niyang sabi. Noong bumalik siya sa Pilipinas, ang balitang may pamilya na ito—dalawang anak—ang unang bumungad sa kaniya. It was unexpected news but she already saw it coming. Hindi malaman ni Klaire kung bakit nagdulot ng sakit sa kaniyang puso ang naisip na ‘yon. Alejandro didn’t say anything. Alam niya sa sarili niyang tama si Klaire. Hindi sila pwedeng makita ng mga anak niya na magkasama. Kapag nalaman ng mga anak niya na buhay pa ang Mommy nila ay baka hanap-hanapin ng mga ito ang presensya ni Klaire. They had a rough patch. Hindi madali kung hihingiin iyon ng mga anak niya sa kaniya. Sa pag-iisip niyon ay binaba ni Alejandro si Klaire. Blangko ang kaniyang mukha at malamig ang ekspresyon