Hindi na namalayan ni Klaire ang oras. Mag-a-alas sais na pala ng gabi at papalubog na rin ang araw. Ang banayad na ihip ng malamig hangin ay nagdulot ng kaginhawaan sa kaniyang mukha. Habang naglalakad ang mag-i-ina ay nadaanan nila ang isang horror house. Biglang nagliwanag ang mga mata ni Nico ng makita ito. Gusto niya ‘yong subukan kahit wala iyon sa listahan ng mga susubukan nila sa Enchanted Kingdom. Naisip na hindi naman siguro papasukin iyon ng kanilang ibang kambal at ng Daddy nila. They knew their Daddy came along with their other twins. Sa pagkakaalam niya sa ugali ng isang Alejandro Fuentabella, hindi ito mahilig sa mga horror event o haunted house. Sa pag-iisip nito ay hinila ni Nico ang kamay ng kanilang Mommy. “Mommy, I want to try that one po! Pasok po tayo doon!”Punung-puno ng excitement ang mga mata ni Nico. He was really eager to go inside the horror house! Kuryoso namang tumingin sa kaniya si Natasha bago balingan ang horror house. May nakakatakot na mga disen
Natigilan si Klaire nang marinig ang malalim na boses ng isang lalaki. Medyo hindi pa rin siya nakaka-recover dahil sa takot pero matapang siyang nag-angat ng tingin sa lalaking humila sa kaniya. Her eyes widened when she saw Alejandro. Agad na naghuramentado ang puso niya sa pagkakataong ‘yon, naguguluhan kung bakit naroon sa lugar na ‘yon ang dati niyang asawa. “Are you real?” Kumunot ang noo niya at saka tinapik ang pisngi ni Alejandro. Hinawakan ni Alejandro ang kamay niyang nakahawak sa kaniyang pisngi. Nagdulot iyon ng kung ano’ng init sa kaniyang mukha. “Didn’t you say that you no longer want to be involved with me? Anong ginagawa mo, Klaire?”Napaawang ang mga labi ni Klaire, hindi makapaniwala na talagang nasa harapan niya si Alejandro Fuentabella. Mabilis siyang lumayo sa lalaki at mapang-akusa itong pinagmasdan. “What are you doing here?” maldita niyang tanong dito. “Why can’t I be here?” mariin at nanunubok na ganting tanong ni Alejandro, nagtaas ng kilay at saka hum
Nag-iwas si Klaire ng tingin. Naisip niya na kaya naroon si Alejandro ay baka dahil nilabas nito ang pamilya niya ngayong Sabado. He would definitely go to such places, knowing he has kids… just like her. “Narito ka kasama ang family mo, ‘di ba? Wouldn’t it be bad if they saw us?” naiilang niyang sabi. Noong bumalik siya sa Pilipinas, ang balitang may pamilya na ito—dalawang anak—ang unang bumungad sa kaniya. It was unexpected news but she already saw it coming. Hindi malaman ni Klaire kung bakit nagdulot ng sakit sa kaniyang puso ang naisip na ‘yon. Alejandro didn’t say anything. Alam niya sa sarili niyang tama si Klaire. Hindi sila pwedeng makita ng mga anak niya na magkasama. Kapag nalaman ng mga anak niya na buhay pa ang Mommy nila ay baka hanap-hanapin ng mga ito ang presensya ni Klaire. They had a rough patch. Hindi madali kung hihingiin iyon ng mga anak niya sa kaniya. Sa pag-iisip niyon ay binaba ni Alejandro si Klaire. Blangko ang kaniyang mukha at malamig ang ekspresyon
Pasado alas syete ng gabi, tinawagan ni Klaire ang anak habang nakatayo siya sa entrance ng cinema. “Baby, I’m already here. Nasaan na kayo?” tanong niya sa anak. “Mommy, nagutom po si Callie kaya po nag-dinner po kami saglit. Pasok na po kayo sa loob at hintayin kami,” ani Nico. “Okay, bilisan niyo ha. Nakabili na ako ng ticket ko.” Walang kahit anong pagdududa si Klaire at sinunod na lang ang utos ng anak. Kinuha niya ang bucket ng pop corn na binili niya at saka pumasok na sa loob ng cinema. Ilang saglit pa ay nagsimula nang umere ang movie na gusto raw panoorin ni Callie. Mabilis na nahanap ni Klaire ang mga upuan na para sa kanila. Naupo siya doon at inayos ang drinks at popcorn para sa kanilang tatlo. A few minutes later, someone came and sat next to her. Ang akala niya ay sina Clayton na iyon pero laking gulat niya nang makita na si Alejandro ang umupo sa tabi niya. Her eyes widened in shock. Nagkatinginan sila ni Alejandro at halata sa mga mata ng lalaki na nagulat din
“Ano ba ‘yan? Kung maglalampungan lang naman kayo rito bakit hindi na lang kayo umuwi?” “Oo nga. Nakakaistorbo kayo ibang nanonood!” Namula lalo ang mga pisngi ni Klaire. Dahil nga nakakandong siya kay Alejandro ay nahaharangan niya ang screen para sa mga taong nasa itaas na row. Nahihiya siyang umalis sa kandungan ni Alejandro pero mabilis na nagdilim ang movie screen dahilan para matisod na naman siya. Mabuti na lamang ay mabilis ang mga kamay ni Alejandro para masalo siya. She fell back onto his lap. Ang kaniyang kamay ay nasa bandang torso na ni Alejandro. Naramdaman iyon ni Alejandro, dahilan para ma-tense ang kaniyang mga muscle sa ibabang parte ng kaniyang katawan. Kinuha niya ang kamay ni Klaire at inalis ‘yon sa pwesto nito. Nagtagis ang kaniyang bagang at mabilis na hinigit palapit si Klaire. “Tsinatsansingan mo ba ako?” Naghuramentado ang puso ni Klaire. “Ano’ng sinasabi mo? Bakit ko naman gagawin ‘yon?”Ipinikit ni Alejandro ang kaniyang mga mata, pilit na kinakalma
Hindi makapaniwala si Klaire habang iniisip ang mga nangyari. Una, nagkita sila ni Alejandro sa horror house at pagkatapos ay magkatabing nanood ng movie. Ngayon naman ay ihahatid pa siya nito sa bahay. Para bang isang set up ang lahat ng ito, at wala siyang naging kawala. Napangiti siya sa naisip na ‘yon… Maya-maya pa ay naramdaman na niya ang matinding pagod. Paano ba naman ay ilang rides din ang sinakyan nila ng mga anak niya. Matinding lakaran ang naganap sa amusement park na ‘yon. At ang ulan… tila ba dinuduyan siya ng tunog niyon. Klaire felt completely comfortable in her seat. Sinandal niya ang kaniyang ulo sa bintana at pinikit ang mga mata, hanggang sa tuluyan na siyang makatulog. Samantala, tinuon naman ni Alejandro ang atensyon sa kaniyang phone. He checked some emails and texts from Ivan. Ilang saglit pa ay napansin niya ang pagkatahimik ni Klaire sa tabi niya. Susulyapan na sana niya ito, ngunit naramdaman niya ang ulo nito na sumandal sa kaniyang balikat. Her soft h
Halos isang buwan ang mabilis na lumipas… Isang umaga, habang nag-aasikaso papasok ng trabaho ay nakatanggap ng tawag si Klaire mula kay Don Armando Fuentabella. Giliw na giliw ang matanda habang kausap siya. Hindi mawala ang ngiti sa kaniyang labi lalo na’t matagal na rin silang hindi nakakapag-usap ng kaniyang ex-father-in-law. “Hija, mukhang masyado ka nang nagiging abala sa trabaho ngayon. You should visit me when you have available time. We can have dinner here in my mansion. Marami akong gustong ikwento sa iyo,” masayang saad ni Don Armando. “Naku po, pasensya na kung hindi po ako nakakadalaw diyan, Don Armando. Medyo busy din po ako ngayon sa trabaho. How’s your condition po?”Tumawa ang matanda sa kabilang linya. “I’m okay, hija. Nothing new. I still go to the hospital for monitoring and then go home if my doctors permit.”“You have to take care of your health, Don Armando. Makinig po kayo sa mga doktor niyo,” paalala ni Klaire sa matanda. “You have to take care of your h
“So why did you return to the Philippines? Akala ko ba ay ayaw mo nang bumalik sa bansang ‘to?” kuryosong tanong ni Logan sa kaniya. Ang mga mata nito ay titig na titig kay Klaire, para ba isa siyang puzzle na gusto nitong ayusin. Patuloy sa pagkain si Klaire at sumagot, “Dahil sa trabaho.” “Why? Aren’t you earning millions in Singapore? You should’ve told me if you need money, Klaire. Hindi problema ang pera,” ani Logan. Tumawa si Klaire at napailing. Si Logan Aguerro ay isang bilyonaryo dahil sa marami nitong negosyo. Palagi nitong sinasabi na kung kailangan niya ng pera ay tutulungan siya nito. “No, Logan. It’s not about money. Saka maayos ang kumpanya namin ni Feliz,” paliwanag niya. “We’re trying to make business expansions. Dito namin sa Pilipinas napili umpisahan iyon.” “That makes me happy, Klaire. Kung mas malapit ka sa akin, mas mapoprotektahan kita at ang mga anak mo.” “Thank you for the kind gesture, Logan. Wala kang dapat ipag-alala. Maayos naman kaming nakalipat di