Halos isang buwan ang mabilis na lumipas… Isang umaga, habang nag-aasikaso papasok ng trabaho ay nakatanggap ng tawag si Klaire mula kay Don Armando Fuentabella. Giliw na giliw ang matanda habang kausap siya. Hindi mawala ang ngiti sa kaniyang labi lalo na’t matagal na rin silang hindi nakakapag-usap ng kaniyang ex-father-in-law. “Hija, mukhang masyado ka nang nagiging abala sa trabaho ngayon. You should visit me when you have available time. We can have dinner here in my mansion. Marami akong gustong ikwento sa iyo,” masayang saad ni Don Armando. “Naku po, pasensya na kung hindi po ako nakakadalaw diyan, Don Armando. Medyo busy din po ako ngayon sa trabaho. How’s your condition po?”Tumawa ang matanda sa kabilang linya. “I’m okay, hija. Nothing new. I still go to the hospital for monitoring and then go home if my doctors permit.”“You have to take care of your health, Don Armando. Makinig po kayo sa mga doktor niyo,” paalala ni Klaire sa matanda. “You have to take care of your h
“So why did you return to the Philippines? Akala ko ba ay ayaw mo nang bumalik sa bansang ‘to?” kuryosong tanong ni Logan sa kaniya. Ang mga mata nito ay titig na titig kay Klaire, para ba isa siyang puzzle na gusto nitong ayusin. Patuloy sa pagkain si Klaire at sumagot, “Dahil sa trabaho.” “Why? Aren’t you earning millions in Singapore? You should’ve told me if you need money, Klaire. Hindi problema ang pera,” ani Logan. Tumawa si Klaire at napailing. Si Logan Aguerro ay isang bilyonaryo dahil sa marami nitong negosyo. Palagi nitong sinasabi na kung kailangan niya ng pera ay tutulungan siya nito. “No, Logan. It’s not about money. Saka maayos ang kumpanya namin ni Feliz,” paliwanag niya. “We’re trying to make business expansions. Dito namin sa Pilipinas napili umpisahan iyon.” “That makes me happy, Klaire. Kung mas malapit ka sa akin, mas mapoprotektahan kita at ang mga anak mo.” “Thank you for the kind gesture, Logan. Wala kang dapat ipag-alala. Maayos naman kaming nakalipat di
Klaire was tipsy. Wala na siyang lakas makipagtalo pa kay Sophia kaya tinalikuran niya ito. Maglalakad na sana siya palayo sa babae nang bigla na lang lumabas si Antonette kasama ang iba pa nitong kaibigan mula sa VIP room na inookupahan nila. “Aba! Nandito ka pala, Klaire!” bulalas ng kaniyang pinsan. “Are you here because of Sophia’s fiance? Grabe naman at para ka talagang linta kung dumikit sa mapapangasawa ng pinsan ko!” Lihim na napangiti si Sophia at saka umatras. Hindi na niya kailangan pang pagsalitaan si Klaire dahil si Antonette na ang gagawa niyon para sa kaniya. Mabilis silang nakaagaw ng atensyon ng mga customer na naroon sa second floor. Ang lahat ay nagkumpulan para makiusosyo. “That’s quite an accusation, Antonette,” sabi ni Klaire sa matigas na Ingles. “Accusation?!” malakas ang boses ni Antonette nang sabihin ‘yon. “Totoo naman ang sinasabi ko, ah? Hindi ka maka-move on na si Sophia ang pinili ni Alejandro kaya ngayon ay para kang asong susunod-sunod. Aminin mo n
Nakatuon ang mga mata ni Alejandro sa kaniya na para bang sila lang dalawa ang tao sa club ng mga oras na ‘yon. Ramdam ni Klaire ang pagbilis ng tibok ng puso niya sa gawi ng paninitig ng dati niyang asawa. Ngunit bago pa man siya makasagot sa tanong nito ay naglakad si Sophia palapit kay Alejandro. “Ali…” mahinhin na tawag ni Sophia. Kagaya ng dati ay nagkunwari itong kalmado, mapagkumbaba at mabait. “Ali, this is just a misunderstanding. P-Pinagtanggol lang ako ng pinsan ko kay Klaire. Nag-away sila at hindi sinasadyang mahagip ang vase. Hindi naman talaga namin alam kung sino ang nakabasag… n-nalaglag na lang bigla.”Tumango si Antonette nang marinig ito. “Totoo ang sinabi ni Sophia. Actually, si Klaire naman talaga ang may kasalanan. Kung hindi siya nagsalita nang masama laban sa akin, hindi naman kami mag-aaway. Naghahanap siya ng gulo kaya ito ang nangyari. Palibhasa, she wants to get you back from Sophia!” “Ali, I’m sorry. Hindi ko naman akalain na hahantong sa ganito. Akala
Hindi na alam ni Sophia ang gagawin kaya naman mahigpit niyang hinawakan ang kamay ni Alejandro. “Ali, can you help us?” ang tono niya ay nagmamakaawa. Ngunit hindi na maipinta ang mukha ni Alejandro matapos mapanood ang CCTV footage. Ramdam niya ang matinding iritasyon sa loob niya. Napangisi naman si Logan. “Mukhang may magbabayad na ng 15 million para sa inyo. To Mr. Fuentabella, this money is just nothing. But what irritates me is the fact that these women offended my very important guest today. It’s a total disrespect not just to me, but to her as well.”Nakuha ni Logan ang atensyon ni Alejandro. Kumunot ang noo nito. A very important guest? Lahat ng naroon ay nagulat sa sinabi ng lalaki. Maging si Sophia ay hindi makapaniwala at awtomatikong napatingin kay Klaire. Si Klaire ba ang tinutukoy na importanteng bisita ni Logan Aguerro?“Important guest?” kuryosong nagsalita si Alejandro. “I wonder how Miss Perez became your important guest, Mr. Aguerro.” Logan clicked his tongue
Nang makasakay sa sports car ni Logan ay hindi na nagsalita pa si Klaire. Nakatingin siya sa bintana sa kaniyang gilid at naglalayag ang isip.Paulit-ulit sa isip niya ang mga nangyari sa club kanina lang. Hindi niya maintindihan kung bakit gano’n ang inakto ni Alejandro sa harap ng maraming tao. Bakit niya dineny ang engagement nila ni Sophia sa publiko? Hindi ba’t isang kahiya-hiyang bagay ‘yon para kay Sophia? At paano ang mga anak nila? Klaire couldn’t understand Alejandro’s action. Masyado itong marahas. Panigurado ay magiging usap-usapan ng media ang nangyaring ‘to ngayong gabi… Samantala, ang katabi niyang si Logan ay nakatingin sa kaniya. The man knew that she was a bit anxious, and he was worried about her. “Klaire, tayo na lang ang narito. Are you okay?” tanong ni Logan sa marahang tono.Napapikit si Klaire at sinandal ang ulo sa headrest ng upuan. Bumaling siya sa gawi ni Logan at ngumiti nang kaunti. “Ayos lang ako.”“Are you sure about that?” Tumango si Klaire at sa
Sa mansyon ng mga Fuentabella,Suot ang puting bathrobe, nakatayo si Alejandro sa harap ng malawak niyang balcony. May hawak na wine ang isang kamay habang naglalakbay ang isip. A big part of him was goddamn irritated. Hindi mawala sa isip niya ang nangyari sa club na ‘yon. Kung paano kausapin ng Logan Aguerro na ‘yon si Klaire, at kung paano umalis ang dalawa sa lugar na para bang magkasintahan. Kunot ang kaniyang noo at mas lalong nairita nang maalala na hindi man lang siya tinapunan ng atensyon ng kaniyang dating asawa. But she actually talked to Logan Aguerro. Anong relasyon nilang dalawa? Nakaubos ng dalawang baso ng wine si Alejandro. Kahit ano’ng gawin niyang pag-inom ay hindi mawala-wala ang bigat sa kaniyang dibdib. Tila ba mas lalo lang siyang naiirita sa bawat minutong dumadaan kaya naman pumasok siya sa kwarto at kinuha ang phone sa bedside table. He dialed Luke’s number immediately. “Find out Logan Aguerro’s relationship with my ex-wife,” mariin niyang utos dito. “
Sa kumpanya ng mga Fuentabella, Kagagaling lang sa meeting ni Alejandro. Pabalik na siya sa kaniyang opinisa nang sabihin ng kaniyang secretary na dumating ang kaniyang ina na si Melissa.May hula si Alejandro kung bakit biglaan ang pagpunta ng kaniyang ina sa kumpanya. Hindi naman ito ang klase ng ina na palabisita kung walang kailangan… o kung walang nalaman. “What are you doing here, Ma?” kalmadong tanong niya nang makapasok sa opisina. Iritableng lumingon sa kaniya si Melissa, ang mukha nito ay gusot at hindi maipinta. “Alam mo na dapat kung bakit ako nandito, Ali,” sagot ni Melissa. “Last night, I heard that you were in the club. Sa harap ng maraming tao ay tinanggi mo ang engagement niyo ni Sophia. Totoo ba ito?”Mabilis na kumalat ang balita tungkol sa nangyari sa club no’ng gabing ‘yon. Nasa headline ito ng mga dyaryo at pati na rin sa TV. Umaga pa lang ay tumawag na ang mga amiga ni Melissa upang makiusosyo sa tsismis na bigla na lang lumitaw tungkol kay Alejandro at Soph