Nang makasakay sa sports car ni Logan ay hindi na nagsalita pa si Klaire. Nakatingin siya sa bintana sa kaniyang gilid at naglalayag ang isip.Paulit-ulit sa isip niya ang mga nangyari sa club kanina lang. Hindi niya maintindihan kung bakit gano’n ang inakto ni Alejandro sa harap ng maraming tao. Bakit niya dineny ang engagement nila ni Sophia sa publiko? Hindi ba’t isang kahiya-hiyang bagay ‘yon para kay Sophia? At paano ang mga anak nila? Klaire couldn’t understand Alejandro’s action. Masyado itong marahas. Panigurado ay magiging usap-usapan ng media ang nangyaring ‘to ngayong gabi… Samantala, ang katabi niyang si Logan ay nakatingin sa kaniya. The man knew that she was a bit anxious, and he was worried about her. “Klaire, tayo na lang ang narito. Are you okay?” tanong ni Logan sa marahang tono.Napapikit si Klaire at sinandal ang ulo sa headrest ng upuan. Bumaling siya sa gawi ni Logan at ngumiti nang kaunti. “Ayos lang ako.”“Are you sure about that?” Tumango si Klaire at sa
Sa mansyon ng mga Fuentabella,Suot ang puting bathrobe, nakatayo si Alejandro sa harap ng malawak niyang balcony. May hawak na wine ang isang kamay habang naglalakbay ang isip. A big part of him was goddamn irritated. Hindi mawala sa isip niya ang nangyari sa club na ‘yon. Kung paano kausapin ng Logan Aguerro na ‘yon si Klaire, at kung paano umalis ang dalawa sa lugar na para bang magkasintahan. Kunot ang kaniyang noo at mas lalong nairita nang maalala na hindi man lang siya tinapunan ng atensyon ng kaniyang dating asawa. But she actually talked to Logan Aguerro. Anong relasyon nilang dalawa? Nakaubos ng dalawang baso ng wine si Alejandro. Kahit ano’ng gawin niyang pag-inom ay hindi mawala-wala ang bigat sa kaniyang dibdib. Tila ba mas lalo lang siyang naiirita sa bawat minutong dumadaan kaya naman pumasok siya sa kwarto at kinuha ang phone sa bedside table. He dialed Luke’s number immediately. “Find out Logan Aguerro’s relationship with my ex-wife,” mariin niyang utos dito. “
Sa kumpanya ng mga Fuentabella, Kagagaling lang sa meeting ni Alejandro. Pabalik na siya sa kaniyang opinisa nang sabihin ng kaniyang secretary na dumating ang kaniyang ina na si Melissa.May hula si Alejandro kung bakit biglaan ang pagpunta ng kaniyang ina sa kumpanya. Hindi naman ito ang klase ng ina na palabisita kung walang kailangan… o kung walang nalaman. “What are you doing here, Ma?” kalmadong tanong niya nang makapasok sa opisina. Iritableng lumingon sa kaniya si Melissa, ang mukha nito ay gusot at hindi maipinta. “Alam mo na dapat kung bakit ako nandito, Ali,” sagot ni Melissa. “Last night, I heard that you were in the club. Sa harap ng maraming tao ay tinanggi mo ang engagement niyo ni Sophia. Totoo ba ito?”Mabilis na kumalat ang balita tungkol sa nangyari sa club no’ng gabing ‘yon. Nasa headline ito ng mga dyaryo at pati na rin sa TV. Umaga pa lang ay tumawag na ang mga amiga ni Melissa upang makiusosyo sa tsismis na bigla na lang lumitaw tungkol kay Alejandro at Soph
Isinawalang bahala ni Klaire ang mga sinabi ni Logan. Isang malaking kalokohan na isipin na gusto ni Alejandro na magkabalikan silang dalawa. Isa pa, ni minsan ay hindi sumagi sa isip niya na makipagbalikan dito. They were done the moment she signed the divorce paper and left the mansion a few years ago. Mabilis niyang natapos ang mga trabaho nang araw na ‘yon. Klaire couldn’t imagine going home early. Mandalas kasi ay gabi na siya natatapos sa pagbuo ng formula sa research lab.“For sure matutuwa ang mga babies ko nito,” aniya sa sarili habang naghahanda na paalis ng lab. Gusto niyang makauwi kaagad at ipaghanda ang kambal ng mga paborito nitong pagkain para sa hapunan. Paalis na sana siya sa kaniyang desk nang biglang mag-ring ang kaniyang phone. Hindi naka-register ang numero sa contacts niya. Naisip niya na importante ang tawag na ‘yon kaya naman sinagot niya ito. “Hello?” “Hi, am I speaking with Klaire Perez?” tanong ng marahang boses ng lalaki mula sa kabilang linya. “Speak
Tahimik na naghintay ang mag-i-ina kay Logan. Ilang minuto lang din ay lumabas na ito sa Principal’s office habang nakapamulsa.“Everything’s fixed, Klaire,” sabi ni Logan. “Easy peasy.”Tuwang-tuwa naman si Klaire sa narinig kaya niyakap niya ang lalaki. “Thank you, Logan! Naku, sorry talaga at naabala pa kita. Alam kong busy ka sa negosyo ngayon.” “You know I’m always one call away for you, right?” Logan smiled. “Saka mas gusto ko nga na lumalapit ka sa akin kapag kailangan mo ng tulong kaya naman sinasarili mo.” “Babawi ako sa ‘yo, promise!” ani Klaire. “Kapag nagkaroon ako ng free time ngayong linggo, pwede tayong lumabas para kumain.” “I’ll look forward to that then,” masayang sabi ni Logan at saka tumingin sa kaniyang relo. “I gotta go, Klaire. Just call me when you need something else. I’ll help you immediately.” “Salamat, Logan. Aalis na rin kami. Kailangan ko iuwi ang mga bata bago dumiretso sa trabaho.” Logan patted her back. “Huwag ka masyadong magpakapagod.” “Yeah,
Wala pang isang oras nang makarating si Alejandro sa lumang mansyon. Pagpasok pa lang ay nakita niya si Don Armando sa balcony hawak-hawak ang tasa ng tsaa habang nakaupo sa rocking chair nito. The old man looked unprepared and seemingly taking his time. “Hindi pa ba tayo aalis, Pa?” tanong niya nang makalapit sa matanda. Bumaling sa kaniya ang ama at sana umiling. “No rush, son. Hihintayin muna natin si Klaire na matapos sa kaniyang trabaho. Susunduin natin siya.” “What did you say?”Tumawa ang matanda. “Gulat ka no? It’s her grandmother’s birthday. Syempre ay dadalo siya sa party. Sinabi ko sa kaniya na susunduin natin siya kapag tapos na siya sa trabaho.” Tumikhim si Alejandro, hindi malaman kung maiinis ba o matutuwa sa narinig na ‘yon. Kung gayo’y may pagkakataon na naman pala siyang makita ang dati niyang asawa? “Nakikita mo naman siguro na ginagawa ko ang lahat para mapalapit ulit sa ‘yo ang loob ng dati mong asawa, Alejandro. Don’t mess it up,” ani Don Armando. Nagpamul
Puno ng poot ang mga mata ng matandang babae dahilan para manginig sa kinatatayuan si Sophia. Ni hindi niya magawa na tingnan ito nang diretso. Para siyang kandilang nauupos dahil sa galit nito. “Mama, pwede bang huwag natin pag-usapan ito ngayon? Kaarawan mo kaya naghanda kami ng maliit na salo-salo. Si Sophia mismo—” “Sa tingin niyo ba ay madadaan niyo ako sa mga ganitong pakulo? Masyado mo yatang minamaliit ang Mama mo, Carmina.”“Lola, hindi naman po iyon ang ibig sabihin ni Mommy…” Nagtaas ng kilay ang matanda. “Huwag mo akong pinapatawa, Sophia. Our family raised you for so many years. Kung may utang na loob ka talaga, hindi mo pagmamalupitan ang apo ko. Mula noon hanggang sa pagbalik niya… puro gulo ang binigay mo sa kaniya.” “Lola, hindi po—” “Huwag kang sinungaling.” Naningkit ang mga mata ng matanda at dinuro siya. “Iyang bulok mong ugali ang dahilan kaya hindi napalapit ang loob ni Klaire sa amin. Imbis na suklian mo ng kabutihan ang pagpapalaki namin sa ‘yo, tinataboy
Nagsimulang magbulung-bulungan ang mga bisita lalo na ang mga kamag-anak ng mga De Guzman. Lahat ay nasurpresa nainis sa presensya ni Klaire sa maliit na salu-salong iyon. “Iyan na ba ang tunay na anak ni Carmina? Ang kapal naman ng mukha niyang tumuntong sa mansyon na ‘to. Hindi ba niya alam na marami ang may alam sa ginawa niya kay Sophia noon?”“Siya nga ‘yong walang pusong tumulak kay Sophia noon.” “Kung siya ang tunay na anak ni Carmina, ano na ang mangyayari kay Sophia kung babalik ang babaeng ‘yan para kunin ang dapat na sa kaniya?”Maraming naging komento ang mga bisita sa pagdating ni Klaire, bagay na naririnig at nararamdaman niya. Ngunit sa pagkakataong ‘yon ay pinabayaan niya ang mga ito na pag-usapan siya. Tinuon niya ang atensyon niya sa dalawang matanda na miss na miss niya. Halos maiyak si Sonya De Guzman habang hinahaplos ang braso niya. “Bakit ngayon ka lang nagpakita kay lola? Ang tagal ka naming hinintay ng lolo mo, hija.”Napangiti siya sa narinig. Mas lalong