Ang lahat ng bisita na naroon ay sumang-ayon sa gustong mangyaring pag-iimbistiga no Don Armando tungkol sa nangyaring alitan nina Klaire at Antonette sa club. Everything seemed to be fixed when the old man of the Fuentabellas intervened. Ngunit hindi pabor si Sophia sa suhestiyon na ‘yon. Napalunok siya at biglang nangasim ang sikmura. Alam niya kung ano ang totoo… magiging kahiya-hiya sila ni Antonette kapag lumabas ang totoong nangyari noong gabing ‘yon. Ano na lang ang sasabihin ng pamilya De Guzman sa kanila… sa kaniya? Ano na lang ang mangyayari sa paghahabol niya kay Alejandro? Nang maisip ang lalaki ay hinanap niya ito. Alejandro was standing right next to the living room’s entrance, watching them in a serious manner. “There is no need to investigate,” ani Alejandro sa malamig at malalim na boses. Lahat ng mga mata ay napalingon sa kaniya, maging si Klaire na hindi inaasahan ang pagsasalita niya. Nagtama ang kanilang mga mata bago bumaling si Alejandro sa kaniyang ama. “
Ang mga bulung-bulungang ito ay narinig lahat ni Sophia. Mangiyak-ngiyak siya sa nangyayari at hindi na alam kung ano ang dapat na gawin. Paano siya napag-uusapan ng mga taong ito nang ganito…?Humarap sa kaniya si Don Armando na may kunot ang noo. Halatang hindi masaya sa gulong nangyari. “Sophia, dahil sa iyo kaya nagkaroon nang ganito sa kaarawan ng inyong Lola Sonya. You should apologize to Klaire because you didn’t tell your family the truth.” Napakapangit ng ekspresyon ni Sophia. Magkasalubong ang mga kilay at halos kumulubot ang buong mukha dahil sa pagkapahiya. Sa isip niya ay ayaw niyang humingi ng tawad kay Klaire. At bakit naman niya gagawin ‘yon? Bakit siya hihingi ng tawad sa walang hiyang babaeng ‘to? Ngunit ang sitwasyon ay hindi maganda sa sandaling ito. Nilunok na lamang niya ang lahat ng kaniyang hinaing at nagngingitngit na lumapit kay Klaire. “Klaire, I-I’m sorry that this happened… Kasalanan ko ang lahat. I-It was my fault that I-I wasn’t able to explain to th
Sa isang mahabang mesa, nakaupo ang mga De Guzman pati na rin ang mga Fuentabella habang ang ibang bisita ay nasa kabilang mesa at ninanamnam ang masasarap na pagkain na nakahain. Mas naging kalmado na ang pakiramdam ni Klaire. Masaya siyang nakipagkwentuhan sa kaniyang lola at lolo pati na rin kay Don Armando. Wala na rin siyang narinig na insulto sa ibang miyembro ng pamilya De Guzman. Mabuti iyon dahil ayaw niya ring sirain ang gabi ng kaniyang Lola Sonya. “Hija, didn’t you prepare gifts for your grandma? Ibigay mo na sa kaniya,” masayang wika ni Don Armando. Nang marinig ‘yon ay saka pa lamang naalala ni Klaire ang mga regalong hinanda niya na naiwan sa kotse. Napaawang ang labi niya at tatayo na sana para balikan ang mga regalo pero pinigilan siya ni Don Armando. “Huwag ka nang tumayo. Let Alejandro get those gifts,” ani Don Armando saka bumaling sa kaniyang anak. “Ali, kunin mo muna ang mga regalo. Naiwan ko rin ang regalo ko para kay Sonya.” Nagtaas lamang ng kilay si Ale
Hindi rin nagtagal ay natapos na ang party. Nagpaalam si Klaire sa kaniyang lolo’t lola at saka lumabas na ng lumang mansyon na ‘yon. Nakatayo sa labas sina Alejandro at Don Armando. “Thank you po sa pagsuporta sa akin, Don Armando,” magaling na saad ni Klaire sa matanda at nginitian ito. Nilabas niya ang kaniyang phone para sana mag-book ng grab o taxi ngunit nang makita ito ni Don Armando ay pinigilan siya. “Klaire, hija, masyado nang gabi para mag-book ka ng masasakyan.” Marahang tinapik ng Don ang likod ni Alejandro. “Ikaw, ihatid mo si Klaire sa tinitirhan niya nang matuwa naman ako sa ‘yo!” Lihim na napangiwi si Klaire. Alam niya kasing malaking abala pa na ihahatid siya ng mga ‘to lalo na’t medyo malayo ang villa sa tinitirhan ng mga ito. Ngunit alam din niyang kapag si Don Armando ang nagsalita ay hindi niya iyon mapahihindian. “Luke, you drive,” utos ni Alejandro sa tauhan niya, hindi na pinahindian ang matanda. Mabilis namang kumilos si Luke at saka pumasok sa kotse.
Malakas pa rin ang tibok ng puso ni Klaire nang makapasok sa villa. Hindi siya makapaniwala na inamin niya kay Alejandro na may anak siya. Hindi rin makawala sa isipan niya ang naging reaksyon ni Alejandro na animo’y walang pakialam sa nalaman. She couldn’t help but laugh in relief. “Ayos lang ‘yon, Klaire. He’s not suspecting anything…” sabi niya sa sarili para pakalmahin ang kaniyang dibdib. Wala na siyang pakialam kung iba ang isipin ni Alejandro–na baka naisip nito na may lalaki siyang kinasama abroad kaya siya may anak ngayon. Ang mahalaga sa kaniya ay mapoprotektahan niya ang pagkakilanlan ng mga anak niya, at hindi sila makukuha ni Alejandro anuman ang mangyari. Tumango si Klaire sa sarili. Tama! Hindi na dapat siya mamroblema. Mabuti nga ‘yon na isipin nito na may anak siya sa iba para naman hindi na sila masyadong magkita pa. “Hello, Mommy!” Lumapit si Nico sa kaniya nang makatuntong siya sa sala. “How are you, Mommy? Did someone bully you at grandma’s birthday?”Lumuho
Sa kabilang banda, Mas lalong nahirapan si Sophia sa kaniyang sitwasyon. Simula kasi nang kaarawan ng kaniyang Lola Sonya ay hindi na natahimik ang mga De Guzman. The two elders in the family were so eager to transfer their shares to Klaire’s name! Maraming beses na pinigilan nina Carmina at Martha ang bagay na ‘yon, ngunit sa huli ay walang nagawa ang mga ito. Napagtanto ni Sophia na wala na siyang magagawa. Hangga’t buhay ang dalawang matandang sina Sonya at Miguel ay wala siyang mahihita na kahit ano’ng yaman sa pamilya De Guzman lalo pa’t hindi siya kinikilala ng mga ito. Ang tanging paraan na lang para sa karangyaan ay maikasal kay Alejandro Fuentabella. Therefore, she must do everything to claim Alejandro. She has been observing Alejandro’s whereabouts in the past few days, as well as his sudden change in mood. Natutuwa siya dahil ilang araw na ‘tong subsob sa trabaho at wala siyang nababalitaan na nakikipagkita pa ito sa Klaire na ‘yon. Sa wakas, wala na rin sa landas niya
Sa research lab ng Buenaventura Corp, seryosong nakikinig si Klaire kay Lance Buenaventura habang sinasaad nito ang naging problema sa huling formula na pinadala ng Bloom Perfume. “We followed the steps you provided and blended the formula you sent, but the final output smelled different,” pahayag ni Lance at saka bumaling kay Annie, na nagpapanggap bilang si Klaire a.k.a mysterious doctor. “Kaya gusto namin malaman saan kami nagkamali sa proseso.” Napalunok si Annie at sumulyap kay Klaire bago ituon ang atensyon kay Lance. “Are you really sure you followed the guidelines religiously?” tanong ni Annie. “Yes…” Kinabahan si Annie. Ang mga gano’ng gusot sa formula ay palaging naaayos ni Klaire, ang totoong mysterious doctor. Bilang isang assistant, ay hindi niya alam kung ano ang dapat gawin! Sumulyap siyang muli kay Klaire, ang mga mata ay nanghihingi ng tulong. Huminga nang malalim si Klaire bago tumango. “I’ll fix it.” Pagkatapos sabihin ‘yon ay hindi na niya hinintay na
Samantala, hindi naman mapalagay sina Nico at Natasha sa nalamang balita tungkol sa kanilang Daddy. Trending sa internet ang balita na magpapakasal na ito, dahilan para mag-alala ang dalawang bata kung ano na ang maaaring mangyari sa mga magulang nila.Tinawagan ni Nico si Clayton nang makaakyat sila sa kwarto at masiguradong hindi nakabantay si Manang Celi sa kanila. “Have you heard the news, Kuya? Is it true?” nag-aalalang tanong ni Nico habang katabi si Natasha na inilalapit ang tainga sa phone para makinig sa usapan nila. “It’s all over the news that Daddy is about to get married!” “It’s fake,” sagot ni Clayton sa seryosong boses. “Sabi ni Daddy ay wala naman daw siyang papakasalan na kahit sino. The media seems to be creating rumors about him. How’s Mommy?” “Nabasa niya ang balita kaninang umaga. She doesn't seem okay…” Bumuntonghininga si Nico. “If the news wasn’t true, dapat mai-set up na natin sina Mommy at Daddy para makapabalikan na sila at maging happy family na tayo. Ma