HALOS papalubog na ang araw nang makarating sina Callie at Vincenzo sa New World Manila Hotel kung saan gaganapin ang nasabing pinaka-inaabangang at pinakamalaking land auction. Ang mga mayayamang pamilya o clan, respetadong negosyante at mga pulitiko ang karaniwang nagbebenta ng mga real estate properties sa aktibidad na ito. Pagkapasok pa lamang sa event hall kung saan gaganapin ang auction ay ramdam na agad ni Vincenzo ang malalagkit na tingin ng mga lalaking negosyanteng naroon sa kaniyang asawa, habang wala namang ka-ide-ideya si Callie na tila namamangha pa sa lugar. Nauuna si Callie sa paglalakad, naghahanap ng bakanteng mesa kung saan sila maaaring maupo nang biglang harangin ito ng isang matandang lalaki na sa tingin ni Vincenzo ay nasa mid 50’s na. Malapad ang ngiti ng lalaki nang magsalita, “Sinasabi ko na nga ba’t hindi ako nagkamali ng pagpunta rito. Are you alone, Miss—” “She’s with her husband,” agad na turan ni Vincenzo at lumapit sa likuran ni Callie. He held Cal
AGAD na iniiwas ni Callie ang tingin sa nanunubok na mga mata ni Vincenzo nang magsalita ang host ng auction. Ilang saglit pa ay nagsimula na ang aktibidad at kita sa mga mayayamang naroon ang kasiyahan sa pagbi-bid sa mga real estate property na binibenta ng mga mayayamang angkan. Dumating ang waiter at nag-abot ng drinks sa kanilang table. Kinuha ni Callie ang wineglass at sinimsiman ang alak niyon. She couldn’t help but frown as she observed the people inside the event hall. Kung mag-bid ay animo’y barya lamang ang ilang daang milyon sa mga ito. Napansin niya ang kalmadong si Vincenzo sa kaniyang tabi. Kumpara kanina na para bang nakikipaglaro ito sa kaniya, ngayon naman ay tahimik itong nagmamatiyag–sisilay ang multong ngiti sa labi at kung minsan ay mapapailing. “Why aren’t we bidding yet?” kuryoso niyang tanong sa asawa. “I’m waiting for your ex-husband and his lover to bid,” sagot nito at bahagyang tinagilid ang ulo. “Seven hundred million pesos,” rinig nilang wika ng isan
MABILIS na sumagi sa isipan ni Callie ang kwento ng kaniyang Mommy, kung paano ito na-frame up ng karibal na si Sophia na sinadyang magpatihulog sa hagdan, na nagresulta sa pagkamuhi ng mga tao sa kaniyang ina sa loob nang mahabang taon.Adrenaline rushed through her veins. Not wanting to have the same fate as her Mom’s, she immediately grabbed Julia’s arm and pulled her up, preventing the woman from falling downstairs. Malakas ang tibok ng kaniyang puso nang mahigit ang babae at hinila ito palayo sa hagdan. “Nababaliw ka na ba?!” singhal niya habang mahigpit na hawak ang braso nito. Ramdam niya ang matinding galit na nanunuot sa kaniyang kaibuturan. “Ano sa tingin mo ang iniisip mo? Magpapatihulog ka sa hagdan? Hindi mo naisip ang baby sa sinapupunan mo?” “You were trying to hurt me!” sigaw ni Julia at nagsimulang maglikot ang mga mata, nagpalinga-linga at nagbabaka sakaling may mga matang nakakita sa ginagawa sa kaniya ni Callie. “You are trying to kill my baby!” Napailing si Cal
HINDI maipinta ang mukha ni Laurence nang marinig ang mga sinabi niya. Halos magdiwang ang puso ni Callie dahil alam niyang natamaan niya ang ego ng dating asawa. Isa pa ay totoo naman ang sinasabi niya. Julia wouldn’t try to harm herself if she loved her baby. “L-Laurence, huwag kang makikinig sa kaniya. She’s brainwashing you para pag-awayin tayo,” iyak ni Julia. Ngumisi lamang si Callie at saka ikinawit ang kamay sa matipunong braso ni Vincenzo. “Love, I think we’re done here,” malambing niyang wika sa asawa at nag-angat ng tingin dito. “Let’s go home and celebrate our wins.” Tumango naman si Vincenzo at marahang hinaplos ang pisngi niya. Natural na natural ang pagpapanggap nito sa harap ng maraming tao na kahit si Callie ay nabibigla sa mga akto nito. Bahagya siyang napakurap nang maramdaman ang pag-iinit ng pisngi. “Alright, love,” ani Vincenzo at binalingan ng tingin si Laurence. “But I’m not done with the both of you. I’ll see to it that you’ll receive the CCTV footage on
ISANG malakas na suntok ang natamo ni Laurence mula sa ama ni Julia. Kahit na nasa mid 50’s na ito ay makikitaan pa rin ito ng lakas, hindi nasisindak sa kahit na ano at walang kinatatakutan. Marahil dahil na rin isa ito sa mga lider ng organisasyon na lihim na gumagawa ng ilegal na negosyo sa bansa. Julia’s family name was quite famous but they shined more in the underground business. Bagay na nililihim ng mga Acosta. “Isang bagay lang ang gusto kong gawin mo pero hindi mo ba nagawa? Alam mo ba kung gaano pinag-uusapan ang auction na ‘yon? It was supposed to be our medium to attract investors–na kapag nalaman nilang nag-acquire tayo ng business property ay kusa silang lalapit sa atin ngunit anong ginawa mo? Nagpatalo ka sa isang Consunji? Wala kang bay@g!” Dumagundong sa malaking mansyon ang galit ng isang Julian Acosta, na pinipigilan ni Julia na makalapit pa kay Laurence. Natatakot siyang baka tuluyang mabugbog ang mapapangasawa. Dinilaan ni Laurence ang dugo sa gilid ng kaniyan
The Billionaire’s Quadruplet Babies: Marry Our Mommy Again!Chapter 1“Ilayo mo sa akin ang result na iyan at umalis ka sa harapan ko! Isa ka talagang basura. Walang kwenta! Ano na lang ang magiging silbi mo sa anak ko kung isa ka pa lang baog?” saad ng kaniyang galit na biyenan pagkatapos nitong ipakita ang medical result na nagsasabi na hindi siya makapagbubuntis kahit na kailan.“Dapat hindi na lang ikaw ang ipinakasal kay Alejandro. Wala ka na ngang silbi, baog ka pa!”Naguguluhang tiningnan ni Klaire ang papel na binigay sa kaniya ng kaniyang biyenan. Hindi niya maintindihan ang sinasabi nito. Baog siya?Paanong nangyari ‘yon?“Ma, hindi ko po kayo maintindihan—”“Don’t call me that. Mas lalo kitang hindi matatanggap sa pamilyang ‘to,” sabi pa ng kaniyang biyenan. “Mabuti na lang at bumalik na si Sophia. Ilang araw na silang magkasama ni Alejandro. Did you know that? Matatapos na ang kahihiyan na binibigay mo sa anak ko at sa pamilya namin!”Napakurap siya sa sinabi nito. Tila ba
Chapter 2Malamig na bumuntong-hininga ang bata mula sa kabilang linya."It’s hard for you to remember that you have a home, Mom. Akala ko magtatagal ka pa sa institute. You keep forgetting that you have two children!”Alam ni Klaire na mainit ng ulo ng kanyang anak. Napangiti siya. “Mommy loves you so much, mwua!”Her son sighed. "You only have half an hour to go home. Otherwise, I’ll continue attacking the network of your research institute.”Nang matapos sa pagsasalita ang anak niya ay ibinaba nito ang telepono nang may pagmamalaki.Nakahinga ng maluwag si Klaire, tumalikod at sinenyasan ang mga tao sa buong research room. Lahat ng empleyadong naroon ay naghihintay, kinakabahan habang pinunasan ang malamig na pawis sa kanilang mga noo, at bumalik sa kanilang mga puwesto.Ang katrabaho niyang si Annie ay pumasok mula sa labas na may hawak na dokumento, at hindi napigilan ang mapabungisngis. Sino ba naman kasi ang mag-aakala na ang isang research room na puno ng mga high-end at talen
Chapter 3Tulala ang mga bata habang nakatingin kay Klaire pero naisip niya lang na kahit nagpalit pa ito ng mga damit ay cute na cute pa rin ang mga anak niya.She knelt in front of them and pinched their cheeks gently.“Don’t worry, hindi naman ako galit. Ang cute niyo pala kapag naka-formal clothes kayo. For sure, matutuwa ang ninang Feliz niyo kapag nakita kayo,” aniya. She could already imagine the excitement of her best friend once she sees them. "Let's go, 'wag na natin paghintayin nang matagal ang Tita Annie ninyo."Tumayo siya at hahawakan na sana ang mga kamay ng mga bata pero mabilis na nagtago si Callie sa likod ni Clayton. Napakunot ang noo ni Klaire.Kumunot din ang noo ni Clayton at diretso siyang tiningnan sa mga mata.“It seems that you’re mistaken, Tita,” sabi ng bata na lubos na kinagulat ni Klaire.Pero sa huli ay tinawanan niya lang ang anak. “Why are you talking that way, baby? Hindi naman ako nagkakamali. Kayo ang mga babies ko. Kakapanood niyo siguro ‘yan ng TV