The Billionaire’s Quadruplet Babies: Marry Our Mommy Again!
Chapter 1
“Ilayo mo sa akin ang result na iyan at umalis ka sa harapan ko! Isa ka talagang basura. Walang kwenta! Ano na lang ang magiging silbi mo sa anak ko kung isa ka pa lang baog?” saad ng kaniyang galit na biyenan pagkatapos nitong ipakita ang medical result na nagsasabi na hindi siya makapagbubuntis kahit na kailan.
“Dapat hindi na lang ikaw ang ipinakasal kay Alejandro. Wala ka na ngang silbi, baog ka pa!”
Naguguluhang tiningnan ni Klaire ang papel na binigay sa kaniya ng kaniyang biyenan. Hindi niya maintindihan ang sinasabi nito. Baog siya?
Paanong nangyari ‘yon?
“Ma, hindi ko po kayo maintindihan—”
“Don’t call me that. Mas lalo kitang hindi matatanggap sa pamilyang ‘to,” sabi pa ng kaniyang biyenan. “Mabuti na lang at bumalik na si Sophia. Ilang araw na silang magkasama ni Alejandro. Did you know that? Matatapos na ang kahihiyan na binibigay mo sa anak ko at sa pamilya namin!”
Napakurap siya sa sinabi nito. Tila ba isa ‘yong punyal na sumasaksak sa kaniya. Tulala lamang si Klaire nang iwan siya ni Donya Melissa Fuentabella sa maluwag na sala ng mansyon. Hindi niya alam kung ano ang dapat na maramdaman. Ang tanging nasa isip niya lang ay si Sophia.
Bumalik na ang babaeng ‘yon…
Suminghap siya.
“Hindi ito maaari…” bulong niya sa sarili at nagsimulang malaglag ang kaniyang mga luha.
Nang hapon na ‘yon ay nagkulong siya sa kwarto. Naupo lamang si Klaire sa kama, tulala, hanggang sa magsimula nang dumilim ang buong silid. Pasado alas otso ng gabi nang makarinig siya ng tunog ng paparating na kotse mula sa labas ng mansyon ng mga Fuentabella.
Alam ni Klaire na walang iba kundi si Alejandro ang dumating.
Hindi rin nagtagal ay bumukas ang pinto ng kwarto. Nagliwanag ang mga ilaw at nasilayan niya ang kanyang asawa. The man walked in with a coat on his arm. Kung lumakad ay para bang isang hari. His entire demeanor screams of power and wealth. Napaka-gwapo, ngunit kita rin ang walang awa at malamig na emosyon sa mga mata nito.
Lumapit ito kay Klaire at walang sabi-sabing itinapon sa gilid ng kama ang isang dokumento.
“Pipirmahan ko ‘yan kapag nakapagdesisyon na ako,” wika ni Klaire sa matigas na boses.
“Why waste time thinking about it?” Alejandro glared at her, his voice was deep and cruel.
Nag-angat ng tingin si Klaire sa lalaki. Alam niyang hindi titigil ang asawa hangga’t hindi niya pinipirmahan ang divorce paper. Alam niyang hindi siya minahal nito pero hindi maiwasan ng kaniyang puso na masaktan. Hindi siya makahinga sa sakit. Ginawa naman niya ang lahat para sa lalaki.
Bakit kulang pa rin?
“Bakit ba gusto mong makipaghiwalay? Dahil ba nalaman niyong baog ako? Iyon lang ba ang dahilan, Alejandro?” galit niyang tanong dito kahit na alam niya sa sarili niyang may iba pang posibleng rason.
Malamig siyang pinagmasdan ni Alejandro. “Don’t make things too complicated. You should know better than anyone why you and I got married in the first place.”
Oo, alam niya.
Dalawang taon ang nakakalipas nang magkasakit si Don Armando Fuentabella, kaya naman hiniling nito na maikasal ang nag-iisa nitong anak na si Alejandro.
Si Don Armando at ang tunay na ama ni Klaire ay may kasunduang ipakasal ang kanilang mga anak. Ngunit nalaman ng Don na hindi tunay na anak ng mga De Guzman si Sophia matapos isagawa ang medical examination nito. Dahil dito ay pinahanap ang totoong anak ng mga De Guzman hanggang sa matunton siya ng mga ito.
Then it happened. The contract marriage fell on her head. It was sudden and unexpected.
Pero dahil sa unang kita pa lang ay nagustuhan na niya si Alejandro ay pumayag siyang magpakasal dito.
Sariwa pa sa alaala ni Klaire kung paano siya sinugod ni Sophia noong araw ng kasal nila ni Alejandro para sirain siya sa lahat. Nagkunwari pa ito na tinulak niya sa hagdan dahilan para magkaroon ng serious damage ang mga paa nito, kaya naman kinailangang nitong lumipad abroad para magpagamot.
That incident caused a lot of trouble. People, especially Alejandro and Mrs. Fuentabella, had bad impressions of her. Ang lahat ng awa at kabutihan ng mga ito ay pawang kay Sophia lamang.
Klaire was humiliated in front of thousand people during the wedding. Pero kahit sa kaniyang tunay na mga magulang ay wala siyang nakuha ni katiting na simpatya o suporta. In fact, they hated her. They didn’t want to acknowledge her existence.
Mas mahal nila si Sophia na itinuring nilang anak sa loob ng labing-siyam na taon. Mas pabor sila kay Sophia dahil mataas ang pinag-aralan nito, at lahat ng mga mayayamang pamilya ay humahanga rito.
Samantalang ang tunay nilang anak ay isang basura…
Inalala ni Klaire kung paano siya sinigawan at sinisi ng kaniyang biyenan nang hapon ding ‘yon. Isang malaking kwestiyon sa kaniya kung paano nito nasabing baog siya. Alejandro never slept with her since the day of their wedding! Hindi nga niya alam kung totoo ba ang nilalaman ng medical result na ipinakita ng biyenan niya sa kanya.
Mas lalong nagpupuyos ang poot sa dibdib ni Klaire. Siguro nga ay oras na para itigil ang kahibangan niya. Her husband’s heart can’t be warmed up. Dalawang taon na silang mag-asawa ngunit sa kabila ng kabutihan at pagmamahal na itinuon niya para sa lalaki ay walang silbi pa rin ang tingin nito sa kaniya.
Bumaba ang tingin ni Klaire sa divorce paper at matabang na natawa.
“Kung gusto mo talagang pirmahan ko ‘yan, dapat gawin mo ang lahat ng gusto ko, Alejandro.” Mataman niya itong tinitigan. “I want you to sleep with me. Right here, right now.”
“What did you say?” Halata ang gulat sa mga mata ni Alejandro. “Klaire, don’t be stubborn—” ngunit bago pa nito matapos ang sasabihin ay tumayo si Klaire at mabilis itong hinalikan sa mga labi.
She kissed her husband provocatively and released him. “Dalawang taon tayong kasal, Alejandro. Ginawa ko ang lahat para maging mabuting asawa sa iyo. Inalagaan kita kahit parang katulong lang ang tingin mo sa akin. You should at least pay me back… using your body. Is that too much to ask?”
“Aren’t you ashamed of yourself?” matigas at galit na wika ni Alejandro. “Just because you try to be provocative and initiate a lousy kiss, does not mean I will give you what you want.”
Sarkastikong napangiti si Klaire. “Bakit hindi mo kayang gawin? Siguro totoo ang mga balita na ikaw talaga ang may problema… hindi ako.” Her stare went down the zipper of his pants. “Maybe you really are physically incompetent kaya sa loob ng dalawang taon ay hindi mo ako tinabihan sa kama.”
“What the f*ck, Klaire?” Mas lalong nag-alab ang galit sa mga mata ni Alejandro.
“Prove to me that I’m wrong. Sleep with me,” walang emosyong sabi ni Klaire.
“I’ll show you how capable I am!” wika nito pagkatapos ay hinigit siya at siniil ng mapusok na halik.
For the very first time, they did it. Hindi lang isang beses. Sinigurado ni Klaire na kahit sa gabing ‘yon lamang ay maaangkin niya nang lubos ang asawa.
Kinabukasan ay nagising siya nang maaga, samantalang mahimbing pa ang tulog ni Alejandro sa tabi niya. Walang imik na nag-impake ng gamit si Klaire, pinirmahan ang divorce paper at nag-iwan ng bente pesos sa mesa kasama ang isang note na sinigurado niyang hindi makakalimutan ni Alejandro.
‘Dear ex-husband, hindi ka pala magaling sa kama. Ito ang bente pesos. Bayad ko sa nangyari kagabi.’
***
Six years later…
Bloom Perfume Manufacturing Co.
Nakatuon ang atensyon ni Klaire sa pagbabasa ng data sa screen nang biglang mag-crash ang computer niya. Hindi lamang iyon dahil ilang segundo lang ay nagloko ang buong network ng research room na tila ba may nagmamanipula nito. Lahat ng mga empleyado ay nagsimulang mag-panic.
“Nagsimula na naman ang dalawang tagapagmana ng pamilya Perez!”
Hanggang sa nakarinig sila ng countdown.
Ten.
Nine.
Eight…
Kapag natapos ang countdown, ang buong research data ng kumpanya ay mawawala! Mabilis na hinalughog ni Klaire ang kaniyang bag at kinuha ang phone para tawagan ang mga salarin sa gulong ito.
“Baby, I’m so sorry. Uuwi na talaga si Mommy. Please, ihinto niyo na to,” pagmamakaawa ni Klaire.
May isang batang boses na sumagot sa kabilang linya. “Hello? Who is this? Is this Ms. Perez? The genius doctor and popular perfumer?”
“Anak, promise. Mommy will go home na. Tinatapos ko lang talaga ‘tong final batch. Stop this stunt, please. Do not attack the network of the research institute again. I’m sorry, baby…”
Chapter 2Malamig na bumuntong-hininga ang bata mula sa kabilang linya."It’s hard for you to remember that you have a home, Mom. Akala ko magtatagal ka pa sa institute. You keep forgetting that you have two children!”Alam ni Klaire na mainit ng ulo ng kanyang anak. Napangiti siya. “Mommy loves you so much, mwua!”Her son sighed. "You only have half an hour to go home. Otherwise, I’ll continue attacking the network of your research institute.”Nang matapos sa pagsasalita ang anak niya ay ibinaba nito ang telepono nang may pagmamalaki.Nakahinga ng maluwag si Klaire, tumalikod at sinenyasan ang mga tao sa buong research room. Lahat ng empleyadong naroon ay naghihintay, kinakabahan habang pinunasan ang malamig na pawis sa kanilang mga noo, at bumalik sa kanilang mga puwesto.Ang katrabaho niyang si Annie ay pumasok mula sa labas na may hawak na dokumento, at hindi napigilan ang mapabungisngis. Sino ba naman kasi ang mag-aakala na ang isang research room na puno ng mga high-end at talen
Chapter 3Tulala ang mga bata habang nakatingin kay Klaire pero naisip niya lang na kahit nagpalit pa ito ng mga damit ay cute na cute pa rin ang mga anak niya.She knelt in front of them and pinched their cheeks gently.“Don’t worry, hindi naman ako galit. Ang cute niyo pala kapag naka-formal clothes kayo. For sure, matutuwa ang ninang Feliz niyo kapag nakita kayo,” aniya. She could already imagine the excitement of her best friend once she sees them. "Let's go, 'wag na natin paghintayin nang matagal ang Tita Annie ninyo."Tumayo siya at hahawakan na sana ang mga kamay ng mga bata pero mabilis na nagtago si Callie sa likod ni Clayton. Napakunot ang noo ni Klaire.Kumunot din ang noo ni Clayton at diretso siyang tiningnan sa mga mata.“It seems that you’re mistaken, Tita,” sabi ng bata na lubos na kinagulat ni Klaire.Pero sa huli ay tinawanan niya lang ang anak. “Why are you talking that way, baby? Hindi naman ako nagkakamali. Kayo ang mga babies ko. Kakapanood niyo siguro ‘yan ng TV
Chapter 4 Ang dalawang bata ay nakatitig ng diretso sa kanilang ama sa unang pagkakataon. The man looked very the same in the articles they read before. With deep, handsome features, Alejandro Fuentabella was wearing a hand-made dark gray suit and a white shirt in it. His two long legs were wrapped in trousers, looking abstinent and slender. Ang kumikinang na cufflink sa manggas nito ay bahagyang kumikinang. Malamig ang pagkakatindig nito kasabay ng aura na lumalabas sa kanyang buong katawan. He was simply dignified and cold. “Sir, nahanap na po naming sina young master at young lady,” sabi ni Luke at saka binaba ang dalawang bata. Bumaba ang tingin ni Alejandro sa dalawang bata. His eyes were still cold. Tumingin sa kanya ang dalawang anak, ngunit hindi sila natakot. Callie walked closer to Clayton and whispered, "Kuya, ito ba ang daddy natin? Ang gwapo niya!" Tinapunan ito nang masamang tingin ni Clayton bago bumulong, “Don’t praise him. That man broke our Mommy’s heart in
Chapter 5 Klare took the two kids and went to the parking lot to meet up her best friend, Feliz. Halata sa mukha ng kaibigan niya na kagagaling lamang nito sa hospital. Matagal niya ring hindi nakita si Feliz, at napansin ni Klaire na pumayat ito. She hugged her best friend tightly and patted her back. Nang makapasok sa kotse ay tinanong niya ito, “Kumusta si Tita, Feliz?” Pagod na sumagot ang kaibigan. "She’s still the same, not too good." “Huwag kang mag-alala. Magiging maayos din ang lahat. We’ll take time to visit Tita later.” Tanghali nang huminto sila sa isang sikat na restaurant kung saan nagpa-reserve si Feliz para sa kanilang lahat at bilang pa-welcome na rin kay Klaire, sa kaniyang mga anak at kay Annie. Pagkapasok pa lang sa VIP room ay nilingon ni Klaire ang mga anak. “Babies, you should give your Tita Feliz a big hug.” Kumurap-kurap ang dalawang bata. Nagtago ang mga ito sa likuran ni Klaire, at mahigpit na nakawak sa magkabilaang dulo ng kaniyang suot na long s
Tahimik sina Clayton at Callie habang tinitingnan ang kanilang Daddy matapos nitong ibaba ang phone. Alejandro’s cold gaze turned to them and he cleared his throat before speaking, “See? I have prevented your Tita Sophia to visit our house. Now, finish your food.”“You should have done that a long time ago, Daddy.” May tabang sa boses ni Clayton nang tawagin niya itong Daddy. “Bakit ngayon lang po? Maybe you were doing this so we won’t run away from home anymore. We won’t object if you want Tita Sophia badly. It’s going to be OK with us if you want to have children with her…” Galit ang nasa mga mata ni Clayton habang nakatingin sa kanilang ama. “But before you do that, you should allow us to see our Mommy.”Pagkatapos sabihin iyon ay tumayo si Clayton. Labis namang nagulat si Alejandro sa pahayag ng kaniyang lalaking anak. Bago pa man makapagsalita upang magpaliwanag ay naagaw na ng isa pa niyang anak, na tumayo rin at nakatingin sa kaniya nang masama, ang kaniyang atensyon.“Natasha,
Pumasok ang apat na bata sa isang bakanteng silid ng restaurant. Naupo sila roon, at bakas sa kanilang mga mukha ang kagustuhang mapag-usapan ang kanilang sitwasyon. "I think all of us have guessed what was going on. We, very likely, are quadruplets," panimula ni Clayton. "Ang kwento ni Mommy sa amin ay ako raw ang panganay. Ang pangalan ko ay Clayton Perez." Itinuro niya si Nico. "Ikaw ang pangalawa." At saka bumaling kay Natasha. "Siya naman ang pangatlo." Pagkatapos ay tumingin siya kay Callie. "Her name is Callie. Siya naman ang bunso sa ating magkakapatid."Tumango si Nico at kung umasta ay parang binata na sa harap ng kaniyang kuya. "My name is Nico Fuentabella and she is Natasha.""I am very glad to meet you, Nico, Natasha," sabi ni Clayton. "Oo nga! Akala namin ay patay na talaga kayo," ani nang matining na boses ni Callie. Umiling si Nico. "Not true. Sabi ni Daddy, nang mamatay si Mommy ay binigay lang kami sa kaniya. Hindi namin alam na may mga kambal pa pala kami." Hind
Alejandro's face couldn't be painted. Malamig ang emosyong bumabalot sa mga mata nito. His entire demeanor screamed power and ruthlessness. Gayunpaman, hindi mapagkakaila ang kagwuapuhan nito kaya naman kahit sinong dumaan sa kaniyang harapan ay hindi mapigilan na mapalingon sa kaniya."Damn it," tahimik niyang mura at saka tiningnan ang relo na suot. Nauubos na ang pasensya niya kahihintay sa labas ng women's bathroom. Isang dalaga ang papasok na sana sa bathroom nang kunin ni Alejandro ang atensyon nito. "Y-Yes?" tanong ng dalaga, nanlalaki ang mga mata habang titig na titig sa kaniya. Namumula pa ang mga pisngi nito at halata ang kilig. Alejandro licked his lower lip. "Sorry for the trouble but can you please check if someone is in the bathroom? My ex—" he paused. "I mean my friend. Kanina pa siya nawawala. Sabi ay magbabanyo lang.""Okay. Titingnan ko sa loob," mahinhin na sagot ng dalaga. "Thanks," ani Alejandro at huminga nang malalim nang pumasok ang dalaga sa loob ng banyo
Napaawang ang bibig ng mga bata habang pinagmamasdan ang magandang villa sa kanilang harapan. The villa looks very old ngunit halata ang pagka-maintain nito. Animo'y isang villa sa Europe. They couldn't help but feel very excited! The villa is owned by Feliz's family, and it was sold to Klaire. Puno ng mga halaman at bulaklak ang garden samantalang sa kabilang gilid naman ay may malaking fountain. "Isn't it nice?" masayang tanong ni Feliz kay Klaire nang makapasok na silang lahat sa loob ng villa. "It is fine," wala sa sariling sagot ni Klaire habang tinutulak ang mga bagahe nila papuntang sala. "Ang hirap mo naman i-please." Umirap si Feliz pagkatapos ay napapailing na inobserbahan ang kaibigan. "What's the matter? Kanina ka pa parang balisa, Klaire."Bumuntonghininga si Klaire at nilingon ang kaniyang mga anak. "Clayton, Callie, akyat na muna kayo sa taas. You can pick your own room and clean yourselves. Mommy will follow in a while.""Yes po, Mommy," magalang na sagot ni Nico,