Share

Chapter 2

Chapter 2

Malamig na bumuntong-hininga ang bata mula sa kabilang linya.

"It’s hard for you to remember that you have a home, Mom. Akala ko magtatagal ka pa sa institute. You keep forgetting that you have two children!”

Alam ni Klaire na mainit ng ulo ng kanyang anak. Napangiti siya. “Mommy loves you so much, mwua!”

Her son sighed. "You only have half an hour to go home. Otherwise, I’ll continue attacking the network of your research institute.”

Nang matapos sa pagsasalita ang anak niya ay ibinaba nito ang telepono nang may pagmamalaki.

Nakahinga ng maluwag si Klaire, tumalikod at sinenyasan ang mga tao sa buong research room. Lahat ng empleyadong naroon ay naghihintay, kinakabahan habang pinunasan ang malamig na pawis sa kanilang mga noo, at bumalik sa kanilang mga puwesto.

Ang katrabaho niyang si Annie ay pumasok mula sa labas na may hawak na dokumento, at hindi napigilan ang mapabungisngis. Sino ba naman kasi ang mag-aakala na ang isang research room na puno ng mga high-end at talentong empleyedo ay haharap sa banta ng dalawang cute na bata sa buong araw?

Napailing na lamang si Klaire. Alam ng lahat na ang kaniyang dalawang anak ang may kagagawan ng lahat.

At ang dalawang anak niya ay halos nakuha ang ugali ng kanilang ama—ni Alejandro Fuentabella.

Pagkatapos ng gabing pinagsaluhan nilang dalawa ay bumalik si Klare sa mansyon ng mga De Guzman, ngunit walang awa siyang pinagtabuyan ng kaniyang mga totoong magulang.

Buong akala niya noon ay tapos na ang koneksyon niya kay Alejandro at sa pamilya nito, ngunit sa hindi inaasahang pagkakapos ay nabuntis siya.

She was pregnant with quadruplets.

Noong una ay hindi niya iyon matanggap. But because of her physical condition, abortion was not recommended. Kung aalisin ang mga sanggol sa loob niya ay maaari siyang mabaog nang tuluyan.

Sa ibang bansa piniling manganak ni Klaire kahit mag-isa lamang siya. Dalawang sanggol ang namatay at naiwan naman ang dalawa pa sa kanya.

Ang dalawang batang ito ay may napakataas na IQ, bagay na namana ng mga anak sa kanilang ama.

Si Clayton, ang lalaki niyang anak, ay may kalmado at nakakatuwang personalidad, mahilig sa teknolohiya ng programming, nakakaintindi ng apat na wika, at maraming nalalaman sa pagsulat at pagpipinta.

Si Callie naman, ang babae niyang anak, ay masigla at aktibo. She resembles her mother, Klaire. Gusto rin nitong sundan ang mga hilig ng kaniyang ina. Gusto niya ang paghahalo ng perfume at pag-aaral ng medikal.

The two kids have different personalities, but they are lovable.

Klaire couldn’t help but think about her babies. Her heart softened.

“I need to go.” Hinubad niya ang kanyang puting amerikana at bumulong kay Annie, "Kung hindi ako makakauwi sa loob ng kalahating oras, malilintikan ulit ang institute.”

“Just go, Klaire.” Annie laughed, not forgetting to remind her, "Remember to pack your luggage pagbalik mo, uuwi tayo bukas."

Napakunot ang noo ni Klaire nang marinig niya ito.

Sa mga nakalipas na taon, bilang karagdagan sa kanyang mga tagumpay sa larangan ng medikal, siya rin ay nagtatag ng isang kumpanya ng pabango kasama ang kanyang matalik na kaibigan na si Feliz Santos.

Dahil ang formula ay binuo ng kanyang research team, ay nagkaroon sila ng magandang reputasyon sa buong mundo, at hindi mabilang na mga tao ang humingi ng kanilang kooperasyon.

Si Feliz ang unang responsable sa expansion ng business sa Singapore kaya lang nang magkasakit ang ina nito ay kinailangang ipasa sa kaniya ang responsibilidad.

"Fine, see you sa airport bukas ng umaga,” tugon ni Klaire, may lungkot sa boses niya, at nagpaalam kay Annie.

She rushed home, and was scolded by her two babies.

***

Kinabukasan ay walang ganang nagpunta sa airport si Klaire.

Samantalang ang kanyang dalawang maliliit na anak ay excited. Maganda at gwapo. Cute na cute sa mga suot nitong sunglasses at branded clothes at kung maglakad ay parang mga superstars.

Along their way, many people couldn’t help but look at the twins. Hindi rin maiwasan ng mga tao ang pagkuha ng pictures ng kaniyang mga anak.

Hinila ni Annie ang maleta nito, pinipigilan ang ngiti nang lingunin si Klaire. "Para ka talagang nagsilang ng dalawang future superstars.”

Tumingin si Klaire sa dalawang naglalaro sa kanyang harapan, at sumagot, "Anong parang?”

“Hindi talaga halata nasa iyo sila galing. Ang payat mo kasi,” Natatawang sabi ni Annie na narinig naman ni Clayton.

“That’s because Mommy forgets to sleep and eat on time because of work, that’s why she’s a bit slim.”

“Clayton is right, Tita Annie,” segunda ni Callie.

Natawa si Klaire. “My babies are right.” Sabay kindat kay Annie. 

Makalipas ang ilang minuto ay sabay-sabay silang sumakay ng eroplano, at pagkatapos ng mahigit sampung oras ay lumapag na sila sa Pilipinas.

Wala sa sarili si Klaire habang naglalakad palabas ng eroplano kaya naman si Annie na ang nag-asikaso sa dalawa niyang anak.

“I’ll just go to the bathroom, Annie. Bantayan mo muna sila.”

Tumango si Annie. Kita nito ang bagabag sa kaniyang mukha. “Sure thing.”

Klaire didn’t waste time and went to the restroom to wash her face.  Nang maramdaman ang malamig na tubig sa kaniyang mukha ay doon lang siya nabuhayan muli.

Paglakas ng restroom ay natigilan siya nang mapansin ang mga anak niya sa di kalayuan.

Kumunot ang noo niya dahil iba na ang mga kasuotan ng mga ito. Clayton and Callie looked very formal in their clothes compared to what they looked like minutes before they went out of the plane. 

“Naku, si Annie talaga,” bulong ni Klaire nang may ngiti at pagkatapos ay nilapitan ang mga anak.

“Baby, ang bilis niyo naman atang nakapagbihis. Si Tita Annie ba may kagagawan nito?”

Lumingon sa kaniya ang dalawang bata. They looked at her in confusion.

Mga Comments (5)
goodnovel comment avatar
Tessa Mae Soberano Cacho
ay may ninakaw na anak na nangyari din for sure Kay Sophia .........
goodnovel comment avatar
Rosalyn Dapigran Barola
I love this story
goodnovel comment avatar
Maylen Palmones Maylen Palmones
exited bawat chapters ...️...️
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status