Napaawang ang bibig ng mga bata habang pinagmamasdan ang magandang villa sa kanilang harapan. The villa looks very old ngunit halata ang pagka-maintain nito. Animo'y isang villa sa Europe. They couldn't help but feel very excited! The villa is owned by Feliz's family, and it was sold to Klaire. Puno ng mga halaman at bulaklak ang garden samantalang sa kabilang gilid naman ay may malaking fountain. "Isn't it nice?" masayang tanong ni Feliz kay Klaire nang makapasok na silang lahat sa loob ng villa. "It is fine," wala sa sariling sagot ni Klaire habang tinutulak ang mga bagahe nila papuntang sala. "Ang hirap mo naman i-please." Umirap si Feliz pagkatapos ay napapailing na inobserbahan ang kaibigan. "What's the matter? Kanina ka pa parang balisa, Klaire."Bumuntonghininga si Klaire at nilingon ang kaniyang mga anak. "Clayton, Callie, akyat na muna kayo sa taas. You can pick your own room and clean yourselves. Mommy will follow in a while.""Yes po, Mommy," magalang na sagot ni Nico,
Klaire woke up early the next morning. Dumating na kasi ang yaya na tinanggap ni Feliz para mag-alaga sa kaniyang dalawang anak. Matapos nitong magpakilala ay iniisa-isa ni Klaire ang mga magiging trabaho nito.“Mababait po ang mga anak ko. Suwayin niyo lang sila kapag naglilikot at susundin ka nila,” paliwanag pa ni Klaire habang nagti-tyaa kasama si Manang Celi.“Wala ‘hong problema, Ma’am. Naku, sanay po ako sa mga bata at may mga apo po ako sa probinsya,” sabi ni Manang Celi at nang makarinig ng mga yapak ay napalingon sa hagdan.Nilingon ni Klaire ang dalawang batang maingat na pababa ng hagdan. A smile escaped her lips as she watched how her son guided his little sister with each step they made.“Good morning, Mommy,” bati ni Nico sa kaniya at saka niyakap siya nito.Hindi man nagsasalita ay niyakap din siya ni Callie.Hinaplos niya ang mga pisngi ng mga ito. “Nakatulog ba kayo nang maayos?”“Yes, Mommy.” Tumingin ang anak na lalaki sa kaniyang kapatid. “C-Callie smiled so much
Clayton and Callie couldn’t help but look at their Tita Sophia with disgust flashing in their eyes. Bata man ang mga isip ay alam ng dalawang bata na masama ang ugali ng babaeng gustung-gustong kunin ang loob ng kanilang Daddy—at gusto nitong kunin ang pwesto ng Mommy nila!Dahil sa babaeng ‘to kaya kinailangang lumayo ng Mommy nila at magtrabaho abroad… ito, at walang iba, ang sumira sa relasyon ng mga magulang nila.Clayton’s eyes turned cold, and Callie looked very angry too. Sinabi ng Daddy nila kahapon na hindi na hahayaan pa ang Sophia na ito na makapasok sa mansion, ngunit nagsinungaling ito!“Alejandro, bakit ganiyan ang pakikitungo mo kay Sophia? Wala naman siyang masamang intensyon. Kung may isang taong nagmamalasakit nang lubos sa mga apo ko maliban sa akin, si Sophia ‘yon!”With Donya Melissa’s support, Sophia became more confident.“Donya Melissa, huwag na po kayong magalit kay Alejandro.” Umarte itong malungkot at iniyuko ang ulo. “Baka po hindi pa sapat ang lahat ng mga
Tila ba nabuhusan ng malamig na tubig si Sophia sa sinabi ng anak ni Alejandro. She didn’t know that Alejandro’s son could be this tactless. Kung hindi lamang ito bata ay iisipin niyang may alam ito sa mga nangyari sa nakaraan.“Dear, I-I’m not being dramatic… c-come on,” sabi niya at tatayo na sana ngunit nagkunwaring nahihirapan dahil sa kaniyang leg injury.Nag-angat ng tingin si Sophia kay Alejandro at binigyan ito ng maamong titig, nagpapaawa. She wanted him to her stand up.“Help me, Ali…”Alejandro sighed. Tutulungan na sana niya si Sophia ngunit napahinto nang nagsimulang umiyak ang anak na babae. Agad niya itong binalingan at saka dali-daling binuhat.“What’s wrong, darling? Are you hurt somewhere?” nag-aalala niyang tanong sa anak at tiningnan ang mga braso nito.Humihikbing itinuro ni Callie ang kaniyang maliit na hintuturo at pinakita iyon sa kaniya.“Napaso ka ba? Let me see.” Hinaplos ni Alejandro ang mga daliri ni Callie at saka hinalikan ang mga iyon. “Does it still hu
Napasinghap si Klaire habang patuloy na pinagmamasdan ang dalawang taong walang pusong nanakit sa kaniya noon. Sa isang iglap ay bumalik ang mga mapapait na nangyari noon sa kaniyang isipan—kung paanong sumugod si Sophia sa kaniyang silid no’ng araw ng kaniyang kasal.Mayabang itong nakatangin sa kaniya at sinabing, “Klaire, you better give up this wedding with Alejandro. Otherwise, you will definitely regret it for the rest of your life!”Ngunit hindi niya ito pinansin, kahit na ano’ng pilit pa nito na layuan niya si Alejandro ay hindi niya ito sinunod. Ang mga sumunod na nangyari noon ay pakana mismo ni Sophia para pagmukhain siyang masama sa lahat ng tao.Kating-kati si Sophia na sirain siya sa lahat, lalo na sa mga mata ni Alejandro, kaya naman nagpanggap na itinulak niya ito sa hagdan. Dahil doon, naging putahe na ang kaniyang pangalan sa mga gathering ng mga mayayamang pamilya. Inakusahan siya na mapang-abuso at masama.Pero binangon niya ang kaniyang sarili. That cruel past mad
Namutla ang mukha ni Sophia sa mga narinig mula kay Klaire. Agad nitong nagbaba ng kanyang mga mata at nagpanggap na nasaktan sa sinabi niya."I-I’m very sorry. H-Hindi ko naman..." nauutal nitong sabi at tila ba parang maiiyak na. “I-I didn’t mean to act that way…”Hindi pa nakuntento si Sophia at tumingin sa paligid upang makuha ang simpatya ng mga taong naroon. Sa isang iglap ay namuo ang mga bulung-bulungan mula sa mga bisita. Dahil sa ginawa ni Sophia ay para bang bumalik sa isipan ni Klaire kung paano siya pinag-uusapan ng mga tao noon, bagay na kasalukuyang nangyayari ngayon. Pinag-uusapan siya ng mga tao dala-dala ang mapang-akusang mga titig nito sa kaniya.“So, is that really Klaire De Guzman? Ang tunay na anak ng pamilyang De Guzman? Mr. Fuentabella’s ex-wife?”“Did you remember that she hurt Sophia before? Ganiyan niya itrato si Sophia dahil nagseselos na nakasama nito ang mga tunay niyang magulang!”“I remember that. Tinulak niya sa hagdan si Sophia. Because of what sh
Taas ang noong humalukipkip siya at hinayaan ang mga bisita, maging si Alejandro, Sophia at Lance Buenaventura na tingnan siya. Wala kahit katiting na takot si Klaire na baka mahalata ng mga ito na nagsisinungaling siya—na siya talaga ang misteryosong doktor na gustong makita ng mga ito.Dahil na rin hindi niya pinayagan si Feliz na ilantad ang kaniyang mukha at pagkatao noong usap-usapan at namamayagpag ang kumpanya nila sa ibang bansa ay kumpyansa siyang walang maghihinala sa kaniya.Sa una ay wala namang problema na sabihin sa mga taong naroon na siya ang nag-iisang misteryosong doktor na nasa likod ng tagumpay ng Bloom Perfume Company, ngunit nang maisip niya na hahabulin lamang siya ni Alejandro upang ipagamot si Sophia sa kaniya ay ayaw niya na'ng ilantad ang katotohanan.She didn’t want to get associated with them at all.“So, that’s it,” aniya upang basagin ang katahimikan ng lahat at saka hinarap muli si Lance Buenaventura. “I hope you don’t mind me coming here on behalf of m
“It seems that you already forgot this face. Do I need to remind you who I am?” The corner of Alejandro’s lips curved slightly. Ngunit wala kahit na katiting na emosyon sa kaniyang guwapong mukha. His voice was deep and extremely cold.Dalawang hakbang ang kaniyang ginawa upang makalapit nang husto kay Klaire. Napalunok naman si Klaire at awtomatikong napaatras.Hindi kalakihan ang elevator kung nasaan sila, kaya naman bago pa niya mapagtanto, ay lumapat na ang kaniyang hubad na likod sa malamig na pader. Gayunpaman ay namutawi ang matalim niyang tingin para kay Alejandro.Isang segundo pa at inilapat ni Alejandro ang kaniyang braso sa pader, tila ba kinukulong siya habang patuloy ang paninitig nito sa kaniya.Nagtagis ang bagang ng lalaki.“Do you need me to remind you that we were married?” tanong niya sa mas malamig at kontroladong boses. “Do you need me to tell you how you angered me six years ago and forced me to spend a ridiculous night with you?”Naningkit ang mga mata ni Klair
ISANG malakas na suntok ang natamo ni Laurence mula sa ama ni Julia. Kahit na nasa mid 50’s na ito ay makikitaan pa rin ito ng lakas, hindi nasisindak sa kahit na ano at walang kinatatakutan. Marahil dahil na rin isa ito sa mga lider ng organisasyon na lihim na gumagawa ng ilegal na negosyo sa bansa. Julia’s family name was quite famous but they shined more in the underground business. Bagay na nililihim ng mga Acosta. “Isang bagay lang ang gusto kong gawin mo pero hindi mo ba nagawa? Alam mo ba kung gaano pinag-uusapan ang auction na ‘yon? It was supposed to be our medium to attract investors–na kapag nalaman nilang nag-acquire tayo ng business property ay kusa silang lalapit sa atin ngunit anong ginawa mo? Nagpatalo ka sa isang Consunji? Wala kang bay@g!” Dumagundong sa malaking mansyon ang galit ng isang Julian Acosta, na pinipigilan ni Julia na makalapit pa kay Laurence. Natatakot siyang baka tuluyang mabugbog ang mapapangasawa. Dinilaan ni Laurence ang dugo sa gilid ng kaniyan
HINDI maipinta ang mukha ni Laurence nang marinig ang mga sinabi niya. Halos magdiwang ang puso ni Callie dahil alam niyang natamaan niya ang ego ng dating asawa. Isa pa ay totoo naman ang sinasabi niya. Julia wouldn’t try to harm herself if she loved her baby. “L-Laurence, huwag kang makikinig sa kaniya. She’s brainwashing you para pag-awayin tayo,” iyak ni Julia. Ngumisi lamang si Callie at saka ikinawit ang kamay sa matipunong braso ni Vincenzo. “Love, I think we’re done here,” malambing niyang wika sa asawa at nag-angat ng tingin dito. “Let’s go home and celebrate our wins.” Tumango naman si Vincenzo at marahang hinaplos ang pisngi niya. Natural na natural ang pagpapanggap nito sa harap ng maraming tao na kahit si Callie ay nabibigla sa mga akto nito. Bahagya siyang napakurap nang maramdaman ang pag-iinit ng pisngi. “Alright, love,” ani Vincenzo at binalingan ng tingin si Laurence. “But I’m not done with the both of you. I’ll see to it that you’ll receive the CCTV footage on
MABILIS na sumagi sa isipan ni Callie ang kwento ng kaniyang Mommy, kung paano ito na-frame up ng karibal na si Sophia na sinadyang magpatihulog sa hagdan, na nagresulta sa pagkamuhi ng mga tao sa kaniyang ina sa loob nang mahabang taon.Adrenaline rushed through her veins. Not wanting to have the same fate as her Mom’s, she immediately grabbed Julia’s arm and pulled her up, preventing the woman from falling downstairs. Malakas ang tibok ng kaniyang puso nang mahigit ang babae at hinila ito palayo sa hagdan. “Nababaliw ka na ba?!” singhal niya habang mahigpit na hawak ang braso nito. Ramdam niya ang matinding galit na nanunuot sa kaniyang kaibuturan. “Ano sa tingin mo ang iniisip mo? Magpapatihulog ka sa hagdan? Hindi mo naisip ang baby sa sinapupunan mo?” “You were trying to hurt me!” sigaw ni Julia at nagsimulang maglikot ang mga mata, nagpalinga-linga at nagbabaka sakaling may mga matang nakakita sa ginagawa sa kaniya ni Callie. “You are trying to kill my baby!” Napailing si Cal
AGAD na iniiwas ni Callie ang tingin sa nanunubok na mga mata ni Vincenzo nang magsalita ang host ng auction. Ilang saglit pa ay nagsimula na ang aktibidad at kita sa mga mayayamang naroon ang kasiyahan sa pagbi-bid sa mga real estate property na binibenta ng mga mayayamang angkan. Dumating ang waiter at nag-abot ng drinks sa kanilang table. Kinuha ni Callie ang wineglass at sinimsiman ang alak niyon. She couldn’t help but frown as she observed the people inside the event hall. Kung mag-bid ay animo’y barya lamang ang ilang daang milyon sa mga ito. Napansin niya ang kalmadong si Vincenzo sa kaniyang tabi. Kumpara kanina na para bang nakikipaglaro ito sa kaniya, ngayon naman ay tahimik itong nagmamatiyag–sisilay ang multong ngiti sa labi at kung minsan ay mapapailing. “Why aren’t we bidding yet?” kuryoso niyang tanong sa asawa. “I’m waiting for your ex-husband and his lover to bid,” sagot nito at bahagyang tinagilid ang ulo. “Seven hundred million pesos,” rinig nilang wika ng isan
HALOS papalubog na ang araw nang makarating sina Callie at Vincenzo sa New World Manila Hotel kung saan gaganapin ang nasabing pinaka-inaabangang at pinakamalaking land auction. Ang mga mayayamang pamilya o clan, respetadong negosyante at mga pulitiko ang karaniwang nagbebenta ng mga real estate properties sa aktibidad na ito. Pagkapasok pa lamang sa event hall kung saan gaganapin ang auction ay ramdam na agad ni Vincenzo ang malalagkit na tingin ng mga lalaking negosyanteng naroon sa kaniyang asawa, habang wala namang ka-ide-ideya si Callie na tila namamangha pa sa lugar. Nauuna si Callie sa paglalakad, naghahanap ng bakanteng mesa kung saan sila maaaring maupo nang biglang harangin ito ng isang matandang lalaki na sa tingin ni Vincenzo ay nasa mid 50’s na. Malapad ang ngiti ng lalaki nang magsalita, “Sinasabi ko na nga ba’t hindi ako nagkamali ng pagpunta rito. Are you alone, Miss—” “She’s with her husband,” agad na turan ni Vincenzo at lumapit sa likuran ni Callie. He held Cal
“Anak ka pala ng isang mayamang pamilya!” gulat na pahayag ng kaibigang si Monique nang muli siyang pumasok sa Consunji Mall. “Grabe ang ganda-ganda mo sa TV, Callie. Para kang reyna ng boss natin sa kasal niyo!”Sa pagpasok pa lang kaninang umaga sa Mall ay marami ng empleyado ang gulat at masayang makita siya. Hindi na nagtataka pa si Callie lalo na’t naging headline sa balita ang nangyaring kasalan nila ni Vincenzo. Alam na rin niyang sa pagkakataong ‘yon ay hindi na niya maitatago pa ang totoong identidad sa mga taong nakasama niya sa trabaho, lalo na kay Monique na kaibigan niya. Matipid na nginitian ni Callie ang kaibigan. “Nagulat ka ba? Pasensya ka na kung naglihim ako ha.” Mabilis na tumango si Monique, ang mga mata ay puno ng tuwa. “Malamang, magugulat talaga ako! Kunwari ka pang hindi kilala ng boss natin, ‘yon pala ay mapapangasawa mo na.” Tumawa ito. “Speechless nga rin iyong supervisor natin saka iyong mga alipores niyang may inis sa iyo. Malamang ay nagngingitngit na
Halos manakit ang bibig ni Callie sa walang tigil na kangingiti nang matamis sa harap ng mga media na dumalo sa wedding reception ng kasal nila ni Vincenzo. She wanted the whole nation to know that she was happy to have the most expensive wedding in the country. Alam niyang lalabas ang mga kaganapan ng kanilang kasal sa internet at mga dyaryo kaya kahit na may kabang nararamdaman sa pagbabago ng timpla sa kaniya ni Vincenzo ay pinilit niyang magmukhang pinakamasayang asawa. Halos tatlong oras din ang tinakbo ng wedding reception at pagkatapos niyon ay isa-isa nang nag-aalisan ang mga kilalang bisita.Huminga siya nang malalim at sinabayan si Vincenzo sa paglalakad palapit sa pamilya Fuentabella. Tumikhim ang kaniyang Daddy, tiningnan siya at saka seryosong bumaling sa kaniyang asawa. Asawa…. Hindi pa rin siya makapaniwala na kinasal siya sa ikalawang pagkakataon.Tiningnan niya ang asawang si Vincenzo na may maliit na ngiting ginawad sa kaniyang Daddy Alejandro.“I won’t ask for a
Sa simbahan, Hindi mapakali ang pamilya Fuentabella maging ang mga taong naroon. Paano ba naman ay hindi pa dumadating ang bridal car na siyang maghahatid kay Callie sa lugar. Maging ang mga bisitang naroon upang saksihan ang pag-iisang dibdib nito kay Vincenzo Pierre Consunji ay nagtataka at nagbubulung-bulungan. Sa gilid ng altar ay nakatayo si Vincenzo. Bahagyang kunot ang noo habang iniisip na baka nagbago na ang isip ng babaeng pakakasalan niya. Sa gilid niya ay nakatindig ang amang si Manuel na iiling-iling bago sinabing, “That woman was brazen to lecture me days ago. Hindi naman pala desidido na magpakasal sa iyo.” Kinuyom ni Vincenzo ang kaniyang kamao. Bahagyang nagtagis ang kaniyang bagang sa pag-iisip na hindi na sisipot pa si Callie. His gaze went to Sammy’s direction—the flower girl of their small entourage. Kung hindi magpapakasal sa kaniya si Callie ay talagang mawawala sa kaniya ang batang dugo't laman ng yumao niyang kapatid. Dahil sa pag-iisip na ’yon ay na
Araw ng Sabado, Abala ang buong pamilya Fuentabella sa araw ng kasal ni Callie. Magaganda ang dekorasyon sa tanyag na simbahan na paggaganapan ng seremoniya, at inimbitahan ang mga bigating personalidad, maging ang nangungunang media upang isa-telebisyon ang kasal. The Fuentabella and Consunji family were so hands on with everything. Wala nang iba pang gagawin si Callie kung hindi ang maghanda, at magmartsa sa simbahan. Callie was in her suite, looking very fresh and happy in her preparation robe. Ito na ang araw na pinakahihintay niya. Magpapakasal na sila ni Vincenzo at isakakatuparan ang mga plano nila. She couldn’t wait to strike back. Alam niyang makararating kay Laurence ang araw na ito at sisiguraduhin niyang siya ang panalo. Pagkatapos make up-an at ayusin ang buhok niya ay pinalabas niya na ang mga stylist na naroon. Pinagmasdan niya ang magarbong wedding gown na nakasuot sa mannequin. Hindi mawala ang ngiti niya habang tinitingnan kung gaano ito kaganda. It was a design s