Puno ng poot ang mga mata ng matandang babae dahilan para manginig sa kinatatayuan si Sophia. Ni hindi niya magawa na tingnan ito nang diretso. Para siyang kandilang nauupos dahil sa galit nito. “Mama, pwede bang huwag natin pag-usapan ito ngayon? Kaarawan mo kaya naghanda kami ng maliit na salo-salo. Si Sophia mismo—” “Sa tingin niyo ba ay madadaan niyo ako sa mga ganitong pakulo? Masyado mo yatang minamaliit ang Mama mo, Carmina.”“Lola, hindi naman po iyon ang ibig sabihin ni Mommy…” Nagtaas ng kilay ang matanda. “Huwag mo akong pinapatawa, Sophia. Our family raised you for so many years. Kung may utang na loob ka talaga, hindi mo pagmamalupitan ang apo ko. Mula noon hanggang sa pagbalik niya… puro gulo ang binigay mo sa kaniya.” “Lola, hindi po—” “Huwag kang sinungaling.” Naningkit ang mga mata ng matanda at dinuro siya. “Iyang bulok mong ugali ang dahilan kaya hindi napalapit ang loob ni Klaire sa amin. Imbis na suklian mo ng kabutihan ang pagpapalaki namin sa ‘yo, tinataboy
Nagsimulang magbulung-bulungan ang mga bisita lalo na ang mga kamag-anak ng mga De Guzman. Lahat ay nasurpresa nainis sa presensya ni Klaire sa maliit na salu-salong iyon. “Iyan na ba ang tunay na anak ni Carmina? Ang kapal naman ng mukha niyang tumuntong sa mansyon na ‘to. Hindi ba niya alam na marami ang may alam sa ginawa niya kay Sophia noon?”“Siya nga ‘yong walang pusong tumulak kay Sophia noon.” “Kung siya ang tunay na anak ni Carmina, ano na ang mangyayari kay Sophia kung babalik ang babaeng ‘yan para kunin ang dapat na sa kaniya?”Maraming naging komento ang mga bisita sa pagdating ni Klaire, bagay na naririnig at nararamdaman niya. Ngunit sa pagkakataong ‘yon ay pinabayaan niya ang mga ito na pag-usapan siya. Tinuon niya ang atensyon niya sa dalawang matanda na miss na miss niya. Halos maiyak si Sonya De Guzman habang hinahaplos ang braso niya. “Bakit ngayon ka lang nagpakita kay lola? Ang tagal ka naming hinintay ng lolo mo, hija.”Napangiti siya sa narinig. Mas lalong
Ang lahat ng bisita na naroon ay sumang-ayon sa gustong mangyaring pag-iimbistiga no Don Armando tungkol sa nangyaring alitan nina Klaire at Antonette sa club. Everything seemed to be fixed when the old man of the Fuentabellas intervened. Ngunit hindi pabor si Sophia sa suhestiyon na ‘yon. Napalunok siya at biglang nangasim ang sikmura. Alam niya kung ano ang totoo… magiging kahiya-hiya sila ni Antonette kapag lumabas ang totoong nangyari noong gabing ‘yon. Ano na lang ang sasabihin ng pamilya De Guzman sa kanila… sa kaniya? Ano na lang ang mangyayari sa paghahabol niya kay Alejandro? Nang maisip ang lalaki ay hinanap niya ito. Alejandro was standing right next to the living room’s entrance, watching them in a serious manner. “There is no need to investigate,” ani Alejandro sa malamig at malalim na boses. Lahat ng mga mata ay napalingon sa kaniya, maging si Klaire na hindi inaasahan ang pagsasalita niya. Nagtama ang kanilang mga mata bago bumaling si Alejandro sa kaniyang ama. “
Ang mga bulung-bulungang ito ay narinig lahat ni Sophia. Mangiyak-ngiyak siya sa nangyayari at hindi na alam kung ano ang dapat na gawin. Paano siya napag-uusapan ng mga taong ito nang ganito…?Humarap sa kaniya si Don Armando na may kunot ang noo. Halatang hindi masaya sa gulong nangyari. “Sophia, dahil sa iyo kaya nagkaroon nang ganito sa kaarawan ng inyong Lola Sonya. You should apologize to Klaire because you didn’t tell your family the truth.” Napakapangit ng ekspresyon ni Sophia. Magkasalubong ang mga kilay at halos kumulubot ang buong mukha dahil sa pagkapahiya. Sa isip niya ay ayaw niyang humingi ng tawad kay Klaire. At bakit naman niya gagawin ‘yon? Bakit siya hihingi ng tawad sa walang hiyang babaeng ‘to? Ngunit ang sitwasyon ay hindi maganda sa sandaling ito. Nilunok na lamang niya ang lahat ng kaniyang hinaing at nagngingitngit na lumapit kay Klaire. “Klaire, I-I’m sorry that this happened… Kasalanan ko ang lahat. I-It was my fault that I-I wasn’t able to explain to th
Sa isang mahabang mesa, nakaupo ang mga De Guzman pati na rin ang mga Fuentabella habang ang ibang bisita ay nasa kabilang mesa at ninanamnam ang masasarap na pagkain na nakahain. Mas naging kalmado na ang pakiramdam ni Klaire. Masaya siyang nakipagkwentuhan sa kaniyang lola at lolo pati na rin kay Don Armando. Wala na rin siyang narinig na insulto sa ibang miyembro ng pamilya De Guzman. Mabuti iyon dahil ayaw niya ring sirain ang gabi ng kaniyang Lola Sonya. “Hija, didn’t you prepare gifts for your grandma? Ibigay mo na sa kaniya,” masayang wika ni Don Armando. Nang marinig ‘yon ay saka pa lamang naalala ni Klaire ang mga regalong hinanda niya na naiwan sa kotse. Napaawang ang labi niya at tatayo na sana para balikan ang mga regalo pero pinigilan siya ni Don Armando. “Huwag ka nang tumayo. Let Alejandro get those gifts,” ani Don Armando saka bumaling sa kaniyang anak. “Ali, kunin mo muna ang mga regalo. Naiwan ko rin ang regalo ko para kay Sonya.” Nagtaas lamang ng kilay si Ale
Hindi rin nagtagal ay natapos na ang party. Nagpaalam si Klaire sa kaniyang lolo’t lola at saka lumabas na ng lumang mansyon na ‘yon. Nakatayo sa labas sina Alejandro at Don Armando. “Thank you po sa pagsuporta sa akin, Don Armando,” magaling na saad ni Klaire sa matanda at nginitian ito. Nilabas niya ang kaniyang phone para sana mag-book ng grab o taxi ngunit nang makita ito ni Don Armando ay pinigilan siya. “Klaire, hija, masyado nang gabi para mag-book ka ng masasakyan.” Marahang tinapik ng Don ang likod ni Alejandro. “Ikaw, ihatid mo si Klaire sa tinitirhan niya nang matuwa naman ako sa ‘yo!” Lihim na napangiwi si Klaire. Alam niya kasing malaking abala pa na ihahatid siya ng mga ‘to lalo na’t medyo malayo ang villa sa tinitirhan ng mga ito. Ngunit alam din niyang kapag si Don Armando ang nagsalita ay hindi niya iyon mapahihindian. “Luke, you drive,” utos ni Alejandro sa tauhan niya, hindi na pinahindian ang matanda. Mabilis namang kumilos si Luke at saka pumasok sa kotse.
Malakas pa rin ang tibok ng puso ni Klaire nang makapasok sa villa. Hindi siya makapaniwala na inamin niya kay Alejandro na may anak siya. Hindi rin makawala sa isipan niya ang naging reaksyon ni Alejandro na animo’y walang pakialam sa nalaman. She couldn’t help but laugh in relief. “Ayos lang ‘yon, Klaire. He’s not suspecting anything…” sabi niya sa sarili para pakalmahin ang kaniyang dibdib. Wala na siyang pakialam kung iba ang isipin ni Alejandro–na baka naisip nito na may lalaki siyang kinasama abroad kaya siya may anak ngayon. Ang mahalaga sa kaniya ay mapoprotektahan niya ang pagkakilanlan ng mga anak niya, at hindi sila makukuha ni Alejandro anuman ang mangyari. Tumango si Klaire sa sarili. Tama! Hindi na dapat siya mamroblema. Mabuti nga ‘yon na isipin nito na may anak siya sa iba para naman hindi na sila masyadong magkita pa. “Hello, Mommy!” Lumapit si Nico sa kaniya nang makatuntong siya sa sala. “How are you, Mommy? Did someone bully you at grandma’s birthday?”Lumuho
Sa kabilang banda, Mas lalong nahirapan si Sophia sa kaniyang sitwasyon. Simula kasi nang kaarawan ng kaniyang Lola Sonya ay hindi na natahimik ang mga De Guzman. The two elders in the family were so eager to transfer their shares to Klaire’s name! Maraming beses na pinigilan nina Carmina at Martha ang bagay na ‘yon, ngunit sa huli ay walang nagawa ang mga ito. Napagtanto ni Sophia na wala na siyang magagawa. Hangga’t buhay ang dalawang matandang sina Sonya at Miguel ay wala siyang mahihita na kahit ano’ng yaman sa pamilya De Guzman lalo pa’t hindi siya kinikilala ng mga ito. Ang tanging paraan na lang para sa karangyaan ay maikasal kay Alejandro Fuentabella. Therefore, she must do everything to claim Alejandro. She has been observing Alejandro’s whereabouts in the past few days, as well as his sudden change in mood. Natutuwa siya dahil ilang araw na ‘tong subsob sa trabaho at wala siyang nababalitaan na nakikipagkita pa ito sa Klaire na ‘yon. Sa wakas, wala na rin sa landas niya
ISANG malakas na suntok ang natamo ni Laurence mula sa ama ni Julia. Kahit na nasa mid 50’s na ito ay makikitaan pa rin ito ng lakas, hindi nasisindak sa kahit na ano at walang kinatatakutan. Marahil dahil na rin isa ito sa mga lider ng organisasyon na lihim na gumagawa ng ilegal na negosyo sa bansa. Julia’s family name was quite famous but they shined more in the underground business. Bagay na nililihim ng mga Acosta. “Isang bagay lang ang gusto kong gawin mo pero hindi mo ba nagawa? Alam mo ba kung gaano pinag-uusapan ang auction na ‘yon? It was supposed to be our medium to attract investors–na kapag nalaman nilang nag-acquire tayo ng business property ay kusa silang lalapit sa atin ngunit anong ginawa mo? Nagpatalo ka sa isang Consunji? Wala kang bay@g!” Dumagundong sa malaking mansyon ang galit ng isang Julian Acosta, na pinipigilan ni Julia na makalapit pa kay Laurence. Natatakot siyang baka tuluyang mabugbog ang mapapangasawa. Dinilaan ni Laurence ang dugo sa gilid ng kaniyan
HINDI maipinta ang mukha ni Laurence nang marinig ang mga sinabi niya. Halos magdiwang ang puso ni Callie dahil alam niyang natamaan niya ang ego ng dating asawa. Isa pa ay totoo naman ang sinasabi niya. Julia wouldn’t try to harm herself if she loved her baby. “L-Laurence, huwag kang makikinig sa kaniya. She’s brainwashing you para pag-awayin tayo,” iyak ni Julia. Ngumisi lamang si Callie at saka ikinawit ang kamay sa matipunong braso ni Vincenzo. “Love, I think we’re done here,” malambing niyang wika sa asawa at nag-angat ng tingin dito. “Let’s go home and celebrate our wins.” Tumango naman si Vincenzo at marahang hinaplos ang pisngi niya. Natural na natural ang pagpapanggap nito sa harap ng maraming tao na kahit si Callie ay nabibigla sa mga akto nito. Bahagya siyang napakurap nang maramdaman ang pag-iinit ng pisngi. “Alright, love,” ani Vincenzo at binalingan ng tingin si Laurence. “But I’m not done with the both of you. I’ll see to it that you’ll receive the CCTV footage on
MABILIS na sumagi sa isipan ni Callie ang kwento ng kaniyang Mommy, kung paano ito na-frame up ng karibal na si Sophia na sinadyang magpatihulog sa hagdan, na nagresulta sa pagkamuhi ng mga tao sa kaniyang ina sa loob nang mahabang taon.Adrenaline rushed through her veins. Not wanting to have the same fate as her Mom’s, she immediately grabbed Julia’s arm and pulled her up, preventing the woman from falling downstairs. Malakas ang tibok ng kaniyang puso nang mahigit ang babae at hinila ito palayo sa hagdan. “Nababaliw ka na ba?!” singhal niya habang mahigpit na hawak ang braso nito. Ramdam niya ang matinding galit na nanunuot sa kaniyang kaibuturan. “Ano sa tingin mo ang iniisip mo? Magpapatihulog ka sa hagdan? Hindi mo naisip ang baby sa sinapupunan mo?” “You were trying to hurt me!” sigaw ni Julia at nagsimulang maglikot ang mga mata, nagpalinga-linga at nagbabaka sakaling may mga matang nakakita sa ginagawa sa kaniya ni Callie. “You are trying to kill my baby!” Napailing si Cal
AGAD na iniiwas ni Callie ang tingin sa nanunubok na mga mata ni Vincenzo nang magsalita ang host ng auction. Ilang saglit pa ay nagsimula na ang aktibidad at kita sa mga mayayamang naroon ang kasiyahan sa pagbi-bid sa mga real estate property na binibenta ng mga mayayamang angkan. Dumating ang waiter at nag-abot ng drinks sa kanilang table. Kinuha ni Callie ang wineglass at sinimsiman ang alak niyon. She couldn’t help but frown as she observed the people inside the event hall. Kung mag-bid ay animo’y barya lamang ang ilang daang milyon sa mga ito. Napansin niya ang kalmadong si Vincenzo sa kaniyang tabi. Kumpara kanina na para bang nakikipaglaro ito sa kaniya, ngayon naman ay tahimik itong nagmamatiyag–sisilay ang multong ngiti sa labi at kung minsan ay mapapailing. “Why aren’t we bidding yet?” kuryoso niyang tanong sa asawa. “I’m waiting for your ex-husband and his lover to bid,” sagot nito at bahagyang tinagilid ang ulo. “Seven hundred million pesos,” rinig nilang wika ng isan
HALOS papalubog na ang araw nang makarating sina Callie at Vincenzo sa New World Manila Hotel kung saan gaganapin ang nasabing pinaka-inaabangang at pinakamalaking land auction. Ang mga mayayamang pamilya o clan, respetadong negosyante at mga pulitiko ang karaniwang nagbebenta ng mga real estate properties sa aktibidad na ito. Pagkapasok pa lamang sa event hall kung saan gaganapin ang auction ay ramdam na agad ni Vincenzo ang malalagkit na tingin ng mga lalaking negosyanteng naroon sa kaniyang asawa, habang wala namang ka-ide-ideya si Callie na tila namamangha pa sa lugar. Nauuna si Callie sa paglalakad, naghahanap ng bakanteng mesa kung saan sila maaaring maupo nang biglang harangin ito ng isang matandang lalaki na sa tingin ni Vincenzo ay nasa mid 50’s na. Malapad ang ngiti ng lalaki nang magsalita, “Sinasabi ko na nga ba’t hindi ako nagkamali ng pagpunta rito. Are you alone, Miss—” “She’s with her husband,” agad na turan ni Vincenzo at lumapit sa likuran ni Callie. He held Cal
“Anak ka pala ng isang mayamang pamilya!” gulat na pahayag ng kaibigang si Monique nang muli siyang pumasok sa Consunji Mall. “Grabe ang ganda-ganda mo sa TV, Callie. Para kang reyna ng boss natin sa kasal niyo!”Sa pagpasok pa lang kaninang umaga sa Mall ay marami ng empleyado ang gulat at masayang makita siya. Hindi na nagtataka pa si Callie lalo na’t naging headline sa balita ang nangyaring kasalan nila ni Vincenzo. Alam na rin niyang sa pagkakataong ‘yon ay hindi na niya maitatago pa ang totoong identidad sa mga taong nakasama niya sa trabaho, lalo na kay Monique na kaibigan niya. Matipid na nginitian ni Callie ang kaibigan. “Nagulat ka ba? Pasensya ka na kung naglihim ako ha.” Mabilis na tumango si Monique, ang mga mata ay puno ng tuwa. “Malamang, magugulat talaga ako! Kunwari ka pang hindi kilala ng boss natin, ‘yon pala ay mapapangasawa mo na.” Tumawa ito. “Speechless nga rin iyong supervisor natin saka iyong mga alipores niyang may inis sa iyo. Malamang ay nagngingitngit na
Halos manakit ang bibig ni Callie sa walang tigil na kangingiti nang matamis sa harap ng mga media na dumalo sa wedding reception ng kasal nila ni Vincenzo. She wanted the whole nation to know that she was happy to have the most expensive wedding in the country. Alam niyang lalabas ang mga kaganapan ng kanilang kasal sa internet at mga dyaryo kaya kahit na may kabang nararamdaman sa pagbabago ng timpla sa kaniya ni Vincenzo ay pinilit niyang magmukhang pinakamasayang asawa. Halos tatlong oras din ang tinakbo ng wedding reception at pagkatapos niyon ay isa-isa nang nag-aalisan ang mga kilalang bisita.Huminga siya nang malalim at sinabayan si Vincenzo sa paglalakad palapit sa pamilya Fuentabella. Tumikhim ang kaniyang Daddy, tiningnan siya at saka seryosong bumaling sa kaniyang asawa. Asawa…. Hindi pa rin siya makapaniwala na kinasal siya sa ikalawang pagkakataon.Tiningnan niya ang asawang si Vincenzo na may maliit na ngiting ginawad sa kaniyang Daddy Alejandro.“I won’t ask for a
Sa simbahan, Hindi mapakali ang pamilya Fuentabella maging ang mga taong naroon. Paano ba naman ay hindi pa dumadating ang bridal car na siyang maghahatid kay Callie sa lugar. Maging ang mga bisitang naroon upang saksihan ang pag-iisang dibdib nito kay Vincenzo Pierre Consunji ay nagtataka at nagbubulung-bulungan. Sa gilid ng altar ay nakatayo si Vincenzo. Bahagyang kunot ang noo habang iniisip na baka nagbago na ang isip ng babaeng pakakasalan niya. Sa gilid niya ay nakatindig ang amang si Manuel na iiling-iling bago sinabing, “That woman was brazen to lecture me days ago. Hindi naman pala desidido na magpakasal sa iyo.” Kinuyom ni Vincenzo ang kaniyang kamao. Bahagyang nagtagis ang kaniyang bagang sa pag-iisip na hindi na sisipot pa si Callie. His gaze went to Sammy’s direction—the flower girl of their small entourage. Kung hindi magpapakasal sa kaniya si Callie ay talagang mawawala sa kaniya ang batang dugo't laman ng yumao niyang kapatid. Dahil sa pag-iisip na ’yon ay na
Araw ng Sabado, Abala ang buong pamilya Fuentabella sa araw ng kasal ni Callie. Magaganda ang dekorasyon sa tanyag na simbahan na paggaganapan ng seremoniya, at inimbitahan ang mga bigating personalidad, maging ang nangungunang media upang isa-telebisyon ang kasal. The Fuentabella and Consunji family were so hands on with everything. Wala nang iba pang gagawin si Callie kung hindi ang maghanda, at magmartsa sa simbahan. Callie was in her suite, looking very fresh and happy in her preparation robe. Ito na ang araw na pinakahihintay niya. Magpapakasal na sila ni Vincenzo at isakakatuparan ang mga plano nila. She couldn’t wait to strike back. Alam niyang makararating kay Laurence ang araw na ito at sisiguraduhin niyang siya ang panalo. Pagkatapos make up-an at ayusin ang buhok niya ay pinalabas niya na ang mga stylist na naroon. Pinagmasdan niya ang magarbong wedding gown na nakasuot sa mannequin. Hindi mawala ang ngiti niya habang tinitingnan kung gaano ito kaganda. It was a design s