Tahimik na naghintay ang mag-i-ina kay Logan. Ilang minuto lang din ay lumabas na ito sa Principal’s office habang nakapamulsa.“Everything’s fixed, Klaire,” sabi ni Logan. “Easy peasy.”Tuwang-tuwa naman si Klaire sa narinig kaya niyakap niya ang lalaki. “Thank you, Logan! Naku, sorry talaga at naabala pa kita. Alam kong busy ka sa negosyo ngayon.” “You know I’m always one call away for you, right?” Logan smiled. “Saka mas gusto ko nga na lumalapit ka sa akin kapag kailangan mo ng tulong kaya naman sinasarili mo.” “Babawi ako sa ‘yo, promise!” ani Klaire. “Kapag nagkaroon ako ng free time ngayong linggo, pwede tayong lumabas para kumain.” “I’ll look forward to that then,” masayang sabi ni Logan at saka tumingin sa kaniyang relo. “I gotta go, Klaire. Just call me when you need something else. I’ll help you immediately.” “Salamat, Logan. Aalis na rin kami. Kailangan ko iuwi ang mga bata bago dumiretso sa trabaho.” Logan patted her back. “Huwag ka masyadong magpakapagod.” “Yeah,
Wala pang isang oras nang makarating si Alejandro sa lumang mansyon. Pagpasok pa lang ay nakita niya si Don Armando sa balcony hawak-hawak ang tasa ng tsaa habang nakaupo sa rocking chair nito. The old man looked unprepared and seemingly taking his time. “Hindi pa ba tayo aalis, Pa?” tanong niya nang makalapit sa matanda. Bumaling sa kaniya ang ama at sana umiling. “No rush, son. Hihintayin muna natin si Klaire na matapos sa kaniyang trabaho. Susunduin natin siya.” “What did you say?”Tumawa ang matanda. “Gulat ka no? It’s her grandmother’s birthday. Syempre ay dadalo siya sa party. Sinabi ko sa kaniya na susunduin natin siya kapag tapos na siya sa trabaho.” Tumikhim si Alejandro, hindi malaman kung maiinis ba o matutuwa sa narinig na ‘yon. Kung gayo’y may pagkakataon na naman pala siyang makita ang dati niyang asawa? “Nakikita mo naman siguro na ginagawa ko ang lahat para mapalapit ulit sa ‘yo ang loob ng dati mong asawa, Alejandro. Don’t mess it up,” ani Don Armando. Nagpamul
Puno ng poot ang mga mata ng matandang babae dahilan para manginig sa kinatatayuan si Sophia. Ni hindi niya magawa na tingnan ito nang diretso. Para siyang kandilang nauupos dahil sa galit nito. “Mama, pwede bang huwag natin pag-usapan ito ngayon? Kaarawan mo kaya naghanda kami ng maliit na salo-salo. Si Sophia mismo—” “Sa tingin niyo ba ay madadaan niyo ako sa mga ganitong pakulo? Masyado mo yatang minamaliit ang Mama mo, Carmina.”“Lola, hindi naman po iyon ang ibig sabihin ni Mommy…” Nagtaas ng kilay ang matanda. “Huwag mo akong pinapatawa, Sophia. Our family raised you for so many years. Kung may utang na loob ka talaga, hindi mo pagmamalupitan ang apo ko. Mula noon hanggang sa pagbalik niya… puro gulo ang binigay mo sa kaniya.” “Lola, hindi po—” “Huwag kang sinungaling.” Naningkit ang mga mata ng matanda at dinuro siya. “Iyang bulok mong ugali ang dahilan kaya hindi napalapit ang loob ni Klaire sa amin. Imbis na suklian mo ng kabutihan ang pagpapalaki namin sa ‘yo, tinataboy
Nagsimulang magbulung-bulungan ang mga bisita lalo na ang mga kamag-anak ng mga De Guzman. Lahat ay nasurpresa nainis sa presensya ni Klaire sa maliit na salu-salong iyon. “Iyan na ba ang tunay na anak ni Carmina? Ang kapal naman ng mukha niyang tumuntong sa mansyon na ‘to. Hindi ba niya alam na marami ang may alam sa ginawa niya kay Sophia noon?”“Siya nga ‘yong walang pusong tumulak kay Sophia noon.” “Kung siya ang tunay na anak ni Carmina, ano na ang mangyayari kay Sophia kung babalik ang babaeng ‘yan para kunin ang dapat na sa kaniya?”Maraming naging komento ang mga bisita sa pagdating ni Klaire, bagay na naririnig at nararamdaman niya. Ngunit sa pagkakataong ‘yon ay pinabayaan niya ang mga ito na pag-usapan siya. Tinuon niya ang atensyon niya sa dalawang matanda na miss na miss niya. Halos maiyak si Sonya De Guzman habang hinahaplos ang braso niya. “Bakit ngayon ka lang nagpakita kay lola? Ang tagal ka naming hinintay ng lolo mo, hija.”Napangiti siya sa narinig. Mas lalong
Ang lahat ng bisita na naroon ay sumang-ayon sa gustong mangyaring pag-iimbistiga no Don Armando tungkol sa nangyaring alitan nina Klaire at Antonette sa club. Everything seemed to be fixed when the old man of the Fuentabellas intervened. Ngunit hindi pabor si Sophia sa suhestiyon na ‘yon. Napalunok siya at biglang nangasim ang sikmura. Alam niya kung ano ang totoo… magiging kahiya-hiya sila ni Antonette kapag lumabas ang totoong nangyari noong gabing ‘yon. Ano na lang ang sasabihin ng pamilya De Guzman sa kanila… sa kaniya? Ano na lang ang mangyayari sa paghahabol niya kay Alejandro? Nang maisip ang lalaki ay hinanap niya ito. Alejandro was standing right next to the living room’s entrance, watching them in a serious manner. “There is no need to investigate,” ani Alejandro sa malamig at malalim na boses. Lahat ng mga mata ay napalingon sa kaniya, maging si Klaire na hindi inaasahan ang pagsasalita niya. Nagtama ang kanilang mga mata bago bumaling si Alejandro sa kaniyang ama. “
Ang mga bulung-bulungang ito ay narinig lahat ni Sophia. Mangiyak-ngiyak siya sa nangyayari at hindi na alam kung ano ang dapat na gawin. Paano siya napag-uusapan ng mga taong ito nang ganito…?Humarap sa kaniya si Don Armando na may kunot ang noo. Halatang hindi masaya sa gulong nangyari. “Sophia, dahil sa iyo kaya nagkaroon nang ganito sa kaarawan ng inyong Lola Sonya. You should apologize to Klaire because you didn’t tell your family the truth.” Napakapangit ng ekspresyon ni Sophia. Magkasalubong ang mga kilay at halos kumulubot ang buong mukha dahil sa pagkapahiya. Sa isip niya ay ayaw niyang humingi ng tawad kay Klaire. At bakit naman niya gagawin ‘yon? Bakit siya hihingi ng tawad sa walang hiyang babaeng ‘to? Ngunit ang sitwasyon ay hindi maganda sa sandaling ito. Nilunok na lamang niya ang lahat ng kaniyang hinaing at nagngingitngit na lumapit kay Klaire. “Klaire, I-I’m sorry that this happened… Kasalanan ko ang lahat. I-It was my fault that I-I wasn’t able to explain to th
Sa isang mahabang mesa, nakaupo ang mga De Guzman pati na rin ang mga Fuentabella habang ang ibang bisita ay nasa kabilang mesa at ninanamnam ang masasarap na pagkain na nakahain. Mas naging kalmado na ang pakiramdam ni Klaire. Masaya siyang nakipagkwentuhan sa kaniyang lola at lolo pati na rin kay Don Armando. Wala na rin siyang narinig na insulto sa ibang miyembro ng pamilya De Guzman. Mabuti iyon dahil ayaw niya ring sirain ang gabi ng kaniyang Lola Sonya. “Hija, didn’t you prepare gifts for your grandma? Ibigay mo na sa kaniya,” masayang wika ni Don Armando. Nang marinig ‘yon ay saka pa lamang naalala ni Klaire ang mga regalong hinanda niya na naiwan sa kotse. Napaawang ang labi niya at tatayo na sana para balikan ang mga regalo pero pinigilan siya ni Don Armando. “Huwag ka nang tumayo. Let Alejandro get those gifts,” ani Don Armando saka bumaling sa kaniyang anak. “Ali, kunin mo muna ang mga regalo. Naiwan ko rin ang regalo ko para kay Sonya.” Nagtaas lamang ng kilay si Ale
Hindi rin nagtagal ay natapos na ang party. Nagpaalam si Klaire sa kaniyang lolo’t lola at saka lumabas na ng lumang mansyon na ‘yon. Nakatayo sa labas sina Alejandro at Don Armando. “Thank you po sa pagsuporta sa akin, Don Armando,” magaling na saad ni Klaire sa matanda at nginitian ito. Nilabas niya ang kaniyang phone para sana mag-book ng grab o taxi ngunit nang makita ito ni Don Armando ay pinigilan siya. “Klaire, hija, masyado nang gabi para mag-book ka ng masasakyan.” Marahang tinapik ng Don ang likod ni Alejandro. “Ikaw, ihatid mo si Klaire sa tinitirhan niya nang matuwa naman ako sa ‘yo!” Lihim na napangiwi si Klaire. Alam niya kasing malaking abala pa na ihahatid siya ng mga ‘to lalo na’t medyo malayo ang villa sa tinitirhan ng mga ito. Ngunit alam din niyang kapag si Don Armando ang nagsalita ay hindi niya iyon mapahihindian. “Luke, you drive,” utos ni Alejandro sa tauhan niya, hindi na pinahindian ang matanda. Mabilis namang kumilos si Luke at saka pumasok sa kotse.