Share

Chapter 67

Nang makita ni Melissa ang kanyang anak na papalapit sa kanila, agad siyang nakakuha ng kumpiyansa na ihagis ang kahihiyan Klaire.

“Ali, have you heard what this uneducated woman just said? She is really a gold digger!” bulalas ni Melissa.

Ibinaling din ni Klaire ang kanyang tingin kay Alejandro. Sa isip niya ay hindi niya maintindihan kung ano’ng ginagawa ni Alejandro sa ospital sa mga oras na ‘yon. Dahil ba kay Sophia kaya nagpunta siya rito?

Sa pag-iisip ng posibilidad na ito, unti-unting nakaramdam ng lungkot si Klaire. Ang sabi ng lalaki ay wala silang relasyon ni Sophia, hindi ba? Nagsisinungaling lang ba ito?

Agad na nanumbalik ang poot sa dibdib niya. Ilang araw din niyang hinayaan ang sarili na maguluhan dahil sa mga magagandang bagay na pinapakita ni Alejandro, pero hindi na siya magpapalokong muli!

Hindi napigilan ni Klaire na ibuka ang kanyang bibig at nanunuya, “So, Mr. Fuentabella is here to stand by his fiancee’s side, I see.” Tumango siya at saka sarkastikong tumawa
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (7)
goodnovel comment avatar
Nenita Nolasco
next episode please
goodnovel comment avatar
8514anysia
huhuhu sad nman tong chapter n to...
goodnovel comment avatar
Anita Valde
thanks Author sa update Grabe Ka bitter ang Mga higad na hnd Maka move on
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status