Huwebes ng gabi, kasakuluyang overtime sa trabaho sina Klaire at Olga para ayusin ang nakitang problema sa isang perfume formula. Seryosong tinitingnan ni Klaire ang data sa kaniyang tablet nang biglang makatanggap ng tawag mula kay Feliz.“Feliz, why did you call?” bungad niya nang sagutin ang tawag nito. “Hello?” isang lalaki na may malalim na boses ang nagsalita. “Are you friends with the owner of this phone? This lady is drunk. We’re at the Red Crystal Club. Can you please come and pick her up?”Napakurap siya sa narinig. “Okay. I’ll go right away.” Kilala niya ang kaibigan. Hindi maganda ang nangyayari kapag nalalasing ito kaya bago pa man ito mapahamak ay pupuntahan na niya. Klaire didn't think much and grabbed all her things. “Oh, saan ka pupunta, Klaire?” naguguluhang tanong ni Olga. “I need to pick up Feliz. Nalasing sa isang club,” sagot niya. “Alis na muna ako, ha?”Bigla namang tumayo si Olga. “Sama na ako sa ‘yo! Kung lasing ang kaibigan mo, baka mahirapan ka na iuwi
Pagkahinto ng kotse sa harap ng Red Crystal Club ay huminga nang malalim si Alejandro. Marami pa ring tumatakbo sa isip niya at may kung ano’ng lungkot sa puso dahil sa mga nalaman niya habang nasa Singapore, ngunit pilit niyang itinago ang pagluluksa upang magawa ang pakay niya sa lugar na ‘yon nang maayos. Pagkalabas ng kotse ay inayos niya ang butones ng suot na suit, papasok na sana sila ni Luke sa loob nang marinig ang pamilyar na mga boses hindi kalayuan sa kanila. “Help! We need help!” sigaw ni Feliz.Kumunot ang noo niya sa nakita. Ano ang ginagawa nina Feliz at Olga sa lugar na ‘yon? Maging si Luke ay nagtataka at bumaling sa kaniya. “Mukhang kailangan nila ng tulong, Boss?”Tiningnan ni Alejandro ang oras sa kaniyang relos. May limang minuto pa siya bago ang meeting nila ni Mr. Smith. He then walked towards the women screaming for help. “What’s going on here?” seryoso niyang tanong sa mga babae. Agad namang nabuhayan sina Feliz at Olga nang makita siya. Tinuro ni Fel
Nang makalabas sa club ay hinawakan ni Alejandro ang magkabilang balikat niya, nag-aalalang tiningnan ang mga braso’t paa niya kung may natamo ba siyang sugat o pasa. “Where did he hurt you?” mariin na tanong ng lalaki, mahihimigan ang iritasyon sa kaniyang boses. “His bodyguards weren’t able to injure me. Pero nasampal niya ako,” sagot ni Klaire at bumuntonghininga. Kinagat niya ang ibabang labi, mabuti na lamang at hindi nagsugat ‘yon. “That bastard. I’ll make sure he’ll pay for this.”“Ikaw?” Awtomatikong bumaba ang mga mata niya sa kamao ni Alejandro. Puno ng dugo ‘yon. Tiningnan ni Alejandro ang kamao niya at sinabing, “It’s okay. It’s his blood, not mine.”“Mabuti naman…” Nakahinga nang maluwag si Klaire matapos suriin ang kamay ng lalaki. She then raised her eyes, looking at his ex-husband who saved her tonight. “T-Thank you pala.”Kahit paano ay marunong siyang tumanaw ng utang na loob. Kung hindi dumating si Alejandro para iligtas siya sa mga kamay ng Mr. Vesarius na ‘yon
Kinaumagahan, pagkaalis ni Alejandro at mga bata sa lumang mansyon ay nagdesisyon si Don Armando na bumisita sa villa ni Klaire. Sa pagkakataong ‘yon ay wala na si Klaire sa villa, at tanging ang dalawang matanda at ang kasambahay na lamang ang naroon. Ang buong akala ng mag-asawang Sonya at Miguel ay bumisita lamang si Don Armando roon para makipaglaro ng chess at mag-tsaa. Ngunit nang makaupo sila sa sala ay sinabi nito ang totoong pakay. “Sinadya kong magpunta rito nang wala si Klaire dahil may gusto akong itanong sa inyo,” ani Don Armando.Nagkatiningan ang mag-asawa. Kunot-noong bumaling si Miguel sa Don. “Ano ‘yon, Armando?”“Gusto kong malaman ang totoo tungkol sa dalawang batang nakatira dito.”Nagulat ang mag-asawa sa sinabi nito at agad silang nabalisa habang nililihis ang tingin sa matanda. “A-Ano naman ang tungkol sa mga apo ko, Armando?” tanong ni Sonya.Naningkit ang mga mata ni Don Armando. Sa kilos at pananalita pa lamang ng mag-asawa ay mukhang tama ang hinala niy
Sa opisina, sunod-sunod ang pagbahing ni Klaire dahilan para lingunin siya ni Olga. “Klaire, ayos ka lang ba?” Sumingot siya at bahagyang tumango. “I’m okay. Makati lang ang ilong ko kaya panay ang bahing ko.”“Kung kailangan mo ng meds, meron tayo sa may clinic, okay?”“Ma’am Klaire,” tawag sa kaniya ng pamilyar na boses ni Luke na kapapasok lamang sa Lab 2. “Gusto kang makausap ng CEO.”Napakurap siya sa narinig. Gusto siyang makausap ni Alejandro? Bakit?“Okay. I’ll go to his office,” wika niya.Malagkit siyang tiningnan ni Olga nang tumayo siya mula swivel chair. Lumabi siya at pinandilatan pa ito dahil halatang nag-iisip na naman ng kung ano. Ilang saglit pa ay nakarating na siya sa opisina ni Alejandro. Nakaupo ang lalaki sa likod ng desk nito habang may binabasang dokumento. Marahan siyang naglakad palapit sa harapan ng desk nito at pormal na tiningnan ang lalaki. “You asked for me, Mr. Fuentabella?” “Sit down first.” Tinuro ni Alejandro ang couch malapit sa desk. Pumaso
Alas singko pa lang ng hapon ay naghahanda na si Klaire paalis ng kumpanya. Paano ba naman ay makikita niyang muli sina Clayton at Callie. Nag-text sa kaniya si Alejandro isang oras ang nakalilipas na sa mansyon sila magdi-dinner na magkakasama. A smile escaped her lips. Hindi niya malaman kung bakit tila ba nahipan ng hangin ang utak ni Alejandro at naging mabait sa kaniya pero lulubusin na niya ito dahil gusto niyang matupad ang plano na makuha ang mga bata. “Oh, Klaire, uuwi ka na? Hindi ka yata mago-overtime ngayon?” kuryosong tanong ni Olga at malagkit siyang tiningnan. “Ikaw ha? Bakit ka pinatawag ng CEO? Baka may namumuo ng pag-iibi—” “Are you ready?” tanong ng isang pamilyar at marahan na boses mula sa likuran niya. Napakurap siya nang makita si Alejandro na nakapamulsa. Ilang saglit nitong nilibot ang tingin sa mga ginagawa ng empleyadong naroon bago bumaling muli si kaniya. “Shall we go?” tanong pa nito. Napalunok siya. Napakarahan ng boses nito. Tila ba nabawasan ang
Huminto ang mamahaling kotse ni Alejandro sa harap ng villa ni Klaire. Nilingon niya ang lalaki at sinabing, “Thank you for the dinner.”“I should be the one thanking you. Masaya ang mga anak ko nang makita ka nila.” Napangiti si Klaire sa narinig. “I’m happy to spend time with them too.” “I know.” Napasinghap si Klaire nang bahagyang nilapit ni Alejandro ang sarili sa kaniya. Sa sobrang lapit nito ay naramdaman niya na animo’y nakikipagkarera ang puso niya. She could smell his cool musk and breath. Hindi niya maiwasang sulyapan ang lahat ng parte ng mukha nito. Then he heard something click. Kumurap siya at bumaba ang tingin sa kamay ni Alejandro na nagkalas ng seatbelt. “It was nice having a dinner with you, Klaire,” ani Alejandro sa seryoso at marahang boses. Mas lalong bumilis ang tibok ng puso niya. Hindi niya maintindihan kung bakit napakasarap marinig ng mga salitang ‘yon. Marahil ay hindi niya kailanman narinig ang magagandang salitang ‘yon noong kasal pa sila. Tipid si
“Wow! Ang fresh naman ng hangin dito at mukhang maganda sa loob!” bulalas ni Olga. Napangiti si Klaire sa narinig. Halos dalawang oras din ang naging byahe nila papunta sa resort ng mga Fuentabella sa Laguna. At ang magandang kapaligiran ng resort ay nagpapawala ng kanilang pagod. Ang resort ay itinayo sa malapit na bundok. The scenery was very pleasant and relaxing. Walang masyadong tao dahil ang tinatanggap lamang dito ay mga VIP guests. “Who would have thought that we’d be here? Grabe, nagta-type lang naman ako ng sandamakmak na report ‘tapos ay biglang maiimbitahan dito? Iba talaga ang charisma mo, Klaire sa ex-father-in-law mo,” pilyang asar ni Feliz sa kaniya. Tumawa si Olga. “At nahatak pa ko! Thank you, Klaire. Lahat talaga ng magagandang bagay ay nangyayari kapag nariyan ka.” Natatawa siyang nag-irap ng mga mata. Mukhang binobola pa siya ng mga kaibigan. Nang makapasok sila sa lobby ay agad silang inasikaso ng receptionist. Tinulungan sila nito sa kanilang mga bagahe at