Malamig ang panggabing hangin habang pinapasyal nina Klaire at Alejandro ang mga anak nila. Dahil wala masyadong pambatang activity sa resort ay minabuti na lamang nilang maglakad-lakad. The resort area is so beautiful at night, after all. Hindi maiwasan ni Klaire na maramdaman ang pagka-relax. It’s been a while since the last time she had a vacation like this, and it was really worth it. Hinipan ng malamig na hangin ang kaniyang buhok, dahilan para marahan niyang hawiin ang mga takas na buhok sa kaniyang noo at itago ang mga ‘yon sa likod ng kaniyang tainga. Alejandro, on the other hand, was checking her. Nakita niya ang masayang ngiti sa mukha ng kaniyang ex-wife, dahilan para mapangiti siya. Habang hawak ang mga bata ay nagmungkahi si Alejandro, “There are big telescopes in the east wing. We can check out the stars. Do you want to go and have a look?”Ang mga salitang ‘yon ay tila ba nagpa-excite sa dalawang bata. But his eyes fell on Klaire. Bahagya namang yumuko si Klaire at
Pagkatapos maglublob sa hot spring ay umahon na sina Klaire at Callie. Binihisan niya ito at saka kinarga palabas ng locker room. Sakto na katatapos lamang din nina Alejandro at Clayton at nakasalubong nila sa hallway. Tumakbo si Callie kay Alejandro at niyakap ang mga hita nito. Bumaba ang tingin ni Alejandro sa anak. His precious daughter gave him puppy eyes. “What’s wrong, sweetheart?”“Daddy, I want to sleep with Tita Pretty tonight,” ani Callie sa munting boses. Nagulat si Alejandro nang magsalita ito. His daughter’s voice was very soothing. Ngunit kumunot ang kaniyang noo sa pinaalm nito. “Sweetheart, it will be troublesome for your Tita if you sleep with her. Malikot ka matulog. You should sleep with Daddy and Kuya Nico,” marahang saad ni Alejandro. Agad na sumimangot ang mukha ni Callie sa narinig. “No, Tita Pretty agreed!” Pagkatapos sabihin ‘yon ay nilingon ni Callie si Klaire, na para bang nanghihingi ito ng tulong. Bilang ina, hindi matiis ni Klaire ang anak. She wou
“Boss, magha-hiking po ngayon sina Ma’am Klaire at mga kaibigan niya,” pagre-report ni Luke sa kaniya. Katatapos lamang mag-gym ni Alejandro at pawisang inabot ang tuwalya para punasan ang kaniyang mga pawis. He needed some lifts to think. Gusto niyang gawing tama ang lahat ng desisyon niya ngayon. He must be out of his mind to think that he could still pursue Klaire, but he must try his luck. “Pagkatapos ay nakatakda silang mag-check out mamayang gabi,” saad pa ni Luke. “Tell Ivan to take care of my kids for me. Sasama ako sa hiking,” ani Alejandro sa seryosong boses. Nanlaki ang mga mata ni Luke sa narinig. “Sigurado ka, Boss?”He smirked at him. “Dead sure.” Samantala, sa presedential suite ng mga babae, makikitang busy sina Feliz at Olga sa pamimili ng mga damit na susuotin sa hiking. Ilang beses napabuntonghininga si Klaire dahil kanina pa ang mga ito sa ginagawa at malapit ng magtanghali… “Matagal pa ba ‘yan?” tanong niya sa dalawa. Hindi niya alam kung bakit nahihirapan a
Silence filled the air between them. Hindi alam ni Alejandro kung ano ang dapat sabihin. May pangamba siya na masaktan ang babae sa pamamagitan ng salita. He didn’t want to judge her decisions about her children. Mga anak naman nito ang mga ‘yon. Ngunit kung siya ang nasa posisyon ng ama ng mga batang tinatago ni Klaire, ay magagalit siya nang sobra. Bakit kailangang itago ang mga bata, hindi ba? Pero sino ba siya para kwestiyunin ang desisyon ni Klaire? Hindi naman niya alam ang tunay na nangyari sa pagitan nito at ng lalaking ‘yon. “You’re not planning to tell him?” tanging tanong niya, umaasang magsasabi pa si Klaire sa kaniya dahil gusto niyang malaman kung anong nasa isip nito. Huminga nang malalim ang babae. Kita sa mga mata nito na hindi ito komportableng pag-usapan ang bagay na ‘yon. May kung ano’ng lungkot at galit ding dumaan sa mga mata nito. Sa tingin ni Alejandro ay malalim ‘yon, bagay na lubhang nagpakuryoso sa kaniya. “I don’t know…” iling ni Klaire. “I’m not ready
Mangiyak-ngiyak na dumaing sa sakit si Klaire habang yakap-yakap ang kaniyang tuhod. Sinubukan niyang bumangon mula sa pagkakahiga sa madamong trail ngunit hindi niya magawa. Pababa ang trail at ang ulunan niya ay nasa gawing paibaba. “Klaire!” sigaw ni Alejandro. Mabilis na nagpadulas ang lalaki sa pababang trail para agad siyang madaluhan. He immediately helped her get up, taking her head into his arm. “Are you alright?” Bakas ang pag-aalala sa boses nito. Umiling siya sa gitna ng malalalim na paghinga. “I…Iyong paa ko…” Agad na ininspeksyon ni Alejandro ang kaliwa niyang paa. Mabilis na namaga ang buto nito. She stumbled so hard that her ankle got twisted. Alam niyang may naipit pang ugat dito. “We need to send you to the resort’s clinic,” seryosong wika ni Alejandro. “May masakit pa ba sa iyo?” Umiling siya at kinagat ang labi, pinipilit na pakalmahin ang sarili. Masyado siyang nagpadala sa agos ng kaniyang emosyon kaya naman hindi siya nakapag-ingat. It was all her fault.
Pagkauwi sa mansyon ay hinatid ni Alejandro sa kwarto ang dalawang kambal. He couldn’t help but notice the sadness in their eyes. Lumuhod siya sa harapan ni Callie nang makaupo ito sa dulo ng kama. Hinawakan niya ang kamay ng anak at maingat itong tiningnan. “Are you worried about Tita Klaire?” Tumango si Callie at bumuntonghininga. “Thank you, Dad, for taking care of Tita Klaire,” seryosong wika ni Clayton. “If you weren’t there, maybe Tita Feliz and Tita Olga would panic because they didn’t know what to do.” Nginitian niya ang anak sa narinig. “Do you like her that much?” kuryoso niyang tanong sa mga ito. Parehong tumango ang mga bata. “I love her, Daddy,” inosenteng sabi ni Callie. “I… I want to be with her everyday.” “Can’t she become our new mom instead?” diretsong tanong ni Clayton. Nagkatinginan sina Clayton at Callie. Gusto nilang gawin ang lahat para ligawang muli ng Daddy nila ang Mommy nila. They didn’t like the feeling that they had to be separated after a fun
“I want the ceiling treatment to be grand, similar to this one and make sure that the flower arrangement will be dealt with today,” seryosong utos ni Feliz kay Annie pagkatapos ay ibinalik sa babae ang catalog.Hawak ni Klaire ang isang listahan. Naglalaman ito ng mga bagong perfume na ila-launch sa araw ng anibersaryo ng Bloom Perfume na gaganapin sa susunod na linggo. Pagkahatid sa mga bata ay agad siyang nagtungo sa kumpanya para tulungan si Feliz sa pag-aasikaso para sa gaganaping selebrasyon. Stress na stress na kasi ito dahil ilang araw din siyang hindi nakapasok matapos ang nangyari sa resort sa Laguna. “Take it easy, Feliz. We hired some coordinators who will help Annie to perfect the anniversary party. Mas mukha ka pang stress sa kanila,” komento niya at sinimsiman ang kape na hawak. Umirap si Feliz at naupo sa bakanteng couch sa kaniyang harapan. Kinuha nito ang dark chocolate bar mula sa mesa at mabilis’yong binalatan para kainin. “I can’t calm down, alright? Ito ang una
Isang linggo ang nakalipas… Tiningnan ni Klaire ang sarili sa harap ng salamin. Wearing a royal blue serpentina dress and diamond jewelries, she looked very exquisite. Hinawi niya ang mga takas na hibla ng buhok at inayos ang pagkakalaglag ng kinulot niyang buhok. Huminga siya nang malalim bago kunin ang purse at naglakad palabas ng kaniyang kwarto. Ngayong gabi ang anniversary party ng Bloom Perfume. Matapos ng ilang araw na paghahanda ay dumating na ang gabi na pinakahihintay nila ni Feliz. Mas lalong makikilala ang kumpanya sa buong Pilipinas dahil isasa-telebisyon ang selebrasyon. Pababa na siya ng hagdan nang marinig ang malakas na mga palakpak ng kaniyang mga anak at lolo’t lola sa sala. Kanina pa siya hinihintay ng mga ito, sabik na makita kung ano ang magiging ayos niya para sa gabi na ‘yon. Hindi niya mapigilang mapangiti nang makalapit sa mga ito. “Mommy, you look like a queen,” masayang komento ni Nico. “I’m sure single men will drool over you!” “Thank you, baby. But