Silence filled the air between them. Hindi alam ni Alejandro kung ano ang dapat sabihin. May pangamba siya na masaktan ang babae sa pamamagitan ng salita. He didn’t want to judge her decisions about her children. Mga anak naman nito ang mga ‘yon. Ngunit kung siya ang nasa posisyon ng ama ng mga batang tinatago ni Klaire, ay magagalit siya nang sobra. Bakit kailangang itago ang mga bata, hindi ba? Pero sino ba siya para kwestiyunin ang desisyon ni Klaire? Hindi naman niya alam ang tunay na nangyari sa pagitan nito at ng lalaking ‘yon. “You’re not planning to tell him?” tanging tanong niya, umaasang magsasabi pa si Klaire sa kaniya dahil gusto niyang malaman kung anong nasa isip nito. Huminga nang malalim ang babae. Kita sa mga mata nito na hindi ito komportableng pag-usapan ang bagay na ‘yon. May kung ano’ng lungkot at galit ding dumaan sa mga mata nito. Sa tingin ni Alejandro ay malalim ‘yon, bagay na lubhang nagpakuryoso sa kaniya. “I don’t know…” iling ni Klaire. “I’m not ready
Mangiyak-ngiyak na dumaing sa sakit si Klaire habang yakap-yakap ang kaniyang tuhod. Sinubukan niyang bumangon mula sa pagkakahiga sa madamong trail ngunit hindi niya magawa. Pababa ang trail at ang ulunan niya ay nasa gawing paibaba. “Klaire!” sigaw ni Alejandro. Mabilis na nagpadulas ang lalaki sa pababang trail para agad siyang madaluhan. He immediately helped her get up, taking her head into his arm. “Are you alright?” Bakas ang pag-aalala sa boses nito. Umiling siya sa gitna ng malalalim na paghinga. “I…Iyong paa ko…” Agad na ininspeksyon ni Alejandro ang kaliwa niyang paa. Mabilis na namaga ang buto nito. She stumbled so hard that her ankle got twisted. Alam niyang may naipit pang ugat dito. “We need to send you to the resort’s clinic,” seryosong wika ni Alejandro. “May masakit pa ba sa iyo?” Umiling siya at kinagat ang labi, pinipilit na pakalmahin ang sarili. Masyado siyang nagpadala sa agos ng kaniyang emosyon kaya naman hindi siya nakapag-ingat. It was all her fault.
Pagkauwi sa mansyon ay hinatid ni Alejandro sa kwarto ang dalawang kambal. He couldn’t help but notice the sadness in their eyes. Lumuhod siya sa harapan ni Callie nang makaupo ito sa dulo ng kama. Hinawakan niya ang kamay ng anak at maingat itong tiningnan. “Are you worried about Tita Klaire?” Tumango si Callie at bumuntonghininga. “Thank you, Dad, for taking care of Tita Klaire,” seryosong wika ni Clayton. “If you weren’t there, maybe Tita Feliz and Tita Olga would panic because they didn’t know what to do.” Nginitian niya ang anak sa narinig. “Do you like her that much?” kuryoso niyang tanong sa mga ito. Parehong tumango ang mga bata. “I love her, Daddy,” inosenteng sabi ni Callie. “I… I want to be with her everyday.” “Can’t she become our new mom instead?” diretsong tanong ni Clayton. Nagkatinginan sina Clayton at Callie. Gusto nilang gawin ang lahat para ligawang muli ng Daddy nila ang Mommy nila. They didn’t like the feeling that they had to be separated after a fun
“I want the ceiling treatment to be grand, similar to this one and make sure that the flower arrangement will be dealt with today,” seryosong utos ni Feliz kay Annie pagkatapos ay ibinalik sa babae ang catalog.Hawak ni Klaire ang isang listahan. Naglalaman ito ng mga bagong perfume na ila-launch sa araw ng anibersaryo ng Bloom Perfume na gaganapin sa susunod na linggo. Pagkahatid sa mga bata ay agad siyang nagtungo sa kumpanya para tulungan si Feliz sa pag-aasikaso para sa gaganaping selebrasyon. Stress na stress na kasi ito dahil ilang araw din siyang hindi nakapasok matapos ang nangyari sa resort sa Laguna. “Take it easy, Feliz. We hired some coordinators who will help Annie to perfect the anniversary party. Mas mukha ka pang stress sa kanila,” komento niya at sinimsiman ang kape na hawak. Umirap si Feliz at naupo sa bakanteng couch sa kaniyang harapan. Kinuha nito ang dark chocolate bar mula sa mesa at mabilis’yong binalatan para kainin. “I can’t calm down, alright? Ito ang una
Isang linggo ang nakalipas… Tiningnan ni Klaire ang sarili sa harap ng salamin. Wearing a royal blue serpentina dress and diamond jewelries, she looked very exquisite. Hinawi niya ang mga takas na hibla ng buhok at inayos ang pagkakalaglag ng kinulot niyang buhok. Huminga siya nang malalim bago kunin ang purse at naglakad palabas ng kaniyang kwarto. Ngayong gabi ang anniversary party ng Bloom Perfume. Matapos ng ilang araw na paghahanda ay dumating na ang gabi na pinakahihintay nila ni Feliz. Mas lalong makikilala ang kumpanya sa buong Pilipinas dahil isasa-telebisyon ang selebrasyon. Pababa na siya ng hagdan nang marinig ang malakas na mga palakpak ng kaniyang mga anak at lolo’t lola sa sala. Kanina pa siya hinihintay ng mga ito, sabik na makita kung ano ang magiging ayos niya para sa gabi na ‘yon. Hindi niya mapigilang mapangiti nang makalapit sa mga ito. “Mommy, you look like a queen,” masayang komento ni Nico. “I’m sure single men will drool over you!” “Thank you, baby. But
Tila ba tinakasan ng wisyo si Klaire at nagmamadaling lumabas ng building ng Bloom Perfume. Nanginginig at nanlalamig ang buo niyang katawan, kinakain nang matinding kaba sa sobrang pag-aalala para sa mga anak na sina Nico at Natasha. Ni hindi niya na ininda pa ang pagkahubad ng suot na sandals sa pagmamadali niya pati ang sunod-sunod na paglandas ng mga luha niya sa kaniyang mga pisngi.Ang gusto niya lang mangyari ngayon ay hanapin ang mga anak niya…“Klaire! Klaire, wait!” tawag sa kaniya ni Alejandro pero animo’y wala siyang narinig.Nagmamadali siyang nagtungo sa parking lot at patakbong pinuntahan ang sasakyan. Bago pa man mahawakan ng nanginginig niyang mga kamay ang pinto ng kotse ay may malakas na mga brasong humawak sa kaniyang mga balikat at pinaikot siya. Ang determinadong mga mata ni Alejandro ang sunod niyang nakita. Humahangos ito habang tinitingnan siya sa mga mata.“Klaire, get your shit together!” pagalit na wika ng lalaki. Napailing siya. Kumawala ang malakas n
Hindi mapakali si Klaire habang naghihintay sa sala kasama ng kaniyang mga lolo’t lola. It was already past midnight and she hasn’t heard from Alejandro or the police yet. Ni walang tawag ang dumadating sa bahay mula sa mga kidnappers na dumukot sa mga anak niya. Walang mapaglagyan ang abot-langit na kaba sa dibdib niya. Hindi niya mapapatawad ang sarili kapag may nangyari kina Nico at Natasha. Her two long lost babies… Hindi pa niya nasusulit na makasama ang mga ito ngunit heto’t hinahagupit sila ng matinding trahedya. Ilang beses siyang nanalangin na sana’y ayos lang ang mga kambal… na sana ay hindi sila sasaktan ng mga dumukot sa kanila… at sana tumawag na ang mga kidnapper para mabigay niya ang halagang kailangan ng mga ito para maibalik ang mga bata. Ilang saglit pa ay bumukas ang pinto at bumungad si Logan na agad siyang nilapitan. Hindi niya napigilan na yakapin ito at maiyak. “Logan, please, help me…” nanginginig niyang sabi. “W-Wala pa akong balita sa mga pulis. Hindi ko a
Habang patuloy ang pag-iimbestiga ni Logan at ang tauhan nito ay hindi na nakatiis si Klaire at tinawagan si Alejandro upang makibalita sa estado ng imbestigasyon nito at ng mga pulis. Ilang oras na matapos ma-kidnap ng mga bata ngunit wala pa rin silang nakukuhang kahit na anong lead kung saan dinala ng mga kidnappers ang mga bata. Wala pa ring tawag… “What?” malamig na bungad ni Alejandro nang sagutin nito ang tawag niya. May kirot siyang naramdaman sa tono ng boses nito. He was back to his usual, ruthless and cold tone— the kind of tone that would tell you he wasn’t interested in whatever nonsense you would say. Lumunok siya at hindi pinansin ang nararamdaman dahil mas mahalaga ang mga anak niya sa mga oras na ‘yon. “Is there any update? Na-locate na ba sila?” nag-aalala niyang tanong, nagbabaka sakali na baka umusad na ang mga ito at ngayo’y gumagawa na ng aksyon. “We are still tracking them down,” sagot ni Alejandro. Naririnig ni Klaire mula sa kabilang linya ang walang tigil