Tila ba tinakasan ng wisyo si Klaire at nagmamadaling lumabas ng building ng Bloom Perfume. Nanginginig at nanlalamig ang buo niyang katawan, kinakain nang matinding kaba sa sobrang pag-aalala para sa mga anak na sina Nico at Natasha. Ni hindi niya na ininda pa ang pagkahubad ng suot na sandals sa pagmamadali niya pati ang sunod-sunod na paglandas ng mga luha niya sa kaniyang mga pisngi.Ang gusto niya lang mangyari ngayon ay hanapin ang mga anak niya…“Klaire! Klaire, wait!” tawag sa kaniya ni Alejandro pero animo’y wala siyang narinig.Nagmamadali siyang nagtungo sa parking lot at patakbong pinuntahan ang sasakyan. Bago pa man mahawakan ng nanginginig niyang mga kamay ang pinto ng kotse ay may malakas na mga brasong humawak sa kaniyang mga balikat at pinaikot siya. Ang determinadong mga mata ni Alejandro ang sunod niyang nakita. Humahangos ito habang tinitingnan siya sa mga mata.“Klaire, get your shit together!” pagalit na wika ng lalaki. Napailing siya. Kumawala ang malakas n
Hindi mapakali si Klaire habang naghihintay sa sala kasama ng kaniyang mga lolo’t lola. It was already past midnight and she hasn’t heard from Alejandro or the police yet. Ni walang tawag ang dumadating sa bahay mula sa mga kidnappers na dumukot sa mga anak niya. Walang mapaglagyan ang abot-langit na kaba sa dibdib niya. Hindi niya mapapatawad ang sarili kapag may nangyari kina Nico at Natasha. Her two long lost babies… Hindi pa niya nasusulit na makasama ang mga ito ngunit heto’t hinahagupit sila ng matinding trahedya. Ilang beses siyang nanalangin na sana’y ayos lang ang mga kambal… na sana ay hindi sila sasaktan ng mga dumukot sa kanila… at sana tumawag na ang mga kidnapper para mabigay niya ang halagang kailangan ng mga ito para maibalik ang mga bata. Ilang saglit pa ay bumukas ang pinto at bumungad si Logan na agad siyang nilapitan. Hindi niya napigilan na yakapin ito at maiyak. “Logan, please, help me…” nanginginig niyang sabi. “W-Wala pa akong balita sa mga pulis. Hindi ko a
Habang patuloy ang pag-iimbestiga ni Logan at ang tauhan nito ay hindi na nakatiis si Klaire at tinawagan si Alejandro upang makibalita sa estado ng imbestigasyon nito at ng mga pulis. Ilang oras na matapos ma-kidnap ng mga bata ngunit wala pa rin silang nakukuhang kahit na anong lead kung saan dinala ng mga kidnappers ang mga bata. Wala pa ring tawag… “What?” malamig na bungad ni Alejandro nang sagutin nito ang tawag niya. May kirot siyang naramdaman sa tono ng boses nito. He was back to his usual, ruthless and cold tone— the kind of tone that would tell you he wasn’t interested in whatever nonsense you would say. Lumunok siya at hindi pinansin ang nararamdaman dahil mas mahalaga ang mga anak niya sa mga oras na ‘yon. “Is there any update? Na-locate na ba sila?” nag-aalala niyang tanong, nagbabaka sakali na baka umusad na ang mga ito at ngayo’y gumagawa na ng aksyon. “We are still tracking them down,” sagot ni Alejandro. Naririnig ni Klaire mula sa kabilang linya ang walang tigil
Sa loob ng madilim at abandonadong warehouse sa dulong bahagi ng Tagaytay, makikita ang dalawang batang nakapiring ang mga mata at nakatali ang mga kamay. Pumapalahaw ng iyak si Natasha. Simula nang magising ito sa madilim na lugar na ‘yon ay hindi na ito matigil sa kaiiyak, takot na takot at nanginginig ang katawan. Samantalang walang humpay naman na inaalu ni Nico ang kapatid. Bilang kuya, kahit na natatakot siya sa sitwasyon nila ay kailangan niyang maging matapang upang maprotektahan niya nang maayos ang kakambal niya. “Natasha, don’t cry…” bulong niya sa bunsong kapatid at hinahaplos ang kamay nitong nakatali. “Mommy and Daddy will save us. They are going to do something to stop those bad people from hurting us. Let’s just wait. Hush now, please…” Umiling si Natasha. Kahit na anong pag-alu sa kaniya ni Nico ay hindi siya makalma. She just wanted to go home and be with their Mommy. She just wanted to be alive and spend more years with their siblings. “Our parents will save us,
Tiningnan nang maigi ng hepe ng pulisya ang batang si Clayton na nakatayo sa gilid ng kaniyang Daddy, pagkatapos ay bumaling ito kay Alejandro na seryosong naghihintay ng pagpayag nitong i-raid ang lugar na pinagdalhan kina Nico at Natasha. “Mr. Fuentabella, are you sure your son is correct? He’s just a 5 year old kid. Anong alam ng isang paslit sa bagay na ito?” anang hepe, halatang hindi kumbinsido sa impormasyon na binigay ni Alejandro. Huminga nang malalim si Alejandro at nagpamaywang. Saglit niyang sinulyapan si Clayton na seryoso pa ring naghihintay sa gilid niya. Hindi niya rin sigurado kung talaga bang tama ang lokasyon na nahanap ng anak niya, ngunit lahat ay susubukan niya para mahanap lamang ang dalawang bata. “Then is there a way we can confirm this?” tanong ni Alejandro. “We will request to review the CCTVs in Tagaytay to check if your son is indeed telling facts,” wika ng hepe. “Huwag mo sanang masamain, Mr. Fuentabella. Ngunit ang bagay na ‘to ay kailangan masigurad
Nanginginig si Klaire habang binabasa ang text message na mula sa kidnapper. Kasalukuyan na silang nasa kotse at mabilis na nagmamaneho papuntang Tagaytay, ngunit animo’y gusto niyang bumaba at magtungo sa bangko upang kumuha ng pera na hinihingi sa kaniya. Ngunit alam niyang hindi magiging madali ang pagkuha ng gano’ng kalaking halaga at madaling araw na rin. Naiiyak niyang binalingan si Logan na walang tigil sa pakikipag-usap sa awtoridad sa phone nito. Wala siyang nagawa kung hindi ang tawagan si Alejandro upang humingi ng tulong. “I need 50 billion pesos,” bungad niya nang sagutin nito ang tawag niya. “What?” “The kidnapper…” nanginginig ang boses niya at hindi makalma ang sarili. “T-They are asking for 50 billion. K-Kung hindi ay ibebenta ang mga organs ng mga anak ko. M-Mga sindikato ang dumukot kina Nico at Natasha, Alejandro. What should we do? W-Wala pang banko sa mga oras na ‘to!” Sa huli’y napaiyak na lamang siya. “Klaire, calm down. Do you have the contact number of t
“Are we getting closer, chief?” naiinip na tanong ni Alejandro sa hepe ng pulis. “Malapit na, Mr. Fuentabella. Parating na rin doon ang pulisya ng Tagaytay para tulungan tayo sa operasyon,” sagot ng hepe. Napatango na lamang si Alejandro, palinga-linga sa paligid habang nasa loob ng sasakyan. Malapit na sila sa lokasyon kung saan tinatago ng mga kidnappers ang mga anak niya at hindi na siya makapaghintay na maligtas ang mga ito. Sisiguraduhin niyang magbabayad ang mga kidnapper na ‘yon sa pagkalti sa mga bata. Hindi niya mapapalagpas ang nangyaring ‘to. Ilang saglit pa ay biglang nag-ring ang phone niya. Hindi niya kilala ang numerong tumatawag ngunit sinagot pa rin niya ‘yon. “This is Logan,” bungad nito sa kabilang linya. Kumunot ang noo niya. “Why are you calling me?” Narinig niya ang pagmumura ni Logan mula sa kabilang linya. “Klaire went to the warehouse. I am already walking discreetly towards the place but I just need to tell you that you guys have to hurry. Baka kung an
Maraming grupo ng mga armadong pulis ang mabilis na nakalapit at pumalibot sa warehouse. Nagpaputok muli ang hepe ng pulisya at gamit ang megaphone ay sinabing, “Mga pulis ito! Sumuko na kayo at ilabas ang mga bata kung ayaw niyong masaktan!” Pagkasabi niyon ay sinenyasan nito ang mga kasamang pulis. Mabilis ang sumunod na nangyari. Pinasok ng mga pulis ang warehouse. Ngunit walang kahit anino na ng mga kidnapper ang naroon. Nang marinig na nakatakas ang mga ito ay agad na kumilos si Alejandro at pumasok sa warehouse. Hanggang sa mapuntahan niya ang kwarto na may CCTV monitor. Tila masisiraan siya ng bait dahil hindi niya nadatnan doon ang mag-iina niya. Nasapo niya ang kaniyang ulo habang nagpapalinga-linga nang makita ang isang phone sa sahig. Pamilyar ito at agad niyang dinampot. Nanlaki ang mga mata ni Alejandro nang makita ang picture nila ni Sophia sa screen nito. Kay Sophia ang phone na ‘yon! Bigla itong nag-vibrate at nakita niyang si Lander ang tumatawag. Tahimik na sina