Tiningnan nang maigi ng hepe ng pulisya ang batang si Clayton na nakatayo sa gilid ng kaniyang Daddy, pagkatapos ay bumaling ito kay Alejandro na seryosong naghihintay ng pagpayag nitong i-raid ang lugar na pinagdalhan kina Nico at Natasha. “Mr. Fuentabella, are you sure your son is correct? He’s just a 5 year old kid. Anong alam ng isang paslit sa bagay na ito?” anang hepe, halatang hindi kumbinsido sa impormasyon na binigay ni Alejandro. Huminga nang malalim si Alejandro at nagpamaywang. Saglit niyang sinulyapan si Clayton na seryoso pa ring naghihintay sa gilid niya. Hindi niya rin sigurado kung talaga bang tama ang lokasyon na nahanap ng anak niya, ngunit lahat ay susubukan niya para mahanap lamang ang dalawang bata. “Then is there a way we can confirm this?” tanong ni Alejandro. “We will request to review the CCTVs in Tagaytay to check if your son is indeed telling facts,” wika ng hepe. “Huwag mo sanang masamain, Mr. Fuentabella. Ngunit ang bagay na ‘to ay kailangan masigurad
Nanginginig si Klaire habang binabasa ang text message na mula sa kidnapper. Kasalukuyan na silang nasa kotse at mabilis na nagmamaneho papuntang Tagaytay, ngunit animo’y gusto niyang bumaba at magtungo sa bangko upang kumuha ng pera na hinihingi sa kaniya. Ngunit alam niyang hindi magiging madali ang pagkuha ng gano’ng kalaking halaga at madaling araw na rin. Naiiyak niyang binalingan si Logan na walang tigil sa pakikipag-usap sa awtoridad sa phone nito. Wala siyang nagawa kung hindi ang tawagan si Alejandro upang humingi ng tulong. “I need 50 billion pesos,” bungad niya nang sagutin nito ang tawag niya. “What?” “The kidnapper…” nanginginig ang boses niya at hindi makalma ang sarili. “T-They are asking for 50 billion. K-Kung hindi ay ibebenta ang mga organs ng mga anak ko. M-Mga sindikato ang dumukot kina Nico at Natasha, Alejandro. What should we do? W-Wala pang banko sa mga oras na ‘to!” Sa huli’y napaiyak na lamang siya. “Klaire, calm down. Do you have the contact number of t
“Are we getting closer, chief?” naiinip na tanong ni Alejandro sa hepe ng pulis. “Malapit na, Mr. Fuentabella. Parating na rin doon ang pulisya ng Tagaytay para tulungan tayo sa operasyon,” sagot ng hepe. Napatango na lamang si Alejandro, palinga-linga sa paligid habang nasa loob ng sasakyan. Malapit na sila sa lokasyon kung saan tinatago ng mga kidnappers ang mga anak niya at hindi na siya makapaghintay na maligtas ang mga ito. Sisiguraduhin niyang magbabayad ang mga kidnapper na ‘yon sa pagkalti sa mga bata. Hindi niya mapapalagpas ang nangyaring ‘to. Ilang saglit pa ay biglang nag-ring ang phone niya. Hindi niya kilala ang numerong tumatawag ngunit sinagot pa rin niya ‘yon. “This is Logan,” bungad nito sa kabilang linya. Kumunot ang noo niya. “Why are you calling me?” Narinig niya ang pagmumura ni Logan mula sa kabilang linya. “Klaire went to the warehouse. I am already walking discreetly towards the place but I just need to tell you that you guys have to hurry. Baka kung an
Maraming grupo ng mga armadong pulis ang mabilis na nakalapit at pumalibot sa warehouse. Nagpaputok muli ang hepe ng pulisya at gamit ang megaphone ay sinabing, “Mga pulis ito! Sumuko na kayo at ilabas ang mga bata kung ayaw niyong masaktan!” Pagkasabi niyon ay sinenyasan nito ang mga kasamang pulis. Mabilis ang sumunod na nangyari. Pinasok ng mga pulis ang warehouse. Ngunit walang kahit anino na ng mga kidnapper ang naroon. Nang marinig na nakatakas ang mga ito ay agad na kumilos si Alejandro at pumasok sa warehouse. Hanggang sa mapuntahan niya ang kwarto na may CCTV monitor. Tila masisiraan siya ng bait dahil hindi niya nadatnan doon ang mag-iina niya. Nasapo niya ang kaniyang ulo habang nagpapalinga-linga nang makita ang isang phone sa sahig. Pamilyar ito at agad niyang dinampot. Nanlaki ang mga mata ni Alejandro nang makita ang picture nila ni Sophia sa screen nito. Kay Sophia ang phone na ‘yon! Bigla itong nag-vibrate at nakita niyang si Lander ang tumatawag. Tahimik na sina
Sa malapit na ospital sa Tagaytay, Buhat-buhat ni Alejandro ang kaniyang dating asawa habang papasok sa emergency section. Hindi pa rin gumigising si Klaire at nag-aalala siya sa kung ano’ng ginawa ni Sophia at ng mga tauhan nito sa babae. Agad namang rumesponde ang mga doktor at nurse na naroon upang i-check si Klaire. Malalim ang bawat paghinga ni Alejandro habang pinapanood ang doktor at mga nurse. His eyes were filled with worries, thinking of the worst thing that could happen as he didn’t know what those bastards had done to his ex-wife. Paano na lamang kung may mas malalang mangyari kay Klaire? Nanikip ang dibdib niya sa naisip. Hindi niya yata kakayanin iyon… “Sir, please come out. Bawal na po kayo rito,” anang nurse at marahan siyang pinalabas ng emergency room. “Sasabihan po namin kayo kapag tapos na ang pagsusuri sa pasyente.” “She’s going to be okay, right? Please tell me,” nag-aalala niyang wika at lumunok. His eyes landed on Klaire whose face was very pale and unlivel
Puting kisame ang unang nakita ni Klaire nang imulat niya ang mga mata niya. Her mind was still cloudy as she blinked her eyes awake until she noticed someone staring intently at her. Bumaling siya sa gilid ng kama. Nagtama ang mga mata nila ni Alejandro.Sa bawat kurap, unti-unting bumabalik sa alaala ni Klaire ang mga nangyari. Nagsimulang sumikip ang kaniyang dibdib. Nanginig ang kaniyang katawan at nakaramdam siya ng pagkataranta. Bumangon siya at nagpalinga-linga. “A-Anong nangyari? B-Bakit ako narito?” nalilito niyang tanong at bumaba ang tingin sa swerong nakakabit sa kaniya. “Ano ‘to? Ang mga anak ko!” She began to panic as she remembered that her precious Nico and Natasha were kidnapped. Aalisin na sana niya ang karayom na nakaturok sa kaniyang kamay ngunit maagap na pinigilan siya ni Alejandro. “Calm down,” ani Alejandro, hinawakan siya sa magkabilang balikat at pinapabalik sa pagkakahiga. “N-No… Ang mga anak ko, Alejandro. Nasaan sila?” nag-aalala niyang tanong at mai
Kinabukasan ay bumalik na sila sa Maynila upang doon na ipagpatuloy ang kaso laban kina Sophia at Lander De Guzman. Huminga nang malalim si Klaire nang huminto ang sasakyan sa harap ng kaniyang villa. Nakaupo siya sa backseat kasama ang apat na mga bata. Tiningnan niya ang mga ito. Her babies looked as if they were confused who would go home with her. “I’ll bring Nico and Natasha home,” seryosong wika ni Alejandro mula sa front seat, tila ba nahimigan ang kalituhan nila mula sa likurang upuan. Umiling si Natasha at naiiyak na yumakap nang mahigpit kay Klaire na parang kuala. Nagpalinga-linga naman si Nico sa kanila ng kaniyang Daddy, hindi malaman kung ano ang gagawin ngunit sa huli ay nagtagal ang tingin kay Alejandro. “I’ll go with Daddy, Mommy,” ani Nico. May kirot na naramdaman si Klaire nang marinig ‘yon. She should understand that Nico probably missed his Daddy so much. Matagal din nila itong hindi nakasama. Ngunit hindi niya maiwasang magselos gayong pinipili nito ang Daddy
Dalawang araw ang lumipas, dahil hindi pa rin nahuhuli si Lander De Guzman ay minabuti ni Klaire na huwag munang pumasok sa kumpanya para mabantayan nang husto ang mga anak at ang lolo’t lola niya sa villa. Nagkasundo rin sila ni Alejandro na kapag papasok ito sa trabaho ay iiwan muna ang dalawang bata sa villa para makapaglibang at laro kasama ang dalawa pang mga kambal nito. Klaire did not complain about the set up offered by Alejandro. Ngunit araw-araw na may kaba sa dibdib niya dahil hindi niya alam kung ano ang nasa isip ng lalaki. Alejandro was juggling between work and Lander’s case. Hindi ito tumitigil hangga’t hindi natutunton ang kapatid ni Klaire upang maipakulong ito. “Don’t you think it’s too much for you, guys? I mean ‘yong family feud niyo ay sobrang tindi na, and then Sophia and Lander went this far just to ruin you? I really don’t get it. May mga sakit ba sila sa utak?” Hindi mapaniwalang komento ni Feliz kinahapunan ng araw na ‘yon. Dumalaw ang kaibigan niya sa v