Kinabukasan ay bumalik na sila sa Maynila upang doon na ipagpatuloy ang kaso laban kina Sophia at Lander De Guzman. Huminga nang malalim si Klaire nang huminto ang sasakyan sa harap ng kaniyang villa. Nakaupo siya sa backseat kasama ang apat na mga bata. Tiningnan niya ang mga ito. Her babies looked as if they were confused who would go home with her. “I’ll bring Nico and Natasha home,” seryosong wika ni Alejandro mula sa front seat, tila ba nahimigan ang kalituhan nila mula sa likurang upuan. Umiling si Natasha at naiiyak na yumakap nang mahigpit kay Klaire na parang kuala. Nagpalinga-linga naman si Nico sa kanila ng kaniyang Daddy, hindi malaman kung ano ang gagawin ngunit sa huli ay nagtagal ang tingin kay Alejandro. “I’ll go with Daddy, Mommy,” ani Nico. May kirot na naramdaman si Klaire nang marinig ‘yon. She should understand that Nico probably missed his Daddy so much. Matagal din nila itong hindi nakasama. Ngunit hindi niya maiwasang magselos gayong pinipili nito ang Daddy
Dalawang araw ang lumipas, dahil hindi pa rin nahuhuli si Lander De Guzman ay minabuti ni Klaire na huwag munang pumasok sa kumpanya para mabantayan nang husto ang mga anak at ang lolo’t lola niya sa villa. Nagkasundo rin sila ni Alejandro na kapag papasok ito sa trabaho ay iiwan muna ang dalawang bata sa villa para makapaglibang at laro kasama ang dalawa pang mga kambal nito. Klaire did not complain about the set up offered by Alejandro. Ngunit araw-araw na may kaba sa dibdib niya dahil hindi niya alam kung ano ang nasa isip ng lalaki. Alejandro was juggling between work and Lander’s case. Hindi ito tumitigil hangga’t hindi natutunton ang kapatid ni Klaire upang maipakulong ito. “Don’t you think it’s too much for you, guys? I mean ‘yong family feud niyo ay sobrang tindi na, and then Sophia and Lander went this far just to ruin you? I really don’t get it. May mga sakit ba sila sa utak?” Hindi mapaniwalang komento ni Feliz kinahapunan ng araw na ‘yon. Dumalaw ang kaibigan niya sa v
Kinabukasan ay naisipang mag-grocery ni Klaire para sa mga bata. Habang tulak-tulak ang push cart ay kausap niya ang mga ito sa phone. “Mommy, I want dark chocolates po and jelly ace,” sabi ni Callie. “And I also want peanuts, Mommy.” “You’re going to vomit if you eat it all at once, Callie. Just peanuts. It’s healthy,” pahayag ni Clayton na nagpapaka-Kuya. “No! Don’t be so kill joy, Kuya. Daddy isn’t like that!” Bumusangot si Callie. “Whatever I ask, he gives.” Naningkit ang mga mata ni Klaire sa narinig. Aba at mukhang buhay prinsesa talaga si Callie sa poder ng kaniyang ama. As a doctor, she didn’t let her children have so much added sugars in their food. Hindi niya rin pinapakain ang mga ito ng chocolates nang husto. Mukhang kailangan niyang kausapin si Alejandro patungkol sa mga pagkain na binibigay sa mga bata! “Callie, you can’t eat a lot of sweets. Didn’t I tell you before that sugar isn’t good for your health?” “Mommy, kaunti lang po!” katwiran ni Callie at ngumuso pa
Nakahanda na ang lahat para sa pansamantalang paglipat nila sa private island na pagmamay-ari mismo ni Alejandro sa Palawan. Walang maiiwan sa villa. Gusto ni Klaire na sama-sama silang ligtas habang patuloy ang paghahanap ng mga awtoridad kay Lander De Guzman. Bago tuluyang magtungo sa lugar kung saan nakaabang ang dalawang chopper na maghahatid sa kanila sa isla ay naisipan niyang pumunta sa presinto kung saan nakakulong si Sophia. Sa huling pagkakataon ay gusto niyang makausap ang babae. Nakaupo si Klaire sa visiting station at tahimik na hinihintay si Sophia. Mayamaya pa ay bumukas ang pinto at pumasok si Sophia na nakasuot ng kulay kahel na t-shirt. Nakaposas ang mapuputing kamay nito. Kumpara sa sopistikadang Sophia na tumatak sa utak niya noon, ibang-iba ang Sophia na kaharap niya ngayon. Isang Sophia na kriminal at hindi makikitaan ng pagsisisi ang mga mata. Padabog na naupo si Sophia sa puting monobloc sa kaniyang harapan habang isang pulis naman ang nakabantay sa pintuan.
Marahas ang hangin na dulot ng pagbaba ng helicopter sa floating helipad ng isang napakalawak at malaking mansyon. Unang bumaba si Alejandro at inabot ang kamay ni Klaire upang tulungan itong makababa nang maayos. Pagkatapos ay sabay nilang inabangan ang mga anak upang alalayan ang mga ito sa pagbaba. Habang karga si Natasha ay hinubad ni Klaire ang suot na sunglasses at nilibot ng tingin ang malawak na kapaligiran. She was in awe that Alejandro owned this private island. Ang mansyon ay nakatayo sa mataas at gitnang parte ng isla. It was a beachfront mansion with lots of coconut trees on both sides. Mistulang paraiso! “Wow, there is a beach!” bulalas ni Callie at tinuro ang kulay asul na dagat hindi kalayuan sa kanila. “I want to swim there, Daddy. Can we swim?” Tumawa si Alejandro habang karga ito. “Of course. You can do anything you want here, princess.”“After we get settled, alright?” segunda ni Klaire. “Okay, Mommy!” masunuring wika ni Callie. Huling bumaba sina Lola Sonya
Fuentabella company, “Hindi talaga maganda ang pakiramdam ko sa Sophia na ‘yan. I knew there was something off with the way she looks at people. Tingnan mo ang nangyari,” naiiling na wika ni Don Armando habang nakaupo ito sa sofa hindi kalayuan sa kaniyang desk. Maagang umalis si Alejandro sa private island upang bumalik sa Manila. Kailangan niyang magtrabaho at asikasuhin ang kaso na sinampa kina Sophia at Lander. Tuloy pa rin ang paghahanap ng mga pulis at ng mga tauhang binayaran niya upang tuntunin ang kinaroroonan nito. Umaga pa lang ay naroon na sa kumpanya ang kaniyang ama nang malaman nito ang detalye ng sitwasyong kinahaharap niya at ni Klaire. Tumingin sa kaniya si Don Armando at sinabing, “Do everything you can to get this case resolved. Ayaw kong may mangyari pang hindi maganda kay Klaire at sa mga bata. Kumusta sila sa isla?” “They are fine, Pa. The kids like the place and I assured Klaire she could calm down a bit as I will take care of everything,” seryosong sagot
Ang malamig na simoy ng hangin ay marahang hinihipan ang kaniyang mukha. Klaire removed her sunglasses and put down her laptop on the side table next to the sun lounger where she was relaxing. May mga tinapos siyang trabaho at nag-email na rin kay Feliz ng mga importanteng bagay. Mula sa sun lounger na kinauupuan, pinagmasdan ni Klaire ang apat na mga anak na enjoy na enjoy sa pagsi-swimming sa kiddie pool na katabi ng infinity pool. Napaka-cute nina Callie at Natasha sa mga suot nitong kiddie one piece, may mga suot na salbabida na flamingo habang lumalangoy, samantalang sina Clayton at Nico naman ay parehong naka-summer board shorts at goggles. Klaire could not help but smile seeing that her quadruplet babies were having a great time on that island. Hindi kinababahala ng mga ito na limitado ang bawat galaw nila gayong nasa pribadong isla sila na wala halos katao-tao. Mabuti na rin ‘yon dahil panatag siyang ligtas ang pamilya niya sa gulong naiwan nila sa Maynila. “Mommy, are yo
Mabilis na sumapit ang sunod na araw. Tahimik si Klaire habang pinapanood ang dahan-dahang pagbaba ng helicopter sa helipad. Kumpara kahapon na masayang sinalubong ng mga bata ang kanilang Daddy, ngayon ay nagtatago lamang ang mga ito sa kaniyang likuran habang nakatayo sa entrada ng mansyon. Bihis na bihis ang quadruplets para sa mga panauhin, ngunit mahahalata ang pangamba sa mga hitsura nito. Huminga siya nang malalim at lumuhod para kausapin ang mga anak na hindi masaya sa pagdalaw ng kanilang Lola Melissa.“Bakit naman sambakol ang mga mukha ninyo?” marahan niyang tanong sa apat na mga bata. “Kasi Mommy baka awayin ka po ng Mommy ni Daddy,” nakasimangot na wika ni Callie. “We don’t want anyone to bully you again. We’re going to protect you, Mommy.” “Callie’s right…” ani Clayton na nakapamulsa at seryosong bumuntonghininga. “We’re just being cautious, Mom. Lola Melissa loves Tita Sophia so much.” “Ano ba kayo…” Tipid niyang nginitian ang mga ito at marahang inalu ang likod ni