Mabilis na sumapit ang sunod na araw. Tahimik si Klaire habang pinapanood ang dahan-dahang pagbaba ng helicopter sa helipad. Kumpara kahapon na masayang sinalubong ng mga bata ang kanilang Daddy, ngayon ay nagtatago lamang ang mga ito sa kaniyang likuran habang nakatayo sa entrada ng mansyon. Bihis na bihis ang quadruplets para sa mga panauhin, ngunit mahahalata ang pangamba sa mga hitsura nito. Huminga siya nang malalim at lumuhod para kausapin ang mga anak na hindi masaya sa pagdalaw ng kanilang Lola Melissa.“Bakit naman sambakol ang mga mukha ninyo?” marahan niyang tanong sa apat na mga bata. “Kasi Mommy baka awayin ka po ng Mommy ni Daddy,” nakasimangot na wika ni Callie. “We don’t want anyone to bully you again. We’re going to protect you, Mommy.” “Callie’s right…” ani Clayton na nakapamulsa at seryosong bumuntonghininga. “We’re just being cautious, Mom. Lola Melissa loves Tita Sophia so much.” “Ano ba kayo…” Tipid niyang nginitian ang mga ito at marahang inalu ang likod ni
Pagkatapos ng dinner ay nagtungo ang matatanda at si Alejandro sa infinity pool upang doon ituloy ang pag-uusap patungkol sa kaso samantalang tinutulungan naman ni Klaire si Manang Celi sa paglilinis ng mga pinagkainan. She was busy arranging the plates when she heard some footsteps coming. “Klaire, can we talk…?” tanong ni Melissa mula sa entrada ng kusina. Natigil siya sa pag-aayos ng plato at nilingon ang ginang na maingat na nakatingin sa kaniya. Melissa was intertwining her fingers as a sign of her nervousness. Tiningnan niya si Manang Celi na tumango lamang sa kaniya bago balingan muli ang ex-mother-in-law niya. “Sure,” sagot niya at saka pinunas ang mga kamay sa suot na apron at pagkatapos ay hinubad na ‘yon. “T-Thank you…” Nauna siya sa sala kung saan walang tao, kagat ang ibaba niyang labi dahil hindi niya alam kung ano ang magiging daloy ng pag-uusap nila ni Melissa. She never had a chance to speak with her properly. Sa tuwing mag-uusap sila ay palagi itong galit at nak
** Warning SPG ** Mainit at marahas ang mga halik ni Alejandro sa kaniya, tila ba gusto siyang parusahan ng lalaki dahil sa kung anong nagawa niyang mali. Sinubukan niyang manlaban at tinulak ang dibdib nito palayo sa kaniya. Naghiwalay ang mga labi nila at awtomatikong dumapo ang nanlalamig at nanginginig niyang palad sa maputing pisngi nito. Nagbakat ang kaniyang palad sa balat nito, kasabay ng mga luhang tumulo mula sa kaniyang mga mata. Alejandro’s eyes darkened as he looked at her intently. Hindi makikitaan ng pagsisisi ang mga mata nito, bagkus ay mapaghamon pa ang mga ‘yon, dahilan para manlambot ang katawan ni Klaire. Habol-habol nila ang paghinga habang nakatitig sa bawat isa, punung-puno ng emosyon ang mga mata. “You’re an asshole, Ali…” Halos bulong ang mga salitang ito nang bigkasin ni Klaire sa pagitan nang malalalim niyang paghinga. Her heart thumped so hard inside her chest as if it would explode. Gusto niyang parusahan ang lalaki sa pinaparamdam nito sa kaniya, ngu
Mataas na ang sikat ng araw nang magmulat ng mga mata si Klaire. Kinusot niya ang mata at napansin ang mabigat na braso na nakayakap sa kaniyang baywang. Agad siyang namula nang matanto na hindi panaginip lamang ang mga naganap kagabi. Ang hubad niyang katawan sa ilalim ng makapal na kumot ay sapat na para bumalik ang isip niya sa realidad. Napangiwi si Klaire at kinagat ang ibabang labi, ramdam ang malalim na paghinga ni Alejandro sa tabi niya habang nakayakap ito sa kaniya. He was still sleeping, probably because he was tired from last night’s sexcapade. Paano ba naman ay tatlong beses na naganap ang pagtatalik sa kwartong ‘yon. Ni hindi niya pinahindian ang lalaki at sinabayan pa ito sa kagustuhan!Nag-init ang mga pisngi niya nang maalala ang mga nangyari. Awtomatiko siyang napalunok kasabay nang pagdapo ng kaniyang daliri sa kaniyang labi. Malambot at maga iyon dahil sa mga halik at kagat ni Alejandro… napapikit siya at mariing pinagdikit ang mga hita. Pamilyar pa rin sa kaniya
Hindi mawala ang ngiti ni Alejandro habang nasa loob ng kotse. His fingers traced his lips while seated in the passenger seat. Ang mga mata ay nasa bintana ngunit ang isip ay naglalayag sa mga naganap sa pagitan nila ni Klaire kagabi. Pinangako niya sa sarili niya na hindi na siya magkakamali. Hindi na niya muling paluluhain ang ina ng mga anak niya, bagkus ay gagawin niya ang lahat upang suyuin ito, hanggang sa matutunan siyang mahalin ulit nito. He would take it slow. Kahit gaano pa siya ka-atat na makipagbalikan kay Klaire ay ayaw niyang ma-overwhelm ito sa lahat ng nangyayari. He would do anything to make her trust and love him again. He smiled at that thought. Gusto na niyang liparin ang pagitan nila ni Klaire at samahan ito buong araw sa pag-aalaga ng mga anak nila, ngunit bilang padre de pamilya ay kailangan niyang gawin ang responsibilidad niya. “Mukhang good mood ka, Boss,” komento ni Luke na siyang nagmamaneho ng sasakyan papuntang kumpanya. Nagtama ang mga mata nila mul
Isa-isa niyang hinalikan sa noo ang mga anak na nakatulog na sa iisang kwarto. Magkayakap sina Natasha at Callie samantalang magkatabi naman sa iisang kama sina Nico at Clayton, pagod sa buong araw na paglalaro. Napangiti si Klaire at pinagmasdan nang huling beses ang quadruplets bago tuluyang patayin ang ilaw at isara ang kwarto. Pagkalabas ng kwarto ay napansin niya na bukas ang guest room kung saan natutulog si Alejandro. She walked toward the room and found it empty. Bumaba ang tingin niya sa kaniyang relos at nakitang mag-a-alas dies na ng gabi. “Nasaan kaya ‘yon…?” bulong niya sa sarili. Pabalik na sana siya sa master’s bedroom nang marinig ang tampisaw ng tubig mula sa pool area. Inayos niya ang pagkakasuot ng kaniyang robe at saka bumaba para tingnan kung ano’ng nangyayari sa labas. When she stepped out of the pool area, she found Alejandro swimming like an athlete. Wala itong pang-itaas at tanging maliit na board short ang suot. Sa bawat paghampas ng mga braso nito sa tub
Malaking apoy ang sumambulat sa kanila nang makarating sa lugar na pinangyarihan ng pagsabog. Dalawang sasakyan ang magkatabing nagliliyab sa apoy at sa itsura ng sitwasyon ay tila ba wala nang nakaligtas na mga tao mula sa loob ng mga ‘yon. Gamit ang braso ay tinakpan ni Alejandro ang kaniyang ilong nang makalabas sa kotse. Naroon na ang mga pulis at ginagawa ang mga trabaho nito. He walked closer to the burnt cars and looked at them in disbelief. Hindi bukas ang mga pinto noon at para bang walang indikasyon ng pagtakas. “W-Where’s Sophia?” tanong niya sa isa sa mga pulis. “Sir, bawal ho kayo rito. Delikado. Hintayin niyo na lang ang magiging resulta ng imbestigasyon,” ani pulis at marahan siyang tinulak palayo sa mga nag-aapoy na sasakyan. “But I need to know if she was there or not! Was this planned?” mariin niyang tanong.“Sir, wala pa kaming matibay na konklusyon sa kung ano ang totoong nangyari. We rest assured you that we will give you an update,” malumanay na pahayag ng pu
Hawak-hawak ni Klaire ang kamay ng kaniyang Lola Sonya at nagmamadali silang maglakad papasok ng crematorium. Malalaki ang hakbang ni Alejandro na siyang sinusundan nila. Bakas sa mukha ng lalaki ang labis na iritasyon dahil sa ibinalita sa kaniya ng mga pulis. Ang sabi ng hepe ay nakumpirma na si Sophia nga ang isa sa mga sunog na bangkay sa loob ng sumabog na kotse. Nakuha ang singsing at kwentas nitong iniregalo noon ng kaniyang ina-inahang si Carmina. Magsasagawa pa sana ng panibagong imbestigasyon ngunit hindi na ‘yon pinahintulutan pa ng pamilya ng nasawi at nagdesisyon na i-cremate na ang bangkay ni Sophia. “Carmina!” tawag ni Lola Sonya sa anak nang makaliko sila sa hallway. Naroon si Carmina at ang asawa nito, umiiyak habang nakatingin sa kasalukuyang pagsasa-abo ng bangkay ni Sophia. Agad na lumapit doon si Alejandro at nagtagis ang bagang nang makitang mistulang abo na ang katawang nasa loob at hindi na magagamit pa para sa autopsy. “We should’ve run an autopsy. Why di