Isa-isa niyang hinalikan sa noo ang mga anak na nakatulog na sa iisang kwarto. Magkayakap sina Natasha at Callie samantalang magkatabi naman sa iisang kama sina Nico at Clayton, pagod sa buong araw na paglalaro. Napangiti si Klaire at pinagmasdan nang huling beses ang quadruplets bago tuluyang patayin ang ilaw at isara ang kwarto. Pagkalabas ng kwarto ay napansin niya na bukas ang guest room kung saan natutulog si Alejandro. She walked toward the room and found it empty. Bumaba ang tingin niya sa kaniyang relos at nakitang mag-a-alas dies na ng gabi. “Nasaan kaya ‘yon…?” bulong niya sa sarili. Pabalik na sana siya sa master’s bedroom nang marinig ang tampisaw ng tubig mula sa pool area. Inayos niya ang pagkakasuot ng kaniyang robe at saka bumaba para tingnan kung ano’ng nangyayari sa labas. When she stepped out of the pool area, she found Alejandro swimming like an athlete. Wala itong pang-itaas at tanging maliit na board short ang suot. Sa bawat paghampas ng mga braso nito sa tub
Malaking apoy ang sumambulat sa kanila nang makarating sa lugar na pinangyarihan ng pagsabog. Dalawang sasakyan ang magkatabing nagliliyab sa apoy at sa itsura ng sitwasyon ay tila ba wala nang nakaligtas na mga tao mula sa loob ng mga ‘yon. Gamit ang braso ay tinakpan ni Alejandro ang kaniyang ilong nang makalabas sa kotse. Naroon na ang mga pulis at ginagawa ang mga trabaho nito. He walked closer to the burnt cars and looked at them in disbelief. Hindi bukas ang mga pinto noon at para bang walang indikasyon ng pagtakas. “W-Where’s Sophia?” tanong niya sa isa sa mga pulis. “Sir, bawal ho kayo rito. Delikado. Hintayin niyo na lang ang magiging resulta ng imbestigasyon,” ani pulis at marahan siyang tinulak palayo sa mga nag-aapoy na sasakyan. “But I need to know if she was there or not! Was this planned?” mariin niyang tanong.“Sir, wala pa kaming matibay na konklusyon sa kung ano ang totoong nangyari. We rest assured you that we will give you an update,” malumanay na pahayag ng pu
Hawak-hawak ni Klaire ang kamay ng kaniyang Lola Sonya at nagmamadali silang maglakad papasok ng crematorium. Malalaki ang hakbang ni Alejandro na siyang sinusundan nila. Bakas sa mukha ng lalaki ang labis na iritasyon dahil sa ibinalita sa kaniya ng mga pulis. Ang sabi ng hepe ay nakumpirma na si Sophia nga ang isa sa mga sunog na bangkay sa loob ng sumabog na kotse. Nakuha ang singsing at kwentas nitong iniregalo noon ng kaniyang ina-inahang si Carmina. Magsasagawa pa sana ng panibagong imbestigasyon ngunit hindi na ‘yon pinahintulutan pa ng pamilya ng nasawi at nagdesisyon na i-cremate na ang bangkay ni Sophia. “Carmina!” tawag ni Lola Sonya sa anak nang makaliko sila sa hallway. Naroon si Carmina at ang asawa nito, umiiyak habang nakatingin sa kasalukuyang pagsasa-abo ng bangkay ni Sophia. Agad na lumapit doon si Alejandro at nagtagis ang bagang nang makitang mistulang abo na ang katawang nasa loob at hindi na magagamit pa para sa autopsy. “We should’ve run an autopsy. Why di
Kabado niyang tiningnan ang OBGYNE matapos ng ilang mga test na ginawa nito sa kaniya. Habang nakaupo sa upuan sa harap ng desk nito ay kung anu-ano na ang naiisip ni Klaire. Una niyang nakita ang sarili sa ganitong sitwasyon anim na taon na ang nakalilipas. Ni hindi man lang nagbago ang pakiramdam niya. Para bang unang beses pa rin… Tahimik ang doktor habang nagtitipa sa laptop pagkatapos ay hinubad nito ang reading glasses at malapad na ngumiti sa kaniya. “Congratulations, Ms. Perez. You are two weeks pregnant,” ani doktor sa masayang boses. Natigilan siya sa kinauupuan at natulala sa doktor. Halu-halo ang kaba, saya at takot sa dibdib niya nang marinig ang magandang balitang ‘yon. Mabilis na nag-init ang mga sulok ng mga mata niya, hanggang sa magbaba siya ng tingin at marahang hinaplos ang kaniyang puson. “There’s definitely a heartbeat in your ultrasound and look at this…” Pinakita ng doktor ang resulta ng ultrasound at ang sonogram kung saan makikita ang napakaliit na dalawa
Sa sumunod na gabi ay naging abala si Alejandro. He went to the Shangri La hotel to meet one of his business clients and had a meeting with her for another important project. He was trying to do a lot of things all at once while in Cebu, ensuring that once he goes home, there’s no reason for him to leave his family’s side anymore. Matapos kamayan ang kliyenteng dayuhan ay lumabas na siya ng malaking building na ‘yon. Sakto naman na pumarada sa main entrance ang kotse niyang minaneho ng isang valet attendant doon. Pagkakuha ng susi ay nagpasalamat siya rito at saka minaneho ang sasakyan. The penthouse where he temporarily stays is a thirty-minute drive from the hotel. Tahimik siyang nagmamaneho habang binabagtas ang maluwag ng trapiko ng highway. “Is everything good, Boss?” tanong ni Luke nang tawagan siya nito. “Yes, did you notice something off?” “Negative, Boss.” Tumango siya at binaba ang tawag na ‘yon. Ilang saglit pa ay kinailangan niyang mag-iba ng daan dahil sa ongoi
“Luke, I need to know where Alejandro is right now,” nanginginig niyang sabi habang umiiyak. Hindi mapakali si Klaire. She was pacing back and forth inside the study room as she talked to Alejandro’s personal assistant. Puno ng kaba at takot ang kaniyang puso. Hindi na siya makapag-isip nang maayos at tanging mga masasamang posibilidad na lamang ang umiikot sa kaniyang isipan. Seryoso siyang tiningnan ng tauhan ni Alejandro. Kita sa mga mata nito ang pag-alala ngunit nananatiling kalmado at desidido. Hindi maintindihan ni Klaire kung bakit gano’n na lang ang kakalmahan nito gayong napahamak na si Alejandro at nawawala! “Luke, ano ba!” Hindi niya napigilan ang pagsigaw at hinarap ito habang lumuluha. “Dalhin mo ako sa Cebu. Kailangan kong makita ang ama ng mga anak ko!” “Ma’am, delikado pa ang sitwasyon. Utos ni Boss na dapat ay dito lang kayo hanggang sa maayos niya ang lahat,” paliwanag ni Luke sa malumanay na boses. “Makakabuti kung maghintay na lang ‘ho muna tayo na mag-send ng
“Mommy, why are you crying?” inosenteng tanong ni Nico sa kaniya. Nakaharap si Klaire sa infinity pool habang yakap ang sarili at umiiyak dala ng labis na pag-aalala. Nilingon niya ang anak na hindi niya inaasahang babangon mula sa pagkakatulog nito. Maghahating-gabi na kasi at sa mga gano’ng oras ay malalim na dapat ang tulog nito. Pinalis niya ang mga luha at pilit na nginitian si Nico. Nilapitan niya ito. Lumuhod siya sa harapan ng anak at hinaplos ang pisngi nito. “Bakit gising ka pa, baby?” marahan niyang tanong , tinatago ang emosyong bumabagabang sa kaniya. “I was thirsty and was about to go to the kitchen but I saw you standing here and you’re crying. Did Daddy make you upset po?” nag-aalalang tanong sa kaniya nito. Nag-init ang mga sulok ng mga mata niya. Yes, Alejandro made her upset…. upset by the fact that he had planned to risk his life just to catch her brother. Nagawa nitong kumilos nang hindi nagsasabi sa kaniya kaya ngayon ay puno ng pag-aalala ang puso niya sa m
Sa malawak na sala ng mansyon sa pribadong isla na 'yon nagtipon-tipon sina Klaire. The air between them was so stiff, and she could notice how embarrassed her adoptive parents were. Nahihiya ang mga ito na harapin siya. Paano ba naman ay nang malamang si Sophia ang tunay nilang anak at sinulsulan nito ang mga ito na paalisin siya sa kinagisnan niyang tahanan magmula nang maliit siya ay hindi sila nagdalawang isip at sinunod ito. Pinalayas siya ng pamilya Perez sa pag-aakalang nagseselos si Sophia sa atensyong binigay nila para sa kaniya. They didn't even flinch when she begged them to give her at least a month to save money so she could stand on her own. Sa isang sabi lang ng totoong anak nila na si Sophia ay kinalimutan ng mga ito na siya ang kinalinga nila noong una pa lamang. Klaire was damn hurt because of what they have done years ago. Ayaw na nga sa kaniya ng totoo niyang pamilya, pati ang adoptive parents niya ay inawayan din siya. Ang ginawa ng mga ito ang nagtulak sa kaniy