Hindi mapakali si Klaire habang naghihintay sa sala kasama ng kaniyang mga lolo’t lola. It was already past midnight and she hasn’t heard from Alejandro or the police yet. Ni walang tawag ang dumadating sa bahay mula sa mga kidnappers na dumukot sa mga anak niya. Walang mapaglagyan ang abot-langit na kaba sa dibdib niya. Hindi niya mapapatawad ang sarili kapag may nangyari kina Nico at Natasha. Her two long lost babies… Hindi pa niya nasusulit na makasama ang mga ito ngunit heto’t hinahagupit sila ng matinding trahedya. Ilang beses siyang nanalangin na sana’y ayos lang ang mga kambal… na sana ay hindi sila sasaktan ng mga dumukot sa kanila… at sana tumawag na ang mga kidnapper para mabigay niya ang halagang kailangan ng mga ito para maibalik ang mga bata. Ilang saglit pa ay bumukas ang pinto at bumungad si Logan na agad siyang nilapitan. Hindi niya napigilan na yakapin ito at maiyak. “Logan, please, help me…” nanginginig niyang sabi. “W-Wala pa akong balita sa mga pulis. Hindi ko a
Habang patuloy ang pag-iimbestiga ni Logan at ang tauhan nito ay hindi na nakatiis si Klaire at tinawagan si Alejandro upang makibalita sa estado ng imbestigasyon nito at ng mga pulis. Ilang oras na matapos ma-kidnap ng mga bata ngunit wala pa rin silang nakukuhang kahit na anong lead kung saan dinala ng mga kidnappers ang mga bata. Wala pa ring tawag… “What?” malamig na bungad ni Alejandro nang sagutin nito ang tawag niya. May kirot siyang naramdaman sa tono ng boses nito. He was back to his usual, ruthless and cold tone— the kind of tone that would tell you he wasn’t interested in whatever nonsense you would say. Lumunok siya at hindi pinansin ang nararamdaman dahil mas mahalaga ang mga anak niya sa mga oras na ‘yon. “Is there any update? Na-locate na ba sila?” nag-aalala niyang tanong, nagbabaka sakali na baka umusad na ang mga ito at ngayo’y gumagawa na ng aksyon. “We are still tracking them down,” sagot ni Alejandro. Naririnig ni Klaire mula sa kabilang linya ang walang tigil
Sa loob ng madilim at abandonadong warehouse sa dulong bahagi ng Tagaytay, makikita ang dalawang batang nakapiring ang mga mata at nakatali ang mga kamay. Pumapalahaw ng iyak si Natasha. Simula nang magising ito sa madilim na lugar na ‘yon ay hindi na ito matigil sa kaiiyak, takot na takot at nanginginig ang katawan. Samantalang walang humpay naman na inaalu ni Nico ang kapatid. Bilang kuya, kahit na natatakot siya sa sitwasyon nila ay kailangan niyang maging matapang upang maprotektahan niya nang maayos ang kakambal niya. “Natasha, don’t cry…” bulong niya sa bunsong kapatid at hinahaplos ang kamay nitong nakatali. “Mommy and Daddy will save us. They are going to do something to stop those bad people from hurting us. Let’s just wait. Hush now, please…” Umiling si Natasha. Kahit na anong pag-alu sa kaniya ni Nico ay hindi siya makalma. She just wanted to go home and be with their Mommy. She just wanted to be alive and spend more years with their siblings. “Our parents will save us,
Tiningnan nang maigi ng hepe ng pulisya ang batang si Clayton na nakatayo sa gilid ng kaniyang Daddy, pagkatapos ay bumaling ito kay Alejandro na seryosong naghihintay ng pagpayag nitong i-raid ang lugar na pinagdalhan kina Nico at Natasha. “Mr. Fuentabella, are you sure your son is correct? He’s just a 5 year old kid. Anong alam ng isang paslit sa bagay na ito?” anang hepe, halatang hindi kumbinsido sa impormasyon na binigay ni Alejandro. Huminga nang malalim si Alejandro at nagpamaywang. Saglit niyang sinulyapan si Clayton na seryoso pa ring naghihintay sa gilid niya. Hindi niya rin sigurado kung talaga bang tama ang lokasyon na nahanap ng anak niya, ngunit lahat ay susubukan niya para mahanap lamang ang dalawang bata. “Then is there a way we can confirm this?” tanong ni Alejandro. “We will request to review the CCTVs in Tagaytay to check if your son is indeed telling facts,” wika ng hepe. “Huwag mo sanang masamain, Mr. Fuentabella. Ngunit ang bagay na ‘to ay kailangan masigurad
Nanginginig si Klaire habang binabasa ang text message na mula sa kidnapper. Kasalukuyan na silang nasa kotse at mabilis na nagmamaneho papuntang Tagaytay, ngunit animo’y gusto niyang bumaba at magtungo sa bangko upang kumuha ng pera na hinihingi sa kaniya. Ngunit alam niyang hindi magiging madali ang pagkuha ng gano’ng kalaking halaga at madaling araw na rin. Naiiyak niyang binalingan si Logan na walang tigil sa pakikipag-usap sa awtoridad sa phone nito. Wala siyang nagawa kung hindi ang tawagan si Alejandro upang humingi ng tulong. “I need 50 billion pesos,” bungad niya nang sagutin nito ang tawag niya. “What?” “The kidnapper…” nanginginig ang boses niya at hindi makalma ang sarili. “T-They are asking for 50 billion. K-Kung hindi ay ibebenta ang mga organs ng mga anak ko. M-Mga sindikato ang dumukot kina Nico at Natasha, Alejandro. What should we do? W-Wala pang banko sa mga oras na ‘to!” Sa huli’y napaiyak na lamang siya. “Klaire, calm down. Do you have the contact number of t
“Are we getting closer, chief?” naiinip na tanong ni Alejandro sa hepe ng pulis. “Malapit na, Mr. Fuentabella. Parating na rin doon ang pulisya ng Tagaytay para tulungan tayo sa operasyon,” sagot ng hepe. Napatango na lamang si Alejandro, palinga-linga sa paligid habang nasa loob ng sasakyan. Malapit na sila sa lokasyon kung saan tinatago ng mga kidnappers ang mga anak niya at hindi na siya makapaghintay na maligtas ang mga ito. Sisiguraduhin niyang magbabayad ang mga kidnapper na ‘yon sa pagkalti sa mga bata. Hindi niya mapapalagpas ang nangyaring ‘to. Ilang saglit pa ay biglang nag-ring ang phone niya. Hindi niya kilala ang numerong tumatawag ngunit sinagot pa rin niya ‘yon. “This is Logan,” bungad nito sa kabilang linya. Kumunot ang noo niya. “Why are you calling me?” Narinig niya ang pagmumura ni Logan mula sa kabilang linya. “Klaire went to the warehouse. I am already walking discreetly towards the place but I just need to tell you that you guys have to hurry. Baka kung an
Maraming grupo ng mga armadong pulis ang mabilis na nakalapit at pumalibot sa warehouse. Nagpaputok muli ang hepe ng pulisya at gamit ang megaphone ay sinabing, “Mga pulis ito! Sumuko na kayo at ilabas ang mga bata kung ayaw niyong masaktan!” Pagkasabi niyon ay sinenyasan nito ang mga kasamang pulis. Mabilis ang sumunod na nangyari. Pinasok ng mga pulis ang warehouse. Ngunit walang kahit anino na ng mga kidnapper ang naroon. Nang marinig na nakatakas ang mga ito ay agad na kumilos si Alejandro at pumasok sa warehouse. Hanggang sa mapuntahan niya ang kwarto na may CCTV monitor. Tila masisiraan siya ng bait dahil hindi niya nadatnan doon ang mag-iina niya. Nasapo niya ang kaniyang ulo habang nagpapalinga-linga nang makita ang isang phone sa sahig. Pamilyar ito at agad niyang dinampot. Nanlaki ang mga mata ni Alejandro nang makita ang picture nila ni Sophia sa screen nito. Kay Sophia ang phone na ‘yon! Bigla itong nag-vibrate at nakita niyang si Lander ang tumatawag. Tahimik na sina
Sa malapit na ospital sa Tagaytay, Buhat-buhat ni Alejandro ang kaniyang dating asawa habang papasok sa emergency section. Hindi pa rin gumigising si Klaire at nag-aalala siya sa kung ano’ng ginawa ni Sophia at ng mga tauhan nito sa babae. Agad namang rumesponde ang mga doktor at nurse na naroon upang i-check si Klaire. Malalim ang bawat paghinga ni Alejandro habang pinapanood ang doktor at mga nurse. His eyes were filled with worries, thinking of the worst thing that could happen as he didn’t know what those bastards had done to his ex-wife. Paano na lamang kung may mas malalang mangyari kay Klaire? Nanikip ang dibdib niya sa naisip. Hindi niya yata kakayanin iyon… “Sir, please come out. Bawal na po kayo rito,” anang nurse at marahan siyang pinalabas ng emergency room. “Sasabihan po namin kayo kapag tapos na ang pagsusuri sa pasyente.” “She’s going to be okay, right? Please tell me,” nag-aalala niyang wika at lumunok. His eyes landed on Klaire whose face was very pale and unlivel
ISANG malakas na suntok ang natamo ni Laurence mula sa ama ni Julia. Kahit na nasa mid 50’s na ito ay makikitaan pa rin ito ng lakas, hindi nasisindak sa kahit na ano at walang kinatatakutan. Marahil dahil na rin isa ito sa mga lider ng organisasyon na lihim na gumagawa ng ilegal na negosyo sa bansa. Julia’s family name was quite famous but they shined more in the underground business. Bagay na nililihim ng mga Acosta. “Isang bagay lang ang gusto kong gawin mo pero hindi mo ba nagawa? Alam mo ba kung gaano pinag-uusapan ang auction na ‘yon? It was supposed to be our medium to attract investors–na kapag nalaman nilang nag-acquire tayo ng business property ay kusa silang lalapit sa atin ngunit anong ginawa mo? Nagpatalo ka sa isang Consunji? Wala kang bay@g!” Dumagundong sa malaking mansyon ang galit ng isang Julian Acosta, na pinipigilan ni Julia na makalapit pa kay Laurence. Natatakot siyang baka tuluyang mabugbog ang mapapangasawa. Dinilaan ni Laurence ang dugo sa gilid ng kaniyan
HINDI maipinta ang mukha ni Laurence nang marinig ang mga sinabi niya. Halos magdiwang ang puso ni Callie dahil alam niyang natamaan niya ang ego ng dating asawa. Isa pa ay totoo naman ang sinasabi niya. Julia wouldn’t try to harm herself if she loved her baby. “L-Laurence, huwag kang makikinig sa kaniya. She’s brainwashing you para pag-awayin tayo,” iyak ni Julia. Ngumisi lamang si Callie at saka ikinawit ang kamay sa matipunong braso ni Vincenzo. “Love, I think we’re done here,” malambing niyang wika sa asawa at nag-angat ng tingin dito. “Let’s go home and celebrate our wins.” Tumango naman si Vincenzo at marahang hinaplos ang pisngi niya. Natural na natural ang pagpapanggap nito sa harap ng maraming tao na kahit si Callie ay nabibigla sa mga akto nito. Bahagya siyang napakurap nang maramdaman ang pag-iinit ng pisngi. “Alright, love,” ani Vincenzo at binalingan ng tingin si Laurence. “But I’m not done with the both of you. I’ll see to it that you’ll receive the CCTV footage on
MABILIS na sumagi sa isipan ni Callie ang kwento ng kaniyang Mommy, kung paano ito na-frame up ng karibal na si Sophia na sinadyang magpatihulog sa hagdan, na nagresulta sa pagkamuhi ng mga tao sa kaniyang ina sa loob nang mahabang taon.Adrenaline rushed through her veins. Not wanting to have the same fate as her Mom’s, she immediately grabbed Julia’s arm and pulled her up, preventing the woman from falling downstairs. Malakas ang tibok ng kaniyang puso nang mahigit ang babae at hinila ito palayo sa hagdan. “Nababaliw ka na ba?!” singhal niya habang mahigpit na hawak ang braso nito. Ramdam niya ang matinding galit na nanunuot sa kaniyang kaibuturan. “Ano sa tingin mo ang iniisip mo? Magpapatihulog ka sa hagdan? Hindi mo naisip ang baby sa sinapupunan mo?” “You were trying to hurt me!” sigaw ni Julia at nagsimulang maglikot ang mga mata, nagpalinga-linga at nagbabaka sakaling may mga matang nakakita sa ginagawa sa kaniya ni Callie. “You are trying to kill my baby!” Napailing si Cal
AGAD na iniiwas ni Callie ang tingin sa nanunubok na mga mata ni Vincenzo nang magsalita ang host ng auction. Ilang saglit pa ay nagsimula na ang aktibidad at kita sa mga mayayamang naroon ang kasiyahan sa pagbi-bid sa mga real estate property na binibenta ng mga mayayamang angkan. Dumating ang waiter at nag-abot ng drinks sa kanilang table. Kinuha ni Callie ang wineglass at sinimsiman ang alak niyon. She couldn’t help but frown as she observed the people inside the event hall. Kung mag-bid ay animo’y barya lamang ang ilang daang milyon sa mga ito. Napansin niya ang kalmadong si Vincenzo sa kaniyang tabi. Kumpara kanina na para bang nakikipaglaro ito sa kaniya, ngayon naman ay tahimik itong nagmamatiyag–sisilay ang multong ngiti sa labi at kung minsan ay mapapailing. “Why aren’t we bidding yet?” kuryoso niyang tanong sa asawa. “I’m waiting for your ex-husband and his lover to bid,” sagot nito at bahagyang tinagilid ang ulo. “Seven hundred million pesos,” rinig nilang wika ng isan
HALOS papalubog na ang araw nang makarating sina Callie at Vincenzo sa New World Manila Hotel kung saan gaganapin ang nasabing pinaka-inaabangang at pinakamalaking land auction. Ang mga mayayamang pamilya o clan, respetadong negosyante at mga pulitiko ang karaniwang nagbebenta ng mga real estate properties sa aktibidad na ito. Pagkapasok pa lamang sa event hall kung saan gaganapin ang auction ay ramdam na agad ni Vincenzo ang malalagkit na tingin ng mga lalaking negosyanteng naroon sa kaniyang asawa, habang wala namang ka-ide-ideya si Callie na tila namamangha pa sa lugar. Nauuna si Callie sa paglalakad, naghahanap ng bakanteng mesa kung saan sila maaaring maupo nang biglang harangin ito ng isang matandang lalaki na sa tingin ni Vincenzo ay nasa mid 50’s na. Malapad ang ngiti ng lalaki nang magsalita, “Sinasabi ko na nga ba’t hindi ako nagkamali ng pagpunta rito. Are you alone, Miss—” “She’s with her husband,” agad na turan ni Vincenzo at lumapit sa likuran ni Callie. He held Cal
“Anak ka pala ng isang mayamang pamilya!” gulat na pahayag ng kaibigang si Monique nang muli siyang pumasok sa Consunji Mall. “Grabe ang ganda-ganda mo sa TV, Callie. Para kang reyna ng boss natin sa kasal niyo!”Sa pagpasok pa lang kaninang umaga sa Mall ay marami ng empleyado ang gulat at masayang makita siya. Hindi na nagtataka pa si Callie lalo na’t naging headline sa balita ang nangyaring kasalan nila ni Vincenzo. Alam na rin niyang sa pagkakataong ‘yon ay hindi na niya maitatago pa ang totoong identidad sa mga taong nakasama niya sa trabaho, lalo na kay Monique na kaibigan niya. Matipid na nginitian ni Callie ang kaibigan. “Nagulat ka ba? Pasensya ka na kung naglihim ako ha.” Mabilis na tumango si Monique, ang mga mata ay puno ng tuwa. “Malamang, magugulat talaga ako! Kunwari ka pang hindi kilala ng boss natin, ‘yon pala ay mapapangasawa mo na.” Tumawa ito. “Speechless nga rin iyong supervisor natin saka iyong mga alipores niyang may inis sa iyo. Malamang ay nagngingitngit na
Halos manakit ang bibig ni Callie sa walang tigil na kangingiti nang matamis sa harap ng mga media na dumalo sa wedding reception ng kasal nila ni Vincenzo. She wanted the whole nation to know that she was happy to have the most expensive wedding in the country. Alam niyang lalabas ang mga kaganapan ng kanilang kasal sa internet at mga dyaryo kaya kahit na may kabang nararamdaman sa pagbabago ng timpla sa kaniya ni Vincenzo ay pinilit niyang magmukhang pinakamasayang asawa. Halos tatlong oras din ang tinakbo ng wedding reception at pagkatapos niyon ay isa-isa nang nag-aalisan ang mga kilalang bisita.Huminga siya nang malalim at sinabayan si Vincenzo sa paglalakad palapit sa pamilya Fuentabella. Tumikhim ang kaniyang Daddy, tiningnan siya at saka seryosong bumaling sa kaniyang asawa. Asawa…. Hindi pa rin siya makapaniwala na kinasal siya sa ikalawang pagkakataon.Tiningnan niya ang asawang si Vincenzo na may maliit na ngiting ginawad sa kaniyang Daddy Alejandro.“I won’t ask for a
Sa simbahan, Hindi mapakali ang pamilya Fuentabella maging ang mga taong naroon. Paano ba naman ay hindi pa dumadating ang bridal car na siyang maghahatid kay Callie sa lugar. Maging ang mga bisitang naroon upang saksihan ang pag-iisang dibdib nito kay Vincenzo Pierre Consunji ay nagtataka at nagbubulung-bulungan. Sa gilid ng altar ay nakatayo si Vincenzo. Bahagyang kunot ang noo habang iniisip na baka nagbago na ang isip ng babaeng pakakasalan niya. Sa gilid niya ay nakatindig ang amang si Manuel na iiling-iling bago sinabing, “That woman was brazen to lecture me days ago. Hindi naman pala desidido na magpakasal sa iyo.” Kinuyom ni Vincenzo ang kaniyang kamao. Bahagyang nagtagis ang kaniyang bagang sa pag-iisip na hindi na sisipot pa si Callie. His gaze went to Sammy’s direction—the flower girl of their small entourage. Kung hindi magpapakasal sa kaniya si Callie ay talagang mawawala sa kaniya ang batang dugo't laman ng yumao niyang kapatid. Dahil sa pag-iisip na ’yon ay na
Araw ng Sabado, Abala ang buong pamilya Fuentabella sa araw ng kasal ni Callie. Magaganda ang dekorasyon sa tanyag na simbahan na paggaganapan ng seremoniya, at inimbitahan ang mga bigating personalidad, maging ang nangungunang media upang isa-telebisyon ang kasal. The Fuentabella and Consunji family were so hands on with everything. Wala nang iba pang gagawin si Callie kung hindi ang maghanda, at magmartsa sa simbahan. Callie was in her suite, looking very fresh and happy in her preparation robe. Ito na ang araw na pinakahihintay niya. Magpapakasal na sila ni Vincenzo at isakakatuparan ang mga plano nila. She couldn’t wait to strike back. Alam niyang makararating kay Laurence ang araw na ito at sisiguraduhin niyang siya ang panalo. Pagkatapos make up-an at ayusin ang buhok niya ay pinalabas niya na ang mga stylist na naroon. Pinagmasdan niya ang magarbong wedding gown na nakasuot sa mannequin. Hindi mawala ang ngiti niya habang tinitingnan kung gaano ito kaganda. It was a design s