Nang makalabas sa club ay hinawakan ni Alejandro ang magkabilang balikat niya, nag-aalalang tiningnan ang mga braso’t paa niya kung may natamo ba siyang sugat o pasa. “Where did he hurt you?” mariin na tanong ng lalaki, mahihimigan ang iritasyon sa kaniyang boses. “His bodyguards weren’t able to injure me. Pero nasampal niya ako,” sagot ni Klaire at bumuntonghininga. Kinagat niya ang ibabang labi, mabuti na lamang at hindi nagsugat ‘yon. “That bastard. I’ll make sure he’ll pay for this.”“Ikaw?” Awtomatikong bumaba ang mga mata niya sa kamao ni Alejandro. Puno ng dugo ‘yon. Tiningnan ni Alejandro ang kamao niya at sinabing, “It’s okay. It’s his blood, not mine.”“Mabuti naman…” Nakahinga nang maluwag si Klaire matapos suriin ang kamay ng lalaki. She then raised her eyes, looking at his ex-husband who saved her tonight. “T-Thank you pala.”Kahit paano ay marunong siyang tumanaw ng utang na loob. Kung hindi dumating si Alejandro para iligtas siya sa mga kamay ng Mr. Vesarius na ‘yon
Kinaumagahan, pagkaalis ni Alejandro at mga bata sa lumang mansyon ay nagdesisyon si Don Armando na bumisita sa villa ni Klaire. Sa pagkakataong ‘yon ay wala na si Klaire sa villa, at tanging ang dalawang matanda at ang kasambahay na lamang ang naroon. Ang buong akala ng mag-asawang Sonya at Miguel ay bumisita lamang si Don Armando roon para makipaglaro ng chess at mag-tsaa. Ngunit nang makaupo sila sa sala ay sinabi nito ang totoong pakay. “Sinadya kong magpunta rito nang wala si Klaire dahil may gusto akong itanong sa inyo,” ani Don Armando.Nagkatiningan ang mag-asawa. Kunot-noong bumaling si Miguel sa Don. “Ano ‘yon, Armando?”“Gusto kong malaman ang totoo tungkol sa dalawang batang nakatira dito.”Nagulat ang mag-asawa sa sinabi nito at agad silang nabalisa habang nililihis ang tingin sa matanda. “A-Ano naman ang tungkol sa mga apo ko, Armando?” tanong ni Sonya.Naningkit ang mga mata ni Don Armando. Sa kilos at pananalita pa lamang ng mag-asawa ay mukhang tama ang hinala niy
Sa opisina, sunod-sunod ang pagbahing ni Klaire dahilan para lingunin siya ni Olga. “Klaire, ayos ka lang ba?” Sumingot siya at bahagyang tumango. “I’m okay. Makati lang ang ilong ko kaya panay ang bahing ko.”“Kung kailangan mo ng meds, meron tayo sa may clinic, okay?”“Ma’am Klaire,” tawag sa kaniya ng pamilyar na boses ni Luke na kapapasok lamang sa Lab 2. “Gusto kang makausap ng CEO.”Napakurap siya sa narinig. Gusto siyang makausap ni Alejandro? Bakit?“Okay. I’ll go to his office,” wika niya.Malagkit siyang tiningnan ni Olga nang tumayo siya mula swivel chair. Lumabi siya at pinandilatan pa ito dahil halatang nag-iisip na naman ng kung ano. Ilang saglit pa ay nakarating na siya sa opisina ni Alejandro. Nakaupo ang lalaki sa likod ng desk nito habang may binabasang dokumento. Marahan siyang naglakad palapit sa harapan ng desk nito at pormal na tiningnan ang lalaki. “You asked for me, Mr. Fuentabella?” “Sit down first.” Tinuro ni Alejandro ang couch malapit sa desk. Pumaso
Alas singko pa lang ng hapon ay naghahanda na si Klaire paalis ng kumpanya. Paano ba naman ay makikita niyang muli sina Clayton at Callie. Nag-text sa kaniya si Alejandro isang oras ang nakalilipas na sa mansyon sila magdi-dinner na magkakasama. A smile escaped her lips. Hindi niya malaman kung bakit tila ba nahipan ng hangin ang utak ni Alejandro at naging mabait sa kaniya pero lulubusin na niya ito dahil gusto niyang matupad ang plano na makuha ang mga bata. “Oh, Klaire, uuwi ka na? Hindi ka yata mago-overtime ngayon?” kuryosong tanong ni Olga at malagkit siyang tiningnan. “Ikaw ha? Bakit ka pinatawag ng CEO? Baka may namumuo ng pag-iibi—” “Are you ready?” tanong ng isang pamilyar at marahan na boses mula sa likuran niya. Napakurap siya nang makita si Alejandro na nakapamulsa. Ilang saglit nitong nilibot ang tingin sa mga ginagawa ng empleyadong naroon bago bumaling muli si kaniya. “Shall we go?” tanong pa nito. Napalunok siya. Napakarahan ng boses nito. Tila ba nabawasan ang
Huminto ang mamahaling kotse ni Alejandro sa harap ng villa ni Klaire. Nilingon niya ang lalaki at sinabing, “Thank you for the dinner.”“I should be the one thanking you. Masaya ang mga anak ko nang makita ka nila.” Napangiti si Klaire sa narinig. “I’m happy to spend time with them too.” “I know.” Napasinghap si Klaire nang bahagyang nilapit ni Alejandro ang sarili sa kaniya. Sa sobrang lapit nito ay naramdaman niya na animo’y nakikipagkarera ang puso niya. She could smell his cool musk and breath. Hindi niya maiwasang sulyapan ang lahat ng parte ng mukha nito. Then he heard something click. Kumurap siya at bumaba ang tingin sa kamay ni Alejandro na nagkalas ng seatbelt. “It was nice having a dinner with you, Klaire,” ani Alejandro sa seryoso at marahang boses. Mas lalong bumilis ang tibok ng puso niya. Hindi niya maintindihan kung bakit napakasarap marinig ng mga salitang ‘yon. Marahil ay hindi niya kailanman narinig ang magagandang salitang ‘yon noong kasal pa sila. Tipid si
“Wow! Ang fresh naman ng hangin dito at mukhang maganda sa loob!” bulalas ni Olga. Napangiti si Klaire sa narinig. Halos dalawang oras din ang naging byahe nila papunta sa resort ng mga Fuentabella sa Laguna. At ang magandang kapaligiran ng resort ay nagpapawala ng kanilang pagod. Ang resort ay itinayo sa malapit na bundok. The scenery was very pleasant and relaxing. Walang masyadong tao dahil ang tinatanggap lamang dito ay mga VIP guests. “Who would have thought that we’d be here? Grabe, nagta-type lang naman ako ng sandamakmak na report ‘tapos ay biglang maiimbitahan dito? Iba talaga ang charisma mo, Klaire sa ex-father-in-law mo,” pilyang asar ni Feliz sa kaniya. Tumawa si Olga. “At nahatak pa ko! Thank you, Klaire. Lahat talaga ng magagandang bagay ay nangyayari kapag nariyan ka.” Natatawa siyang nag-irap ng mga mata. Mukhang binobola pa siya ng mga kaibigan. Nang makapasok sila sa lobby ay agad silang inasikaso ng receptionist. Tinulungan sila nito sa kanilang mga bagahe at
Malamig ang panggabing hangin habang pinapasyal nina Klaire at Alejandro ang mga anak nila. Dahil wala masyadong pambatang activity sa resort ay minabuti na lamang nilang maglakad-lakad. The resort area is so beautiful at night, after all. Hindi maiwasan ni Klaire na maramdaman ang pagka-relax. It’s been a while since the last time she had a vacation like this, and it was really worth it. Hinipan ng malamig na hangin ang kaniyang buhok, dahilan para marahan niyang hawiin ang mga takas na buhok sa kaniyang noo at itago ang mga ‘yon sa likod ng kaniyang tainga. Alejandro, on the other hand, was checking her. Nakita niya ang masayang ngiti sa mukha ng kaniyang ex-wife, dahilan para mapangiti siya. Habang hawak ang mga bata ay nagmungkahi si Alejandro, “There are big telescopes in the east wing. We can check out the stars. Do you want to go and have a look?”Ang mga salitang ‘yon ay tila ba nagpa-excite sa dalawang bata. But his eyes fell on Klaire. Bahagya namang yumuko si Klaire at
Pagkatapos maglublob sa hot spring ay umahon na sina Klaire at Callie. Binihisan niya ito at saka kinarga palabas ng locker room. Sakto na katatapos lamang din nina Alejandro at Clayton at nakasalubong nila sa hallway. Tumakbo si Callie kay Alejandro at niyakap ang mga hita nito. Bumaba ang tingin ni Alejandro sa anak. His precious daughter gave him puppy eyes. “What’s wrong, sweetheart?”“Daddy, I want to sleep with Tita Pretty tonight,” ani Callie sa munting boses. Nagulat si Alejandro nang magsalita ito. His daughter’s voice was very soothing. Ngunit kumunot ang kaniyang noo sa pinaalm nito. “Sweetheart, it will be troublesome for your Tita if you sleep with her. Malikot ka matulog. You should sleep with Daddy and Kuya Nico,” marahang saad ni Alejandro. Agad na sumimangot ang mukha ni Callie sa narinig. “No, Tita Pretty agreed!” Pagkatapos sabihin ‘yon ay nilingon ni Callie si Klaire, na para bang nanghihingi ito ng tulong. Bilang ina, hindi matiis ni Klaire ang anak. She wou