Share

Chapter 179

Kinaumagahan, pagkaalis ni Alejandro at mga bata sa lumang mansyon ay nagdesisyon si Don Armando na bumisita sa villa ni Klaire. Sa pagkakataong ‘yon ay wala na si Klaire sa villa, at tanging ang dalawang matanda at ang kasambahay na lamang ang naroon.

Ang buong akala ng mag-asawang Sonya at Miguel ay bumisita lamang si Don Armando roon para makipaglaro ng chess at mag-tsaa. Ngunit nang makaupo sila sa sala ay sinabi nito ang totoong pakay.

“Sinadya kong magpunta rito nang wala si Klaire dahil may gusto akong itanong sa inyo,” ani Don Armando.

Nagkatiningan ang mag-asawa. Kunot-noong bumaling si Miguel sa Don.

“Ano ‘yon, Armando?”

“Gusto kong malaman ang totoo tungkol sa dalawang batang nakatira dito.”

Nagulat ang mag-asawa sa sinabi nito at agad silang nabalisa habang nililihis ang tingin sa matanda.

“A-Ano naman ang tungkol sa mga apo ko, Armando?” tanong ni Sonya.

Naningkit ang mga mata ni Don Armando. Sa kilos at pananalita pa lamang ng mag-asawa ay mukhang tama ang hinala niy
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP
Comments (15)
goodnovel comment avatar
Anita Valde
thanks Author sa update
goodnovel comment avatar
Hazel Modequillo
sana diridiritso na ang pagbabasa
goodnovel comment avatar
Coleen Gorordo
thank you po sa update
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status