Share

Chapter 2

Almira

“Bes, sigurado ka ba?” nagtatakang tanong ko sa kaibigan ko na si Bea nang sabihin nito sa akin ang tungkol sa trabahong inaalok ng boss nila

Noong isang gabi kasi ay isinama ako ni Bea para umekstra sa pinapasukan niyang hotel bilang serbidora sa isang party.  Kinulang daw kasi sa tao at dahil kilala niya ako ay agad naman akong pinayagang magtrabaho noong gabi na yun.

Nakakagulat lang dahil pinababalik daw ako ng Boss niya at ang nakakapagtaka pa dun ay assistant daw ang kailangan ng Boss niya.

“Oo nga Bes! Nagtaka din ako pero siguro kasi naawa sayo si Sir MB.” sagot naman sa akin ni Bea

“Paanong naawa?” 

“E ayun na nga! Nakita ko nga kasi kanina si Sir MB na galing dito. Mukhang may dinalaw din siya. Tapos tinanong niya ako kung ano ginagawa ko dito, ayun sinabi ko na dadalawin ko yung anak mo.” mahabang paliwanag ni Bea

“Tapos sinabi ko na isinama kita sa event kagabi kasi need mo ng work dahil may sakit ang anak mo tapos single mother ka pa, kaya sabi niya kung interesado ka, mag-apply ka daw.” dagdag pa nito

“Pero Bes, bakit naman assistant agad? Sigurado naman ako na mas maraming qualified para dun!” medyo alanganing sagot ko

Nakatungtong naman ako hanggang second year college pero dahil sa mga pangyayari sa buhay ko ay napilitan akong tumigil sa pag-aaral. 

Kailangan kong magtrabaho para kay inay at sa anak ko.

“Ayaw mo ba nun? Alam mo bang ang hirap makapasok sa TGC? Kaya chance mo na ito no!” sabi ni Bea at naisip ko na tama siya

Kung makakapasok ako dito, hindi na ako mangangamba dahil kahit papano may sigurado na akong trabaho. Hindi katulad nung mga nakaraan na pa-extra extra lang.

Kailangan ko ng pera para kay Andrei. Lumalala na ang kundisyon niya at kailangan kong makaipon para matuloy na ang operasyon niya.

“Oh so ano? Go ka na?” tanong ni Bea at tumango naman ako sa kanya

Sana nga lang makapasa ako at pag nagkataon, pagbubutihan ko ang trabaho.

“Sige Bes! Pagkakataon na ito! Kailangan i-grab ko na!” 

“Yown! Tama ka jan!” 

Hinintay lang namin na dumating ang Inay para magbantay kay Andrei. Kailangan kong asikasuhin ang mga dokumentong kailangan kong ipakita bukas sa tinatawag ni Bea na sir MB.

Nagpa-print na ako ng resume ko at inilagay ko ito sa isang envelope kasama ng ilang work certificate ko galing sa ibang pinasukan ko.

“Tara sa ukay-ukay Bes! Hanap tayo ng damit mo!” sabi ni Bea at sobra talaga akong nagpapasalamat sa kaibigan ko na ito. Hindi niya talaga ako iniiwan sa laban namin ng anak ko

Namili ako ng damit sa ukay-ukay at may nakita naman ako na maganda pa at nababagay sa paga-apply ko bukas. May sapatos naman ako at sa tingin ko babagay din ang damit na ito doon.

“Samahan mo ako bukas Bes! Ninenerbyos ako!” sabi ko dito habang pauwi na kami sa apartment na inuupahan namin

“Oo naman! Nasa likod mo ako palagi!” sabi pa niya sa akin

Pagdating namin sa inuupahan namin apartment ay nasa labas ang may-ari noon at tila nag-aabang sa akin. 

Atrasado na ang bayad namin sa upa at nakiusap ako kay Aling Siona noong nakaraang buwan lalo pa at nasa ospital na naman si Andrei.

“Oh Almira! Kamusta naman yung upa ninyo? Tatlong buwan na kasi yun!” mahinahon pa naman si Aling Siona pero alam ko na kaya ako inaabangan nito ay dahil kailangan na din niya ng pera

“Manang Siona, alam niyo naman pong nasa ospital ulit si Andrei!” sagot naman ni Bea sa kasera namin

“Bea, oo nandun na ako! Naiintindihan ko naman yun pero kasi tatlong buwan na din! Kailangan ko din naman ng pera!” medyo napalakas na ang boses nito kaya naman minabuti ko ng magsalita

“Manang, hayaan niyo po! May applyan po akong trabaho bukas! Pag sumweldo po ako, kayo po ang uunahin ko!” pangako ko naman sa kanya

“Almira balak mo pa bang gawing apat na buwan ang utang mo sa akin?!” hindi makapaniwalang sabi ni Manang Siona pero wala naman akong magagawa kung hindi tanggapin ang lahat ng maririnig ko dahil yun naman ang totoo at wala pa talaga akong pambayad sa ngayon

“Pagbigyan niyo na po ako Manang! Huli na po ito!” nakayukong sabi ko habang pinipigil ang luha ko

Napapahiya na din kasi ako dahil marami ng nakakarinig sa boses ni Manang. 

“Manang sige na po! Tiyak naman po akong makakapasok si Almira sa trabaho!” pangungumbinsi pa ni Betty habang hawak hawak ang kamay ko

“Hay naku! Puro na lang pangako! Nakakasawa na!” angil ni Manang saka siya umalis sa harap namin ni Bea

“Kung hindi kayo makapagbayad, aba himanap na kayo ng malilipatan ninyo! Ang lagay ba eh palagi nalang akong iintindi sa inyo!” dagdag pa nito habanb naglalakad papunta sa bahay niya

Padabog pa niyang sinara ang pinto kaya naman napapikit na lang ako. Lumapit naman ang mga ibang nangungupahan kay Manang Siona at nakisimpatya sa akin dahil hindi ko na mapigil ang mapaiyak.

“Almira huwag mo ng pansinin si Manang! Talo lang siguro sa sugal yan kagabi kaya mainit ang ulo!” sabi ng kapitbahay namin na si Charlotte na hinahaplos ang likod ko

Isa siyang GRO sa isang bar at kahit naman ganun ang trabaho niya ay mabait naman ito sa mga kapitbahay.

Minsan nga inisip ko na lang na sumama kay Charlotte pero nagdadalawang isip din ako. Kung may iba naman akong mapapasukan, doon na lang. Hindi sa minamaliit ko ang trabaho niya pero siguro hanggat may ibang pwede, doon na lang ako.

“Salamat Charlotte!” sabi ko dito pero agad niyang kinuha ang kamay ko at may inilagay doon

“Kumita ako kagabi kaya pinagtabi ko si Andrei! Pandagdag lang yan sa gamot niya!” 

Hindi ko mapigilang umiyak muli dahil sa gjnawa ni Charlotte. Mabait talaga siya sa amin kahit noon pa at hindi naman ito ang unang beses na inabutan niya ako ng tulong para sa anak ko.

“Salamat!” sabi ko dito at tumango lang ito saka pumasok sa apartment niya

Matutulog muna ito tiyak dahil mamayang gabi ay papasok na naman siya sa bar. Maswerte pa din kami dahil may nagmamalasakit sa amin ng anak ko. Pero hindi maalis ang pakiramdam na naaawa na din ako sa sarili ko.

Nagpaalam na din si Bea kaya naman pumasok na ako sa apartment na tinutuluyan namin para labhan ang nabili kong damit sa ukay-ukay.

Sana lang talaga ay matanggap ako bukas dahil kailangang- kailangan ko ng trabaho. Sana ito na ang sagot sa problema ko dahil nahihirapan na din ako.

*****

Kinabukasan ay maaga akong nagising dahil kailangan ko pang plantsahin ang damit na isusuot ko. Sinabihan ko na si Inay na mag-aapply ako ngayon kaya hindi ako makakapunta agad sa ospital.

Naligo na ako at agad na nagbihis habang hinihintay ko si Bea. Nagkataon namang day off niya ngayon kaya masasamahan niya ako sa opisina mg boss nila.

“Almira! Bes, ready ka na?” tanong ni Bea sa labas kaya agad naman akong sumagot

“Oo! Nandyan na!” agad ko ng kinuha ang resume at ang maliit na sling bag ko bago ako lumabas ng bahay. Inilock ko muna iyon saka ako humarap kay Bea.

“Ay ang ganda naman ng Bes ko!” sabi ni Bea habang nakatingin sa akin.

Nakasuot lang naman ako ng puting blouse na itinerno ko sa nabili kong slacks kahapon sa ukay. May blazer din itong kasama saka ako nagsuot ng itim na sandals.

Itinali ko ang buhok ko pataas at naglagay lang ako ng manipis na make-up. Medyo nasanay na din akong maglagay nito lalo pa noong mapasok akong saleslady sa isang mall. 

Kaso anim na buwan lang ako doon dahil contractual lang naman halos ang mga napapasukan kong trabaho lalo pa at di ako nakapagtapos ng pag-aaral.

 Minsan talaga hindi ko maiwasang isipin na king hindi sana dumating sa buhay ko si Andrei, sana tapos na din ako sa pag-aaral ngayon. Sana isa na akong IT specialist dahil iyon ang kurso ko noon sa kolehiyo. 

Pero hindi ko pinagsisisihan ang pagdating ni Andrei sa akin. Siya ang inspirasyon ko sa lahat ng pagsubok na dumarating sa buhay ko. Dahil sa kanya, natuto akong mas maging matatag sa hamon ng buhay.

“Sa palagay mo matatanggap kaya ako?” tanong ko kay Bea at agad naman siyang tumango

“Sa palagay ko naman oo! Kasi si Sir MB mismo ang nagsabi!” sagot ni Bea nang magsimula na kaming maglakad palabas para mag-abang mg jeep

“Teka, bakit ba Sir MB ang tawag niyo sa kanya?” curious na tanong ko 

“Ang pangalan niya kasi ay Sir Michell Blake Thompson, gets mo?!” kumaway si Bea sa jeep na parating at agad na kaming sumakay

Pilit kong pinalakas ang loob ko dahil ngayon lang ako papasok sa ganitong klaseng trabaho. 

At kailangan kong makapasok kaya naman kailangan kong paglabanan ang takot ko.

Alas otso ng makarating kami ni Bea sa isang mataas na gusali. Tiningala ko pa ito at nakita ko ang malaking initials sa tuktok nito.

TGC…

Huminga ako ng malalim! Para kay Andrei! Para sa pamilya ko!

Pumasok na kami sa building at dumiretso kami ni Bea sa elevator. Pinindot niya ang letter P at nagsara naman agad ito. 

Abot-abot ang kaba ko pero kinalma ko ang sarili habang iniisip ko si Andrei! Mas may tsansa na siyang gumaling basta pagbubutihan ko lang ang trabaho kung sakaling makapasok ako dito.

Pagdating namin sa floor ay may nakaupo doon sa isang mesa na matangkad na lalake. 

Napatingin pa ito sa amin saka kumunot ang noo niya. 

“Anong ginagawa niyo dito?” tanong niya sa amin

“Ay sir! Good morning po! Ako po si Beatrice Salazar! Nagt-trabaho po ako sa hotel ni Sir MB. Pinapunta niya po ang kaibigan ko ngayon kasi may trabaho daw po siya para sa kanya.” 

Tiningnan ako ng lalake mula ulo hanggang paa saka siya umiling at ngumisi na pinagtaka ko naman.

“Maupo muna kayo dun!” turo niya sa mga upuang nasa dulo ng pasilyo

“Tatawagan ko si Sir MB, wala pa kasi siya!”sabi pa nito sa amin

Sumunod naman kami kung saan niya kami itinuro at doon kami matiyagang maghintay.

Lumipas ang ilang oras pero hindi pa dumadating ang hinihintay namin. Sinipat ko ang relo ko at alas-onse na ng umaga.

Nilingon ko si Bea at tila naman hindi ito naiinip dahil busy siya sa cellphone niya.

Kailangan kong maghintay! Hindi ako pwedeng mainip! Hindi ako aalis dito hanggat hindi ko nakakausap si Sir MB!

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status