AlmiraMabuti na lang maagang umalis si Sir MB dahil sa biglaang lakad niya kaya naman nakasabay ako pag-uwi kay Sir Gab bandang alas singko.Tinext ko si Bea at nalaman ko na nasa ospital na daw siya kaya naman doon na ako dumiretso.“Mama!” tawag sa akin ni Andrei nang makita niya ako kaya agad ko siyang nilapitan at hinalikan sa noo“Kamusta ang baby ko?” malambing na tanong ko dito“Magaling na po ako Mama! Mama uuwi na si Andrei! Sabi ni Mama Bea, may new house tayo?” natawa ako sa sinabi ni Andrei kaya naman hinipo ko ang ulo niyaObviously naunahan na ako ni Bea na magkwento kay Inay kaya tiyak narinig ito ni Andrei.“Anak, hindi natin bahay yun! Bahay yun ng boss ni Mama at pinahiram lang sa atin!” paliwanag ko sa bata“Pero Mama pwede po si Andrei doon?” tanong pa niya ulitHe was so excited kaya medyo hinihingal siya kaya sinabihan ko siyang dahan-dahanin ang pagsasalita“Siyempre naman Anak! Kung nasaan si Mama dapat nandun din ang baby, tama ba?” tango lang ang sinagot ni
MitchellMagaan ang pakiramdam ko ngayong umaga after a heavy breakfast that I just had. Hindi ko mapigilang mapangiti lalo pa at si Almira ang nagluto nito para sa akin.Siya ang unang babae na nag-effort to cook for me, well of course except Mom. And I can’t help myself dahil sobrang masaya ako for her sweet gesture.Ang sabi niya, recipe iyon ng itay niya noong nabubuhay pa ito. May maliit daw silang tindahan noon ng mga silog sa harap ng bahay ng lola niya.But when her father died, hindi na sila pinayagan ng mga tiyahin niyang magtinda doon at pinalayas pa sila sa bahay ng lola niya kaya napilitan silang mangupahan.I felt sorry for her dahil hindi naging madali ang buhay para sa kanya.“Sir!” napaangat ang ulo ko at nakita ko ang babaeng kanina pa laman ng isipan ko“Yes Almira?” tanong ko dito “May appointment po kayo in an hour! May meeting po kayo ng daddy niyo sa Le Chateau”“Okay Almira! Thanks!” I stood up and grabbed my phone and keysHindi na ako masyadong nagpapa-driv
AlmiraKinakabahan ako ngayong umaga dahil sa bagong trabaho na idinagdag sa akin ni Sir MB. Hindi ko alam kung bakit ako pumayag sa gusto niya. Ipagluluto ko siya ng almusal sa umaga at sabay na kaming papasok sa opisina.Malapit lang naman ang townhouse niya sa Grand Hotel kung saan located ang penthouse niya. Alam ko naman na pwede akong tumanggi pero hindi ko ginawa at yun ang pinagsisisihan ko dahil kabado bente talaga ako ngayon. Idagdag mo pa ang pakiusap sa akin ng Mommy niya na si Ma’am Ria kaya lalo akong nahihiya na hindi ito tanggapin. Sabi kasi niya, tiyakin ko daw na nakakakain sa oras si Sir.Mabait si Ma’am Ria pati na ang asawa niya na si Sir Marcus. Namana siguro ni Sir MB ang kabaitan niya sa mga ito. At their age kitang-kita mo na mahal na mahal nila ang isa’t-isa. Sana all, hindi ba?‘Talaga ba Almira?’Napailing na lang ako sa pagtatalo ng utak ko! Pero naisip ko naman maliit na bagay lang ito kung tutuusin sa dami ng naitulong sa akin ni Sir. Ako pa nga an
MichellMarami ng tao sa loob ng bar na pagmamay-ari ng mga Samaniego when I arrived. Wala naman talaga akong balak magpunta ngayong gabi pero ayaw akong tigilan ni Helious at ni Dylan lalo at nandito din ang kapatid ko na si Martin at si Joshua XennI scanned the place at agad kong namataan ang pwesto nila. Napailing na lang ako dahil may mga katabi na silang mga babae na kilig na kilig naman sa pambobola nila.“Nandito na siya!” hiyaw ni Dylan kaya sumunod naman ang tatlo sa pagsigaw“Ang ingay niyo! Alam ba ng mga mommy niyo na nandito kayo?” pang-aasar ko sa kanila dahil alam ko naman na tiklop ang mga ito kapag mommy na nila ang pinag uusapan“Sit down, Kuya! Huwag ka ng kontra!” aya sa akin ni Helious sabay abot ng baso which I gladly accepted“Kamusta ang business, Dylan?” tanong ko sa kanya since co-owner sila ng bar na itoHe just shrugged his shoulders sabay tungga ng alak.“Si Dwight ang in-charge diyo Kuya. Mabuti nga pumayag siya na i-handle ito. Kilala mo naman yung isa
AlmiraTapos na akong magluto ng almusal ni Sir pero nagtataka ako kung bakit hindi pa rin ito lumalabas ng kwarto niya. Alas-siyete y medya na pero hanggang ngayon ay sarado pa rin ang pinto ng kwarto nito.Nakaramdam ako ng pag-aalala kaya naman naglakas-loob na akong katukin ito. Wala namang problema kung mahuli siya sa pagpasok dahil CEO naman siya ng TGC. Pwede ko namang i-adjust ang schedule niya pero hindi ko talaga maiwasang kabahan.“Sir?” tawag ko mula sa labas ng pinto habang kumakatok ako“Sir?!’ Nilakasan ko na ang boses ko pero wala pa rin akong nakuhang responseNapahinga na lang ako ng malalim saka ako bumalik sa kusina. Kinuha ko ang phone ko saka ako nagtipa ng mensahe para kay Sir. Sinabi ko na nasa mesa na ang almusal niya at mauuna na ako sa opisina. May microwave naman siya kaya pwede niyang initin ang pagkain doon.After sending the message ay inayos ko na ang gamit ko saka ako naglakad palabas ng pinto.Napapitlag pa ako ng biglang bumukas ang pinto at nakita
Almira Hindi na ako mapakali habang papalapit ang hapon. Hindi ko pa nakakausap si Sir buhat kanina dahil lumabas ito kasama si Ms. Hya. Sa labas daw sila kakain ng lunch kaya naman hindi ko nagawang sabihin ang balak ko. Hanggang ngayon hindi pa sila bumabalik ni Ms. Hya at ewan ko ba, nagkukutkot talaga ang kalooban ko. Kanina, noong lumabas sila para mag-lunch, ay todo alalay si Sir MB kay Ms. Hya. Para bang mahal na mahal niya ito at inaalagaan. Nakakapit naman ito sa braso niya at masaya silang nag-uusap nang mapadaan sila sa harap ko. Bagay na bagay sila kaya naman sumasakit ang dibdib ko pero hindi ko naman dapat maramdaman yun. Pero bakit sinabi ni Sir na wala siyang girlfriend? Kung ganun, ano niya si Ms. Hya? Hay Diyos ko Almira, pasasakitin mo ba talaga ang ulo mo sa pag-iisip ng walang kwentang bagay? Pinagpatuloy ko na lang ang trabaho ko hanggang sa dumating si Sir MB bandang alas-kwatro ng hapon. Mag-isa na lang siya and he called me as soon as he went inside
Michell“Spill it Michell! Sino si Almira?” tanong ni Hya sa akin after the waiter left when we gave him our ordersNandito kami ngayon sa isang resto to have lunch matapos niyang dumaan sa office ko.“Almira? Yung assistant ko?” patay-malisyang tanong ko although I already have an idea kung saan papunta ang pagtatanong niya“Assistant huh?! Hindi yata ikaw si Michell Blake Thompson! I know you hate it kapag may mga taong sumusunod sayo kaya nga alam ko na ayaw mo ng assistant, tama ba?” nakangising saad ni Hya Wala naman talaga akong maitatago sa babaeng ito since sabay kaming lumaki. She knows me too well, pati na ang kambal ko na si Maegan Blair.“Hindi na ba ako pwedeng magbago, Hya?” I am still trying to deny it dahil alam ko na kapag umamin ako dito, she wouldn’t stop asking me questions“Nah! Tigilan mo ako Michell!” hindi pa rin naniniwala si Hya kaya napabuga na lang ako ng hangin “Okay fine Hya! I personally hired her dahil kailangan niya ng trabaho. Her son is sick at ka
AlmiraBandang alas dose na nang matapos ang party nila Sir MB. Naging maayos naman ang lahat at nakita ko naman na masaya si Sir lalo at nakita at nakausap niya ulit ang mga kaklase niya dati.Nag-aya na siyang umuwi at medyo namumula na ito dahil na rin siguro sa nainom niya.Hindi naman siya lasing na lasing pero ganun pa man, mas pinili niyang siya ang magmaneho pabalik sa penthouse niya. Okay lang naman sa akin yun dahil mapapalayo pa siya kapag hinatid muna niya ako. Gusto ko din makatiyak na maayos siyang makakauwi bago ako umuwi sa amin. May taxi pa naman ng ganitong oras through booking.“Gusto mo ba ng kape?” tanong ko kay Sir nang tuluyan kaming makapasok ng penthousePero muntik akong mapatili ng hilahin ako ni Sir at isandal sa pader. Hinaplos niya ang pisngi ko at hindi ko mapigilang mangilabot sa pagdantay ng kamay niya sa mukha ko.“You are so damn beautiful, sweetie!” bulong niya sa akin kaya napakurap pa ako“Sir…sandali..ano bang..”Pinigilan ni Sir ang anumang sa
AlmiraMasaya akong nakatanaw sa mga anak ko na naglalaro sa dalampasigan habang nakabantay naman sa kanila si Mitchell at si Menggay.Nakaupo ako sa shed dahil buntis na naman ako sa pangatlong anak namin ni Michell. Dahil two years lang ang pagitan ni Matthew at ng kambal ay nagpalipas muna kami ni Michell ng apat na taon bago namin sundan ang kambal.Anim na buwan na ang tiyan ko and this time, it’a only a single pregnancy. And it is a girl!Napagusapan din namin ni Michell na this will be the last time na magbubuntis ako. Ang gusto naman ni Michell ay mag-focus ako sa sarili ko at kapag malaki na ang mga bata, pwede daw akong bumalik ulit sa pagt-trabaho.But then I declined his offer at sinabi ko na mas gusto kong alagaan ang pamilya ko. Hindi naman kasi natatapos ang responsibilidad ng magulang kaya mas gusto ko na masubaybayan ko ang mga bata habang lumalaki sila.John Matthew is now six years old at sa pasukan ay mag-aaral na siya as as Kindergarten student.At his age ay ma
MichellHindi na ako mapakali the moment na ipasok si Almira sa operating room. Tatlong oras na sila sa loob kaya abot-abot ang kabang nararamdaman ko lalo at wala pang lumalabas sa kwartong yun.Uupo ako sandali, pero tatayo din ako agad dahil kinakabahan talaga ako.“Kuya, sit down! Hilong-hilo na ako sa iyo!” reklamo ni Dylan sa akin pero hindi ko siya pinansin“Kuha ba kita ng kape?” tanong ni Josh pero binatukan agad siya ni Helious“Aray! Bakit ba!” angil tuloy ni Josh kay Helious“Nag-iisip ka ba? Ninenerbyos na nga yang tao, papainumin mo pa ng kape?” sabi ni Helious kay Josh“Huwag kayong maingay! Baka palabasin tayo dito!” suway ni Dylan sa dalawang bugok na tila magdidiskusyon paUupo na sana ako pero bumukas na ang operating room at nilabas mula doon si Almira na hanggang ngayon ay tulog pa.Nilapitan ko siya agad at sinabi ng nurse na dadalhin na sa kwarto niya ang asawa ko.Sumabay na kami habang tulak-tulak ng mga nurse ang kama ni Almira. Inilipat siya sa kama the mo
AlmiraGender reveal namin ngayon sa mansion and everyone is excited sa party na inorganize ko. I am currently in my sixth month at nagpapasalamat naman ako na hindi naging mahirap ang pinagdaanan ko habang nagbubuntis.Wala din akong naranasang spottings palibhasa palaging nakabantay sa akin si Michell. Nagpagawa ako ng tatlong arko made of balloons which is colored blue, pink, and a combination of blue and pink.May nakahanda na din na dalawang confetti bomb na papuputukin ni Michell mamaya in time for the reveal.At gaya ng inaasahan ko, nandito ang lahat ng mga taong mahahalaga sa amin ni Michell.Even Tita Connie and her family ay nandito dahil gusto nilang makibahagi sa masayang okasyon na ito.Hindi alam ni Michell ang gender ng anak namin at sinadya ko iyon para mas maging exciting ang aming party.Mabuti na lang, cooperative naman ang asawa ko at hindi na niya pinagpilitan ang kagustuhan niyang malaman na agad ang gender ng kambal.“Okay, ready na ba ang lahat?” tanong ko
AlmiraMagkahawak kamay kaming bumaba ni Michell sa hagdan nang umagang iyon.Walang pagsidlan ang aming kaligayahan matapos naming mag-test pagkagising namin kaninang umaga.Actually kagabi pa gusto magtest ni Michell pero ipinaliwanag ko sa kanya na mas accurate kasi ang resulta kapag sa umaga ito ginawa.At kaninang umaga nga ginawa namin ang test. Pinatakan ko ng urine sample ang tatlong pregnancy test kits at matiyaga naming hinintay ang resulta.And when it came out with two lines, naghihiyaw si Michell sa sobrang saya niya. Niyakap niya ako ng mahigpit saka niya pinaliguan ng halik ang mukha ko.Niyakap niya ako ng mahigpit at naiintindihan ko kung saan nanggagaling ang excitement ni Michell.“Thank you so much sweetie! You made me the happiest man!” bulong niya sa akinMasaya kaming bumaba at naabutan namin si Daddy at Mommy na nasa sala at nilalaro si Matthew.Dito na sila natulog kagabi dahil nami-miss daw nila ang apo nila. “Nandyan na pala kayo! Mag-almusal na tayo!” sab
AlmiraSecond birthday ngayon ni Matthew kaya naman hindi na magkamayaw dito sa mansion kung saan kami lumipat isang linggo matapos ang kasal namin ni Michell.Wedding gift niya daw ito sa akin at hindi ko napigilang maging emosyonal upon seeing it for the first time.Fully furnished na din ito kaya naman okay na ang lahat noong lumipat kami. May househelp na din kaya naman wala na akong masabi kay Michell dahil inayos na niya ang lahat para sa amin.Alas tres ang party at dahil ang anak palang ni Kuya Dustin at Bea ang bata on both sides ay napagkasunduan namin na mag-invite ng mga bata na galing sa bahay-ampunan.Nakaayos na ang lahat at nandito na din ang mga clowns na magpapalaro mamaya para sa bata. Magpe-perform din sila ng magic show kaya sigurado ako na matutuwa ang mga batang dadalo dito.May mga photo booths din na nakahanda as well as stalls of ice cream and cotton candy.Dumating na din sina Dylan, Helious at Josh para tulungan si Michell sa paghahanda para sa ibang kakai
MichellAraw ng kasal namin ngayon ni Almira at kahit hindi ako naniniwala sa mga pamahiin ay wala akong nagawa kung hindi ang sumunod sa gusto ni Mommy na manatili ako sa penthouse, three days before our wedding.Sa telepono ko lang nakakausap ang mag-ina ko at kahit mahirap, kinaya ko dahil na rin sa takot na baka nga hindi matuloy ang kasal namin ni Almira.Maaga kaming nagising ng tatlong bugok dahil dito sila natulog sa penthouse. Nag-order ng almusal si Dylan sa chef ng hotel at nag-almusal muna kami bago kami naligo at nagbihis.Alas- diyes ng umaga ang kasal and I can’t help but to be excited! Finally, ikakasal na kami ni Almira!Wala ng makakapigil!“Ready ka na kuya?” tanong sa akin ni Dylan ng sumilip siya sa kwarto ko“I am? Kayo? Okay na?” tanong ko naman dito“Yes kuya! We better go baka mtraffic tayo!” babala pa ni DylanIt’s eight-thirty in the morning kaya naman nagmadali na ako dahil ayoko namang maunahan pa ako ni Almira sa simbahan.Nasa sala na kami nang ayain ka
MichellNakatayo ako sa harap ng lote kung saan nakatayo ang mansion namin ni Almira. Nabili ko ang loteng ito two years ago before our wedding at nagsimula na ang construction nito bago pa siya mawala sa akin dahil sa pag-aakalang patay na siya.Hindi ko alam kung bakit sa kabila ng pagkawala niya ay ipinagtuloy ko pa rin ang pagtatayo nito.Isang taon ang binuno ng mga tauhan ni Helious para maipatayo ito. At lahat ng gusto ko ay nasunod naman. Ngayong malapit na akong ikasal ay nagpatawag ako ng mga tao para ayusin itong muli.Gusto ko, after ng kasal namin ay dito na kami lilipat. Malapit-lapit naman ito sa mansion ng parents ko kaya magiging madali kung gusto nila kaming dalawin.This will be my gift to Almira after our wedding. This will be our home! Our paradise! Our lovenest!My phone rang and I smiled when I saw that it was Almira.“Hey sweetie!” sabi ko sa kanyaAng alam ko ay nasa labas ito ngayon dahil magkikita-kita sila nila Charlotte at Joebell.“Where are you?” malamb
AlmiraMeeting namin ngayon with the wedding planner na kinuha ni Michell para sa kasal namin at kitang-kita talaga ang excitement sa mga mata ni Michell.Sa office ni Michell ang meeting dahil after that ay may mga kailangan pa siyang pirmahan sa opisina. Mamaya din namin kikitain si Tita Sophia sa Bella Dolcezza para masukatan ako ng gown dahil ito ang gusto niya even two years ago.Kaninang umaga nga, medyo na-late pa kaming bumaba kaya hindi na naman kami nakaligtas sa pang-aasar ng mga kapatid ni Michell.At dahil good mood naman siya, hindi na niya pinatulan ang mga kapatid niya.Naiwan si Matthew kay Mommy dahil lalabas din daw sila mamaya dahil gustong ipag- shopping ni daddy ang unang apo niya.Manifesting for baby number two nga daw, sabi pa ni daddy kaya napailing na lang ako habang namumula ang mukha ko.Mahirap magbuntis at nang ikwento ko kay Michell ang mga karanasan ko habang pinagbubuntis ko si Matthew ay nababasa ko sa mga mata niya ang panghihinayang. Maybe because
AlmiraHindi ko alam kung bakit ako kinakabahan habang nandito ako sa banyo. Nakapag-shower na ako at nakapagbihis na din pero hindi pa ako makalabas lalo at nasa labas na ng kwarto si Michell.Nasa kwarto ng parents ni Michell si Matthew at ito ang unang beses na magsosolo kami ni Michell sa iisang kwarto matapos naming maghiwalay for two years.Although alam ko sa sarili ko na wala naman talagang naganap sa amin ni Jake at tanging si Michell lang ang naka-angkin sa akin, hindi ko pa rin maiwasang kabahan.Huminga ako ng malalim saka ako lumabas ng banyo. Nasa kama na si Michell dahil nauna na siyang mag-shower sa akin kanina. Nakaharap siya sa TV habang hawak ang remote pero nakita ko na agad siyang tumingin sa direksyon ko when he felt my presence.Naupo ako sa vanity mirror and I started doing my skin care routine after blow-drying my hair at mula sa salamin, nakikita ko ang pagsunod ni Michell sa bawat galaw ko.Nang matapos na ako ay lumapit na ako sa kama at sumampa doon. Niya