Share

Chapter 7

Mitchell

It’s been a week and I guess sanay na si Almira sa trabaho niya bilang assistant ko. I can say that she is efficient and good. Madali siyang matuto at mabilis ang pick-up niya sa mga bagay-bagay.

Ang hindi ko lang gusto ay ang pagiging eye catcher niya sa mga nakakaharap ko sa meetings. Napapansin ko ang mga panakaw na tingin sa kanya ng mga lalaking ito at hindi ko iyon nagugustuhan.

Well hindi naman napapansin ni Almira iyon kaya kahit papano ay nababawasan ang pag-aalala ko. She just sits and works at ni hindi niya halos tinitignan ang mga taong kausap ko.

Nakikita ko na mahiyain siya. And she is so naive dahil hindi niya napapansin ang mga kakaibang tingin ng mga ito sa kanya.

Pero kanina, hindi ko na napigil ang sarili ko nang makita ko nilapitan ni Gab si Almira. Hinawakan pa nito ang kamay niya at pakiramdam ko nag-init ang ulo ko dahil doon.

One-way ang salamin sa office ko kaya naman nakikita ko sila pero ako, hindi. At sa paraang ito, nasisilayan ko ang magandang mukha ni Almira.

Hindi ko maipaliwanag kung bakit ganito ang nararamdaman ko para sa kanya. Ayokong isipin na in love ako dahil hindi ko yata matatanggap na maiinlove ako sa isang babaeng may anak na.

Pati kay Helious ay nabwisit ako dahil nakita ko kung paano niya tignan si Almira! And I hate that! 

Kaya sinabi ko na may asawa na ito and it’s a good thing na ganun din ang sinagot ni Almira nang tanungin nila ito. I guess ayaw niyang magmukha akong sinungaling sa harap ng mga kababata ko.

Sa loob ng isang linggo na nakasama ko si Almira ay nabasa ko ang ilang ugali nito. Mabait siya and she has a soft heart. 

Nakita ko kasi siya minsan na nag-abot ng limos sa isang matandang nadaanan namin sa harap ng resto.

I mean, kailangan niya din ng pera, pero hindi siya nag-atubiling tumulong sa ibang nangangailangan.

I can say that she loves her family too. Lalo na ang anak niya. She will do everything  para lang gumaling ito. Sabagay, lahat naman yata ng ina ganoon.

And even if don’t want too, I can’t deny the attraction I feel for her. Minsan nga nagagawa ko siyang titigan habang nagtatrabaho siya sa mesa niya. 

She is really beautiful and I can just stare at her for so long. 

“Almira come!” sabi ko sa kanya na busy naman sa pagtingin-tingin dito sa loob ng pinasukan naming boutique sa isang mall

“Ano po yun Sir?” sabi niya sa akin saka siya lumapit

Idinikit ko sa kanya ang damit na hawak ko. Sa tingin ko bagay sa kanya ito. Inabot ko ito sa kanya sabay kuha pa ng ibang mga damit sa rack na nagustuhan ko para sa kanya.

Hindi naman siya kumibo at basta sinakop ng kamay niya ang mga ipinasa kong damit.

Halos malaglag na nga iba kaya naman tinulungan na siya ng sales lady na lumapit sa amin. Sa palagay ko may tatlumpu na ang mga damit na napili ko kaya binalingan ko na si Almira.

“Isukat mo lahat yan!” utos ko kay Almira saka ko binalingan ang saleslady

“Assist her! Kapag hindi kasya, give her the right size, you understand?”

“Yes sir!” sagot naman niya sa akin 

Nakita ko ang pagtataka sa mata ni Almira pero hindi naman siya kumontra sa gusto ko at sumunod na lang without asking questions.

Naupo muna ako sa couch na nasa loob ng store habang hinihintay si Almira. I took my phone and I saw a message coming from Mom. 

‘what do you want to eat on Sunday?’ tanong niya sa akin kaya napangiti ako

Magkikita-kita nga pala kami sa Thompson mansion sa linggo. It’s been a habit for us in the family na magkita-kita twice a month on  Sundays just to catch up dahil busy na din kaming magkakapatid sa mga buhay namin.

‘Kare-kare Mom and lumpiang shanghai’ 

Napangiti ako dahil alam ko na ihahanda talaga ito ni Mommy. And may take-out pa yan para maiuwi ko sa penthouse. 

We grew up with her cooking at kung hindi ko lang kailangan mag move-out ay hindi ko gagawin since I miss her so much. 

I love my family, especially my Mom. I have this notion in my mind na ang babaeng bibihag sa puso ng isang Michell Blake Thompson ay dapat kagaya ni Mommy.

Naputol ang pag-iisip ko nang lumabas na si Almira sa fitting room. She looked uneasy habang hawak naman ng saleslady ang mga damit 

“How is it?” 

“Ay sir, ang galing niyo pong mamili! Kasyang-kasya po kay Ma’am!” sagot naman ng saleslady

Tinanguan ko ito saka ko sinabing ibalot lahat ang mga damit as I gave her my card.

“Thank you po sir! Iaayos ko lang po yung mga damit!” masayang sabi ng sales lady

Nanatili namang nakatayo lang si Almira at patingin-tingin sa paligid.

“Almira, sit down!” sabi ko dito at sumunod naman siya

Hindi naman nagtagal ay bumalik ang saleslady at may pinapirmahan sa akin. She gave back my card sabay abot ng bags sa akin.

Binitbit ko naman iyon pero kinuha ito sa akin ni Almira kaya hinayaan ko na lang. Inaya ko naman siya sa isa pang pwesto kung saan may tindang sapatos.

Tinignan ko ang paa niya ang I guess she is size seven. Just like Maegan.

“Yes sir?” 

“ Almira, anong size ng paa mo?” tanong ko dito

“Ho?” tinaasan ko pa siya ng kilay saka ko inulit ang tanong

“Ang sabi ko, anong size ng paa mo?” 

Napakamot pa si Almira ng ulo sabay ngiwi.

“Seven po.”

Tumango ako sa kanya saka ko binalingan ang mga sapatos na naka-display.

Gaya ng mga damit, itunuro ko ang nagustuhan ko. Hindi ako namili ng masyadong mataas na heels para hindi mahirapan si Almira.

After choosing ten pairs ay ipinabalot ko iyon sa sales lady and again I gave her my card. After packing the stuff ay inabot sa akin ng sales lady ang mga sapatos. Ako na ang bumitbit nito and we headed out of the mall dahil babalik pa kami sa opisina.

May ilang papeles pa akong pinirmahan and after finishing off ay inaya ko ng umalis si Almira.

“May appointment pa po ba tayo Sir?” tanong niya sa akin pero hindi ko siya sinagot

We drove away from the building saka ko siya tinanong kung saan siya nakatira.

“Bakit niyo po naitanong?” tanong naman niya sa akin after telling me where she lives

“Ihahatid na kita!” 

“Ay naku Sir huwag na po!” tanggi niya but I shut her off

“Don’t argue with me, Almira!” sagot ko dito

Hindi na siya kumibo at nanahimik na lang. Maybe she already knows na ayaw ko sa lahat ang kinokontra.

“By the way, kamusta ang anak mo?” tanong ko sa kanya dahil medyo tahimik kami sa loob ng kotse

“Medyo okay naman na po Sir! Sana nga po mailabas na siya sa ospital.” I can feel her pain as a mother 

Kung sana pwede ko siyang yakapin just to tell her that everything will be alright.

“Gaya ng sabi ko Almira, kung may problema, sabihan mo ako. Patutulungan kita sa kapatid ko.” 

“Sige po Sir! Maraming salamat po!” tugon niya sa akin while smiling shyly

“Alisin mo na yung po! Hindi pa naman ako ganun katanda!” I don’t know but I hate hearing her say po and opo to me kahit pa alam ko na natural lang iyon bilang boss niya ako

“Boss ko po kayo eh!” tanggi niya kaya tinignan ko naman siya

“Just do as I say!” alam ko na masyado akong seryoso sa paningin niya and I 

guess ganun talaga ang ugali ko

I wanted to do things my way. Pag gusto ko kailangang sundin yun. 

“Okay p…okay sir!” sagot naman niya kaya medyo natawa ako

“Relax Almira! Huwag mong isipin na nakakatakot akong boss!” sabi ko pa dito at nakita ko pa ang panlalaki ng mata niya

“What?” nakangiting sabi ko pero umiling lang siya

“Almira…”

“Eh sorry Sir! Nagugulat lang ako kasi marunong ka palang ngumiti at tumawa!” sabi pa niya and I laughed again

“Tao naman din ako! Ano bang akala mo!” napailing ako sa kanya hanggang sa ituro na niya ang isang kanto

“Diyan na lang ako bababa Sir. Hindi kakasya itong kotse mo sa loob.” 

Tumango naman ako at iginilid ko ang sasakyan .

“Salamat sa paghatid Sir! Bukas na lang!” nakangiting sabi niya sa akin bago bumaba ng kotse and dammit, lalo siyang gumaganda kapag nakangiti

Bumaba ako ng kotse para kunin ang mga binili kong damit at sapatos para sa kanya. Nagtaka siya nang iabot ko ito sa kanya.

“Sir??”

“Take it, Almira. Para sayo yan!” 

“Wala po akong pambayad sa mga yan Sir!” gulat na sabi niya

“Wala akong sinabi na bayaran mo! You are my assistant and I want you to look your best kapag kasama mo ako

Napansin ko kasi na medyo luma na ang mga damit niya. At minsan, dalawang beses niya pa itong isinusuot sa isang linggo na nakasama ko siya.

Wash and wear kumbaga, and of course naiintindiham ko naman kung bakit dahil na rin sa kalagayan niya. Sa sitwasyon niya, hindi priority ang pagbili ng damit at sapatos.

Napayuko naman si Almira and maybe napahiya siya sa sinabi ko kaya napapikit pa ako.

“Almira, wala akong masamang ibig sabihin. Just take this okay! I just wanted to help you!” napatingin siya sa akin pero agad din niyang binawi iyon nang marinig niyang may tumawag sa pangalan niya

“Almira! Naku buti nandito ka na!” 

“Aling Tale, bakit po?” nag-aalala namang tanong niya sa medyo may edad ng babae na humahangos para malapitan siya

“Naku si Aling Siona, galit na galit! Inilabas kanina yung mga gamit niyo sa apartment!” 

Nakita ko ang takot sa mata ni Almira at ang pagkabigla at nang makabawi na siya ay bumaling siya sa akin.

“Sir pasensya na po! Aalis na po ako! Salamat po!” 

Patakbo siyang pumasok sa kanto at hindi na naalalang kunin ang mga pinamili ko para sa kanya. Kasunod naman niya ang nagbalita sa kanya na tumakbo din para samahan siya.

Shit! Pinalayas ba si Almira sa bahay na inuupahan nila?!

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Cherry Liza M. Cariño
panibagung abangan,tnx madam alianna
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status