MitchellI started driving para dalhin si Almira sa lugar kung saan alam ko na magiging ligtas siya. At dahil nasa ospital pa ang anak niya, minabuti ko ng isama pati ang bestfriend niya na si Bea sa pag-alis niya sa lugar na iyon.Empleyado ko din naman si Bea at nakita ko na matagal na din siya sa kumpanya so it’s okay kung isasama ko siya kay Almira.Tahimik naman si Bea sa likod samantalang si Almira ay nakatingin lang sa bintana. I saw her wipe her tears kaya naman naninikip ang dibdib ko sa nakikita kong kalagayan niya.Mabuti na lang kanina ay sinundan ko si Almira at nakita ko kung ano ang ginawa sa kanya ng matandang yun. Pasalamat siya at marunong pa rin akong gumalang sa nakatatanda kaya pinilit kong pigilan ang galit ko.And I made a very quick decision for her! Hindi ako papayag na inaapi lang siya ng kung sino!“Kalimutan mo na ang nangyari Almira! Hindi ka na babalik sa lugar na yun!” sabi ko sa kanya kaya naman lumingon siya sa akinNagkatinginan kami at nakita ko ang
AlmiraTulala….Ganyan ako sa mga oras na ito matapos kong ihatid si Sir MB sa labas ng townhouse kung saan niya kami dinala ni Bea.Hindi ako makapaniwala na sa ganitong kagarang bahay kami dadalhin ni sir. At wala pa kaming babayarang upa ayon sa kanya kaya lalong nakakagulat.May libre pa ba sa panahon ngayon?Pero itanggi ko man, malaking bagay ito sa amin ni Bea dahil hindi na namin poproblemahin ang buwan-buwang upa.“Kurutin mo nga ako bes!” wala sa loob na sabi ko ng tumabi sa akin si Bea matapos niyang tingnan ang mga damit at sapatos na binigay ni Sir sa akin.“Aray!!!” napahiyaw ako habang si Bea naman ay natawa “Oh ayan! Hindi ka nananaginip!” napangiwi ako dahil sa sakit ng kurot nito“Ang sakit ha!!” pinandilatan ko pa siya ng mata pero tinaasan lang niya ako ng kilay“Ikaw nga eh umamin sa akin, bes!” sabi ni Bea habang hindi binababa ang nakatikwas niyang kilay“Anong umamin?”“Wala ba kayong relasyon ni Sir MB!?” hindi ko napigilan ang kamay ko at nahampas ko ng mah
AlmiraMabuti na lang maagang umalis si Sir MB dahil sa biglaang lakad niya kaya naman nakasabay ako pag-uwi kay Sir Gab bandang alas singko.Tinext ko si Bea at nalaman ko na nasa ospital na daw siya kaya naman doon na ako dumiretso.“Mama!” tawag sa akin ni Andrei nang makita niya ako kaya agad ko siyang nilapitan at hinalikan sa noo“Kamusta ang baby ko?” malambing na tanong ko dito“Magaling na po ako Mama! Mama uuwi na si Andrei! Sabi ni Mama Bea, may new house tayo?” natawa ako sa sinabi ni Andrei kaya naman hinipo ko ang ulo niyaObviously naunahan na ako ni Bea na magkwento kay Inay kaya tiyak narinig ito ni Andrei.“Anak, hindi natin bahay yun! Bahay yun ng boss ni Mama at pinahiram lang sa atin!” paliwanag ko sa bata“Pero Mama pwede po si Andrei doon?” tanong pa niya ulitHe was so excited kaya medyo hinihingal siya kaya sinabihan ko siyang dahan-dahanin ang pagsasalita“Siyempre naman Anak! Kung nasaan si Mama dapat nandun din ang baby, tama ba?” tango lang ang sinagot ni
MitchellMagaan ang pakiramdam ko ngayong umaga after a heavy breakfast that I just had. Hindi ko mapigilang mapangiti lalo pa at si Almira ang nagluto nito para sa akin.Siya ang unang babae na nag-effort to cook for me, well of course except Mom. And I can’t help myself dahil sobrang masaya ako for her sweet gesture.Ang sabi niya, recipe iyon ng itay niya noong nabubuhay pa ito. May maliit daw silang tindahan noon ng mga silog sa harap ng bahay ng lola niya.But when her father died, hindi na sila pinayagan ng mga tiyahin niyang magtinda doon at pinalayas pa sila sa bahay ng lola niya kaya napilitan silang mangupahan.I felt sorry for her dahil hindi naging madali ang buhay para sa kanya.“Sir!” napaangat ang ulo ko at nakita ko ang babaeng kanina pa laman ng isipan ko“Yes Almira?” tanong ko dito “May appointment po kayo in an hour! May meeting po kayo ng daddy niyo sa Le Chateau”“Okay Almira! Thanks!” I stood up and grabbed my phone and keysHindi na ako masyadong nagpapa-driv
Mitchell Blake ThompsonIt is Dad’s birthday at nandito kami ngayon sa isa sa mga hotel namin for the celebration. I am now handling the business together with my brother Martin since kaming dalawa ang nahilig sa ganitong larangan.Actually, I wanted to be a Scientist when I was young, but growing up I realized that being the first born I have to inherit the business. I have to continue my Dad’s legacy and at the same time take care of the family.“Happy birthday Dad!” bati ko as my Dad entered the hall with my beautiful Mom.Even at their age they still look good together and are still in love with each other.“Hi Mom! You look gorgeous, as always!” I kissed my Mom and hugged her. I miss her, especially her cooking kaya naman twing umuuwi ako ng Mansion ay palagi akong nagbibilin para makapag uwi ako ng pagkain pagbalik ko sa penthouse.We grew up with her cooking and she is the best!“Thank you iho!” sabi naman nila sa akin. We went inside kung saan nandoon ang mga taong mahalag
Almira“Bes, sigurado ka ba?” nagtatakang tanong ko sa kaibigan ko na si Bea nang sabihin nito sa akin ang tungkol sa trabahong inaalok ng boss nilaNoong isang gabi kasi ay isinama ako ni Bea para umekstra sa pinapasukan niyang hotel bilang serbidora sa isang party. Kinulang daw kasi sa tao at dahil kilala niya ako ay agad naman akong pinayagang magtrabaho noong gabi na yun.Nakakagulat lang dahil pinababalik daw ako ng Boss niya at ang nakakapagtaka pa dun ay assistant daw ang kailangan ng Boss niya.“Oo nga Bes! Nagtaka din ako pero siguro kasi naawa sayo si Sir MB.” sagot naman sa akin ni Bea“Paanong naawa?” “E ayun na nga! Nakita ko nga kasi kanina si Sir MB na galing dito. Mukhang may dinalaw din siya. Tapos tinanong niya ako kung ano ginagawa ko dito, ayun sinabi ko na dadalawin ko yung anak mo.” mahabang paliwanag ni Bea“Tapos sinabi ko na isinama kita sa event kagabi kasi need mo ng work dahil may sakit ang anak mo tapos single mother ka pa, kaya sabi niya kung interesad
Mitchell I woke up at ramdam na ramdam ko ang sakit ng ulo ko nang maupo ako sa kama. Mukhang naparami ang nainom ko kagabi sa hindi ko malamang dahilan and I really hate hangovers! Nandito ako sa hotel room kung saan ko dinadala ang mga babaeng ikinakama ko. Hindi ko sila pwedeng dalhin sa penthouse dahil ayaw ko ng complications. Ayokong malaman nila kung saan talaga ako nakatira. Naramdaman ko ang paggalaw ng kabilang side ng kama and I was so surprised nang makita ko na nandito pa rin si Eileen. And babaeng nakilala ko kagabi sa bar at naka one night stand ko. She opened her eyes and smiled at me seductively. “Good morning!” sabi niya pa with her husky voice pero tinaasan ko lang ito ng kilay “What are you still doing here? I think I made myself clear na dapat hindi ka aabutan ng umaga dito?” inis na sabi ko sa kanya saka ako tumayo matapos kong magtapis ng twalya “Ganyan ka ba talaga ka-insensitive? I mean, pagkatapos mo akong gamitin kagabi, ni kape hindi mo man lang ako
AlmiraMaaga akong gumising kinabukasan dahil kailangan kong maghanda para sa unang araw ko bilang assistant si Sir MB.Hanggang ngayon nga, hindi ako makapaniwala na natanggap ako sa trabaho. Nagkaroon ako ng pagdududa at first dahil una sa lahat, hindi naman ako nakapagtapos ng pag-aaral. Pero sinubukan ko pa rin at maswerteng natanggap naman ako.Alam na din ni Inay na natanggap ako dahil dumaan ako kahapon sa ospital para ibalita ito sa kanya. Masaya naman ang inay lalo pa nang malaman niya ang sweldo ko kada buwan.Matapos kong magbihis at mag-ayos ay agad na akong sumakay ng jeep para makarating sa opisina. Na-brief na din ako ni Sir Gab kahapon tungkol sa mga dapat kong gawin.Pagdating ko sa opisina ay maaga ako ng kinse minutos kaya naman ginawa ko na ang trabaho ko.Una kong pinuntahan ang opisina ni Sir MB at binuksan ang aircon nito. Ayaw daw kasi ni Sir MB na hindi malamig ang opisina niya kapag dumarating siya.Naghanda na din ako ng kape sa coffeemaker habang inaayos k