Almira
Isang linggo na ang nakaraan at masasabi ko na gamay ko na din ang klase ng trabaho ko kay Sir MB. Palagi akong kasama ni Sir sa mga meetings niya at kung wala naman ay nasa opisina ako doing paper works para matulungan ko naman si Sir Gab. Bago ako umuwi ay dumadaan ako sa ospital para tignan ang kalagayan ni Andrei. Kahit papano naman ay bumubuti na ang kalagayan niya lalo pa at naibibigay ang gamot na kailangan niya. Naglakas loob na akong manghiram ng pera kay Chandru, ang bumbay na nagpapautang sa lugar namin. Nalaman ko kasi mula kay inay na may notice na ang ospital na kailangan naming bawasan ang bill namin dahil kung hindi, ititigil nila ang supply ng gamot ni Andrei. At dahil nalaman ng bumbay na sa isang matatag na kumpanya ako nagtatrabaho ay pinahiram niya ako ng fifteen thousand. Agad akong nagbayad sa ospital at nagtira lang ako ng konti para sa panggastos ko at para sa bayarin sa kuryente at tubig. Ang upa na lang kay Manang Siona ang pinaghahandaan ko sa oras na sumweldo ako. Masakit para sa akin na hindi ko naaalagaan si Andrei pero sa ngayon wala naman akong pagpipilian. Kaunting sakripisyo ang kailangan at maswerte ako dahil matalino siya. Sa edad niyang tatlo, naiintindihan niya ang sitwasyon. “Kamusta ang anak mo, Almira?” tanong ni Sir Gab sa akin habang nasa harap kami ng mga mesa namin Mamaya pang hapon ang appointment ni Sir MB sa labas kaya naman inaayos ko ngayon ang mga schedule ni Sir sa mga susunod na araw. “Mabuti naman po Sir. Itinuloy na po nila ang pagbibigay ng gamot dahil nakapag hulog po ako sa bill namin.” pagkukwento ko dito “Saan ka kumuha ng pera?” usisa niya sa akin kaya napilitan akong sabihin ang totoo “Ano? E bakit sa ganun ka nanghiram? Paniguradong may tubo yun!” sabi pa ni Sir pero nagkibit balikat na lang ako “Sir, sa panahon naman po ngayon, wala ng magpapahiram sa akin ng walang tubo!” “Dapat nagsabi ka sa akin! May naitatabi naman akong pera at di ko pa naman kailangan.” napabaling ang tingin ko kay Sir Gab dahil hindi naman ako makapaniwala sa sinabi niya Oo nga’t magkatrabaho kami pero isang linggo pa lang ako dito at nakakahiya naman kung gagawin ko yun. “Naku sir! Nakakahiya po! Okay lang po yun. Pag nabayaran ko naman po si bumbay hindi na ako uutang!” sabi ko pa dito “Tsk! Hindi! Bayaran mo na yun mamaya, papahiramin kita! Para hindi na magka interes!” pamimilit pa ni Sir Gab “Huwag na po sir!” matigas na tanggi ko dahil hindi ko talaga kayang tanggapin ang inaalok niya Napahinga si Sir Gab ng malalim saka siya umusog palapit sa akin gamit ang swivel chair niya. Hinawakan pa niya ang kamay ko kaya naman medyo nailang ako. “Look, kung iniisip mo na may kapalit ang ginagawa ko, nagkakamali ka. Kapatid ang turing ko sayo, Almira, lalo pa at nakikita ko na mabuti kang ina.” paliwanag pa niya sa akin “Sir…” “Huwag ka ng mahihiya sa akin, okay! Basta ituring mo akong kuya from now on!” hindi ko mapigilang mapaluha sa sinabi ni Sir Gab Napatango na lang ako at narinig ko ang mahina niyang pagtawa. “Iyakin ka pala!” sabi nito hanggang sa makarinig kami ng tikhim kaya sabay pa kaming napalingon ni Sir Gab Nakatayo sa harap namin ni Sir MB pero ang mata niya ay nakatingin sa magkahawak na kamay namin ni Sir Gab. Napabitaw naman agad si Sir Gab saka siya tumayo. “May kailangan po kayo, Sir?” tanong niya habang ako ay hindi nakapagsalita dahil sa gulat. “Wala naman! Papunta lang ako kay Martin!” sabi nito habang nakataas ang kilay sa akin ‘Patay na! Baka iba ang iniisip ni Sir sa nakita niya!’ Naglakad na si Sir pagkatapos ay agad siyang sumakay sa elevator para puntahan ang office ni Sir Martin. Siya lang kasi ang gumagamit ng floor na ito at ang office ni Sir Martin ay nasa susunod na floor sa baba. “Basta ha! Yung sinabi ko! Huwag ka ng tumanggi!” ulit ni Sir Gab kaya naman sa kanya uli napadako ang tingin ko “Salamat po Sir!” sagot ko saka ko siya nginitian Nagpatuloy na ako sa pagtatrabaho at bandang alas dos ay hinanda ko na ang mga gamit na dadalhin ko para sa paglabas namin ni Sir MB. Pinuntahan ko na si Sir sa office niya para iremind siya sa meeting. Kumatok muna ako and when I heard his signal ay pumasok na ako sa loob. “Sir, remind ko lang po yung three PM appointment ninyo.” magalang na sabi ko dito “Okay!” sabi lang nito Hinintay ko na siya and when he went out of his office ay sumunod na ako dito matapos kong sumenyas ng pamamaalam kay Sir Gab Nagulat ako nung sa basement ng building kami napunta. Pinatunog niya ang hawak niyang susi saka siya lumapit sa isang kotse na nakaparada doon. He opened the driver’s seat habang ako ay dumiretso sa likod dahil tingin ko siya ang magmamaneho. “Balak mo ba akong gawing driver mo, Almira?” sabi nito sa akin kaya napangiwi pa ako Nahihiya naman kasi akong tumabi sa kanya sa harap eh! Lumapit na ako sa passenger seat saka ako sumakay. He started the car engine and we drove palabas ng building ng TGC. “Wala po ba si Tony?” lakas loob kong tanong dahil sa totoo lang, hindi ako makahinga kapag ganito kalapit sa akin si Sir MB. “Nagka-emergency.” maikling sagot niya sa akin kaya hindi na ako kumibo Tahimik kaming bumiyahe hanggang sa magtanong ulit si Sir sa akin. “What’s with you and Gab?” Bigla akong kinabahan sa tanong niya and I guess dahil ito sa nakita niya kanina. “Ano pong ibig niyong sabihin?” patay-malisya kong tanong sa kanya “You know exactly what I mean, Almira! Hindi ka na inosenteng bata para hindi ako maintindihan.” naramdaman ko ang iritadong boses ng boss ko kaya agad kong ipinaliwanag sa kanya ang lahat “Kung iniisip niyo po na may namamagitan sa amin, wala po Sir. Nakababatang kapatid po ang turing sa akin ni Sir.” sagot ko sa kanya “He is holding your hand!” napalakas pa ang pagkakasabi noon ni Sir MB kaya naman nanlaki ang mata ko Bakit ba siya nagagalit? “Eh opo sir! Naawa po kasi siya sa akin at sa anak ko!” tugon kong muli sa kanya Nakita ko na humugot ng malalim na hininga si Sir pero hindi naman na siya nagsalita. Nakarating kami sa susunod na appointment niya at nandoon na ang ka-meeting niya na si Mr. Helious Shawn Saavedra. Naupo na agad si Sir habang ako ay sa isang upuan naman naupo saka ko nilabas ang notes ko. “Bago?” tanong ng kausap niya kay Sir and I just kept my silence “Helious stop staring at her!” medyo inis na sabi ni Sir MB kaya naman napaangat ang mga mata ko at nakita ko na nakatitig sa akin ang ka-meeting ni Sir “Hey! Late na ba ako?” napatingin ako sa pinaggalingan ng tinig at nakita ko ang isa pang gwapong nilalang sa harap ko. Idagdag mo pa si Sir Helious at siyempre si Sir MB. “Dylan Glenn Samaniego, at you service, ma’am!” yumukod pa ito habang nakatingin sa akin kaya alanganin akong ngumiti “Stop it, Dylan! Simulan niyo na kung ano man yang pag-uusapan natin!” feeling ko tuloy may topak ngayong araw si Sir MB kasi kanina pa iritado ang boses niya “Kuya naman, ang sungit mo! Sino ba siya?” tanong pa ni Sir Helious sa boss ko sabay tingin sa akin “She is Almira, my secretary. And she is married!” nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Sir ‘Ano daw?’ “Whoah! Men sayang! Ang ganda pa naman niya!” sabi nung isang nagpakilalang si Sir Dylan kay Sir Helious sabay tapik sa balikat nito “Right! Kaya pwede ba simulan na natin ito? Pwede ba yun!” “Okay!” sabay pa ng sagot ng dalawa kay Sir MB kaya naman pinigilan ko na lang ang sarili ko na matawa Pinag-usapan nila ang mga projects ng isa sa kumpanyang under ng TGC. Sa mga nabasa ko, ang BMA ay isang constuction firm na itinayo ng Daddy ni Sir MB. Hango daw ito sa pangalan ng parents niya which is Blanca and Marcus Ace. Naka-tie up ito sa Saavedra builders, ang kumpanya ng pamilya ni Sir Dylan Glenn Saavedra. Kasosyo din nila dito ang mga Samaniego, Monteverde at mga Segovia. Grabe lang sila no? Parang hindi uso ang magpahinga. Nagpatuloy lang ako sa pagkuha ng notes sa mga napag-usapan nila and after that ay nag-order sila ng coffee and snacks. Sir MB asked me kung ano ang gusto ko pero sinabi ko na coffee na lang. Napansin ko kasi na medyo tumataba ako buhat nung palagi akong kasama ni Sir sa labas. Madalas kasi breakfast at lunch meeting ang pinuntahan namin ni Sir last week. Minsan may kasama pang meryenda at dinner pag inabot na kami ng alanganing oras. Hindi pa ako pwedeng tumaba ng bongga dahil wala pa akong budget para makabili ng bagong damit. Marami pa akong dapat unahin. Isa pa medyo busog pa ako dahil may baong ulam kanina si Sir Gab. Nagluto daw ang Mommy niya at madami itong pinadala. Sabay kaming kumain ng lunch sa cafeteria and he shared his baon. Masarap ang pagkain kaya talagang napadami ang kain ko. “Sure ka ba na may asawa ka na?” biglang tanong ni Sir Dylan sa akin at ayoko namang mapahiya si Sir MB kaya kailangan ko siyang sangayunan “Opo sir! May anak na din po ako!” sagot ko dito at nakita ko na medyo napangiti ang boss ko “Sayang naman!” sabi ni Helious kaya lalong mapangiti si Sir MB “Humanap kayo ng ibang lolokohin!” biro ni Sir sa kanila kaya napakamot pa sa ulo ang mga ito Kung hindi ako nagkakamali ng tingin, baka mga ka-edad ko lang ang mga ito. Isa pa, Kuya ang tawag nila kay Sir so ibig sabihin mas bata sila dito. Pagkatapos ng meeting ay nagpaalam na si Sir MB sa kanila. May pinagbilin pa siya sa mga ito bago kami umalis ng coffeeshop. Last appointment na niya ito para sa araw na ito kaya naman akala ko ay babalik na kami sa office pero nagkamali ako dahil nagpunta kami sa isang sikat na mall sa metro. Hindi na ako nagtanong at sumunod na lang ako kay Sir. Magsh-shopping siguro siya!MitchellIt’s been a week and I guess sanay na si Almira sa trabaho niya bilang assistant ko. I can say that she is efficient and good. Madali siyang matuto at mabilis ang pick-up niya sa mga bagay-bagay.Ang hindi ko lang gusto ay ang pagiging eye catcher niya sa mga nakakaharap ko sa meetings. Napapansin ko ang mga panakaw na tingin sa kanya ng mga lalaking ito at hindi ko iyon nagugustuhan.Well hindi naman napapansin ni Almira iyon kaya kahit papano ay nababawasan ang pag-aalala ko. She just sits and works at ni hindi niya halos tinitignan ang mga taong kausap ko.Nakikita ko na mahiyain siya. And she is so naive dahil hindi niya napapansin ang mga kakaibang tingin ng mga ito sa kanya.Pero kanina, hindi ko na napigil ang sarili ko nang makita ko nilapitan ni Gab si Almira. Hinawakan pa nito ang kamay niya at pakiramdam ko nag-init ang ulo ko dahil doon.One-way ang salamin sa office ko kaya naman nakikita ko sila pero ako, hindi. At sa paraang ito, nasisilayan ko ang magandang m
AlmiraAgad akong tumakbo papasok sa kanto namin nang marinig ko ang balita sa akin ni Aling Tale. Hindi ko lubos maisip na gagawin iyon ni Manang Siona samantalang nakiusap ako sa kanya na sa sweldo ko, babayaran ko na lahat ng utang namin sa kanya at pumayag naman siya.Nasa labas ng apartment namin si Bea na sa tingin ko ay nakikipagtalo pa kay Manang.“Wala akong pakialam!” narinig kong sigaw nito habang kinakandado niya ang pinto ng inuupahan namin“Manang Siona! Bakit naman po ninyo nilabas ang mga gamit namin!” sabi ko dito nang tuluyan na akong makalapit sa kanila“Aba mainam naman at nandito ka na! Hakutin mo na yang mga gamit ninyo at lumayas ka na dito! Bayaran mo ang utang mo sa sweldo mo kung hindi ipapakulong kita!” galit na sabi ni Manang Siona sa akin kaya naman nangatwiran ako“Manang Siona di ba po may pag-uusap na po tayo na babayaran ko naman po kayo sa sweldo ko!” “Oo Almira! Pero nalaman ko na kumuha ka pala ng pera kay Chandru! E bakit hindi mo ako binayaran
MitchellI started driving para dalhin si Almira sa lugar kung saan alam ko na magiging ligtas siya. At dahil nasa ospital pa ang anak niya, minabuti ko ng isama pati ang bestfriend niya na si Bea sa pag-alis niya sa lugar na iyon.Empleyado ko din naman si Bea at nakita ko na matagal na din siya sa kumpanya so it’s okay kung isasama ko siya kay Almira.Tahimik naman si Bea sa likod samantalang si Almira ay nakatingin lang sa bintana. I saw her wipe her tears kaya naman naninikip ang dibdib ko sa nakikita kong kalagayan niya.Mabuti na lang kanina ay sinundan ko si Almira at nakita ko kung ano ang ginawa sa kanya ng matandang yun. Pasalamat siya at marunong pa rin akong gumalang sa nakatatanda kaya pinilit kong pigilan ang galit ko.And I made a very quick decision for her! Hindi ako papayag na inaapi lang siya ng kung sino!“Kalimutan mo na ang nangyari Almira! Hindi ka na babalik sa lugar na yun!” sabi ko sa kanya kaya naman lumingon siya sa akinNagkatinginan kami at nakita ko ang
AlmiraTulala….Ganyan ako sa mga oras na ito matapos kong ihatid si Sir MB sa labas ng townhouse kung saan niya kami dinala ni Bea.Hindi ako makapaniwala na sa ganitong kagarang bahay kami dadalhin ni sir. At wala pa kaming babayarang upa ayon sa kanya kaya lalong nakakagulat.May libre pa ba sa panahon ngayon?Pero itanggi ko man, malaking bagay ito sa amin ni Bea dahil hindi na namin poproblemahin ang buwan-buwang upa.“Kurutin mo nga ako bes!” wala sa loob na sabi ko ng tumabi sa akin si Bea matapos niyang tingnan ang mga damit at sapatos na binigay ni Sir sa akin.“Aray!!!” napahiyaw ako habang si Bea naman ay natawa “Oh ayan! Hindi ka nananaginip!” napangiwi ako dahil sa sakit ng kurot nito“Ang sakit ha!!” pinandilatan ko pa siya ng mata pero tinaasan lang niya ako ng kilay“Ikaw nga eh umamin sa akin, bes!” sabi ni Bea habang hindi binababa ang nakatikwas niyang kilay“Anong umamin?”“Wala ba kayong relasyon ni Sir MB!?” hindi ko napigilan ang kamay ko at nahampas ko ng mah
AlmiraMabuti na lang maagang umalis si Sir MB dahil sa biglaang lakad niya kaya naman nakasabay ako pag-uwi kay Sir Gab bandang alas singko.Tinext ko si Bea at nalaman ko na nasa ospital na daw siya kaya naman doon na ako dumiretso.“Mama!” tawag sa akin ni Andrei nang makita niya ako kaya agad ko siyang nilapitan at hinalikan sa noo“Kamusta ang baby ko?” malambing na tanong ko dito“Magaling na po ako Mama! Mama uuwi na si Andrei! Sabi ni Mama Bea, may new house tayo?” natawa ako sa sinabi ni Andrei kaya naman hinipo ko ang ulo niyaObviously naunahan na ako ni Bea na magkwento kay Inay kaya tiyak narinig ito ni Andrei.“Anak, hindi natin bahay yun! Bahay yun ng boss ni Mama at pinahiram lang sa atin!” paliwanag ko sa bata“Pero Mama pwede po si Andrei doon?” tanong pa niya ulitHe was so excited kaya medyo hinihingal siya kaya sinabihan ko siyang dahan-dahanin ang pagsasalita“Siyempre naman Anak! Kung nasaan si Mama dapat nandun din ang baby, tama ba?” tango lang ang sinagot ni
MitchellMagaan ang pakiramdam ko ngayong umaga after a heavy breakfast that I just had. Hindi ko mapigilang mapangiti lalo pa at si Almira ang nagluto nito para sa akin.Siya ang unang babae na nag-effort to cook for me, well of course except Mom. And I can’t help myself dahil sobrang masaya ako for her sweet gesture.Ang sabi niya, recipe iyon ng itay niya noong nabubuhay pa ito. May maliit daw silang tindahan noon ng mga silog sa harap ng bahay ng lola niya.But when her father died, hindi na sila pinayagan ng mga tiyahin niyang magtinda doon at pinalayas pa sila sa bahay ng lola niya kaya napilitan silang mangupahan.I felt sorry for her dahil hindi naging madali ang buhay para sa kanya.“Sir!” napaangat ang ulo ko at nakita ko ang babaeng kanina pa laman ng isipan ko“Yes Almira?” tanong ko dito “May appointment po kayo in an hour! May meeting po kayo ng daddy niyo sa Le Chateau”“Okay Almira! Thanks!” I stood up and grabbed my phone and keysHindi na ako masyadong nagpapa-driv
AlmiraKinakabahan ako ngayong umaga dahil sa bagong trabaho na idinagdag sa akin ni Sir MB. Hindi ko alam kung bakit ako pumayag sa gusto niya. Ipagluluto ko siya ng almusal sa umaga at sabay na kaming papasok sa opisina.Malapit lang naman ang townhouse niya sa Grand Hotel kung saan located ang penthouse niya. Alam ko naman na pwede akong tumanggi pero hindi ko ginawa at yun ang pinagsisisihan ko dahil kabado bente talaga ako ngayon. Idagdag mo pa ang pakiusap sa akin ng Mommy niya na si Ma’am Ria kaya lalo akong nahihiya na hindi ito tanggapin. Sabi kasi niya, tiyakin ko daw na nakakakain sa oras si Sir.Mabait si Ma’am Ria pati na ang asawa niya na si Sir Marcus. Namana siguro ni Sir MB ang kabaitan niya sa mga ito. At their age kitang-kita mo na mahal na mahal nila ang isa’t-isa. Sana all, hindi ba?‘Talaga ba Almira?’Napailing na lang ako sa pagtatalo ng utak ko! Pero naisip ko naman maliit na bagay lang ito kung tutuusin sa dami ng naitulong sa akin ni Sir. Ako pa nga an
MichellMarami ng tao sa loob ng bar na pagmamay-ari ng mga Samaniego when I arrived. Wala naman talaga akong balak magpunta ngayong gabi pero ayaw akong tigilan ni Helious at ni Dylan lalo at nandito din ang kapatid ko na si Martin at si Joshua XennI scanned the place at agad kong namataan ang pwesto nila. Napailing na lang ako dahil may mga katabi na silang mga babae na kilig na kilig naman sa pambobola nila.“Nandito na siya!” hiyaw ni Dylan kaya sumunod naman ang tatlo sa pagsigaw“Ang ingay niyo! Alam ba ng mga mommy niyo na nandito kayo?” pang-aasar ko sa kanila dahil alam ko naman na tiklop ang mga ito kapag mommy na nila ang pinag uusapan“Sit down, Kuya! Huwag ka ng kontra!” aya sa akin ni Helious sabay abot ng baso which I gladly accepted“Kamusta ang business, Dylan?” tanong ko sa kanya since co-owner sila ng bar na itoHe just shrugged his shoulders sabay tungga ng alak.“Si Dwight ang in-charge diyo Kuya. Mabuti nga pumayag siya na i-handle ito. Kilala mo naman yung isa
AlmiraMasaya akong nakatanaw sa mga anak ko na naglalaro sa dalampasigan habang nakabantay naman sa kanila si Mitchell at si Menggay.Nakaupo ako sa shed dahil buntis na naman ako sa pangatlong anak namin ni Michell. Dahil two years lang ang pagitan ni Matthew at ng kambal ay nagpalipas muna kami ni Michell ng apat na taon bago namin sundan ang kambal.Anim na buwan na ang tiyan ko and this time, it’a only a single pregnancy. And it is a girl!Napagusapan din namin ni Michell na this will be the last time na magbubuntis ako. Ang gusto naman ni Michell ay mag-focus ako sa sarili ko at kapag malaki na ang mga bata, pwede daw akong bumalik ulit sa pagt-trabaho.But then I declined his offer at sinabi ko na mas gusto kong alagaan ang pamilya ko. Hindi naman kasi natatapos ang responsibilidad ng magulang kaya mas gusto ko na masubaybayan ko ang mga bata habang lumalaki sila.John Matthew is now six years old at sa pasukan ay mag-aaral na siya as as Kindergarten student.At his age ay ma
MichellHindi na ako mapakali the moment na ipasok si Almira sa operating room. Tatlong oras na sila sa loob kaya abot-abot ang kabang nararamdaman ko lalo at wala pang lumalabas sa kwartong yun.Uupo ako sandali, pero tatayo din ako agad dahil kinakabahan talaga ako.“Kuya, sit down! Hilong-hilo na ako sa iyo!” reklamo ni Dylan sa akin pero hindi ko siya pinansin“Kuha ba kita ng kape?” tanong ni Josh pero binatukan agad siya ni Helious“Aray! Bakit ba!” angil tuloy ni Josh kay Helious“Nag-iisip ka ba? Ninenerbyos na nga yang tao, papainumin mo pa ng kape?” sabi ni Helious kay Josh“Huwag kayong maingay! Baka palabasin tayo dito!” suway ni Dylan sa dalawang bugok na tila magdidiskusyon paUupo na sana ako pero bumukas na ang operating room at nilabas mula doon si Almira na hanggang ngayon ay tulog pa.Nilapitan ko siya agad at sinabi ng nurse na dadalhin na sa kwarto niya ang asawa ko.Sumabay na kami habang tulak-tulak ng mga nurse ang kama ni Almira. Inilipat siya sa kama the mo
AlmiraGender reveal namin ngayon sa mansion and everyone is excited sa party na inorganize ko. I am currently in my sixth month at nagpapasalamat naman ako na hindi naging mahirap ang pinagdaanan ko habang nagbubuntis.Wala din akong naranasang spottings palibhasa palaging nakabantay sa akin si Michell. Nagpagawa ako ng tatlong arko made of balloons which is colored blue, pink, and a combination of blue and pink.May nakahanda na din na dalawang confetti bomb na papuputukin ni Michell mamaya in time for the reveal.At gaya ng inaasahan ko, nandito ang lahat ng mga taong mahahalaga sa amin ni Michell.Even Tita Connie and her family ay nandito dahil gusto nilang makibahagi sa masayang okasyon na ito.Hindi alam ni Michell ang gender ng anak namin at sinadya ko iyon para mas maging exciting ang aming party.Mabuti na lang, cooperative naman ang asawa ko at hindi na niya pinagpilitan ang kagustuhan niyang malaman na agad ang gender ng kambal.“Okay, ready na ba ang lahat?” tanong ko
AlmiraMagkahawak kamay kaming bumaba ni Michell sa hagdan nang umagang iyon.Walang pagsidlan ang aming kaligayahan matapos naming mag-test pagkagising namin kaninang umaga.Actually kagabi pa gusto magtest ni Michell pero ipinaliwanag ko sa kanya na mas accurate kasi ang resulta kapag sa umaga ito ginawa.At kaninang umaga nga ginawa namin ang test. Pinatakan ko ng urine sample ang tatlong pregnancy test kits at matiyaga naming hinintay ang resulta.And when it came out with two lines, naghihiyaw si Michell sa sobrang saya niya. Niyakap niya ako ng mahigpit saka niya pinaliguan ng halik ang mukha ko.Niyakap niya ako ng mahigpit at naiintindihan ko kung saan nanggagaling ang excitement ni Michell.“Thank you so much sweetie! You made me the happiest man!” bulong niya sa akinMasaya kaming bumaba at naabutan namin si Daddy at Mommy na nasa sala at nilalaro si Matthew.Dito na sila natulog kagabi dahil nami-miss daw nila ang apo nila. “Nandyan na pala kayo! Mag-almusal na tayo!” sab
AlmiraSecond birthday ngayon ni Matthew kaya naman hindi na magkamayaw dito sa mansion kung saan kami lumipat isang linggo matapos ang kasal namin ni Michell.Wedding gift niya daw ito sa akin at hindi ko napigilang maging emosyonal upon seeing it for the first time.Fully furnished na din ito kaya naman okay na ang lahat noong lumipat kami. May househelp na din kaya naman wala na akong masabi kay Michell dahil inayos na niya ang lahat para sa amin.Alas tres ang party at dahil ang anak palang ni Kuya Dustin at Bea ang bata on both sides ay napagkasunduan namin na mag-invite ng mga bata na galing sa bahay-ampunan.Nakaayos na ang lahat at nandito na din ang mga clowns na magpapalaro mamaya para sa bata. Magpe-perform din sila ng magic show kaya sigurado ako na matutuwa ang mga batang dadalo dito.May mga photo booths din na nakahanda as well as stalls of ice cream and cotton candy.Dumating na din sina Dylan, Helious at Josh para tulungan si Michell sa paghahanda para sa ibang kakai
MichellAraw ng kasal namin ngayon ni Almira at kahit hindi ako naniniwala sa mga pamahiin ay wala akong nagawa kung hindi ang sumunod sa gusto ni Mommy na manatili ako sa penthouse, three days before our wedding.Sa telepono ko lang nakakausap ang mag-ina ko at kahit mahirap, kinaya ko dahil na rin sa takot na baka nga hindi matuloy ang kasal namin ni Almira.Maaga kaming nagising ng tatlong bugok dahil dito sila natulog sa penthouse. Nag-order ng almusal si Dylan sa chef ng hotel at nag-almusal muna kami bago kami naligo at nagbihis.Alas- diyes ng umaga ang kasal and I can’t help but to be excited! Finally, ikakasal na kami ni Almira!Wala ng makakapigil!“Ready ka na kuya?” tanong sa akin ni Dylan ng sumilip siya sa kwarto ko“I am? Kayo? Okay na?” tanong ko naman dito“Yes kuya! We better go baka mtraffic tayo!” babala pa ni DylanIt’s eight-thirty in the morning kaya naman nagmadali na ako dahil ayoko namang maunahan pa ako ni Almira sa simbahan.Nasa sala na kami nang ayain ka
MichellNakatayo ako sa harap ng lote kung saan nakatayo ang mansion namin ni Almira. Nabili ko ang loteng ito two years ago before our wedding at nagsimula na ang construction nito bago pa siya mawala sa akin dahil sa pag-aakalang patay na siya.Hindi ko alam kung bakit sa kabila ng pagkawala niya ay ipinagtuloy ko pa rin ang pagtatayo nito.Isang taon ang binuno ng mga tauhan ni Helious para maipatayo ito. At lahat ng gusto ko ay nasunod naman. Ngayong malapit na akong ikasal ay nagpatawag ako ng mga tao para ayusin itong muli.Gusto ko, after ng kasal namin ay dito na kami lilipat. Malapit-lapit naman ito sa mansion ng parents ko kaya magiging madali kung gusto nila kaming dalawin.This will be my gift to Almira after our wedding. This will be our home! Our paradise! Our lovenest!My phone rang and I smiled when I saw that it was Almira.“Hey sweetie!” sabi ko sa kanyaAng alam ko ay nasa labas ito ngayon dahil magkikita-kita sila nila Charlotte at Joebell.“Where are you?” malamb
AlmiraMeeting namin ngayon with the wedding planner na kinuha ni Michell para sa kasal namin at kitang-kita talaga ang excitement sa mga mata ni Michell.Sa office ni Michell ang meeting dahil after that ay may mga kailangan pa siyang pirmahan sa opisina. Mamaya din namin kikitain si Tita Sophia sa Bella Dolcezza para masukatan ako ng gown dahil ito ang gusto niya even two years ago.Kaninang umaga nga, medyo na-late pa kaming bumaba kaya hindi na naman kami nakaligtas sa pang-aasar ng mga kapatid ni Michell.At dahil good mood naman siya, hindi na niya pinatulan ang mga kapatid niya.Naiwan si Matthew kay Mommy dahil lalabas din daw sila mamaya dahil gustong ipag- shopping ni daddy ang unang apo niya.Manifesting for baby number two nga daw, sabi pa ni daddy kaya napailing na lang ako habang namumula ang mukha ko.Mahirap magbuntis at nang ikwento ko kay Michell ang mga karanasan ko habang pinagbubuntis ko si Matthew ay nababasa ko sa mga mata niya ang panghihinayang. Maybe because
AlmiraHindi ko alam kung bakit ako kinakabahan habang nandito ako sa banyo. Nakapag-shower na ako at nakapagbihis na din pero hindi pa ako makalabas lalo at nasa labas na ng kwarto si Michell.Nasa kwarto ng parents ni Michell si Matthew at ito ang unang beses na magsosolo kami ni Michell sa iisang kwarto matapos naming maghiwalay for two years.Although alam ko sa sarili ko na wala naman talagang naganap sa amin ni Jake at tanging si Michell lang ang naka-angkin sa akin, hindi ko pa rin maiwasang kabahan.Huminga ako ng malalim saka ako lumabas ng banyo. Nasa kama na si Michell dahil nauna na siyang mag-shower sa akin kanina. Nakaharap siya sa TV habang hawak ang remote pero nakita ko na agad siyang tumingin sa direksyon ko when he felt my presence.Naupo ako sa vanity mirror and I started doing my skin care routine after blow-drying my hair at mula sa salamin, nakikita ko ang pagsunod ni Michell sa bawat galaw ko.Nang matapos na ako ay lumapit na ako sa kama at sumampa doon. Niya